webnovel

Chapter Thirty Six

Anong ginagawa niya ditto?" Gulat na wika ni Frances nang makita si Arielle na kasama ni Julianne na dumating sa condo niya.

"Kaibigan ko siya. Mas mabuting may kasama ka ditto. Baka balika ka nang baliw na director na iyon." wika ni Julianne.

"Bakit hindi na lang ikaw ang sumama sa akin ditto?" wika ni Frances at iniangkla ang kamay sa braso ni Julianne.

Tse. Napabuga nang hangin si Arielle at naglayo nang tingin. Bakit ba naiinis siya sa ikinikilos ang dalaga. at bakit ba siya pumayag na maging body guard nang dalagang ito. Alam niyang nag-aalala si Julianne sa dalaga ngunit hindi naman niya iyon problema at wala siyang pakiaalam. Sinabi na niyang ayaw niyang makiaalam sa problema nang mga mortal. Ngunit heto siya ngayon.

"I don't like her." Wika ni Frances.

Huh! Hindi makapaniwalang singhap ni Arielle dahil sinabi ni Frances.

"Mabait naman si Arielle. At isa pa mababantayan ka niya. Hindi natin alam kung kailan ka ulit babalikan nang pyscho mong stalker mas mabuti na yung may bantay ka." Wika ni Julianne.

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang?"

"Ano ka ba? Gusto mo bang ma chismis ka na naman. Ano nalang ang iisipin nang ibang tao kapag nalaman nilang may kasama kang lalaki sa unit mo. e di mas lalo kang napasama." Wika ni Julianne.

"Sabihin mong ayaw mo lang akong makasama." Napasimangot na wika nito at naglakad papasok sa loob nang unit susundan sana ni Julianne ang dalaga ngunit biglang pinigilan ni Arielle ang kamay niya.

"Bakit?" tanong ni Julianne sa dalaga.

"Pwede bang tigilan mon a ang ginagawa mo? Huwag ka nang manghimasok sa problema nang mortal na iyan."

"Kaibigan ako ni Frances. Pinagkakatiwalaan niya ako. Isa pa, kung iiwan ko siya baga hindi niya kayanin ang mga mangyayari." Wika ni Julianne ta tinanggal ang kamay ni Arielle.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit, hindi mo na nagagawang magbukas nan ibang dimension? Hindi mo na rin nararamdaman ang presensya nang mga fallen angel hindi ba? Wala ka na ring kakayahang ibalik ang orihinal mong anyo biglang si Leo. At humina na ang spiritual mong kapangyarihan." Takang napalingon si Julianne sa dalaga. tama ito sa lahat nang mga sinabi. Lahat nang mga iyon unti-unti nang nawawala sa kanya.

"Nagiging mortal ka na Leo. Kapag nangayari iyon. gaya nang isanng mortal. Tatanda ka. Masusugatan ka, Mamatay ka. Kaya naman---" putol na wika ni Arielle.

"Ano pa bang ginagawa niyo diyan." Ani Frances at naglakad palapit sa kanila. Hindi na naituloy ni Arielle ang iba pang sasabihin niya dahil baka marinig sila nang dalaga. sa huli wala din siyang nagawa kundi ang pumayag na makasam ni Frances sa unit nito.

Ilang araw din siyang nanatili sa bahay ni Frances. At may mga bagay siyang nalaman sa dalaga. SImula nang maputol ang ugnayan nang pamilya niya at nang pamilya ni Eugene dahil sa arrange marriage na hindi natuloy. Itinakwil siya nang pamilya niya. Nalaman din niyang may anak sa labas ang daddy nito. May anak ang ama nito sa isang dating artista. Isa ito sa mga bagay na nagpasama nang loob ni Frances at dahilan upang magrebelde siya.

Nang mga panahong iyon ang film director ang naging sandalan niya. dahil sa kabaitan nito nahulog ang loob ni Frances sa lalaki. Naging magkasintahan sila hanggang sa malaman ni Frances na may asawa na pala ito. Siya ang sinisisi nang babae kung bakit nasira ang pamilya nila. Siya din ang sinisi nang lahat kung bakit nag suicide ang babae.

