"Ughhh!~~ Napaka-sarap nito Zel! Gusto ko pa! I want more!" ang lumabas sa bunganga nang sarap na sarap na si Carl.
"Alam ko! Pero dahan-dahan lang! Talagang masarap ito noh! Mmmm~~"
"Feels like heaven--"
"Nandito ka na Carl... Sa-- Mmm~~ Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa sarap nang nararamdaman ko, Carl! heuh-" Saka nagpunas ng noo si Zeline.
"Hoo!" ang naiinitang si Carl.
"Hinay-hinay mga anak!" Ang bigla namang sabi ng reyna.
Hindi nakinig ang dalawa, at sabi pa ng isa,"P-pero ang sarap po talaga!" Tuloy pa rin sa ginagawa nito. "Hmm~~ ughh! Hoo!" Ang hingal na si Zeline.
"Marami pa namang pagkakataon. Ayos lang ang maghinay-hinay," malumanay na sabi naman ng reyna.
Kumunot ang noo ng reyna at sumigaw, "TAMA NA!"
"Ano bang problema ninyong dalawa?!" ang dagdag pa niya.
"Ahh--" At nabitawan ang hawak na buto ni Carl. Unti-unti siyang lumingon sa kinauupuan ng reyna. Pati na si Zeline ay dahan-dahang napalingon na sa ina.
"Alam kong masarap ang pagkaing naihain," ani ng reyna habang nakangisi. Napasigaw muli ang reyna, "PERO MATUTO NAMAN SANA KAYO!" biglang pagtaas ng tono ng boses niya. "Diba't nasa kalagitnaan tayo ng piging? Mahiya naman kayo sa ating mga magiging bisita!" Ang galit niyang saad sa dalawa.
"O-okay po."
At napayuko na lang ang dalawa.
ang hari namang naka-upo sa tabi ang nagsalita at nag-utos, "Paki palitan ang mga wala nang laman dito."
"Masusunod po..."
"Teka lang, samahan ninyo rin ang dalawang ito nang makapagpalit at siguraduhing makabalik sa oras," ang dagdag naman ng reyna.
Yumuko at pumunta na sa kung saan sila naitalaga.
Tumingin si Zel kay Carl, "kung hindi sana isip-bata..." bulong pa ng prinsesa.
"Haa-?!" ang hindi natuloy na sasabihin ni Carl dahil dumikit ang galit na mata ni Fritiny sa kanya.
Sa kanyang pagtitig kay Carl, mabagal at nakangisi niyang sabi, "Magsasalita ka pa o pupunta ka na?"
Nilayo na lang niya ang tingin sa dalawa, ang prinsesa at ang diwata. Sinamahan na silang dalawa at nag-ayos muli habang sa dining table ay inihahanda nang muli sa pagkagamit.
...
Nakaupo na ang lahat, ang Hari Greioe, Reyna Terins, Prinsesa Zeline, si Carl, at si Fritiny, pati na ang kani-kanilang alalay. At sa pakakataong ito, kanila nang sinimulan ang selebrasyon!
Bago nagsimula ang piging ay tumayo si Reyna Terins at sinimulan sa mga salitang, "Para sa pagbabalik at matagumpay na operasyon ni Fritiny!" Saka itinaas ang baso ng wine.
*Cling* *Ting*
Umalingawngaw ang basong tiniting-ting ng reyna. "Sa ngayon, mayroon akong nais ipaalam sa lahat... Pero bago ang lahat--" tumayo ang reyna at kumuha ng malalim na hininga saka sinabing, "Una sa lahat, sa gabing ito...ay gumaling at bumalik ang isa sa mga estudyante ko noon, at sa ngayon ay nasa maayos na kalagayan!" Tsaka tumingin ang reyna sa diwata. Fritiny stood and lowered her head, and the queen responded with a smile in the face.
