webnovel

Chapter 62 - Moon Gazing, Nova Chrono Group Meeting

Senju Fanah Point Of View

Nanatili parin ako sa hospital kahit na ilang oras na akong gising. Gusto ko kasing ipahinga pa ang katawan ko bago ako tuluyan na kumilos ulit, gawin ang mga bagay na aking gustong-gustong gawin.

Matapos bumisita nina Rialyn at Rum sa akin, ilang oras lang ang lumipas ay si boss naman ang bumisita sa akin. Nagulat siya at natuwa na makita aking mayroon ng malay.

Kinamusta ako ni boss, nagkwento siya ng ilang mga pangyayari na naganap habang wala akong malay. Natutuwa naman akong malaman na naging miyembro ng gang si Johnbhel, ang Sarimanok Guardian na nakita ko sa labyrinth. Natutuwa din akong malaman na wala ng toxicity na magaganap sa Mythical Glory Class Section 5 dahil halos lumipat sa ibang sections ang mga abnormal naming mga kaklase. Matapos akong kamustahin ni boss, nag-paalam din siya agad para magpalakas.

Nag-iwan siya ng isang bolang crystal, na ang sabi niya sa akin, ito ay isang 'Contact Orb'. Ginagamit ito para sa pakikipag-usap sa mga taong nasa malayong lugar. Sinabing niregister na niya ang pangalan ko sa orb kaya kapag tumawag siya, kailangan ko lang sabihin sa orb ay 'answer' o 'decline'.

*****

I can tell from the air pressure that it's already nightime. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin, ang mana na dapat ay bumalik na sa Sarimanok ay nanatili at naging parte na ng aking mana. I can feel the strong mana flowing into my body just by trying to emit my aura.

Naguguluhan ako, pero kung ganito ang nangyari na sitwasyon, magagamit ko ang mana na ito para sa pakikipaglaban.

Pumasok ang nurse sa silid na aking kinaroroonan, naghatid ito ng aking hapunan. Dahil ilang araw akong tulog, talagang gutom ako. Hindi naging sapat ang mga prutas na dinala para sa akin ni Rialyn kanina, lalo pa't maging si Rum ay nakikain. Loko ang lalaking iyon, pero nagagalak ako sa kaniya at utang na loob ko ang artificial leg na ginawa at kinabit niyang ito para sa akin.

Mabilis lang akong kumain. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ng nurse ang tray na naglalaman ng mga ginamit ko sa pagkain at lumabas sa kwarto. Kaagad naman akong humiga na ginawang unan ang dalawang kamay ko at diretsong tumingin sa magic light na siyang nagbibigay ng ilaw sa silid.

"Gutom parin ako." Reklamo ko. Nainip agad ako sa ginagawa ko kaya naisipan kong tumayo.

Naging mahirap para sa akin na matayo, natakot ang katawan ko na tumayo ng tuwid bigla dahil para bumagsak ako sa sahig. Kasama kong bumagsak ang Contact Orb.

Hindi nagtagal, tumawag si boss. Tumunog ang Contact Orb na sobrang ingay habang sinasabi ang mga katagang 'Shannon Petrini is calling you, please respond'.

"Answer." Sabi ko naman agad bilang pagsagot sa tawag ni boss.

"Hello." Bati niya sa akin.

"Hello boss. Napatawag ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Tch." Angal naman niya agad sa aking itinanong.

"P-pasensya na boss."

"Hah? What for? Idiot. Are you braindead now? Joke." Grabe, ramdam ko ang walang kabuhay-buhay na pagsasalita niya. "Anyways, wanna go outside?" Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Damn, I want to but I still can't stand up straight and walk.

"Pasensya kana boss. Hindi kopa magawang tumayo ng tuwid at lumakad kahit na ginawan na ako ni Rum ng artificial leg." Malungkot na sabi ko.

"Don't worry. I'm coming for you." Deklara naman niya na kaagad ding pinutol ang linya.

I was frozen in shocked on the floor I'm laying at.

Few minutes have pass by, boss really came into the hospital and picked me up.

Nakakahiya na pinasan niya ako sa kaniyang likuran. Tumatanggi ako pero pinipilit niya at nagagalit siya...