"Ah!" impit na tili ni Frances nang maramdaman ang mga bisig na humawak sa bewang niya. agad namang binusalan nang kung sino ang bebeg niya pilit na nagpumiglas si Frances ngunit malakas ang mga bisig hindi niya magawang makawala. Wala sa loob nang unit niya si Arielle dahil nagpaalam itong pupunta sa safe house para kumuha nang mga gamit. Hindi rin dumalaw si Julianne dahil sa mag inaasikaso ito.

Biglang bumukas ang ilaw.

Ganoon na lamang ang gulat ni Frances nang makita ang asawa nang film director. Nanlaki ang mata niya nang makita ang babae. Ang alam niya nag suicide ito. Lalong nahintakutan si Frances nang makita ang duguang katawan nang film director na nasa kama niya. wala itong suot na damit habang naliligo sa sariling dugo. Gusto niyang sumigaw ngunit nakatakip sa bibig niya ang kamay nang lalaki at mahigpit din ang hawak nito sa kamay niya.

"Long time no see." Nakangising wika nang babae. "Akala mo ba ganoon ako kadaling sumuko. Did you enjoy na news na nagpakamatay ako dahil hindi ko nakayanan na nambabae ang walang kwenta kung asawa?"

"Dahil sa galing kung umarte pwede na siguro akong maging artista." Wika nang babae at suminyas na alisin nito ang kamay sa bibig ni Frances.

"Baliw ka na!" sigaw ni Frances. Ngunit isang malakas na sampal ang isinagot nang babae sa kanya.

"At sa tingin mo sino ang dahilan!" asik nang babae. "Sinira moa ng buhay ko! SInira mo ang pamilya ko. bagay kayong dalawa. Isang walang kwentang director at isang bayarang fashion designer." Dagdag pa nito. "Maswerte ka pa din dahil hindi ikaw ang pinatay ko. Hindi ako galit sa iyo. Nagpapasalamat pa nga ako dahil sa ginawa mo. nagkaroon tuloy ako nang dahilan para tapusin ang buhay nang inutil na yan." Wika nito at bumaling sa walang buhay na director.

"You want to know a secret?" she smirk. "Matagal ko nang gustong patayin ang lalaking yan. Kaya lang, kapag nagkataon ako agad ang mapagbibintangan. Mabuti nalamang at dumating ka. Nagkaroon ako nang perfect alibi at dahil alam nang mga taong patay na ako. Kapag namatay ang lalaking yan hindi na ako mapagbibintangan. Isa pa, ngayong nasa kama mo ang lalaking yan ikaw na agad ang mapagbibintangan na pumatay hindi ba? Aakalain nang mga tao. You lured him ang kill him. Dahil sa mga nangyayari sa iyo siya ang sinisisi mo at dahil ayaw ka niyang tigilan, wala kang ibang nagawa kundi ang patayin siya upang tuluyan na siyang mawala sa landas mo. magandang istorya hindi ba?"

"Baliw ka na!"nagpumiglas na wika ni Frances.

"Sisihin moa ng sarili mo. Kung hindi ka naghimasok sa buhay ko. Hindi ka madadamay. Kung hindi ka pumatol sa inutil na yan tahimik sana ang buhay mo." wika nito. "But don't worry. Hindi naman magtatagal ang paghihirap mo. Ill make sure magiging madali lang ang lahat." Wika nang babae. Biglang naramdaman ni frances ang matigas na bagay na tumama sa batok niya dahilan upang magdilim ang paningin niya. unti-unting nawalan siya nang malay. At hindi na niya alam kung ano ang sumunod na nangyari.

Nang magising si Frances nasa loob na siya nang ospital, napansin din niyang nakaposas ang isang kamay niya.

"Julianne!" wika ni Frances nang magising at makita ang binatang nakatungo ang ulo. At natutulog. Si Arielle ay nasa loob din nang silid.