Nagpahabol pa ang reyna at pinuri ang anak, "At syempre, pasalamatan natin ang naging hero sa maikling episodyo kani-kanina lang. My stalwart and brave daughter... Zeline!" Siya'y tumayo rin at nagbigay galang sa reyna. Hindi lang sa reyna kundi sa lahat nang dalawamput-isang nag-atttend sa pagsasalong ito.
Naupo na ang reyna at nalulungkot niyang saad, "Nakakalungkot, dahil wala ang mga kapatid mo para malaman ang magandang balita..."
"Mahal, huwag kang mag-alala, makakarating din sa kanila ang balitang ito. Pinadala ko ang pinakamabilis nating vesliogre para ibigay ang sulat sa dalawa. HAHA-HAHA~" ang sabi naman ng hari sa asawa niya.
"Ano po 'yong vesliogre?" tanong ni Carl.
"Sila ang mga humahatak sa karwahe, mas mabilis at lumilipad sila 'di gaya ng mga kabayo." sagot ni Fritiny.
"Naalala mo ba ang kumagat sa likuran ni Fritiny?" tanong ni Zeline.
Isang nandidiring mukha ang ipinakita ni Carl, at utal niyang saad, "H-huh?! 'Y-yon?!"
Ngumiti ang reyna at tumayong muli.
"Ang pagbabalik ng aking anak!"
"Si Zeline po ba?" tanong ng nakatayo sa tabi ni Zeline na tagapagsilbi.
Sumabat ang nasa tabi ni Fritiny, "Siya lang naman ang anak ng reyna na nadito ah-- Diba?!"
"Oo nga naman!" sabat pa ng nasa tabi ni Carl.
"Hindi." Ang bulong ng reyna pero sapat na para marinig ng lahat, dahil nanahimik ang hangin sa oras na nagkausap ang mga yaya.
Napatingin ang lahat sa nakayukong reyna nang lukot ang mukha.
Habang si Carl na kausap ay isusubo na ang hawak na ubas ay nagsalita na ang reyna at nakuha ang pansin ni Carl dito. "A-ang totoo ay...anak ka rin namin Carl!" Nanlaki ang mga mata niya saka nabitawan ang ubas. Unti-unting siyang napatingin sa reyna at tsaka inilibot ito sa paligid.
Parang nag-freeze lahat ng tao sa piging , dahil sa nalamang sikreto. Tanging mata na lamang ang gumagalaw, at nagkakatitigan na lang ang lahat.
Nagulat din ang prinsesa sa narinig. "Po?!" ang tanging nailabas ng dila niya. "P-paano naman po nangyari 'yon? Haha. Kakarating--"
Napatigil siya nang makita ang namumulang reyna dahil sa mabigat niyang damdamin, at sinabing, "Naalala mo pa ba ang kapatid mong ilang araw pa lang ang nakalipas?! Siya 'yon!" At tumulo ang luha ng nakakaawang ina.
"Ang kapatid ninyong tumakas mula sa kanyang silid... Ang mayroong magkaibang pakpak! Ang-"
Hindi na nakayanan ng reyna ang pag-iyak at niyakap ng hari ang luhaan niyang asawa.
"Mabuti pa ay dahan-dahanin natin ang lahat. Mula sa simula hanggang sa dulo nang masagot lahat ng katanungan--"
"Pero pa'no na po ang ipinagdiriwang nating iba?" Tanong ni Zel sa ama.
Sumang-ayon ang hari, at sinabing "Tama siya, Greioe." Dinagaan pa at sabing, "Maaari nating ituloy bukas ng hapon muli ang salo-salong ito."
"Wala pong problema sa 'kin. Nais ko na ring malaman ang lahat. Noon ay nasa mundo lang ako ng mga tao at ngayo'y nangungulila na ako sa aking ina na-"
Naputol ang sasabihin ni Carl. "-Pero ako ang tunay!" Mangiyak-ngiyak niyang saad.
