webnovel

Chapter Twelve

Anong ginagawa mo?" Hintakot na wika ni Frances nang inihiga siya nang lalaki sa operating table. Itinali nito ang paa at kamay niya para hindi siya makapalag.

"Kung marunong ka lang mag-ingat hindi sana mangyayari sa iyo ang bagay na ito." Wika nang lalaki sa kanya itinutok sa leeg niya ang isang matulis na kutsilyo. Parang baliw ang lalaki at tila may ibang taong kinakausap. Bagay na lalong nagpapatindi nang takot ni Frances.

"Pakiusap huwag mong gawin 'to" Umiiyak na wika ni Frances.

"Manahimik ka na lang. Sandali lang ito. Hindi mo mararamdaman ang sakit." Wika nang lalaki at ipinakita kay Frances ang isang siringilya na may laman na pampatulog. Pilit na nagpumiglas ang dalaga. Dahil sa labis na takot. Hindi na niya alam kung anong sunod na mangyayari sa kanya.

"Frances!" Tawag ni Julianne sa pangalan nang dalaga habang nililibot ang buhay na itinuro ni Arielle. Maging ang binata ay nabigla nang makita ang ayos nang boung bahay. Puno ito nang picture ni Frances.

"Wow. We have one pyscho on site." Wika ni Julius.

"Maging alerto kayo." Ani Julianne sa mga kasama.

"Frances!" Muling tawag ni Julianne sa pangalan ng dalaga.

"Julianne!" Mahinang wika ni Frances nang marinig ang boses nang binata na tumatawag sa kanya. Maging ang lalaki ay nagulat nang marinig ang boses nang binata.

"J-JULIANNE!" Boung lakas na sigaw ni Frances. Biglang tinakpan nang lalaki ang bibig niya para hindi na siya muling makasigaw.

"Huwag kang maingay." Nanlilisik ang mata na wika nito.

"Frances." Mahinang wika nang binata nang marinig ang boses nang dalaga. Narating ni Julianne ang isang silid na nakatago sa parting kusina nang bahay. Nang subukan niyang hawakan ang siradura napansin niya na nakalock iyon.

"Frances!" Wika ni Julianne at buong lakas na kinatok ang pinto. Naririnig ni Frances ang binata sa labas nang pinto pero hindi niya magawang makasigaw dahil binusalan ng lalaki ang bibig niya.

Iniwan nang lalaki si Frances sa operating table at lumapit sa pinto na may dalang kutsilyo. Dala ng labis na desperasyon, boung lakas na sinipa ni Julianne ang pinto. Dahilan para masira ito. Dahil nakatayo ang lalaki sa harap ng pinto nabagsakan ito nang nasirang pinto.

"Frances!" Boung pagaalala na wika ni Julianne nang makita ang ayos ni Frances sa operating table. Agad niyang nilapitan ang dalaga. Una niyang kinalagan ang mga kamay nito at tinanggal ang busal sa bibig. Saka tinanggal ang tali sa mga paa.

"Huwag!" Sigaw ni Frances at agad na niyakap si Julianne, dahilan para siya ang tamaan ng malaking tubo na balak sanang gawing pamalo nang lalaki sa binata.

Agad na nakabawi sa pagkabigla si Julianne nang mapansin ang nangyari kay Frances.

"Frances."Nag-aalalang wika ng binata habang hawak niya sa bisig niya ang walang malay na si Frances.

Bukod doon napansin din ng binata ang dugo sa kamay niya dahil sa lakas nang ginawang pagpalo nito, nagkaroon nang sugat ang ulo ng dalaga. Saka niya napansin ang lalaki na nakatayo sa likod nila na may hawak na malaking tubo. Muli sana silang hahatawin nang lalaki nang bigla itong pigilan ni Julianne.

Madilim ang ekspresyon nang mukha ni Julianne dahil sa nangyari sa dalaga. Marahan niyang inilapag sa operating table ang duguang si Frances. Boung lakas nitong inagaw sa lalaki ang tubo at itinapon. Kasunod noon ang walang tigil na pag-atake mula sa binata.

Magkahalong sipa at suntok ang iginawad niya sa lalaki. Split second na umikot sa ere ang paa ni Julianne, sapol sa panga ang lalaki na naging dahilan para bumagsak ito. Hindi pa doon nagkasya ang binata.

Dahil sa labis na galit, kahit bagsak na ang lalaki at halos hindi na makilala ang mukha panay parin ang pagsuntok ni Julianne sa mukha nito.

Ito ang eksenang inabutan nina Ben, Rick, Meggan, Arielle at Julius. Agad na nilapitan ni Meggan at Johnny si Frances.

"Miss Frances!" Wika ni Julius nang makita ang nanghihinang dalaga.

"J-Julianne---" Mahinang wika ni Frances kahit na nahihirapan. Biglang huminto si Julianne sa pagsugod sa lalaki nang marinig ang mahinang boses ni Frances.

"Tama na Lt! baka mapatay mo." Wika ni Rick at pinigilan ang kamay nang kaibigan. Nang makita niya ang mukha nang lalaki na halos hindi na makilala hindi niya maiwasang hindi maawa dito. Talagang hindi na ito pinagbigyan nang kaibigan. Noon lang niya nakitang galit na galit si Julianne, napara bang isang lion na handang sumila sa mga biktima nito.