"Frances." Wika ni Arielle nang makitang gising na ang dalaga. agad siyang tumayo at lumapit sa dalaga. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Arielle? Anong nangyari? Bakit ako nandito?" nagtatakang tanong ni Frances. Wala siyang maalala sa mga nangyari.

"Frances." Wika ni Julianne at biglang nagising.

"Julianne anong nangyari? Bakit ako nandito? Bakit ako may posas?" sunod-sunod na tanong ni Frances. Taka namang nagkatinginan sina Arielle at Julianne.

"Nakakainis naman ang mga reporter na iyan. Bakit ba sila----" naputol ang sasabihin ni Julius nang mapansin na gising na si Frances Dumating ito kasama sina Jenny, Eugene, at Aya.

Habang sina Rick, Ben at Meggan ay naiwan sa labas nang silid upang pigilan ang mga reporters na nagpupumilit na pumasok sa loob nang silid ni Frances.

"Reporters? Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Frances. "Eugene? Julianne? Bakit ayaw niyong magsalita."

"Pwede bang iniwan niyo muna kaming tatlo?" wika ni Eugene. Wala namang nagawa ang iba kundi ang iwan sina Julainne at Eugene sa loob nang silid.

"Anong ibig mong sabihing murder suspect ako? Bakit? Paano---" biglang naputol ang sasabihin ni Frances nang biglang maalala ang nangyari noong nakaraang gabi. "Hindi ako ang pumatay sa kanya! Si Ana. Siya ang pumatay. Pinatay niya ang asawa niya." bulalas ni Frances.

"Frances. Huminahon ka." Wika ni Eugene at hinawakan ang balikat ni Frances.

"Maniwala ka Eugene. Si Ana ang pumatay. Pinalabas niya na nag suicide siya. SInabi pa nga niya na matagal na niyang gustong tapusin ang buhay nang asawa niya. Hindi ko magagawang pumatay." Napahikbing wika ni Frances at napahawak nang mahigpit sa braso ni Eugene.

"Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari. Sa isang iglap lang naging murder suspect si Miss Frances. At ang lakas pa nang mga hawak na ebedinsyang hawak nang mga pulis. Talagang wala siyang lusot." Wika ni Rick.

"Pero ginigiit ni Frances na hindi siya ang pumatay hindi ba? Sabi niya ang asawa nito na napabalitang nagpakamatay ang pumatay sa director. Paano naman mangyayari iyon?" ani Julius.

"Kung totoo ang sinasabi ni Frances, Tiyak na frame up lang ito." Wika ni Ben.

"At gusto mo namang maniwala?" Ani Meggan. "Kung titingnan, maraming dahilan upang patayin ni Frances ang director. Una na doon, niloko siya nito at sinira nag buhay niya." dagdag pa ni Meggan.

"Hindi ganoong klaseng tao si Frances. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyari." Wika ni Julianne. "Ano sa palagay mo Eugene?" tanong nito sa kaibigang nakaupo lang at tahimik. Dinala na si Frances sa isang present habang under investigation ang kaso. Dahil siya ang prime suspect kaya naman agad siyang na detain. Si Butler Lee, mismo ang kinuha ni Eugene na abogado ni Frances.

Wala din silang nakuhang tulong mula sa pamilya ni Frances. Ayaw nitong ma involve sa kasong kinasasangkutan nang dalaga.

"Kailangan nating mag imbestiga." Wika ni Eugene.

"Ilang beses na tayong bumalik sa unit ni Frances. Lahat nang mga ebedensyang nakita siya ang itinuturo." Wika ni Julius.

"Bakit hindi natin hanapin ang asawa nang director." Wika ni Ben.

"Patay na nga siya di ba!" ani Meggan.

"Pero siya ang tinuturo ni Frances na siyang may pakana nang lahat." Ani Rick.

