webnovel

Chapter Two

"Hi, Polinar!" Ngiting bati ni Kalaykay sabay kaway sa akin. Ngumiti ako sa kanya at lalo siyang ngumisi sa akin.

"Saan ka?" Tanong niya at tinignan ang dala kong itim na pahabang bag at sa akin. "Aalis ka?"

"Hindi. Pinapunta ako ni Ama kina Ate Liana." Sagot ko sa kanya habang naglalakad sa side walk kung saan nakaparada ang mga tricycle sa bus stop.

"Ha? Huwag mong sabihin na ipapadala ka sa Maynila ni 'Nong Tansong at pagtratrabahuin ka sa club ni Liana sa Maynila?" Gulat na tanong ni Kalaykay. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Mukha nga. At saka, hindi din ako tatagal sa club ni Ate Liana. Tatlong buwan lang ako sa club at sa loob ng tatlong buwan na iyon, nakahanap na ako ng trabaho." Sagot ko sa kanya.

"So, side line muna ang club ni Liana hanggang sa makahanap ka ng trabaho? Baka mapapahamak ka habang nasa club ka ni Liana. Alam mo namang tumatahol ang club ni Liana dito sa atin dahil tatlong beses ng pinasirado ang club niya dahil walang permit ang club niya." Tugon ni Kalaykay.

Tumigil kami sa harapan ng gate ni Ate Liana kung saan may mga babaeng mukhang parehas kami ko ng edad. Lumingon ako kay Kalaykay at nginitian siya.

"Makaka-survive ako sa Maynila, Kalaykay. Ako pa?" Sabay tawa ko. Ngumisi siya sa akin ng bahagya at umiling. "Sige na. Salamat sa paghatid sa akin dito. Nawawalan ka na ng pasahero dahil sa pagsabay mo sa akin dito."

"Hindi ako mawawalan ng pasahero. Ako pa? Sa gwapo kong to at sa kinis kong to? Siguradong dadami ang pasahero ko." Natatawa niyang sabi sa akin. Napailing ako sa kanya at tinignan ang mga magiging kasama ko sa Maynila.

"Pero, mawawalan ako ng paseherong maganda." Lumingon ako sa kanya at binatukan siya.

"Sige. Isa pang hirit mo, Kalaykay." Banta ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako habang hinihimas ang batok niya.

"Ang lakas ng batok mo, Polinar. Ay! Sabi pala ni Kolin, chat mo daw siya kapag may oras ka." Sabi niya. Umayos ako ng tayo at tinignan muli ang mga kasama ko na maghahanda na pumasok sa van ni Ate Liana.

"Opo, Papa Kalaykay." At nagsimula na akong pumunta sa mga kasama ko. Humurap ako kay Kalaykay na kumaway sa akin, kumaway ako sa kanya pabalik at pumasok sa van.

"Polinar Mayordoma. Nandito ba?" Tawag ni Ate Liana sa akin na nasa tabi ng driver. Umayos ako ng upo at hinagkan ang bag ko.

"Nandito po." Tugon ko at nginitian si Ate Liana na humarap sa akin, nginitian niya din ako.

"Mabuti naman at pinayagan ka ni Tansong at Lisa, Polinar? Akala ko hindi ka ipapadala sa Maynila ni Lisa." Tanong ni Ate Liana.

"Si Ama po ang nagsabi kay Ina at sumang-ayon naman si Ina." Sagot ko kay Ate Liana na kita kong ngumisi siya.

"Akala ko hindi ka papayagan. Ilang taon ko na kinubinsi si Lisa at Tansong na isali ka sa club ko, sigurado akong dadami ang titable sayo dahil sa kinis mo at may itsura pa." Yumuko ako sa sinabi ni Ate Liana at hindi na nagsalita.

Gusto ko pang mag-aral pero pinagbawalan na ako ni Ina na lumapit kay Aling Perla at Ate Grace na naka-handa ng supportaan ang pag-kokoloheyo ko.

Gusto kong magtrabaho pero hindi ganitong trabaho. Sabi ni Ina, kasali daw ang himas sa hita at halik-halik sa leeg ang magiging trabaho ko sa club ni Ate Liana.

Labag sa loob ang magiging trabaho at mukhang ganon din ang ibang kasama ko rito sa loob ng van na umuusad papunta sa Maynila.

Sabi ni Ate Liana habang nasa kaligitnaan ng byahe, aabutin kami ng gabi at doon na magsisimula ang trabaho namin.

Ang iba sa kasama ko, excited at kinakabahan dahil baka manyakis ang titable sa kanila. Sa akin, excited na kinakabahan na takot dahil magkatrabaho na ako at kinakabahan na baka manyakis din ang titable sa akin at takot na may magyari sa akin na hindi maganda.

"Nandito na tayo." Anunsyo ni Ate Liana, ilang oras lumipas at bumaba ng van. Siya ang nagbukas ng van at dahan-dahan kaming lumabas at tinignan ang itsura ng club ni Ate Liana bago pumasok sa likuran ng club.

Mukhang sikat ang club ni Ate Liana dahil madaming nakaparadang kotse at may mga taong nakatambay sa labas ng club niya.

