May isang binata na mapapa-ibig sa mala-nobelang paraan. Mahuhulog ang loob niya sa taong di niya inaasahan. Ang kasalukuyan nilang relasyon ay magkakaroon ng di pagkakaunawaan. Sa isang trahedya, sila'y magsasama. Ngunit ang lahat ay may hangganan, hangganang sa kanya'y gigising sa kamulatan at katotohanan. "Sa ilalim ng tala'y matulog nang mahimbing. At sa iyong paggising, pag-ibig ko’y damhin."
Madilim na paligid ang aking natatanaw. Tila parang ako'y nakapikit, ni halos walang makita. Kinakabahan ako ngunit wala akong alam sa nangyayari. Tumatakbo na lang sa isip ko kung ano ba talaga ito? bakit ganito? Laking gulat ko nang bigla na lang akong nakaupo sa isang sasakyan na mabilis ang pagtakbo. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nalito sa kung ano ba talagang nangyayari. May hinahabol ba kami at ganito na lamang ang bilis ng pagmamaneho namin. Sa hindi inaasahan, isang sasakyan ang bigla na lang humarang sa aming daraanan. Aksidente ang nangyari, bumangga ang aming sinasakyan. Gumulong-gulong at tumilapon kaming lahat. Wala akong ibang nakita kundi ang ilaw ng sasakyan na nagpapahiwatig ng pagtalsik ko sa labas. Nagsimula nang maglaho ang lahat ng aking nakikita at naririnig. Gusto kong sumigaw sa pagnanais na magising sa panaginip na ito, kung panaginip nga ito.
"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!", malakas kong sigaw nang magising ako.
"Buti na lang panaginip lang yun. Akala ko mamamatay na ako." wari ko habang bumubugtong hininga. "Sandali lang, unang araw pala ng pasukan ngayon at male-late na 'ko".
Dali-dali na akong naghanda at nagbihis para pumunta sa school. Nagbisikleta na ako para makahabol sa flag ceremony pero pagdating ko doon, wala na ang mga estudyante sa labas.
"Mukhang late na 'ko, patay" at tumakbo na ako papunta ng classroom ko nang biglang may nakabangga akong lalaki.
"Sorry ah!" bilin ko sa kanya sabay takbo. Pagdating ko ng classroom.
Adviser: Dito ba ang section mo, hijo?
Gab: Opo mam, sorry po na-late ako.
Adviser: O siya, pumasok ka na at h'wag ka nang mahuhuli sa susunod.
Gab: Salamat po.
At umupo na 'ko sa aking puwesto. Maya-maya ay nagpakilala na ang lahat tulad ng palaging nangyayari tuwing unang araw ng eskwela.
Gab: Good morning guys! Ako nga pala si Gabrielle S. Tuunan, 17 years old.
Pagkatapos naming magpakilalang lahat ay may lalaking tumayo sa pintuan ng classroom namin. Kinausap siya ng adviser namin.
Adviser: Class! May isa pa pala tayong kasama na nahuli rin. Ipakilala mo ang sarili mo hijo.
Eli: Kumusta! My name is Elijah M. Gatchalian. I'm from a private school named as St. Dukes Academy. I'm also 18 years old. Nice to meet you.
"Hmm… Mukang matalino siya at mabait, kaibiganin ko kaya 'to para may katulong akong mag-aral." wika ko sa isip ko. Sinabihan siya ng adviser namin na umupo sa tabi ko kase bakante naman yung upuan na yun. Sa pagpapatuloy ng gawain namin sa unang araw ng eskwela. Hinikayat kami ng aming aming adviser na isulat ang aming pangalan sa isang papel. Kaya naman ay kumuha na ako ng... "Sandali, wala pa akong papel?" wika ko sa isip ko habang naghahanap. "Naku naman, mapapagalitan ako nito ni Mama 'pag nalaman niyang hindi pa ako nakabili gayong binigyan niya naman ako ng pera para sa gamit ko sa school." panggagalaiti ko sa sarili ko habang naiisip ko na at naririnig ko sa aking isip ang mga salitang sasabihin ni Mama.
Gab: Ah hi, may papel ka ba?
Eli: Oo, bakit?
Gab: Ahh kase... pwedeng humingi kase nakalimutan kong bumili kanina...
Eli: First day palang wala ka nang papel, paano pa kaya sa mga susunod na araw baka umasa ka na lang sa mga tao dito...
Gab: *pabulong* Grabe naman 'to maka-judge...
Eli: Ano yun?
Gab: Ahh wala, bibili na lang ako mamayang breaktime...
Natapos ang araw na ito na may galit ako sa kanya.
"Grabe, galing private pero gan'un ang ugali", ani ko sa aking isip habang nagbibisekleta pauwi.
Gab: Ma! Nakauwi na po ako...
Ella: Wala si Mama dito nasa palengke, bumili ng ulam...
Gab: Ahh ganun ba, sige magbibihis na lang ako...
Kinagabihan, binuksan ko ang bintana namin dahil di ako makatulog. Sa aking pagmamasid sa madilim na kalangitan, nakita ko ang kagandahan ng buwan kasama ang mga bituin. Nakikita ko rin ang pagtama ng liwanag ng buwan sa mga damo ng bukid. Tanaw ko rin ang malinis na kalangitan na dinadaan ng mg ulap. Ang gandang pagmasdan ang gabing puno ng magagandang bagay. Pero may isang nakapukaw sa'kin ng pansin, isang bituing may taglay na malakas na ningning. Isang bituin na hindi ko pa nasilayan noon pa man.
"Teka? Ba't ngayon ko lang 'to nakita?" wika ko sa sarili ko.
Ang bituin na 'yun pala ang magiging simbolo ng kwento ko. 'Di nagtagal ay dinalaw na ako ng antok at nagsimula ng matulog.