Agad na tumayo si Julianne at lumapit kay Frances na hawak ni Julius. Bigla namang nagulat si Julius nang bigla siyang itaboy nang binata.

"Frances." Mahinang wika ni Julianne habang nasa bisig niya ang dalaga. Siguro dahil sa awa niya sa dalaga kaya pakiramdam niya kailangan niyang protektahan ang dalaga. Ang pagka udlot nang kasal nito kay Eugene at ang mga walang humpay na pambabash sa dalaga sa sosyal media. Lahat iyon naging tahimik lang ang dalaga. Kahit na alam niyang nasasaktan ito knowing that pakiramdam ni Julianne naawa siya sa dalaga. And she needs a friend. Kaya naman niyang ibigay ang pakikipagkaibigan na iyon sa dalaga.

"J-Julianne, I'm sorry." Wika ni Frances na halos na hihirapan nang magsalita. Pilit nitong inabot ang kamay ni Julianne nang mapansin ito nang binata agad nito hinawakan ang kamay nang dalaga.

"Hey! It's Okay, you don't have to say sorry." Masuyong wika ni Julianne.

Napangiti si Frances sa binata bago siya tuluyang lamunin nang kadiliman. Hindi niya alam kung nananginip lang ba siya ngunit sa palagay niya nakita niya ang mga luha sa mata nang binata.

Ramdam ng mga kasamahan ni Julianne ang labis na pag-aalala niya sa dalaga. Para bang pag-aalala hindi para sa isang malapit na kaibigan.

Ilang sandali pa dumating na ang ambulansya at ilang mga pulis sa crime scene. Agad na dinala sa presinto ang lalaking kuminadnap kayFrances kasama sina Meggan at Julius.

Sa presinto ginamot din ang mga sugat ng lalaki sa mukha dahil sa tinamong bugbug mula sa binatang tinyente.

"Hilingin mong makakaligtas si Miss Frances dahil hindi lang yan ang aabutin mo." Wika ni Julius sa lalaki habang ginagamot ng isang paramedic ang mga sugat nito.

Habang ang dalagang si Frances naman ay dinala sa hospital at kasalukuyang nasa emergency room. Hindi pa nila alam kung maliligtas ito. Si Jenny ang doctor na umasikaso sa dalaga nang dalhin ito sa hospital.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Eugene kay Julianne.

"Kinidnap nang isang baliw na fans." Simpleng wika ni Julianne. Napansin din ni Eugene ang mahigpit na pagkuyom ni Julianne sa kamay nito. Ito ang unang beses na nakita niyang hindi mapakali ang kaibigan dahil sa isang pangyayari.

Alam niyang ito ang body guard ni Frances nitong nakaraang buwan tuwing nagkakausap sila wala itong ibang ginawa kundi magreklamo dahil sa pagiging spoild brat ni Frances hindi niya akalaing makikita niya itong labis na nag-aalala para sa dating kasintahan.

Napag-alaman nila na ang lalaking obsess fan ni Frances ay si Noel Perez. Isang Engineer. Basi din sa imbistgasyon nila ang mga ulo na naka preserve sa bahay nito ay ang ulo nang asawa niya, ang ina nito, at ang kapatid na lalaki.

Sa kasalukuyan may multiple personality disorder ang lalaki at pinaghihinalaang ang mga katauhang iyon ay ang pamilya mismo nang lalaki. Isang dating actress ang asawa nito kaya naman siguro naging obsess ito kay Frances sa pag-aakalang ito ang asawa niya. Wala pang nakakaalam sa tunay na kwento nang lalaking ito hindi rin nila makausap nang matino ang lalaki.

Sa kabilang banda, ligtas na sa panganib si Frances, sabi nang doctor maswerte ang dalaga at walang damage ang skull nito. Ngunit marami ding dugo ang nawala sa dalaga. Sa kasalukuyan nag papagaling na lamang ang dalaga sa isang pribadong silid.

Nang pumasok si Julianne sa silid ni Frances nakita niyang natutulog pa ang dalaga. May binda pa ito sa ulo sanhi nang sugat nito. Nakatalikod sa pinto ang dalaga at halatang ang sarap nang tulog. Agad siyang umikot at naupo sa harap nito.

Napangiti ang binata habang nakatingin sa maamong mukha nang dalaga. Ngayon lang niya napagmasdan nang mabuti ang mukha nito. May matangos na ilong at mapipilantik na pilik mata. Iniisip ni Julianne ano kaya ang pakiramdam nang mga mortal kung umiibig sila? Bilang isang anghel hindi sila pwedeng makaramdaman nang ganoong emosyon kaya naman wala siyang alam.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa dalaga. He really want to see her face in a close angle. Nabigla ang binata nang bigla na lamang nagising si Frances. Higit sa lahat mas nagulat si Frances dahil gahibla na lamang ang layo nang mukha nang binata sa mukha niya. Bigla siyang kumilos para ilayo ang mukha sa binata ngunit hindi niya napansin ang kamay nang binata na nasa likod niya. Dahil sa biglaan niyang pag-iwas nawalan nang balanse si Julianne. At dahil sa ginawa nang dalaga tuluyang bumagsak papunta sa kanya ang binata. they where both surprise sa sumunod na nangyari.