"Ilagay niyo ang mga gamit niyo sa sofa at siguraduhin niyong nakalock ang dapat ilock, ha? At suotin niyo ang damit na dadalhin ni Maria dito." Sabi ni Ate Liana at iniwan kami sa dressing room.

Naghanap ako ng pwesto na hindi makikita ng direkta. Wala naman akong mahalagang iniwan sa bag ko aside sa requirements ng kasambahay o waitress.

"Welcome sa Xbounce's Club. Ako nga pala si Maria, ang manager assisstant ni Miss Liana, ang may-ari at manager ng Xbounce's Club." Pakilala ng bagong dating at binagay sa amin isa-isa ang pares ng damit.

"Iyan ang isusuot niyo ngayon. Ang gagawin niyo lang ngayon, uupo sa tabi ng club. May nakaharang na malabo na salamin sa pagitan niyo at sa mga costumers na handa kayong bayaran ngayong gabi. May nakasalalay na numero kayo isa-isa at yung numero niyo ang nagsisilbi niyong pangalan ngayong gabi." Sabi ni Ate Maria at binigay sa amin ang rectangular shape na placard.

Number 12 ang sa akin at mukhang ako ang pinakahuling bilang sa amin. Umalis si Ate Maria at tinuro ang cr kung saan kami pwedi mag-palit ng damit.

"Hi, pwedi makisabay sayo sa loob? Nandoon na kasi si Ate Maria at pinapadali tayo." Tanong ng isa sa kasama ko. Naduling ako sa ganda niya, morenang morena siya.

"S-sure." Ilang tugon ko at pumasok sa cr. Nagmadali siyang hubarin ang blouse niya at tumanbad sa akin ang ikinahihiya ko sa tanang buhay ko.

"Sorry ah? Nagmamadali ako eh. Ay! Ako nga pala si Miya Salvador, ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong niya habang sinusuot ang off-shoulder na croptop na kulay itim.

"P-polinar Mayordoma." Sagot ko sa kanya at hinubad ang pantalon at T-shirt ko at sinuot ang skirt na hanggang gitna ng hita ko at croptop na may pahaba na galing sa kanan papunta sa kaliwa na kulay itim din.

"Ang ganda mo, Linar." Napa-angat ako ng tingin kay Miya na ngumiti sa akin. "Linar nalang ang tawag ko sayo kasi masyadong boyish ang Polinar. Tawagin mo kong Miya!" At umarte siyang nasa online game na nilalaro ni Kalaykay sa computer shop kina Kania sa probinsya.

"Tara na, Linar. Baka hinahanap na tayo. Sana walang titable sa atin na manyakis. Mapapatay sila sa boyfriend ko." Natatawang sabi niya at sabay kaming lumabas ng cr. Handa na kaming lahat at nilagay ang numero sa gilid ng bewang namin bago pumasok mismo sa loob ng club ni Ate Liana.

"Ang ingay pala rito." Natatawang sabi ni Miya na katabi ko. Number 11 siya na ikinasaya ko dahil kilala ko ang katabi ko. Hindi gaya ng iba naming kasama na may grupo na.

"Uy, mag-salita ka diyan. Mukha akong timang dito dahil hindi ka nagsasalita diyan." Sabi ni Miya sabay sundot ng balikat ko.

"S-sorry. Naiilang kasi ako." At biglang napalingon sa harapan namin at ganon din ang kasama ko dahil sa biglang pag-play ng music sa intablado.

"Good evening! Magsisimula na ang picking for bounce's!" May narining akong sigawan ng mga kalalakihan. "Okay! Simulan na ang bunutan!" Sabi ng nasa intablado at sinabiyan ng tugtug na pumipili ng ticket o balota.

Pangalan ng mga customer sa loob ng club ngayon ang nasa box o fish ball at ang may-ari ng pangalan na iyon ang pipili ng numero na hanggang sa labing-dalawa, sabi ni Ate Maria kanina sa amin.

"Rinig ko nandito daw si Rance at Kyron."

"Weh? Saan naman 'yan nanggaling? Imposible na nandito ang mag-pinsang Millionaire."

"Oo nga. Chinat ako ng kaibigan kong fan na fan si Rance Millionaire. Nandito daw si Rance, nag lilive sa Instragram at pinakita pa si Kyron!" Tili ng kasama ko.

Tinignan ko si Miya na lumingon din sa akin. Yumuko ako sa kanya. "Sino si Rance at Kyron at mukhang sikat sila?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Hindi mo kilala ang mag-pinsang Millionaire!?" Gulat na tanong ni Miya na ikinalingon ng mga kasama namin sa akin. Yumuko ako at bahagyang kinurot si Miya.

"Girl, hindi mo kilala sina Rance at Kyron? Saang planeta ka ba galing at hindi mo kilala ang mag-pinsang sobrang sikat ngayon sa Pilipinas?" Tanong ng mukhang mataray na kasama ko sa akin.

"A-ah... E-eh... N-narining ko iyang pangalan sa kaibigan ko sa amin pero hindi ko kilala kung sino sila." Sagot ko sa anya at yumuko.

