webnovel

Chapter Thirty Eight

Anong ginagawa natin ditto?" tanong ni Achellion sa dalaga nang bigla siya nitong dalhin sa isang amusement park. Akala niya kung saan sila pupunta ni Aya nang yayain siya nitong lumabas iyon pala dadalhin siya nito sa isang amusement park.

"Hi pogi!" wika nang isang baklang dumaan sa harap nila ni Aya kumaway pa ito kay Achellion. Nang makita ni Aya ang ginawa nang bakla agad niyang ipinulupot ang kamay sa braso nang binata dahilan upang mapatingin si Achellion sa dalaga.

"Anong ginawa mo?" tanong ni Achellion sa dalaga. agad din namang tinaggal ni Aya ang kamay nang mapansing hindi naman nagustuhan nang binata ang ginawa niya. Napalabi siya saka nagpatiunang maglakad. Napangiti naman si Achellion sa naging reaksyon ni Aya saka niya ito sinundan.

"Huh?!" singhap na wika ni Aya nang bigla siyang akbayan ni Achellion at kabigin palapit ditto.

"Pwede ko naman gawin 'to hindi ba?" Natatawang wika ni Achellion. Pasimpleng ngumiti lang si Aya. Dinala ni Aya si Achellion sa isang photo both.

Noong una ayaw pang magpakuha nang picture ni Achellion ngunit dahil sa pamimilit ni Aya hindi rin nakatanggi si Achellion.

"Oh diba. Maganda hindi ba?" natatawang wika ni Aya at ipinakita sa binata ang larawan.

"Para naman akong sira diyan." Wika ni Achellion.

"Hindi naman ah." Natatawang wika ni Aya. "Ikaw ang pinakagwapong sira na nakilala ko." tuwang-tuwang wika ni Aya. "Ilalagay ko sa wallet ko ang picture na to para parati kitang maalaala. At madaling makita." Wika ni Aya.

"Really now?!" pilyong wika ni Achellion at lumapit sa dalaga. Na off guard naman ang dalaga dahil sa ginawa ni Achellion lalo pa siyang na awkward dahil maraming tao sa paligit nila aatras sana siya pero biglang inilagay ni Achellion ang kamay nito sa leeg niya. Bakas ang takot sa mukha nang dalaga.

"Ibinabalik ko na to saiyo." Wika ni Achellion at hinubad ang singsing na kwentas na ibinigay sa kanya ni Aya. napatingin si Aya sa kwentas na isinuot sa kanya ni Achellion. Natatandaan pa niyang ibinigay niya iyon sa binata noong huling laban nila at sinabing kailangan nitong bumalik at muling ibalik sa kanya ang singsing.

Napangiti naman si Aya habang nakatingin sa kwentas saka bumaling kay Achellion. Hindi niya akalain na sa kabila nang mga pinagdaanan nila magkasama sila ngayon. Masaya na siya habang nasa piling nang binata. Ngunit natatakot din siya. Dahil hanggang kailan sila magiging masaya?

"Bakit ka naman nakangiti na parang sira?" tanong ni Achellion sa dalaga.

"Dahil masaya lang ako. INiisip ko ang mga nangyari sa atin. Sa kabila nang mga kaguluhan kasama pa rin kita. Dati hindi ko iniisip na maswerte ako. I suddeny realize how lucky I am. Dahil nakilala kita." Wika ni Aya at inilagay ang kamay sa braso nang binata.

"Mabuti naman at masaya ka." Ngumiting wika ni Achellion. Natatakot din siya sa pwedeng mangyari batas nang langit at kalikasan ang sinusuway niya dahil sa pagsunod niya sa puso niya. Talaga bang kasalanan magmahal? Hindi na ba pwedeng umubig ang mga kagaya niya? ANo pang silbi nang puso niya kung hindi pwedeng gamiting?

Palabas na sana si Aya at Achellion sa amusement park nang bigla silang salubungin nang mga lalaking nakasout nang damit nang sundalo. Huminto rin ang isang Van sa harap nila. Lumabas doon si General Mendoza sa takot ni Aya agad siyang nagkubli sa likod ni Achellion.

"Captain Dranred Bryant. Mabuti naman at nandito ka. Hindi na ako mahihirapang hanapin ka." Wika nito. "Kasama mo pala ang pamangkin ko. Maiinam hindi na ako mahihirapan pang mahuli ang dalagang yan."

"Anong kailangan mo kay Aya." wika ni Achellion at iniharang ang katawan sa dalaga.

"Ibibigay mo sa akin ang dalaga nang hindi lumalaban kung ayaw mong may mangyaring masama sa ama mo." wika ni General Mendoza at inutusan ang isa sa mga sundalo na ilabas mula sa Van ang isa pa nilang bihag. Sapilitang inilabas nang lalaki si Niel Bryant. Naka tali ito at Naka piring ang mata.

"Anong ginawa mo sa kanya?" galit na asik ni Achellion. kahit naman bumalik na siya sa dati niyang katauhan hindi naman niya nakakalimutan ang taong nagligtas sa kanya na ngayon ay sa palagay niya nasa panganib.

"Aya!" wika ni Achellion nang biglang hatakin nang isang lalaki si Aya palayo sa kanya.

