webnovel

VII. EKPAÍDEFSI

Kinabukasan ay nagising ako ng wala na sa kama niya si Darah, napabalikwas naman ako ng bangon kaya naman bigla akong nahilo. Shit!

Nanatili muna akong nakaupo hanggang sa mawala yung biglaang hilo ko, nang mawala na 'yun ay tumayo ako ng dahan dahan. Napatingin ako sa may bed side table ng mapansin ko na may nakapatong na libro dun "Bakit may libro dito!?" Takang bulong ko sa sarili ko. Inalala ko kung bakit may librong nakapatong doon.

"Hindi kaya kay Darah 'to?" Bulong ko at dinampot 'yun. Sinilil silip ko pa yung libro ng bumukas yung pinto. Agad naman akong tumingin dun. Taka naman akong tiningnan ni Darah "Ano yan?" Tukoy niya dun sa hawak kong libro "Obviously a book!" Ngitiwitan niya ako sa sagot ko, I was about to opened it ng magsalita siya.

"Mag-eensayo ulit ngayon, kaya maghanda ka na" saad niya, binalik ko na sa pinaglalagyan kanina yung libro at nagsimula ng kumilos. Ilang araw na ba 'yun sakin? Pinalis ko yun sa isip ko at naligo na. Nang matapos ako ay agad din akong lumabas, naabutan ko si Darah na sumisimsim ng kape niya "Why are you up so early?" Saad ko at umupo sa katapat niyang upuan.

Binaba niya yung tasa at tumingin sakin "I'm going to Hans grave, magdadala akong bulaklak" saad niya tapos kumain ng bread na nandun sa lamesa. Tumango ako, pagkalaan ay nagtanong ako "San ka naman kukuha ng mga bulaklak?"

"Sa field ni Dimitrov" simpleng saad niya saka sumubo ng bread "Are we allowed to get something from his field?" Saad ko at kumuha ng kape. Magco-coffee nalang din ako at bread "I don't know malawak naman yung field and madaming flowers, so I think baka pwede" marahan niyang saad.

"Why don't we go to his house and tell him? What do you think?" Suhestyon ko at nagsimsim ng kape ko, tumango lang naman siya.

Nang matapos kami ay umalis na kami sa bahay at gaya ng nakapag usapan kanina ay dumaan muna kami sa tinutuluyan ni Dimitrov, si Darah na ang pinag pakausap ko at siya naman ang nakaisip nun. Pumunta na siya sa doon sa may pinto at kumatok. Tumalikod ako pinasadahan ng tingin ang mga nasa paligid.

Dahil masyado pang maaga ay malamig pa ang simoy ng hangin pero hindi 'yun nakakabawas sa ganda ng lugar na ito. Malapit ng sumikat ang araw at maganda yung pagmasdan kapag nasa mataas taas kang lugar. Maybe in Hans grave? Mataas taas ang lugar dun.

Narinig kong bumukas yung pinto, nilingon ko 'yun. Napatitig naman ako kay Dimitrov na nakahawak sa seradura ng pintuan at nakadungaw kay Darah, gulat na gulat naman ang itsura ni Darah, palibhasa ay walang suot na pang itaas na damit si Dimitrov, siya ay naka sweat pants lang at pawisan. Maybe he's exercising? Binalik ko nalang ang tingin ko sa tinitingnan ko kanina.

Darah can handle it! Sa isip ko at napa ngisi "Ah----g-good morning. I was just wondering if we can pick some flowers in your field?" Rinig kong saad ni Darah. Matagal tagal pa bago magsalita si Dimitrov "It's for Hans" agad na salita ni Darah "Ah..." Si Dimitrov "Sure! I heard that Christine burried it" dagdag niya "Christine said that to you?"

"Yes, nung naabutan niyo siya dito nung minsan! She's actually asking me kung pede 'rin kumuha ng bulaklak..." Kaya pala naabutan namin 'yun dito nung minsan. I was actually thinking kung may namamagitan sa kanila, but I remember that Dimitrov is a healer kaya natural na maraming lumapit sa kanya "Ah...." tanging sagot niya.

Natahimik naman yung dalawa. Bakit? Wag mong sabihin na nagtititigan yung dalawa!? You've got to be kidding me! Inis kong nilingon yung dalawa, and yes! Magkatitigan nga yung dalawa. So corny!