"Ah, okay. Basta. Nandito ang mag-pinsang Millionaire." Sabay tili niya. Nilingon ko si Miya na kagagaling lang sa pagtaas ng kilay sa mukhang mataray naming kasama.

"May pa-taas taas pa ng kilay. Hindi naman kagandahan. Mas maganda ka pa nga kesa sa kanya." Bulaslas niya sabay tingin sa akin.

"Mas maganda ka kesa sa akin." Bulong ko na ikinataas niya ng kilay sa akin. Kumurap-kurap ako at umiwas ng tingin.

"Ano? Mas maganda ako sayo? Wala ba kayong salamin sa bahay niyo? Mas maganda ka kaya kesa sa akin." Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya.

"Tinatago mo ang magandang kurba ng katawan mo." Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. "Sigurado akong dadaming titable sayo, pero baka mga manyakis nga lang." Ngiwi niyang sabi at binitawan ang baba ko.

"Number 8." Rinig naming dalawa na ikinalingon namin sa kasama namin. Tumayo ang mukhang mataray sa amin at hinawi ang buhok niya bago lumabas.

"May pa-flip hair pang nalalaman eh, mukha namang nasa 40's ang pumili sa kanya." Iritang bulong ni Miya sa akin.

"Millionaire." Tawag sa pangalan ng babae na nasa intablado. Lumingon ako sa kasama ko, nag tilian sila at inayos ang buhok nila at pinahid ang noo nila o leeg.

"Oh my gosh! Si Rance ata ang nabunot!"

"Baka si Kyron!"

"Baka si—"

"Number 12." Napatigil sila sa mahinahon boses na mukhang tamad na sa club. Tinignan ko ang kasama ko, lumingon sila sa akin habang naka-taas ang kilay nila.

"Hoy, Linar! Ikaw ang napili! Dali na!" Taranta akong tumayo dahil tinutulak ako ni Miya pababa ng upuan ko. Inayos ko muna ang buhok ko at bumuga ng hangin bago lumabas.

Pumunta ako kay Ate Maria na sinenyasan ako palapit sa kanya. "Umupo ka sa tabi ng customer at sundin ang sinasabi niya. Okay?" Tumango ako sa kanya at pumunta sa tinuro niyang half circle na sofa na kaharap ang intablado.

Hindi ko alam kung anong itsura ng lalaking pumili sa akin dahil naduduling ako sa lights at tugtug na malapit lang sa kinauupuan ko.

"Sit here." Lumingon ako sa lalaki na tinap ang katabi niyang pwesto. Alinlangan man at kinakabahan, sinunod ko ang utos niya dahil sabi iyon ni Ate Maria na susundin ko ang utos ng customer ko.

"Last bounce! Millionaire!" Anunsyo ng babae sa intablado. Lumingon ako sa pinanggalingan namin ng kasama ko, si Miya ang lumabas na mukhang taranta dahil sa galaw ng ulo niya at dumiretso katabing sofa kung saan ako at ang customer ko.

"Your friend?" Lumingon ako sa mahinang boses na mukhang tinamad na lalaki na nakatingin sa gawi ko pero hindi ko pa rin maaninag ang itsura niya.

"O-opo." Sabay yuko kong sagot dahil iniiwasan ko ang usok ng sigarilyo na galing sa kanya. Mas malaki ang epekto ng usok sa sigarilyo sa lumalanghap kesa sa gumagamit, ayon sa Science teacher namin.

"Sorry about that and don't worry about your friend. She's safe with Rance even he look like a playboy." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"I-ikaw si Kyron M-millionaire?" At agad akong napalunok dahil sa tanong ko. Hindi ako marunong umalala ng pangalan na hindi ko kilala ang mukha at kakilala nila Ina at Ama.

"No. I'm Laylac Millionaire and Rance is my couzin. My father's side." Mahina akong bumuga ng hangin at umuwas ng tingin sa gawi niya dahil hindi ko maintindihan kung bakit.

"Akala ko ikaw si Kyron na pinsan ni Rance." Mahinang bulong ko at sumandal sa likod ng sofa at tinignan ang mga tao sa mga kasama kong naka-upo sa hita ng pumili sa kanila na agad akong umiwas.

K-kailangan ko... rin... gawin yun?

"Why? Is there a problem about Kyron's name?" Tanong niya ulit na hindi ko alam kung initeresado ba siya o napipilitan kang siya dahil sa tamad ng boses niya.

"Hindi. Gusto kasi ng mga kasama ko maliban sa kaibigan ko na si Kyron o si Rance ang titable sa kanila." Sagot ko sa kanya at lumingon kay Miya na mukhang may pinagawa si Rance sa kanya.

Na-estatwa ako dahil sa gulat at mabilis na tumatakbo ang dibdib ko na hindi ko alam kung bakit. Pigil hininga akong pumirme sa pwesto ko dahil sa kaba at hindi alam ang gagawin.

"Don't move." Bulong niya at muling dinapi ang labi niya sa leeg ko at nararamdaman kong sinisipsip niya ang balat ng leeg ko at dinilaan na ikinabilong ng kamay ko sa aking hita.

"B-bampira ka ba?"

Chapitre suivant