"Bitiwan mo ako. "Nag pumiglas ang dalaga ngunit bigla siyang tinutukan nang baril nang lalaki.

"Anong Ginagawa mo?" asik ni Achellion nang makita ang ginawa nang lalaki. Akmang susugod ang binata nang bigla siyang hatawin nang baril nang isang lalaki sa likod. Hindi napaghandaan ni Achellion ang ginawang iyon nang tauhan ni General Mendoza. Napaluhod ang binata sa lupa dahil sa ginawa nang lalaki. Hindi na nagawang tumayo nang binata dahil bigla siyang tinutukan nang baril sa ulo nang Lalaki.

Nagsitakbuhan ang mga tao sa amusement park nang makita ang nangyayari. Wala ring nagtangkang tumulong sa kanila dahil sa labis na takot.

"Huwag mong subukang manlaban" Anang Heneral "Ikaw lang din ang masasaktan." Dagdag pa nito.

"Achellion!" wika ni Aya dahil sap ag-aalala. "Bakit mo ba ito ginagawa?" asik ni Aya sa tiyuhin niya. Kahit kailan naman hindi sila naging magkasundo.

"Dranred ikaw ba yan?" Wika nang matandang nakapiring ang mata. "Dranred? Anong nangyayari?" tanong nang matandang lalaki.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ka naming sasaktan kung makikisama sa amin ang anak mo." wika nito sa mantanda. "Dalhin sila!" utos nang Heneral sa mga tauhan. Sapalitan nitong sisinakay si Achellion at Niel sa isang Van habang inihiwalay naman nito si Aya. Hindi magawang lumaban ni Achellion gamit ang lakas niya dahil natatakot siyang baka may kung anong gawin ang General sa dalaga at sa itinuring na ama.

Buong maghapong hindi Nakita ni Eugene si Achellion at Aya sa bahay nila. Hindi naman umaalis ang kapatid niya nang hindi nagpapaalam. Hindi nito sinabi kay Julius na matatagalan sila ni Achellion sa labas. Ang paalam niya kanina ay ipapasyal niya ang binata sa amusement park. Nagtataka siya dahil halos palubog na ang araw hindi parin bumabalik ang dalawa.

Hindi pa rin dumarating si Butler Lee. Umalis ito dahil sa mga papeles na inaasikaso nito. Tumutolong ito sa kanila ni Aya na maibalik sa kanila ang Pera nang lola nila na sapilitang kinuha ni Berndatte. Kapag matatagalan ito tumatawag naman ito sa kanya. Nagtataka siya kung bakit wala pa rin ang binata.

"Bakit Eugene?" tanong ni Jenny at lumapit kay Eugene nasa harap ito nang gate. Kanina pa niya pinagmamasdan ang kasintahan. Halatang hindi ito mapakali.

"Nagtataka lang ako kung bakit wala pa rin si Aya at Achellion. Maging si Butler Lee ay wala din. Nag-aalala lang ako." Wika ni Eugene.

"Baka naman nawili sa pamamasyal ang dalawa.. Ngayon lang uli siya nakalabas matapos ang mga nangyari sa atin. Hwag ka nang mag-alala. Isa pa kasama naman niya si Achellion. SIya ang taong hindi pababayaan si Aya. He is more than Capable of keeping her safe." Wika ni Jenny at hinawakan ang kamay nang kasintahan upang kumalma ito.

"Hanggang ngayon hindi pa rin natatapos ang banta sa buhay natin." Wika ni Eugene.

"Hindi mo maiiwas sa akin na mag-aalala sa kanya. Lalo pa't madalas siyang makidnap." Wika ni Eugene at nilingon ang kasintahan.

"Sa loob na natin sila hitayin dumidilim na." wika ni Jenny. Simpleng tango lang ang tinugon si Eugene saka sumama sa Kasintahan papasok sa loob nang bahay.

Malalim na ang gabi hindi pa rin bumabalik ang tatlo. Nagsimula na silang kabahan. Tinawagan ni Eugene ang ilan sa mga kakilala ni Butler Lee upang alamin kung dumaan ang binata sa kanila ngunit wala namang makapagsabi kung saan naroon ang binata. Hindi rin dumaan sa opisina nila ang binata.

"Pati si Aya at Achellion Nawawala din." Wika ni Julius. "Saan kaya nagpunta ang mga iyon. Bakit hindi pa sila bumabalik." Wika nang binata at naglakad patungo sa pinto.

"Ayokong mag-alala ngunit sa dalas at dami nang kinakaharap nating mga problema Hindi ko magawang hindi mag-alala." Wika ni Meggan. "Paano kung nasa panganib na naman ang mga iyon?"

"Kayang ipagtanggol ni Achellion si Aya." Ani Rick. "Higit kanino man siya ang may sapat na lakas upang ipagtanggol si Aya." dagdag p nito.

Ngunit kahit anong sabihin nang iba hindi pari maiwasan ni Eugene na hindi mag-alala. Kaligtasan nangkapatid niya ang iniisip niya. Hindi niya alam kung anong nangyari sa mga ito. Naramdam ni Eugene ang paghawak ni Jenny sa kamay niya. Isa iyong Assurance na maging okay lang ang lahat.

Chapitre suivant