Unang nagbawi si Darah ng tingin, she awkwardly smile at Dimitrov "Uhmm...sige. Thank you!" Si Darah na agad tumalikod at agad na lumapit sa akin "I can go with you..." habol ni Dimitrov, sabay naman kaming napatingin ni Darah sa kanya. Dahan dahan kong nilingon si Darah "Ah No! Thank you for your offer...but we can manage" pilit na ngiti ni Darah at umalis na kami.

Habang naglalakad kami papunta sa field ni Dimitrov ay tahimik si Darah "You know what? Dimitrov is way too nice...don't you think?" Basag ko sa katahimikan "Oo nga eh, pansin ko din!" Simpleng saad niya at nagpatuloy sa paglalakad. Nagkibit balikat nalang ako, siguro iniisip niya na tutuksuhin ko siya.

Nang makarating kami sa field ay namangha ako, sa malayo ay makikita mo na ang ganda nito pero hindi ko akalain na mas gaganda pa pala ito sa malapitan. Nilibot ko ang paningin ko Coreopsis sunray, Columbine McKana's giant, Baby's Breath, Calla, Lisianthus at sobrang dami pa. Yung iba nga ay ngayon ko lang nakita. Nilingon ko si Darah na ngayon ay nililibot ang kanyang paningin "Lisianthus and Baby's breath nalang kunin natin..." saad ko, nilingon niya naman ako "Alin 'yun? I only know roses and daisy, sunflower and yung binibigay sa mga patay" saad niya at nagpalinga linga.

Itinuro ko naman yung bulaklak na sinabi ko at tumango naman siya "Isn't that too much?" Saad niya sakin ng nailagay na namin sa flower basket. Agad ko naman siyang nilingon "Too much? It's for Hans kaya its okay" saad ko tapos pinagpagan ang kamay ko at binitbit yung basket, sumunod sakin si Darah. Tumigil kami sa may sapa at naghugas ng kamay "Ohhh....cold!" Saad niya habang nagbabanlaw ng kamay. Sikat na ang araw at ang ganda pagmasdan ng mga bulaklak na tinatamaan ng araw "Let's go?" Anyaya ko sa kanya.

Nang makarating kami sa puntod ni Hans ay agad naming nilapag yun sa uluhan ng puntod "We put so much effort in getting that Hans!" bulong ko at nakatingin lang si Darah sa akin. Nanatili pa kami duon ng ilang minuto nang mapagpasyahan namin na pumunta sa pag-e-ensayuhan namin. Wala pang tao dun ng makarating kami "They're late? Or we're just early?" Si Darah at lumapit dun sa malaking tent.

Pumasok siya duon at naiwan ako sa labas "West!" Pumasok ako sa loob, nadatnan ko siyang nakapamaywang "Ano!?" Nginuso niya yung nasa unahan namin. Bow and arrow? Lumapit doon si Darah at kumuha ng kanya tapos kumuha din ng malaking bilog na kahoy na sa tingin ko yun yung parang target. Nang makita noya akong nakatayo lang dun ay tinaasan noya ako ng kilay.

"Anong tinatayo tayo mo dyan? Get one!" Utos niya sakin kaya naman kumuha na ako. Hinintay niya akong makakuha bago kami sabay lumabas. Madami kaming arrow na kinuha kaya paniguradong tuloy tuloy kami. Lumingap siya at natigil ang paningin sa dalawang puno na tama lang ang layo samin at tama lang ang agwat sa isa't isa "Let's hang this thing in that tree" saad niya at lumakad bitbit yung kahoy, sumunod naman ako sa kanya. Nang matapos namin yung isabit ay bumalik na kami sa pwesto namin kanina.

"Let's bet who will shoot continuosly?" Si Darah at hinarap ako. Ngumuso naman ako "Bakit kailangan pa nating mag bet? I mean, we can just play this..." saad ko at tinaas ang bow "And it's lame....you know...like pano kung parehas lang naman tayong sunod sunod ang tira..." dagdag ko. Napaisip naman sya "Then...how about this...kapag sa bawat tira ko ay sablay you can ask me anything...." napakunot naman ako ng noo "Anything?" Tumango naman siya "Then that same goes for me, right?" Saad ko at tumango ulit siya. Napangisi naman ako.