"Opo. Siguro ikaw nga... Pero sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ina, dahil-"
"-P-pagpasensiyahan mo na ako, anak." Ang isiningit muli ni Terins.
"Hindi pa rin ako ganoong kakumbinsido--"
"Itikom mo na muna ang iyong bibig, Carl. Ako na muna ang magtatanong." Seryosong saad ni Fritiny.
"P-pero a-ako ang--"
Ibinaling ni Fritiny ang tingin kay Carl, at tinaasan ng boses ang bata."Hindi dahil ikaw ang pinag-uusapan kailangan mo nang laging sumagot. Bata ka pa. Basahin mong mabuti ang sitwasyon." Dagdag pa niya. Ibinaba na lang ang ulo at nakinig nga sa usapan.
"Paano mo nga pala siya nahanap?" Ang tanong ni hari Greioe kay Fritiny, dahil hindi pa rin mapatahan ang reyna sa kaiiyak.
Dahil sa hindi mapigilang emosyon ng reyna at gusto itong matakpan. "Puwede ba kitang mayakap anak, Carl?" Hindi sumagot si Carl. Lumapit na ang reyna at niyakap siya, saka sinabing, "Magandang pangalan ang iyong binigay, Fritiny." pagpupuri ng reyna. Hindi naman nagreklamo si Carl sa nangyari at hinayaan lang ang reyna. Bumalik din ito sa kanyang upuan pagkaraan ng ilang segundo.
"Gusto kong malaman. Paano mo siya natagpuan, Fritiny?" pag-uulit ng reyna.
"Nakita ko po siya sa Forest of Glaniol."
Nagtanong uli ang reyna, "Doon ka namamahay, tama?" Tumango naman siya.
"Kung maaari'y akin nang itutuloy?" Tanong ni Fritiny at agad namang tumango ang reyna.
"Nang pauwi na ako galing sa pinagkuhanan ko ng makakain. Nakita ko po siya sa isang tabi, malapit sa isang puno. Nakadapa na siya. Ang mabuti noon ay may suot siyang balabal na prumutekta sa kanya sa lamig... Ngunit hindi po maitatatanggi ang napakalakas na pag-pintig ng puso niya, ang mata niya'y nakakatakot talaga, pati na ang kulay ng kanyang pakpak, ang bubog ding kumapit sa angel wings niya, at buong katawan niyang pagod na pagod. Maririnig lang sa kanya ang mahihina at pagod na pagsaklolo. Nagdalawang-isip talaga ako. Pero napagtanto ko ring bata siya at dinala sa bahay. Ginamot ang mga sugat at binigyang ngalan. Doon na po ang pagtatapos." Luhaang muli ang ina dahil sa narinig. Talagang ang pagmamahal ng ina sa anak ay hindi na naitatago kung minsan at sana'y hindi rin tinatago.
Naiwang basa ang mga mata ng tagapakinig ni Fritiny.
"Pero may tanong po ako."
"Ano iyon, diwata?" ang sagot ni Reyna Terins.
"Bakit po ganyan ang kanyang hitsura subalit wala naman sa inyong dalawa ang demonyo?"
"Dito nagsimula ang lahat!
Ang dahilan kung bakit walang ala-alang maganda
Sa pagitan namin ng aking anak!
Ang akin talagang hindi matanggap!" Maluhang pagtula ng hari.
"Ang mga kulitan sanang abot hanggang sa kaitaasan ang tuwa.
Pati ang mga tagabantay ay nakaalaylay
Sa hindi inaasahang pagkahulog mo mula sa higaang puno ng aliw at halakhak.
Ngiting abot-tenga,
Ang akin sanang pananatilihin sa iyong mukha.
Dahil lang sa isang matalim na mata't dila,
Ang lahat ng ito'y naglaho at ulap ay nagdilim.
Hindi kaaya-ayang tingnan,
Sarili kong kamay na dumadamping may mapurol na pag-ibig
Ako'y nakadampa na sa sahig
'Pakiusap! Nais ko lamang na mahagip ng kanyang matang luntian!'