Their lips meet.

Sa labis na gulat napapikit-pikit pa nang mata si Frances habang si Julianne ay nanlaki din ang mata dahil sa pagkabigla. Ang akala nang dalaga agad na lalayo sa kanya ang binata ngunit mas lalo siyang nagulat nang biglang naging mariin ang halik nang binata.

Nagulat ang binata nang magtama ang labi nila ni Frances ngunit imbes na lumayo lalo niyang idiniin ang mga labi niya sa labi nang dalaga. It was like he was put into a spell. Hindi niya kayang ilayo ang sarili niya sa dalaga. He even angle his head to have full access on her lips. Ilang sandali kusang pumikit ang mata ni Frances. Napahawak pa siya sa sleeve nang damit nito.

Para kay Frances kung nanaginip man siya o nagha-hallucinate dahil sa sugat niya sa ulo gusto niyang manatili muna sa panaginip na iyon kahit ilang sandali pa.

Nabigla si Julianne nang bigla siyang itulak ni Frances. Takang napatingin si Julianne sa mukha nang dalaga.

What was I thinking. Wika ni Frances sa isip niya. Baka isipin ni Julianne na totoo ang mga nasa balitang isa siyang to get na babae. Agad na inilayo ni Frances ang mukha sa binata.

"What do you think you are doing. Mr. Ramirez?" ani Frances.

Huh. Mr. Ramirez? Noong nakaraang gabi lang pangalan ko ang tinatawag mo. wika nang isip ni Julianne.

"Ba-bakit mo ako hinahalikan."nauutal na wika ni Frances habang pinamumulahan ang pisngi habang nakatingin si Julianne sa mukha nang dalaga he then realize, she is beautiful kahit walang make up. Ang Frances na kilala nang mga tao na arogante at mapagmataas ay wala sa Frances na nakikita ngayon. She is like a fragile girl infront of him.

"Hindi kita hinahalikan." Tanggi ni Julianne.

"Anong tawag mo sa ginawa mo!" asik ni Frances.

"I-it was an accident. May dumi sa mukha mo." Palusot ni Julianne. "Mukhang okay ka na pwede na siguro akong magpahinga." Wika Julianne at naupos sa sofa. Taka namang napatingin si Frances sa binata. Ibig bang sabihin nito magdamag siyang binantayan nang binata.

"Salamat." Simpleng wika ni Frances.

"Bakit ka nagpapasalamat? Trabaho ka naman iyon ilang body guard mo. Ang hindi ko lang maintindihan. Bakit ang tigas nang ulo mo? Parati mo akong tinatakasan." Wika ni Julianne.

"Sino naman ang hindi tatakas sa isang Hitler na gaya mo." mahinang wika ni Frances at inilayo ang tingin sa binata.

"Mas gwapo at simpatico naman ako kompara doon." Ngumiting wika ni Julianne. Masaya siya dahil magaling na ang dalaga.

Labis din siyang nag alala dahil sa nangayari ditto. Siguro kung nahuli pa sila nang dating baka kung anon a ang nangyari ditto.

"In your dreams."Natatawang wika ni Frances. Bakit hindi niya Nakita ang side na ito ni Julianne. Akala niya mayabang lang ang binata at walang ibang gawin kundi ang bumuntot kay Eugene. Simula nang magkalabuan sila ni Eugene si Julianne na ang nag comfort sa kanya akala niya noong una ginagawa lang iyon nang binata dahil sa kaibigan nito. Ayaw nitong may isipin siyang masama kay Eugene kaya ito na ang gumawa nang paraan upang samahan siya.

It was nice of him to think about her. Pero hindi pa rin niya maiwasan hindi magduda sa intension nang binata. Nagiging mabait lang kaya ito sa kanya dahil sa nakakaawa niyang kalagayan ngayon. He was dumped by a man at ngayon malapit nang masira ang career niya dahil sa mga negatibong komento sa kanya. Galit din ang ama niya sa kanya dahil sa naudlot na kasal nila ni Eugene.

You Startled Me!" napaigtad na wika ni Julianne nang lumabas siya nang silid ni Frances. Sinalubong siya nang anghel na si Arielle. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid upang tingnan kung may Tao. Nang mapansing wala namang nanonood sa kanila. Agad niyang hinila ang dalaga palayo sa silid ni Frances at dinala sa roof top.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka sumusulpot sa kung saan-saan?" Asik ni Leo sa anghel. Ngunit hindi nagsalita si Arielle naka tingin lang ito sa binata.

"Bakit mo naman ako tinititigan nang ganyan?" Tanong ni Julianne kay Arielle.

"Angel Leo. Wala ka bang napapansin sa sarili mo?" tanong nito.

