webnovel

III. Límni

Darah's

Nang magising ako ay wala na si West sa kama niya, bumangon ako at dumiretso sa kusina at doon ko nakita si West na nag luluto. "Good morning!" Bati ko sa kanya at umupo sa upuan, nilingon niya naman ako at hinainan ng pagkain "Your up early?" Usal ko at kumuha ng spoon at kumain.

"Yes, I'm planning to go to Christine. I'm going to look at Hans body" sagot niya, nabaling naman ang tingin ko sa kanya "Did she already burried it?" Umiling naman siya "I don't know that, baka kapag pinuntahan na natin?" Saad niya at isinalin na sa pinggan niya ang niluluto niya at umupo na din. Napatitig ako sa kanya pero binalik ko na din ang tingin ko sa pagkain ko, nagsimula na kami kumain ng tahimik.

Maya maya ay napabaling kami sa may pintuan nang may kumatok, nagkatinginan naman kami ni West at muling sumulyap doon. Tumayo ako "I'll open it" saad ko, nagsimula na ako maglakad duon "Sino kaya 'yun? Maaga pa ah?" Kausap ko sa sarili ko

Nang makarating ako ay binuksan ko iyon at bumungad sakin si Antiope "Good morning" nakangiting bati niya, hinagod ko siya ng tingin. Naka suot ng over size t-shirt na nakatuck-in sa maong shorts niya tapos naka rubber shoes. Rubber shoes? At naka tali ng lahatan ang buhok nya at yung bangs niya naman ay naka labas. She looks cute. Napatingin ako sa hawak nyang basket.

"Hey! I said Good morning? Anyare sayo at napatulala ka?" Agaw atensyon niya sa'kin, napabalik naman sa kanya ang tingin ko "Ah, yeah, What are you doing here? Its too early?" Agad na usal ko.

Nginiwitan niya naman ako "Hindi mo 'man lang ba ako papa-pasukin?" Mataray niyang saad sakin, hindi ko naman siya sinagot at nilakihan nalang ang bukas ng pinto. Nginitian niya naman ako bigla at pumasok. Nang makapasok siya at sumunod din ako sa kanya. Umupo siya sa karatig kong upuan at pinatong sa ibabaw ng table yung basket. Nagtataka naman akong tiningnan ni West pero nagkibit balikat nalang ako.

Binaling ni West ang paningin niya kay Antiope "What are you doing here this early?" Usal ni West. Napatingin naman sa kanya si Antiope, binuka niya bibig nya pero hindi naman siya nagsalita pero bigla syang ngumiti at nagsalita "We were supposed to look at the lake, right?" Saad niya "Ah, that" usal ni West na parang may naalala. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ganun din si West.

Tumayo si Antiope "Bilisan niyo dyan at mag ayos na kayo ha" utos niya at naglakad pa puntang sala. Sinundan namin siya ng tingin. Umismid si West "Er! I just started to eat" reklamo niya. Inilingan ko lang naman siya at binilisan ang pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay naglinis kami ng katawan. Nagsuot ako ng distressed-effect denim short at veronica button top and I wear a white rubber shoes. Actually I was suprised na may mga gantong damit sa closet and it's really conventient. Nang lumabas ako sa kwarto ay nagugulat naman na tumingin sakin si West.

Nagpalipat lipat ang tingin niya samin "What are you guys wearing?" Tumayo si Antiope at kinuha yung basket na dala niya. Hinagod ko naman ng tingin si West, she's dressed with some sport wear and it's very different from what we wear.

"Darah is manggagaya ng outfit" saad ni Antiope na nakakaloko. Nginiwitan ko lang naman siya. Umiling iling si West at bumaling kay Antiope "Let's go?" Anyaya niya at tumango nalang si Antiope. Nagsimula na kaming maglalakad at nagsalita si Antiope "May parte ng lake na ito ang pinaka paborito ko" saad niya at tumigil, may tinuro siya "That part" usal pa niya. Nilinga naman 'yun ni West, ako naman ay nagpa tuloy sa paglalakad "Hindi naman masyadong kita dito!" Saad ni West habang tinatanaw 'yun.