Na ang puso ko ri'y puti't nasasaktan." Ang kadugtong pa nang nauna.
Pagkatapos ng tula ay kita sa mga mukha nila ang pagkamangha at pagkaawa. Ang kuwento ng ama na naglalaman ng masidhing damdamin ang siyang may gawa.
"Sino naman po ang gumawa nito sa kanya?" Ang tanong ng anak na babae.
Sabi naman ng hari, "Mabuti na lang at hindi niyo nakita ang pangyayaring iyon dahil kayo'y musmos pa lamang at wala pang maintindihan!"
"Ako na ang sasagot sa mga tanong, mahal, masyadong malalim ang ginagamit mong parirala." Mabagal namang tumango ang hari nang kaunti.
"Ang gumawa ng lahat ng ito ay isa sa mga Demon Masters, si Hatsue Kayase!" Nanlaki ang mga mata ni Fritiny sa sinabi ng reyna habang ang iba'y walang alam sa pinag-uusapang demon, dahil ang mga ngalan ng Demon Masters ay hindi kinikilala ng mga taga-Scharthyle kahit pa man sila'y mapanganib sa Angel's Range.
"Ano po sa tingin niyo ang dahilan? Parang ni-minsan ay hindi pa nangyari sa mga nauna ninyong angkan ang ganito-- tama?"
"Tama ka, hindi nga. Kaya't hayaan na lang natin ang mga Inquiriors na gawin ang kanilang tungkulin." Sagot ng ina.
"Inquiriors?"
Sinagot ni Fritiny si Carl. "Sila ang mga anghel na levels 71 to 100 na nakapag-aral sa Scharthyle University, Carl."
"Pero bakit parang hindi mo na-miss ang pamilya mo, Carl?" Tanong ni Fritiny. Seryosong mga mata ang nasilayan ng lahat kay Carl.
"Simple lang. Kasi hindi naman sila ang tunay. Ang pamilya ko...ang ina kong hinihintay ko gabi-gabi para ako'y patulugin at paggising, nakahanda na naman ang pagkain sa mesa at sabay na tatawa." May luhang tumulo galing sa mata ni Carl. Agad niya itong pinunasan at napasinghot.
"Sa tingin ko nga'y hindi ko na mapapantayan ang ibinigay ng ina mo sa iyo noon-- p-pero sana isang araw...Bukas lagi ang pinto ko sa'yo anak." Ang sabi nang hindi pa rin tumatahang reyna.
Ang naiiyak na ring si Carl ay nagsalita pa, at sinabing,"Pero sino na po ang kasama ng ina ko doon ngayon?! Mayroon pa po ba?" Tumayo si Carl at lumapit ng isang upuan mula sa reyna, at inilagay ang kamay sa upuan. "Kami lang dalawa sa bahay at nag-aalala ako sa kanya. Gusto kong makita ang lagay niya." Dumapa si Carl at malakas niyang sinabi, "PAKIUSAP!"
Mas lalong nadurog ang puso ng ina at mas mabilis pang tumulo ang mga luha niya. Ang galit kaninang reyna ngayon ay nanghihina na sa kaiiyak at napasandal na lang sa dibdib ng kanyang asawa.
Nang ilang saglit, ang reyna'y tumahan na at ikinumpas ang kamay paitaas at sinabi ang mga salitang, "Spekulo de Quod Alius Ianua, Patefasio mihi!" Saka ikinumpas muli pababa nang dahan-dahan at nagpakita ang isang bilog na umiilaw.
Sa bilog na ito ay tanaw na ang lagay ng inang tinutukoy niya. Naka-upo, binabantayan ang na-ospital na anak.
"Black wavy hair, matangos ang ilong..." ang bulong niya tungkol sa nakikatang pasiyente. "Iyong katawan po 'yon! A-a at si mama 'yon! Bakit ako nasa OSPITAL?! Nakakaawang tingnan ang aking ina sa upuan-- wala man lang karamay." Ang naiiyak na wika ni Carl.