Nalaman nang asawa nang director na sinabi ni Frances na buhay pa ito at ngayon ay nagsasagawa nang imbestigasyon ang mga pulis upang hanapin siya. Nalaman din niyang ang dating miyembro nang phoenix ang siyang naghahanap sa kanya.

"Talagang makamandag ang babaeng iyon." wika nang babae.

"Anong plano mo ngayon ma'am? Hindi biro ang mga pulis na iyan sila ang tinatawag na Elite group dahil sa galing nilang lumutas nang kaso. Kapag nakita ka nila. tiyak na mapapawalang sala si Frances at---"

"Then, hindi na dapat magtagal ang buhay nang babaeng yan." Wika nang babae.

Inutusan ni Ana ang lalaki na dukutin si Frances mula sa pinagkukulungan nito at palabasing nakatakas ang dalaga. Dinala nang lalaki si Frances sa isang lugar kung saan nanghihintay si Ana.

"Tumakas? Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo?" asik ni Julianne sa pulis na nagbabantay kay Frances.

"Isa pang anghel ang tingin mo sa babaeng iyon?" wika nang lalaki.

"Julianne!" gimbal na wika ni Eugene nangbiglang suntukin ni Julianne ang pulis. Sasagud sana ang pulis ngunit biglang pinigilan ni Rick at Ben. Pinigilan naman ni Eugene si Julianne.

"Huminahon ka nga Juliane." Asik ni Eugene sa kaibigan.

"Ano kayang nangyari kay Frances." Wika ni Aya. Sumama sila ni Jenny upang dalawin ang dalaga ngunit nalaman nilang nawawal ito.

Sabi nang mga pulis tumakas ito. Ngunit hindi sila maniniwala. Paano tatakas si Frances? Ni wala nga itong lakas upang humarap sa ibang tao dahil sa mga nangyari.

"Arielle, hindi mo ba pwedeng hanapin ang aura ni Frances? Hindi maganda ang pakiramdam ko." wika ni Julianne kay Arielle nang palabasin sila nang present.

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Pwede ba! Hindi ngayon ang panahon para maging arogante ka. Kailangan ni Frances nang tulong ko." wika ni Julianne. Mahina na ang kapangyarihan niya. Hindi na niya magagawang hanapin ang aura ni Frances.

"Kung nandito lang si Achellion." Mahinang wika ni Aya. ilang araw na silang hindi nagkakausap ni Achellion. Pinili nitong dumistansya sa kanya dahil sa nagyari. Kahit nasa bahay ito nakikita niyang talagang lumalayo sa kanya ang binata. hindi rin naman niyang magawang lumapit ditto.

Lalo lang siyang masasaktan dahil alam niyang hindi niyapwedeng hawakan ang binata. Sinabi sa kanya ni Arielle hanggang may nararamdaman siya sa binata lalong hindi sila pwedeng magkalapit. Ni hindi nga niya nagawang malaman kung ganoon din baa ng nararamdaman ni Achellion para sa kanya.

"Teka sandali. Arielle? Hindi ba't Arielle ang pangalan mo? Huwag mong sabihing---" wika ni Julius. Alam nilang hindi tao si Julianne. Kung tama ang hula niya. magkatulad ang dalawa.

"Hindi na ako makapaniwala." Nailing na wika nito.

"Pakiusap." Wika ni Julianne at hinawakan ang kamay ni Arielle.

Napabuntong hininga si Arielle at binawi ang kamay mula sa binata. "Susubukan ko siyang hanapin. Ito ang una at huling beses na gagawin ko ito para sa iyo." Wika ni Arielle. Napangiti naman si Julianne.

Dahil sa tulong ni Arielle nalaman nila kung saan dinala ni Ana si Frances. Agad naman silang nagtungo sa lugar na iyon upang iligats si Frances sinabi ni Arielle na nasa panganib ang buhay nang dalaga.

Nang dumating sila doon, naaktuhan nilang papatayin ni Ana ang dalaga. isinakay nito ang dalaga sa isang kotse habang wala itong malay. Balak nang babae na palabasing car accident ang nangyari.