"Ano namang dapat---" biglang na putol ang sasabihin ni Julianne at napatingin kay Arielle. Ngayong na banggit ito nang babae. Ngayon lang niya napagtanto. Humina ang kakayahang ispiritual niya. Nitong nakaraang mga lingo. Wala siyang maramdamang fallen angel. Akala niya dati dahil lang tumigil na ang mga ito sa pagsalakay. Bukod doon, Kanina. Hindi niya naramdaman ang pagdating ni Arielle. Nakaanyong anghel ito ngunit hindi man lamang niya ito naramdaman.

"Ako ang inatasang obserbahan ang mga kilos at galaw nang mga sundalong inatasang hulihin ang mga fallen angel. At bilang iyong bantay masasabi kong. Unti-unti nang nawawala ang kapangyarihan mo."

"Anong ibig mong sabihin?" takang wika ni Julianne.

"Kapag nawala ang kapangyarihan mo. Isa lang ang pwedeng mangyari. Dahil hindi ka naman isang mortal. Maglalaho ka sa mundong ito na parang bola." Derechahang wika ni Arielle. Nagimbal si Julianne. Ilang Taon na siya na nanatili sa mundong ito. Ngunit bakit ngayon lang niya naramdaman ang panghihina nang kapangyarihan niya.

"Mas mabuti siguro kung babalik ka na." wika ni Arielle.

"Anong sinasabi mo?"

"Wala ka rin naman maitutulong sa misyong ito. Wala ka nang kapangyarihan. Hindi mo ba alam kung ano ang nangyayari ngayon? Sinasalakay nang mga fallen angel ang mga sundalong anghel. Ilan sa inyo ay wala nang buhay. Kapag namatay ka. Alam mong hindi ka na makakabalik. Kapag namatay ang isang anghel maglalaho ito na parang isang bola."

"Anong ibig mong sabihin? Anong sinsasalakay nila ang mga anghel?" Takang tanong ni Julianne. Hindi sumagot si Arielle bagkus hinawakan nito ang kamay ni Leo. Bigla siyang dinala nang dalaga sa isang lugar.

"Ang makikita mo ay ang nangyari dalawang lingo na ang nakakaraan." Wika nang anghel. Ipinakita sa kanya ni Arielle ang isang sundalong anghel na nagpapanggap na Mortal. Katulad ni Leo misyon din nitong hulihin ang mga fallen angel na tumakas.

Isang grupo nang mga fallen angel ang Sumalubong sa Anghel matapos nitong ipadala sa impyerno ang nahuling fallen angel. Lumaban ang anghel sa tatlong lalaki. Ngunit dahil mas malakas ang tatlo walang nagawa ang anghel. Isang palasong apoy ang nakita niyang tumama sa dibdib nang anghel at siyang dahilan nang pagkamatay nito. nasunog ang katawan niito at naging abo saka inilipad nang hangin.. Hindi nakita ni Julianne ang lalaking nagpakawala nang palaso. Ngunit nararamdaman niiya ang lakas nito.

Binitiwan ni Arielle ang kamay niya. Muli silang nagbalik sa roof top.

"Sino ang mga iyon?" tanong ni Leo.

"Duke of hell. Iyon ang tawag sa kanila. Sila ang mga umaatake sa mga anghel. Sa kalagayan mo ngayon. Hindi ka mananalo sa kanila. Mas mabuti pang bumalik ka na." wika ni Arielle.

"Hindi. Ngayong umaatake sila sa mga sundalong Anghel mas kailangan ako ditto." Wika ni Julianne.

"Ngunit mahina ka na Leo. Wala kang laban sa kanila."

"Hindi ako tatakbo at magtatago. Kung kapalaran kong mamatay. Mas gugustuhin kong mamatay nang lumalaban."

"Makinig ka sa sinasabi ko saiyo." Wika nii Arielle at naglakad palayo sa binata. Ngunit bigla itong huminto at humarap sa binata.

"Ang Mortal na si Frances. Nararamdaman kung may puwang siya sa puso mo. Habang maaga pa labanan mo ang nararamdaman mo. Alam mong bawal sa isang anghel ang umibig sa isang mortal. Bawal sa atin ang makaramdam nang damdamin." Wika nito. "Dati nang nasira ang balanse dahil kay Achellion. Huwag naman sanang maging ikaw. Ayokong dumating ang sandaling maging ikaw ay kakalabanin ko."

"Anong kaloko---" biglang wika ni Julianne at humarap sa dalaga ngunit naglaho na ito.

"Clever mouth." Pabulong na wika ni Julianne. Alam niyang may katotohanan ang sinabi nito. hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya kay Frances. Ngunit alam niyang isa itong damdamin na ang mga mortal lang ang dapat makaramdam.

Nasa labas nang Hospital si Jenny at hinihintay si Eugene. Tuwing end of shift niya parati siyang sinusundo nang binata bagay na nakasanayan na niya. habang hinihintay niya si Eugene sa labas nang hospital biglang mag tumigil na sasakyan sa harap niya. ganoon na lamang ang gulat ni Jenny nang makita niya nang lumabas sa kotse si Ramon. Biglang napaatras sa takot si Jenny ngunit bigla siyang hinawakan nang tauhan nito.

"Talagang napakatigas nang ulo mo Jenny. Ilang beses mo ba talaga ako dapat suwayin?" asik ni Ramon sa kanya.