"Walang kasama si mama, wala na rin ang tatay ko. Nawala siya nang labindalawang-taon pa lang ako-- tapos ngayon ako naman?!" Tumingin nang mata sa mata si Carl sa reyna, at malakas na binigkas ang mga salitang, "Sana namili kayo! Namili kayo ng maaaring maipalit! Iyong may kapatid sana para kahit papaano'y may karamay pa rin siya!" Ang galit na nailabas ni Carl. Hindi niya masikmura ang kalagayan ng kinikilala niyang ina.
"Pasensiya na. Ang pamilyang iyon lamang ang nahanap naming pinaka-angkop sa standards ng swapping soul system." At yumuko ang reyna.
Sumabat naman si Zel, "Swapping soul system? Ano po iyon?" .
Sinagot naman ni Fritiny, "Isang naging kinagawian dito sa Scharthyle na kung saan nangyayari kadalasan pagkalipas ng isang siglo matapos ang holy war. Dahil ang mga Demon Master na nasa Scharthyle ay naghahanap ng mga manganganak sa lahat ng sulok ng mga palasyo para sumpain ang may anak na lalaki na nasa sinapupunan pa lang. Sinasabing para maiwasan ang pagmamaltratong mararanasan kapag nagkamalay na ang bata, dahil walang tumatanggap sa mga gaya nilang isinumpa sa publico at kinakailangan din daw itong gawin. Ngunit sinabing walang matibay na pagpapaliwanag kung bakit nila ito ginagawa." paliwanag ni Fritiny.
"At ganoon ang nangyari sa bata sa bilog na iyan?!" with a disgusted face in Zeline's.
"Tawagin mo naman siya sa kanyang ngalan o dagdagan lang ng reyna, Carl! Parang napakabait mo no'ng una. Isa ka rin pa lang maldito at walang respeto sa nakatatanda!" Ang napalakas na sabi ni Fritiny.
Agad namanitong sumagot, "Oo, ganoon na nga." Tumayo at umalis si Carl na sinundan ni Fritiny. Habang si Zeline naman ay ginaya rin si Carl, sinundan naman siya ng kanyang ama. Kinausap ng dalawa ang mga bata.
Umabot sa isang linggo bago nakumbinsi ang dalawa at naayos lahat ng gusot sa palasyong iyon. At sa unang gabi nga nang pagkakasundo, napagisipang ipasyal nila si Carl para maaliw at mahalin pa ang lugar na kung saan siya'y mamumuhay na. Pupunta sila sa Village of Pure, Ppgerte.
*Lumipad naman tayo sa mundo ng mga tao nang magkapalit na ng kaluluwa ang dalawa*
Nanginginig sa takot ang biglaang nagising na bata sa pagbabasa ng librong ibinigay ng ina. Nang una ay makalma pa ang bata. Nang biglang nanlaki ang mga mata niya at nanginginig nang tumingin sa kanan at kaliwa. Inilibot ang mata sa buong silid at biglang nagpulot ng mga libro, plorera, at marami pang kagamitang makikita dito at ipinagbabato ang mga ito. Nawala sa katinuan at ang hawak na libro ay kanyang niluray at bigla na lang natigil sa pagwawala. Rinig ang pagkahulog sa sahig nang kaawa-awang bata. Maaaring dala ng naranasan niyang hirap sa palasyo ay naaalala pa rin niya hanggang makabalik sa mundo.
Lulubog na ang araw nang mangyari ang hindi inaasahang pagkakapalit ng dalawa. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na ang ina mula sa trabaho niya. Sa harap ng pinto ito'y hinahanap na niya. "Anak?" At tinanggal ang suot niyang sandals saka pumasok.