Dahil hindi nakayanan ni Frances na siya ang dahilan nang pagkamatay nang dating karelasyon tumakas ito sa kulungan at nagpakamatay din.

Dahil na aktuhan nina Julainne ang plano nito. kaya naman tumakas ang babae gamit ang kotse habang nasa loob noon si Frances. Nahuli din ang lalaking tauhan nito. Sina Eugene at Julianne naman ang humabol sa babae. Habang hinahabol nila ang sasakyan nang babae. Nakita nilang sumalpok ang kotse sa isang flammable truck at sumabog.

Bago sumalpok ang kotse nakita nilang nagpagiwang –giwang ito. Halatang may nagtatalo at nag-aagawan nang manibela.

Nang magising si Frances napansin niyang nasa loob siya nang kotse na minamaniho ni Ana. Nang makita niya ang babae. Agad niyang inagaw ang manibela ngunit nagpanlaban ang dalaga at pilit siyang itinulak. Nag-agawan nang manibela ang dalawang dalaga hanggang sa sumalpok ang kotse sa isang truck bago pa makalabas ang dalawang dalaga biglang sumabog ang kotse.

"Frances!" sigaw ni Julianne at nagpumilit na tumakbo patungo sa nagaapoy na kotse ngunit pinigilan siya ni Achellion.

Patuloy na nagapoy anng kotseng sinasakyan nina Frances. Dahil sa lakas nang apoy tiyak na hindi na nakalabas ang mga babae sa kotse.

"Leo. Nagkita tayong muli." Wika ni Jezebeth na bigla nalamang lumitaw mula sa kung saan.

"Jezebeth." Anas ni Leo. Alam ni Leo na kapag inatake siya ni Jezebeth ngayon wala siyang laban dahil mahina na ang kapangyarihan niya bukod noon nasa panganib din si Frances.

"Masyado mong inaabala ang sarili mo sa mga bagay na dapat wala ka namang pakialam. Buhay nang mga mortal na iyan ay maiksi kompara sa buhay natin. Huwag kang mag-alala isusunod kita sa kanya." Wika ni Jezebeth at inatake si Julianne ngunit humarang si Eugene.

"Umalis ka na ditto Julianne." Wika ni Eugene sa kaibigan.

"Anong sinasabi mo?" takang wika ni Julianne.

"Kung maging ikaw tatapusin nang isang ito. Wala nang pag-asa ang mundong ito." Wika ni Eugene.

"Hindi ko alam kung matapang ka o isang hangal! Hindi mo ba alam na wala kang laban sa akin" wika ni Jezebeth at agad na sinugod si Eugene sa bilis nang pagkilos nito. Hindi manlang nakita ni Julianne at Eugene ang lalaki. Huli na nang mapansin nilang nasa harap na na ni Eugene ang lalaki. Isnag malakas na suntok sa sikmura ang ginawad nito sa binata. tumilapon naman ang binata at dahil isang mortal halos hindi na makatayo si Eugene.

"Eugene!" hintakot na wika ni Leo nang makita ang nangyari sa kaibigan.

"Humanda ka sa katapusan mo." Wika ni Jezebeth at akmang susugurin si Julianne.

Sasalubungin sana ni Julianne ang atake ni Jezebeth nang bigla niyang maramdaman na nanghina ang tuhod niya at nag buong katawan niya. pakiramdam niya may nawala sa katawan niya. dahil doon hindi niya naiwasan ang atake ni Jezebeth. Tinamaan ang sikmura ni Julianne nang sandata ni Jezebeth.

"Masyado kang mahina Leo!" wika ni Jezebeth at naglakad palapit sa binata. hindi na alam ni Julianne kung anong gagawin. Hindi na niya magamit ang kapangyarihan niya. Wala na siyang magagawa upang ipagtanggol ang sarili niya.

Akmang sasaksakin ni Jezebeth nang sandata niya ang binata nang biglang lumitaw sa harap niya si Achellion at pinigilan ang sandata niya.