Lumabas kami sa hospital, dinala niya ako sa isang park na walang tao. Ang nagbibigay lang ng liwanag sa lugar ay ang maliwanag na sinag ng bilog na buwan.

"Let's celebrate our victory for winning against Don Nervoz." Matamis na ngite na sabi ni boss sa akin. Another gem moment of my boss' smiling.

"Bakit tayo lang ang nandito?"

"Ikaw lang ang available eh..."

"Ganon ba?"

"Oo."

"Hehe..."

"Tawa...itapon kita sa ibang Kontinente diyan eh."

"Sorry boss."

Tumaray pa siya bago nagbitiw ng buntong hininga. "Spacial Storage Magic, Escape Restored Food." Gumamit siya ng isa sa kaniyang mga magic. Lumabas ang maraming mga pagkain sa madamong lupa kung saan kami umupo.

"Food trip tayo habang nagmu-moon gazing." Anunsyo niya sa akin sabay taas baba ng kaniyang kilay. Damn, she's pokerface saying this.

"Lakas ng trip mo boss."

"Ako pa."

"Oo nga ikaw paba."

"Kain ka na, alam kong gutom kadin. Ilang araw, ilang Linggo kang tulog..."

"Perfect timing boss."

"Oh, diba?"

Hindi na ako nag-alangan na kumain nang kumain. Magkasalo naman kasi kami ni boss na kumakain sa mga pagkain niyang dinala.

Inferness, madalang ko lang makita si boss na talagang desididong kumain.

*****

It took us few minutes before we finally ate all the food. 'Diko ko alam kung paano na-digest ng katawan namin ang mga kinain namin. Mga inumin na lamang ang natitira ngayon na iniinom parin namin ni boss habang nakatingin sa maliwanag na buwan.

"Ang ganda putcha!" Sabi ni boss na seryoso ang ekspresyon pero parang mga bitwin na makinang ang mga mata sa pagkamangha sa buwan.

"Boss..." Tawag ko sa kaniya.

"Bakit tatae ka?" Agad naman siyang sumagot.

"Hah? Hindi..." Angal ko naman.

"Ay ganon? Edi, ano nga?"

"Salamat sa pag-aya sa akin."

"Yun lang? Wala yun."

"It's a big deal for me..."

Tumigil siya sa pagtingin sa buwan at lumingon sa akin. She smiled. I don't know why but the moment she smiled to me, the environment near her suddenly became a sparkling background.

"Boss, madalas kanang ngumite."

"Ngayon mo lang ba napansin? Dense lang ang datingan?"

"Pasensya na boss." Humingi agad ako ng pasensya. Bumuntong hininga naman siya.

"There's also one thing that I wanted you to witness kaya kita inaya dito..." Tumayo siya. Inactivate niya ang kaniyang Fire Magic at pinutol niya surprisingly ang kaniyang mahabang buhok. Ngayon ay lumagpas na lang ng kaunti sa kaniyang mga tenga ang kaniyang buhok. Ang buhok na pinutol niya sinunog naman niya.

"Boss?"

"I'm going to get much stronger. I'm also planning to be absent for a whole week. You also need to get stronger Senju, pero hindi kita papayagan na umabsent din ng umabsent."

"That's unfair."

"I don't want you to be left behind because you're..."

"I'm what?"

"Nothing."

I was speechless for a moment. Because it got into my nerves that she cuts her hair like she didn't took a long time making it long.

*****

Third Person Point Of View

Samantala, sa teritoryo ng isa sa 5 Dons, na si Don Nova Chrono...nagpatawag ito ng pulong ng kaniyang mga high ranking officers.

Nagsidatingan naman agad ang mga high ranking officers liban sa isa. Lahat ay umupo sa mga upuan kung saan mayroon ding malaking bilog na mesa.

Walo ang mga high ranking officers ng Nova Chrono Group. Apat sa kanila, madalang lang magpunta sa kanilang kuta, tuwing may importante lang na pulong sila dumadalo. Ang apat na mga ito, ay kilalang team sa Guild. Sila ay double agents na nagta-trabahao bilang adventurers at mga gangsters ng Nova Chrono Group. Ang Nova Chrono Group ang totoo nilang organisasyon na kinabibilangan.