"Who will shoot first?" Tanong ko at kumuha ng arrow sa quiver na nasa likod ko "Sabay tayo!" Inayos ko ang arrow sa bow, ganun din ang ginawa niya "What if we didn't miss?" Saad ko "Then continue shooting until one of us miss....Now!" Sabay naming ni-release yun at sabay ding sumapol sa target na naka sabit.

Hinarap ko siya "You can't beat me in this" taka naman niya akong tiningnan, kumuha siya ng arrow ulit at iniayos yung sa bow "I'm not beating you...cause I'm way bettet than you" saad niya at ngumisi "Really?" Sarkastiko kong saad "Well let's see then!" Dagdag ko at kumuha na din ng arrow.

Sabay naming nirelease yun ay sabay din yung tumama sa target namin, paulit ulit namin yung ginawa at wala ni-isa samin ang sumasablay. Tumawa si Darah "Are you this determined para lang matanong ako?"

"No way!" Saad ko "I didn't even miss a shot!" Ngising aso kong saad

Nagpatuloy kami sa pagpana at naging tutok duon, nang mapansin ko na huling arrow nalang namin 'yun ay nag isip na ako ng paraan para makamintis siya ng tira. Kinuha ko sa quiver yung arrow "Pano ba yan huling arrow na 'to?" Baling ko sa kanya pero ngumisi lang siya. Tinitigan ko siya at nginisian. Umiwestra kami na papana na. You lost this one, Darah.

Umakto akong tumingin sa likod niya "Hi, Dimitrov!" Saad ko at ngumit ng matamis and in a split second nauna akong tumira sa kanya at nakalingon naman sa likod niyang narelease ang arrow. Inis naman siyang lumingon sakin "You!" Usal niya. Sakto naman kaming lumingon sa tinamaan ng arrow niya, it's in the body of tree.

Nakangising aso ko siya tiningnan "You miss" I said mockingly, palibhasa'y ayaw matanong. Inirapan nya ako "You tricked me that's why..." saad niya. Umakto naman akong humawak sa bibig ko at tiningnan siya ng nag aakusa "I tricked you? No..no! I've only said Dimitrov then you go like your out of your focus.." I said then tumawa at inismiran niya ako.

She looked at me like she gave up "Fine! Ano bang ITATANONG mo?" Hindi naman muna ako nagsalita, tinitigan ko muna siya, inaaral kong anong magiging reaksyon niya. Yumuko ako at nagpakawala ng hangin "Do you like Dimitrov?" Seryoso kong saad at nag angat ng tingin sa kanya.

Hindi naman siya agad nakasagot sakin. You already know the answer, pero tinanong mo parin! Napakurap kurap muna sya "I...I don't know!" She sighed and look down "Panong hindi mo alam?" tanong ko "I don't know...Ilang araiw palang naman natin sya nakikilala...okay!" Nakatungo niyang saad "Forget about the days! I want to know your feelings for him!?"

"I really don't know! I don't know if I'm just curious why I saw myself when I held his hands or I did have a feelings for him!" pahina hinang saad niya "I felt ice cold when I saw Christine in his house...parang tikasan ako ng lakas..I can't even looked in his eyes properly!" Dagdag pa niya

Umiling ako sa kanya "Fine! Whatever! Just don't fall too much and ended up hurting yourself!" Saad ko at tumalikod na sa direksyon ng tent. Pero napatigil ako sa pagpunta doon "Dimitrov?" Usal ko. Gulat naman na lumingon sa kanya si Darah. Napayuko at pumikit ng madiin. Gosh! "Kanina pa ka?" Mahina kong saad pero tiningnan niya lang kami. Shit!

Maya maya ay ngumiti siya samin "No, I just got here!" Saad niya. Hindi naman kami maka alis sa pwesto namin ni Darah. Nanatili akong nakakatitig kay Dimitrov. You heard us right? Sa isip ko at nagulat naman ako dahil sumagot dun si Dimitrov "I'm here before you start!" Malamig niyang saad sa isip ko at napa urong ako sa sinabi niya.

Fudge this!

Chapitre suivant