"Hindi ka rin nagbabago Jezebeth. Talagang patalikod ka pa rin kung sumugod." Wika ni Achellion nang umatras si Jezebeth.

"Ikaw na naman Achellion!" asik ni Jezebeth. "Masyado kang pakialamero!" wika ni Jezebeth at biglang naglaho. Nang umalis si Jezebeth agad na nilapitan ni Achellion ang nasusunog na sasakyan at mula doon inilabas niya ang katawan nang dalawang dalaga. halos sunod na ang katawan nang mga ito. Hindi naman makapagsalita sina ni Eugene at Julianne dahil sa labis na pagkagulat.

"Pasensya na. Mukhang na huli natayo. Wala na silang buhay." Wika ni Achellion at inilapag ang katawan nang dalawang babae.

"Anong sinasabi mo!" asik ni Julianne at nagpumilit na tumayo at lumapit kay Achellion.

"Tama na Julianne." Pigil ni Eugene sa kaibigan. Mahina na ito at marami nang dugong nawawala dahil sa sugat sa tiyan nito.

"Mas mabuti pang dalhin na kita sa hospital baka kung anong masamang mangyari sa iyo." Dagdag pa ni Eugene.

"Okay lang ako! SI frances--" naputol na wika ni Julianne nang bigla itong mawalan nang malay. Mahinang pinukpok ni Achellion ang batok ni Julianne upang mawalan ito nang malay.

"Anong ginawa mo?" asik ni Eugene kay Achellion.

"Dalhin mo na siya sa hospital. Kapag patuloy siyang nawalan nang dugo hindi na magtatagal anng buhay niya."

"Ano?" gulat nan wika ni Eugene.

"Hindi na siya isang anghel dahil isa na siyang morta gaya mo. Kanina pa nawala ang kapangyarihan niya." wika ni Achellion.

Sina Arielle, Jenny at Aya naman na naiwan sa presinto ay biglang dinalaw nang isang hindi inaasahang bisita. Dumating si Cain at kinuha si Aya. Sinabi nito kay Arielle na kung gustong mabawi ni Achellion ang dalaga hanapin siya nito at ibigay ang oracle.

"Huwag mong ibibigay ang oracle Achellion. Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari kapag napasakamay nila ang bagay na iyon." wika ni Arielle nang sabihin niya kay Achellion ang nangyari kay Aya.

"Paano ang kapatid ko? hahayaan nalang natin siyang mapahamak?" wika ni Eugene.

"Mas Malala pa ditto ang mangyayari kapag napasakamay nila ang oracle. Tiyak na magiging katapusan na nang mundong ito." Wika ni Arielle.

"Paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan? Nakikita mo ba ang nangyayari? Malubha ang lagay ni Julianne. Namatay si Frances at ngayon nawawala ang kapatid ko." asik ni Eugene.

"Sinasabi ko lang na mas mapapasama ang lahat kung---"

"Ililigtas ko si Aya. Kahit ang ibig sabihin noon ay ang ibigay ko ang oracle sa kanila." Wika ni Achellion.

Huwag kang hangal Achellion!" bulalas ni Arielle. "Alam mo ang panganib na dulot nang oracle."

"Hindi ko pwedeng hayaan si Aya na mamatay dahil lang sa isang oracle."

"Hindi lang basta basta ang oracle na iyon Achellion. Alam mong kinabukasan nang mundong ito ang pinaguusapan natin." Ani Arielle.

Hindi man maintindihan nang lahat ang sinabi nang dalawa. Alam nilang isang mapanganib na bagay ang oracle na iyon. At kung ano man iyon tiyak na hindi titigil ang mga fallen angel hanggat hindi napapasakamay nila ang bagay na iyon.

Kahit anong gawin ni Arielle hindi niya nagawang pigilan si Achellion. Umaasa na lamang siyang gagawin nito ang tama. Kahit na alam niyang labis ang pagpapahalaga nito kay Aya. Umaasa siyang hindi nito ipagpapalit ang oracle.

Chapitre suivant