"Anong ginagawa mo ditto?" takot na wika ni Jenny.

"Itinatanong pa ba sinudundo na kita. Alam mo ba kung gaano ako ka lungkot mula nang iwan mo akong nang iisa?" ani Ramon at hinawakan ang kamay ni Jenny.

"Lubayan mon a ako! Kung magpupumilit ka sisigaw ako ditto. Nasa wanted list ka kaya." naputol ang sasabibihin ni Jenny nang bigla siyang kabigin ni Ramos palapit sa kanya.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo." ani Ramon. "Akin ka at hindi kita ibibigay kahit kanino. Lalo na sa Lt. Heartfelia na iyon."

"Pwede ba bitiwan mo ako." Ani Jenny at pilit na itinulak ang binata. May mga tao namang nakatingin sa kanila ngunit walang magtangkang tulungan ang dalaga dahil sa takot sa mga lalaki. Lahat nang lalaki ay armado.

"Bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong ayaw saiyo? Ganoon ka na b aka desperado." Wika nang lalaki at hinila si Jenny palayo sa lalaki. Takang namang napatingin si Jenny at Ramon sa lalaking dumating.

"Johnny!" Gulat na wika ni Jenny nang makilala ang binata.

"At sino ka namang kotong lupa ka." Asik ni Ramon sa binata.

"Mas mabuti pang umalis na kayo ditto. Dahil kung hindi mapipilitan akong Hulihin kayo." Wika ni Johnny.

"Ako ba ang tinatakot mo? Hindi mo yata nakikilala kund sino ako?" ani Ramon at senenyasan ang mga tauhan na sugurin ang binata. Agad namang kinabig ni Johnny si Jenny palayo saka sinangga ang atake nang mga lalaki. Maging si Ramon ay nag simula na ring salakayin ang binata. Habang nakikipag laban si Johnny sa mga lalaki saka naman ang pagdating ni Eugene nang makita niya ang nangyayari agad siyang lumapit para ito saklolohan.

Hindi kinaya nang grupo nina Ramon ang pinagsamang lakas nina Johnny Eugene at nang di kilalang lalaki. Sa tulong din nang mga security guard nang Hospital bagaman huli na nang dumating nahuli nila ang most wanted na si Ramon.

"Eugene!" galit na wika ni Ramon sa binata nang masukol ito nang mga security guard at ma lagyan nang posas.

"Ramon! Why I'm not surprise na makikita kita ditto. Isang bagay ang hinahangaan ko saiyo. Masyado kang persistent." Wika ni Eugene sa lalaki

"Hindi ko makakalimutan ang ginawa mong ito. Kung akala mo tapos na ako sa iyo nagkakamali ka. Hanggang nabubuhay ako hindi kita patatahimikin." Wika nito bago bumaling kay Jenny. "Maswerte ka pa rin Jenny. Pero Huwag kang mag-aalala babalikan kita." Wika nito. agad namang ikinubli ni Johnny ang dalaga sa likod niya.

"Tumigil ka na Ramon. Nahuli ka na nga ang dami mo pang satsat. Huwag mong isiping makakalabas ka pa nang kulungan." Wika ni Johnny. Dumating ang mga police na siyang nagdala sa grupo ni Ramon sa presinto.

"Johnny. Pwede mo bang ihatid si Jenny. Sisiguraduhin ko lang na hindi na makakalabas nang kulungan ang mga to." Wika ni Eugene sa binata. Saka tinapunan nang tingin si Jenny. Ramdam niya ang labis na takot sa mata nang dalaga. Kung hindi lang siya na huli nang dating hindi na sana ito nagulo pa ni Ramon.

"Yes Lt." ani Johnny.

"Salamat." Wika ni Eugene sa misteryosong binata. Nang nakatingin siya sa mukha nito bigla siyang natigilan. Saan ba niya nakita ang mukhang iyon? bakit parang pamilyar sa kanya ang mukhang iyon. Saan nga ba sila nag kita?

Alam niyang kilala niya ang lalaki. Nasa dulo nan ang dila niya ang pangalan nang lalaki ngunit tila umurong ang dila niya at hindi niya magawang banggitin ang pangalan nito.

"Walang ano man" wika nang binata saka tumalikod saka naglakad palayo.

"Capatain!" biglang wika ni Eugene nang mamukhaan ang binata. Ngunit hindi na niya ito makita. Bigla na lamang nawala ang binata. Ngayon tiyak na niyang ang kanilang nawawalang kapitan ang Nakita niya. Ngunit bakit kakaiba yata ang aura nito?

"Bakit Lt? Nakita mo ba si Captain?" tanong ni Rick.

"Wala naman." Simpleng wika ni Eugene. Hindi siya sigurado kung talagang Nakita ba niya ang binata o dala lang iyon nang kanyang imahinasyon. Ilang lingo na ring nawawala ang kapitan nila. Walang nakakaalam kung nasaan na ito. Wala ring makapagsabi kung saan ito nagpunta.

Ilang araw matapos ang insidente sa obsess fan ni Frances biglang umugong ang balitang dumating sa bansa ang director na kinasama ni Frances sa Paris. May mga masamang balita din tungkol sa dalaga dahilan para isa-isang mag pull out ang mga kompanyang eni-endorse niya.