"Nandito na ang mama!" Naglakad siya diretso sa sala para tingnan kung nandoon ang anak, ngunit wala ito sa paningin niya. "Nabasa mo na ba 'yong libro na-" at nakita na nga niya. Naiwang nakabakuas ang bungnga ng ina nang siya'y masilayan. Nahulog ang hawak nitong bag, at unti-unting lumapit sa anak na nakahilata sa sahig. Sa kamay niya, hawak-hawak pa niya ang libro, ngunit ang libro'y gutay na. Ang nag-aalalang ina ay mabilisang hinablot ang bag at hinanap ang telepono nito at tumawag sa pinakamalapit na ospital. Hinawakan ang pulso at ito'y buhay pa.
"ANAK!" ang maluha na niyang iyak. "Nandito na ang nanay." ang wika nang nagdadalamhating ina. Pinahiga niya ito sa kanyang hita at pinulot ang libro sa kamay ng bata. Pinunit ang cover ng libro at ginamit niya itong pamaypay sa mukha ng bata.
*WIIEE! WOOO!* *WIIEE! WOOO!*
Ang mga ambulansya ay nandito na, at agad lumabas ang ina para tawagin ang mga sakay nito. Agad na sumaklolo at dinala sa ospital ang bata. Maayos ang lahat. Inatake sa puso ang bata, 'yon ang sabi nila nang nasa ambulansya pa lamang sila. Habang ang ina naman ay sobra lang sa pag-iyak.
Nang makarating sa ospital, agad nilang dinala ang bata sa isang room at sinabing ito'y comatose, at aalamin pa kung gaano at marami pang tanong para sa ina.
Balik tayo sa mundo ng Scharthyle. Ang mundo ng anghel, at iba pang kakaibang nilalang o mas kilala bilang Scharthyle. Kung saan napag-usapan ngang pupunta sila sa Village of the Pure, Ppgerte. Silang dalawa ni Prinsipe Carl at Prinsesa Zeline ay nagbolontaryong sumama at maging escort ng mga kukuha ng pagkain sa lugar at plano rin na maipasyal ng kaunti si Carl.
{[CARL's POV]}
Hindi na'ko makapaghintay. Hinanda ko na lahat ng kailangan ko bukod sa hinanda pa ng mga maids dito! Hehehe. Syempre ang dinala ko ay ang pagkaing luto nila! Napakasarap at hindi na'ko nakatulog sa busog at sa excitement na naramdaman ko noong gabing iyon!
Pero hhmmm...kamusta na kaya ang mama ko sa earth. Kahit na prinsipe na ako dito sa Scharthyle, hindi ko malilimutan ang mga oras na magkasama kami. Nakakamiss ang mga story niya. Hmm...ang saya lang isipin...
Nagulat ako nang isinigaw niya ang aking. "CARL!" Si Zel na 'yon! Walang duda, napaka-ingay pala talaga niya. Princess mode nga lang no'ng una kaming nagkita... Tapos kapatid ko pala siya!
"Tama nang kakatayo d'yan! Iiwan ka na namin!" Tumakbo na nga ako at naglakad nang makarating sa tarangkahan.
Come on!~~ Ako 'yong parang hari sa pagbibisitang mangyayari paano akong-
"HOY! Iniwan talaga nila ako!"
"Masanay ka na sa ganyang ugali ni Zel anak." nakangiting sabi ni mama... Pero nakakabastos ah. Hmpph! "Aba'y ano pang ginagawa mo anak?! Dali na--"
"Ahh!-- OO NGAAA!" Binuksan ang aking pakpak at agad na lumipad at hinabol ang karwahe nila!
Hindi man lang kasi marunong maghintay!
Malapit naaaa--- konti na lang at, "OYYY! ZEL! SAGLIT!" Isang malaking buntong-hininga ang ginawa ko nang maabutiina sila. "B-buti na lang..." hingal akong pumasok sa karwahe.
"Magbagal-bagal ka pa sa susunod? Talagang iiwan ulit kita. Hmpph!" Siya pa ang mataray?! Parang hindi na prinsesa huh?!