"May malaking bato dun" dagdag ni Antiope, at napalingon ako sa kanila "Maganda nga dun!" Usal ko kaya naman napalingon sila sakin "How did you know?" Si Antiope

Napag silop naman ni West ang kamay niya na parang may naalala "She go there kahapon!" Saad niya kay Antiope "Really?" Saad niya at bumaling sakin "So, how is it? Sobrang ganda ba?" Pagmamayabang niya

Tumawa naman si West "Of course! Sure akong nagandahan siya dun, kasama niya si Dimitrov eh!" Tumawang saad ni West. Pinanlakihan ko naman sya ng mata. Nang tingnan ko si Antiope ay nakatingin na siya sakin ng nakakaloko. Napahawak naman ako sa noo ko. Seriously!? Tumalikod na ako sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad at agad na sumunod sila sakin. Yung dalawa naman ay panay na ang kwentuhan, syempre tungkol na naman sakin.

Nang makarating na kami ibinababa ni Antiope yung basket at hinubad ang sapatos at tumakbo sa tubig "Welcome to my paradise!" Sigaw niya samin at nagtampisak sa tubig. Si West naman ay manghang mangha sa lugar, nilibot ko ang paningin ko.Maganda din pala talaga kahit umaga!

Sumikat na kasi ang araw at kitang kita ang ganda nito dito. Nakita ko naman si West na hinubad ang sapatos at lumusong na din sa tubig, tuwang tuwa. Napansin ko naman na tumigil si Antiope sa pagtatampisaw at tumingin sakin "Why?" Tanong ko

Itinuro nya ako at tiningnan na parang hindi nakakapaniwala, napansin naman 'yun ni West "Something wrong?" Usal niya kay Antiope.

Hinubad ko yung sapatos ko at lumusong na din at pumunta sa kanila "You swim here naked!" Usal niya sakin. Gulat naman na tumingin sakin si West "But your with Dimitrov!" Halos bulong na saad ni West.

"No! I mean, yes! I swim here naked but I'm not with Dimitrov that moment!" Depensa ko, baka kung ano ang isipin. Pero hindi nila sinagot at tiningnan lang nila ako pero maya maya ay tumawa nang malakas si Antiope "You should have seen your face! It's red as tomato" saad niya at tumawa. Si West naman ay bumingisngis. Inaasar nila ako! "You know what?" Bigla saad ni Antiope

"What!?" Asar kong saad

"You have a crush on Dimitrov" saad niya at bigla naman tumawa ng malakas si West. Pinagtutulungan nila ako! Hindi ko nalang sila pinansin at umahon. Tawang tawa parin naman yung dalawa. Si West ay naglangoy na at ganun din si Antiope, tiningnan ko sila at tuwang tuwa naman sila. Napag desisyunan ko na mag langoy na lang din. Naunang umahon si West, sumunod si Antiope, nang mag sawa ako ay umahon nadin at dumatig sa kanila.

"San galing yang kinakain niyo?" Tanong ko. Tinuro naman ni West yung basket. Lumapit ako duon at kumuha "Pagkatapos natin dito, maghanda kayo" bungad ni Antiope, napatigil naman ako sa pagbubukas ng sandwich "For what?" Si West

"Magsisimula na kayong magsanay" saad niya at napabuntong hininga. Natahimik naman kami ni West "It's okay, we can do it" saad ni West at pinag patuloy na ang pagkain niya.

Ngumiti lang naman si Antiope at nagpatuloy na din "I actually want to say sorry, I was being ride to you two" sinserong saad niya napabaling naman ang tingin namin sa kanya "Sa amin lang bang dalawa?" Walang kagatol gatol na saad ni West, siniko ko naman siya "Just kidding!" Biglang bawi niya.

Nginiwitan niya lang naman kami, pero imbis na magalit at tumawa nalang kami "I hope we survive 'till the end!" Napatango nalang kami sa kanya. I wish too!

Chapitre suivant