Naging laman din nang balita na ang dahilan nang pag atras ni Eugene sa kasal ay dahil sa mga scandalo ni Frances at sa isang kilalang director. Wala namang komento mula sa kampo ni Frances. Nagpa press conference si Eugene upang linawin ang balita sap ag atras niya sa kasal nila ni Frances. Ngunit walang narinig mula sa panig nang dalaga.

May isang kompanya ang kumuha kay Frances para gumawa ng commercial ngunit sa set ng taping, ginawang katatawanan ang dalaga nang ilan sa mga production crew at nang lalaking kasama nito sa commercial. Nakita ni Julianne ang eksenang iyon nang mapadaan siya sa lugar ng taping habang papunta sa main head quarters para dalhin ang report kay General Mendoza.

Ilang beses naging NG ang kissing scene ng commercial dahil tuwing mag ta-take ay biglang tatawa ang binatang kapareha ni Frances. Ang hindi maiintindihan ni Julianne kung bakit hindi nag-rereact si Frances. Parang hindi ito ang Frances na kilala niya.

Ang alam niya sa Frances na kilala niya bigla na lang itong sisigaw kung alam na may nangyayaring hindi maganda. Ngunit ang dalagang nakikita niya ngayon ay kakaiba.

Agad siyang bumaba sa kotse at lumapit sa set. Binangga niya ang lalaki lead na dahilan para matumba ito.

"Hey! Buddy, are you blind?" Asik nito sa binata at agad na tumayo saka sinundan ang binata at tinapik ang likod nito.Takang napalingon si Julianne sa lalaki. Hindi sumagot si Julianne sa Tanong nang binata bagkus tinitigan niya ito. Pagka kuwan ay inawi ang parte nang jacket niya sa may Bewang, nakita nang lalaki ang baril nakatago sa tagiliran nito. Bigla namang natigalgal ang lalaki sa nakita saka natahimik at umatras.

"Darn! Just my luck. What a Weirdo." Wika nang lalaki saka tinalikuran si Julianne at umalis. Agad namang lumapit si Frances nang makaalis ang lead niya.

"Ano bang ginagawa mo? Hindi pa ba nasabi sa iyo na tapos na ang trabaho mo?" Wika ni Frances sa binata.

"So you just fire me just like that? I didn't know. Wala naman akong pakay sa iyo. Ang kaso nga lang napadaan ako sa lugar na ito. Siya nga pala hindi ba dapat nasa hospital ka pa at nagpapahinga. Hindi ko naman inaasahan na ang isang tigre na gaya mo ay walang---" Biglang naputol ang sasabihin ni Julianne nang biglang may tumawag kay Frances. Sabay silang napatingin sa PA ni Frances na siyang tumawag sa dalaga. Nakita rin nila ang isang limousine na nakaparada, lumabas doon ang isang babaeng foreigner at sopistikada ang tindig.

"Oh Great! Just when I need some peaceful time." Narinig niyang mahinang usal ni Frances. Bigla namang nagtaka si Julianne bakit parang hindi Masaya si Frances na makita ang babae at bakit parang hindi maganda ang atmosphere ngayon.

Nakalapit na sa kanila ang ginang, nagpabaling-baling ang tingin nito sa kabuoan ng set saka bumaling kay Frances.

"So Is this, the thing that you are most proud of?" Wika nito sa dalaga. Sa tono nang boses nito pakiramdam ni Julianne minamaliit nito ang nakikitang ginagawa nang dalaga.

"Is this really how you greet your daughter whom you are not able to see for quite sometime?" Wika naman ni Frances na ikinagulat ni Julianne kung tama ang dinig niya ang babaeng ito ang ina Ani Frances.

"I am not here for me to be acquinted with your world. You have cause so much damage in my name its time for you to come with me. " Wika nito kay Frances.

"I am not going anywhere, most especially I am not coming with you."Mariing wika ni Frances.

Ngunit hindi iyon nagustuhan nang babae, dahil sa labis na galit agad nitong sinampal si Frances. Bigla namang natigilan si Frances. Ikinagulat din ni Julianne ang nakita.

"You are such a disgrace!" Galit na wika nito kay Frances. Hindi dahil sa labis na hiya, napakagat labi na lamang si Frances. Hindi niya akalain na makikita ni Julianne ang bahaging iyon ng pagkatao niya.

"Clean up all the mess that you have cause. Hindi mo lang sinira ang merger natin sa kompanya nang mga Heartfelia. Gumawa ka pa nang mantsa sa pangalan mo." Ito ang mga salitang binitiwan ng ina ni Frances bago nito iwan ang dalaga. Nang makaalis ang babae saka lang tumulo ang luha ni Frances. Nakita iyon ni Julianne. Nang makita niya iyon hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng awa sa dalaga. Hindi niya akalain na tulad nang ibang tao may problema din ito sa pamilya.

Ang dating sa tingin niya ay isang mabagsik na tigre. Isa rin palang mahinang babae kagaya ng iba.

"Frances." Mahinang wika ni Julianne. Nang mga sandaling iyon wala siyang ibang naisip kundi ang pakalmahin ang dalaga at iparamdam dito na may kaibigan siya.