"Kakain muna--"
Dumilim ang paningin ko sa mga oras na iyon at walang ideya kung anong nangyari sa karwahe.
Nagkamalay na lang akong naglalakad sa tabi ni ate at nasa harap namin ang chef. Sinabi pa niyang nagising na ako nang bababa na. At wala akong ideya kung paano 'yon nangyari o kung totoo ba.
"A-ate!" "
"Prinsesa!"
"Hoy! Carl-- Pinagloloko mo ba 'ko, ha?!"
"Prin--se--sa?" Ang putol putol kong sabi, dahil sa mukha niya'y hindi siya natutuwa.
*TOK*
"Aray naman!" kinamot ang ulo. Antagal ng huli kong maramdaman 'yon ah! HAHAHA!"
"Dagdagan ko pa, gusto mo? Lalo't mapagbigay ako--"
"Ano ba! May itatanong lang naman ako!"
"Sige, ano ba 'yon?"
"Kung bakit napakadaldal mo--".
"Awww!!" Inulit pa niya. "HAHAHA! Tama na ate-- masakit!"
At hindi pa rin niya binibitawan ang buhok ko sa pagkasabunot!
"Sabi ko po. Aww! K-kung paano akong bumaba nang tulog sa karwahe?" At sa wakas! Binitawan niya na rin.
"Malay ko?"
Inayos ko ang natanggal sa ulo kong hood, saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Wala na sa aming harapan ang chef.
At andito na siya, tumatakbo sa aming harapan. Tinanong agad ni ate kung bakit ito nagmadaling bumalik. Huminga muna siya nang malalim bago sumagot.
"Hindi raw muna puwedeng pumunta sa CP!" sagot nga niya
"CP?" bulong ko.
"Bawal daw muna dahil may mga grupo ng demonyo ang sumalakay sa Central Ppgerte. Iyon po ang anunsiyo ng head dito sa lugar."
"At nasaan ang mga Warriors?" tanong ni ate.
Warriors? May ranks din kaya ang mga angels?
"Kakaalis lang daw po nila sa lugar, dahil may meeting ang lahat ng warrior-ranked angels. Mayroon nang lumipad para sila'y tawagin pati na ang mga Scharthylian officers na nasa base ay nakontak na rin para salubungin sila para mapabilis kung sakaling malapit na sila roon." Ang detalyeng naibigay ng chef.
"Ano nang sitswasyon doon?" tanong niyang muli.
"Pinipilit pong lumaban ng mga Magres-ranked angels, ang mga iba, ngunit sa bilang nila'y hindi sila magtatagal ng ilang minuto. Sinabi ko ring tutulong na ako ngunit sinabi naman nilang kayo po ang aking prayoridad," ang sagot ni chef.
Magres-ranked? Wala talaga akong ideya sa mga 'yon at kung ano ang nga kakayahan nila. Hindi mga iyon ang itinuro ni Fritiny sa akin sa mga nakaraang araw.
Bumulong si ate, "Kailangan lang siguro nila ng kasama pa."
Tinanggal niya ang kanyang balabal at inunat ang kamay sa magkabilang gilid niya. Lumutang siya, at sa ilang segundong pagtingin niya sa harapan. Nilabas na niya ang kanyang pakpak at bigla siyang lumipad nang napakabilis na nag-iwan pa ng alimpuyo.
"Ano nga pong pangalan niyo?"
"Ako po si Manuel - Lvl 46 - Magres Ranked. Kung sa combat po isa akong melee fighter." Ang agad niyang sagot.
"Pa'no na po ang prinsesa?!" tanong niya.
Wala yatang choice!
"Sundan na natin, at patagalin sa abot ng ating makakaya!" Ang proud at malakas kong sabi. Hehehe, sa tingin ko oras na ng pagpapakita ng kung ano ang mga sinanay ko!
-End of the Chapter-