Sila sina Arsah, Mane, Marco at Aimer, Team Arsah kung tawagin ng mga Adventurers. Ang tunay na posisyon naman nila sa Nova Chrono Group ay, 1st, 2nd, 3rd at 4th Unit Captains.

Hindi din tumagal nang makarating na ang mga high ranking officers, dumating na din si Don Nova Chrono at umupo sa kaniyang seat.

Sa pag-upo ni Don Nova Chrono, nagsitayuan ang mga high ranking officers at, "Magandang gabi po sa iyo, boss." Bati ng mga ito saka yumuko.

"Good evening too, now take your seats." Bumati naman pabalik si Don Nova Chrono sa kanila.

Umupo naman ulit ang mga high ranking officers.

"Thank you for responding to my summon. I have you all gathered here for a reason...hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Farezona Family has invaded Mavery Region the other day, the same day the attacking incident in Palkia caused by Winter Gang happened. Farezona got on his hands now the strong fighters Mavery Region have." Paunang sabi ni Don Nova Chrono sa kaniyang mga high ranking officers.

"What? They got those 3 monsters of Mavery?" Hindi makapaniwala na sabi ni Mane sa kaniyang narinig.

"The 'Three Rulers Of Mavery Region'...that's going to make Don Farezona's main force stronger." Reaksyon naman ni Marco na napatingin kay Arsah.

"The Guild still didn't publish anything about that...so we're not aware. Mabilis talaga ang pagsagap mo ng impormasyon, Nova." Sabi naman ni Arsah kay Nova.

Naningkit naman ang mga mata ni Lee, ang kanang kamay ni Nova Chrono. "Manners, Arsah Mchavoc." Sabi nito ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ni Arsah.

"Hayst...sobrang sakit talaga sa ulo ng Farezona Family." Sabi naman ng isang High Ranking Officer na si Narzoto Chavez. Mayroon itong itim na patusok na buhok, itim na almond na mga mata, itim na pilik mata, itim na maikling kilay, pango na ilon, makapal na labi at almond ding kulay ng balat. Wala siyang suot na damit pang-itaas ngunig mayroong kapa na nakasabit sa kaniyang mga balikat. May suot siyang puting pants na kunot-kunot.

"Sinabi mo pa." Sumangayon si Aimer kay Narzoto.

"Ano sa palagay mo, Venom? Kakayanin parin ba natin ang Farezona Family?" Tanong ni Don Nova naman sa isa pang lalaking naka-hood na hindi basta-basta makikita ang mukha nito. Hindi ito kasundo ng mga tauhan ni Don Nova Chrono, kahit pa si Arsah. Hindi din ito nakikipag-usap, liban na lang kay Don Nova Chrono mismo.

"Walang katuturan na tanong. Pinatawag mo kami para lang dito? These weakling high ranking officers of yours should go to hell, but I will remain dominating. Rulers of Mavery? There are four of them, that fourth one can easily solo a whole Don's organization except the Don itself." Sa sinabi ni Venom, narindi nang husto ang mga high ranking officers ng Nova Chrono Group.

"Tense as always." Reaksyon naman ni Lee kay Venom. "Boss, he has a point. There's no need to get worried about Farezona Family. We must focused on our own organization's goal."

"Boss!! Bakit nga pala wala si Sheina?!" Patanong na sigaw naman ni Arsah.

"Bakit ka naman triggered bigla?" Tanong pabalik ni Lee kay Arsah.

"Expell her from this gang!" Sigaw muli ni Arsah. Napatapik naman si Don Nova Chrono sa kaniyang noo.

(Why did I even summon you in the first place. Am I getting anxious about Farezona's increasing power?) Sabi ni Don Nova Chrono sa kaniyang sarile.

Itutuloy.

Author's Note; Nova Chrono Group Officers

Boss - Nova Chrono (Arcane Stage)

Vice Boss - Lee (Arcane Stage)

1st Unit Captain - Arsah Mchavoc (Stage 0)

2nd Unit Captain - Mane (Stage 1)

3rd Unit Captain - Marco (Stage 1)

4th Unit Captain - Aimer (Stage 1)

5th Unit Captain - Narzoto Chavez (Stage 0)

6th Unit Captain - Sheina Barsley (Stage 0)

7th Unit Captain - Venom (Arcane Stage)

Chapitre suivant