"Huwag mo akong kaawaan." Deklara ni Frances.

"Isipin mo na lang na isang eksena sa pelikula ang nakita mo." Wika ni Frances bago lampasan ang binata.

"Stop being so stubborn" Ani Julianne at hinawakan ang kamay nang dalaga. "Hindi masama kung didepende sa ibang tao paminsan minsan. You have friends. You have me." Wika ni Julianne taka naman napatingin si Frances sa binata.

"Well that is if you consider me as a friend."dagdag nang binata. Tinanggal ni Frances ang kamay nang binata saka ito nilampasan. wala namang kibong sinundan lang nang tingin ni Julianne ang dalaga. Hindi niya alam kung anong sasabihin dito.

Hindi rin niya alam kung paano ba pagagaAnin ang bigat na nararamdaman nito. lalo na ang sakit na dala nang hindi pagtanggap ng sarili nitong ina.

Naikwento ni Julianne ang nangyari kay Frances sa kaibigang si Eugene. Hindi niya inaasahan na hindi nito alam na may may problema ang dating kasintahan sa pamilya nito. sabi pa nang binata wala itong ibang alam tungkol sa pamilya ni Frances bukod sa nakatira ang mga ito sa paris. Hindi rin naman daw mahilig magkwento ang dalaga.

Dinalaw ni Eugene si Frances sa bahay nito matapos malaman ang nangyari sa kanila nang ina nito. "Naikwento pala sa iyo ni Julianne." Wika ni Frances nang sabihin niyang nasabi ni Julianne sa kanya ang nangyari. Nakikita niya sa mata ng dating Fiancee ang labis na sakit na nararamdaman nito. hindi lang dahil sa mga eskandalo na iniuugnay sa pangalan nito kundi maging ang problema nito sa ina.

"Minsan iniisip ko kung bakit nangyayari sa akin ang bagay na ito. Alam kung naging masama akong anak, pero sa tingin ko hindi naman iyon sapat para maparusahan ako nang ganito." Umiiyak na wika ni Frances. Dahil sa labis na Awa agad na niyakap ni Eugene ang dating Fiancee.

"I'm Sorry. Kasalan ko din ang mga nangyari." Kung hindi sana siya tumanggi na magpakasal sa dalaga di sana maayos ang pakikitungo nang magulang nito sa kanya. Hindi naman lingid sa kanya na hindi gusto nang Ina nito ang uri nang trabaho ni Frances. Ngunit talagang stubborn ang dalaga at ginagawa nito ang gusto niya.

"Please. Ayoko ko nang marinig na humihingi ka nang tawad sa akin. Baka lalo akong mahulog sa iyo at agawin kita kay Jenny." Pabirong wika ni Frances at lumayo sa binata.

"Hindi ka ba hahanapin ni Jenny? Baka magtaka yon kung saan ka nang punta." Wika ni Frances nang kumalma na ito.

"Huh?" Biglang wika ni Eugene.

"Ano ka ba? Dapat bang ikagulat ang sinabi ko? Halata namang gusto niyo ang isa't isa." Wika ni Frances. "Sabi ko sa kanya babalikan kita, pero mukhang wala na akong babalikan."

"Frances." Mahinang wika ni Eugene.

"Ano ka ba. Huwag mo akong kaawaan. Hindi ako iiyak dahil lang sa may iba kang gusto. Naiintindihan ko iyon. Sa dami nang problema ko. Wala na akong panahon para magdagdag pa nang isa. Mabait si Jenny."

Alam ni Frances na masasaktan siya sa ginagawa niya. Alam niyang kapag itinulak niya palayo si Eugene wala na siyang pwedeng balikan lalong hindi na niya ito magagawang bawiin pa. Alam niyang magiging Masaya si Eugene sa piling ni Jenny at alam niyang ganoon din naman ang dalaga.

At oras na siguro para hanapin din niya ang kaligayahan niya. And she wonder, may ugali rin pala siyang ganito. Ito ba ang tinatawag nilang pag-ibig? If you really love someone you are willing to set them free. And she is doing it now. Isusuko na niya si Eugene. Na simula sa una hindi naman naging kanya. Kahit na anong gawin niya hindi magiging kanya. Mas Mabuti nang tanggapin niya iyon kesa naman patuloy siyang masaktan.

"Hindi na ba maayos ang problema niyo nang ina mo?" Tanong ni Eugene sa Dalaga. "Baka may maitulong ako. Ako rin naman ang dahilan nang gulong ito." Wika ni Eugene.

"Hindi ko alam." Simpleng wika nito. "And please, I know you are a gentle man and all, but I think I can handle this myself. As a grown up." Ngumiting wika ni Frances. Ayaw niyang sumandal sa lalaki pagdating sa mga problema niya. Ayaw niyang maging pabigat sa mga ito.

"Alam kong hindi kayo magkasundo. Pero, habang may panahon pa, bakit hindi mo siya subukang kilalanin at intindihin. Wala naman sigurong ina dito sa mundo na naghahangad nang kasamaan para sa anak. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng away niyo. Pero bilang isang anak, ikaw na sana ang umintindi." Payo ni Eugene.

"Opo, tatandaan ko yan." Nakangiting wika ni Frances.

"Kapag kailangan mo nang tulong nandito lang ako." Wika ni Eugene sa dalaga. Ngayon ito lang ang kaya niyang gawin. Hindi man niya kayang maibigay ang puso niya dito. Pwede naman niyang ibigay ang mga kamay niya sa dalaga bilang isang kaibigan.

"Then will you marry me?" pabirong wika ni Frances. Lihim naman siyang nangiti sa naging ekspresyon nang mukha nang binata. "Gaya nang sabi mo ikaw ang mga kasalanan sa mga nangyari. I think it would be better that you fix this." Dagdag pa niya.

"Anything but that. Alam mong hindi natin pwedeng turuan ang puso. I can say I can marry you. But what would that make me? What would you feel na magsasama lang tayo dahil sa isang kasunduan you deserve better, the best." Wika ni Eugene.

"Alam mo bang ikaw lang ang lalaking naging honest nang feeling mo sa kin? Everyone guy I meet, they would say, they want to marry me. Kaso ikaw, kahit itapon ko ang sarili ko saiyo tumatanggi ka pa rin." Ani Frances.

"I guess I give up. Hindi na kita makukuha pa. But still thank you." Dagdag ni Frances. Nakakaramdam siya nang kirot sa puso niya, ending things with Eugene for good maakit pala kahit simula pa lang hindi naman talaga naging kanya ang binata. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang maaawa si Eugene sa kanya. At isipin nitong desperado siya. "Kapag, kailagan ko nang tulong tatawagan kita." Ngumiting wika ni Frances.

"Aasahan ko yan." Ngumiting wika ni Eugene. Nagpaalam si Eugene sa dalaga. kailangan niyang mag report sa Phoenix. Dahil hindi pa bumabalik si Captain Bryant kaya siya ang itinalaga ni General Mendoza na maging OIC nang Grupo. Maraming nakatambak na kaso na kailangan niyang asikasuhin.

Kumusta!" Nakangiting wika ni Frances kay Jenny. Agad namang napahinto si Jenny sa ginagawa nang biglang marinig ang boses ni Frances gaya nang dati bigla na naman itong sumulpot sa opisina nito sa Hospital.

"Frances!" gulat na Wika ni Jenny at agad na tumayo.

"Bakit ba parati kang nagugulat tuwing nakikita mo ako." Natatawang wika nito.

"Bigla ka kasing sumusulpot." Wika ni Jenny. Bakit ganoon? Ang gaan nag pakiramdamn niya ngayon sa Harap ni Frances ang dating naiilang na pakiramdam niya ay bigla na lamang naglaho."Pasensya ka na kung hindi na kita nadalaw naging busy din kaso ako sa ibang mga pasyente. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Ani Jenny

"Okay lang, maraming salamat sa ginawa mo sabi ni Julianne ikaw daw ang doctor na gumamot sa akin. Dahil saiyo hanggang ngayon buhay pa rin ako." Ani Frances.

"Trabaho ko iyon bilang isang doctor." Wika ni Jenny.

"Hindi ka ba nagsisi na dahil sa ginawa mo. dahil sa pagliligtas mo sa akin malakas na ako at pwede ko nang agawin si Eugene sa iyo?" nakangiting wika ni Frances.

Bigla namang namula ang mukha ni Jenny dahilan para tumawa nang malakas si Frances.

"Bakit ba ganyan ang mukha mo? Hindi mo ba alam na kaya ako nagpunta ditto ay para sabihin sa iyo na ipapaubaya ko na saiyo si Eugene, tiyakin mong hindi siya malulungkot." Wika nito sa kanya.

Bigla namang naguluhan si Jenny. Ano bang sinasabi nito? bakit may pakiramdam siya na parang nagpapaalam si Frances.

"Kapag nabalitaan ko na iiwan mo si Eugene. O sinaktan mo siya Lagot ka sakin." Wika ni Frances nang humiwalay ito sa kanya. "You have to take care of yourself. "

"Ano bang nangyayari sa iyo? Tinatakot mo ako sa tono nang pananalita mo."

"Ano ba! Huwag kang mag-isip nang kung ano. Naisip ko lang na hindi ko na mababawi si Eugene. Kaya naman dapat galingan mo. Hwag kang papayag na maagaw siya nang iba." Anito. "Kapag nabalitaan ko na iniwan mo siya, lagot ka sa'kin. Talagang babalikan kita. Tandaan mo parati kitang babantayan." Wika nito sa kanya.

"Hindi kita maintindihan."naguguluhang wika ni Jenny. Pero bakit nakakaramdam siya nang kalungkutan and guilt pakiramdam niya may mga bagay siyang inagaw kay Frances. At hindi niya gusto ang pakiramdam na nakakasakit nang iba.

"Please don't look at me na para bang nakakaawa ako." Wika ni Frances. "I don't need that. Isipin mo nalang ipinauubaya ko saiyo si Eugene. You are meant to each other. Huwag niyo nang pakawalan ang isa't-isa" ngumiting wika ni Frances.

Chapitre suivant