Chapter 6
- Devin's POV -
Pareho kaming apat na wala parin sa sarili. Pareho-pareho kaming nagulat at namangha dahil sa ginawa ni Taguro. Lahat kami ay nakaawang parin ang bibig dahil sa gulat.
"G*go, paano nangyari yon?" Gulat paring tanong ni Kyle. "Ehh, parang ginawa nyang matrix yon, ehh." Sabi nya pa. Nagkatinginan kaming apat at hindi parin kami nakakabawi dahil sa ginawa ni Taguro.
- Arabella's POV -
"Ayan na... Ohh. Ohh. Ohh!!!" Masiglang sigaw ng mga kaibigan ko. "Grabe! You're the GOAT, Bell!" Sigaw pa ni Reggie.
"Greatest Of All Time?" Tanong ko.
"Grabe!" Sigaw pa ni Brigitte.
"Sus, wala yon!" Mayabang na sabi ko.
"Alam mo, Bell. Lahat ng prinank nila, pagkatapos ng isang prank, umaalis na agad sila. Ikaw, ang dami na nilang nagawa, still standing parin." May paghangang sabi ni Anna.
"Shempre. Baka ginawa ako para sa maximum pain." Natatawa at mayabang kong sabi.
"You're the best!" Sabi pa ni Brigitte.
- Devin's POV -
"Grabe talaga ang Taguro na yan. Ang dami na nating ginawa pero hindi parin natin sya napapaalis sa school natin." Sabi ni Kyle. "Kailangan na nating syang... Ano... You know the word?" Tanong naman nya, napailing naman ako.
"Terminate?"
"Eradicate?"
"Annihilate?"
"Hindi... Ano, yung ano... Defecate." Sabi nya.
"Defeat." Sabay na sabi ng dalawang babae.
"No. Kyle is right, for once. Defecate. We have to defecate her." Sabi naman ng isang babae.
- Arabella's POV -
Sa susunod ay wala kaming pasok kasi weekend na. Tinapos ko lahat ng gawain at nag-overtime ako para may extrang sahod ako sa sweldo namin. Naisip kong magdahilan nalang na may ginawa kami nila Brigitte.
"Ayos lang. Oo nga, pero---"
"Are you still open?" Biglang may nagtanong galing sa pinto. Lahat kami napalingon at parang nagkagulatan kaming dalawa.
"Bell?" Gulat at nakangiting tanong nito. "You're working here?" Tanong nito.
"Oo." Nakangiti kong sagot. "Magsasara na kami, ehh." Nahihiya kong sabi at napakamot pa sa ulo.
"Ano ka ba naman---"
"Sarado na kami!" Sigaw ko.
"It's ok, miss Barb. Babalik nalang ako bukas. Muhkang pagod na din kasi si Bell, ehh." Sabi nya ng nakangiti. Pilit naman kong ngumiti.
"Yiee!!!" Impit na tili ng tatlo kong kaibigan sa gilid.
"Hi, girls. Bye!" Sabi nya tapos kumaway muna bago lumabas.
"OMG!!!" Sigaw nung tatlo ng makalabas si Ryan.
"Paano kayo nagkakilala, Bell?" Tanong ni Reggie.
"Nagkabanggaan lang kami kanina." Naiilang kong sabi.
"Grabe! Bell! You're the GOAT na talaga!" Sigaw pa ni Anna.
"Tsk." Singhal ko tapos umiling.
KINABUKASAN. . .
- Third Person's POV -
"Tandaan mo, Cyrus, ha?" Paalala ni Saylor. "Kapag pumalpak to, ikaw ang may kasalanan. Naiintindihan mo?"
"Oo. Oo." Natutuwang sabi ni Cyrus.
"It's Instant LMB. Mabilis daw to umepekto sabi ni Kyle." Sabi nya pa. Ihinalo na nya ang milk tea at inilagay sa iba pang milk tea na naroon.
Sila naman ay pumesto na at inantay dumating ang kanilang target. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na nga si Taguro kasama ang mga kaibigan nya.
"Alam mo hindi ko na nga sya masyadong nakikita, ehh." Sabi naman ni Reggie.
"Naku, tigilan nyo ako sa mga ganyan nyo." Naiilang na saway ni Bell sa kanila.
"Pero bakit parang hindi ko na nakikita yon?" Tanong naman ni Anna.
"Nakikita mo, hindi mo lang pinapansin." Sabi naman ni Reggie.
"Alam mo, kung ano sa inyo, wag nalang kayong magpaloko sa mga ganyang muhka. Mga manloloko lang naman ang mga yan." Sabi pa ni Bell.
"Ayy! Ohh, may hugot ang Arabella nyo!" Natatawa at nanunuksong sabi ni Reggie.
"Naku, tigilan nyo ako!" Sigaw ulit ni Bell.
"Saan tayo bukas?" Tanong naman ni Brigitte.
"Gym!!" Sigaw namab nila Reggie at Anna.
"Ok, guys! We won on our last game yesterday." Malakas na sabi ni Levi.
"At, dahil you guys give your all support, you cheer us, and you'll believe on us. Free milk tea for everyone! Ok?"
"Go Eagles! Fight and Win! Hoo! Haa! Ho-ha!" Sigaw ng lahat. Isa-isa nang binigyan ng inumin ang mga estudyante habang nag-uusap parin sila Arabella.
"So, ano nga? Wala nga?" Tanong naaman ni Reggie.
"Wala nga. Pangalaan nga lang nya ang alam ko, ehh." Nakangusong sabi nya.
"Pe---" hindi na natuloy iyon dahil biglang bumungad sa harap nila si Cyrus. Isa-isa silang binigyan at nagulat si Bell dahil wala nang natira.
"Sayo na yan." Sabi ni Bell.
"Hindi. Ok lang." Sabi naman ni Cyrus.
"Hindi, ok lang ako. Sayo na yan." Sabi ulit ni Bell.
"Hindi. Ok lang promise." Sabi naman ni Cyrus.
"Hindi. P-Pero pa..." Hindi na nya natuloy kasi umalis na si Cyrus. Napabuntong-hininga sya tapos naupo ulit.
"Tignan mo, nakatingin sa akin si Levi, ohh." Biglang sabi ni Brigitte.
"Oo nga. Nakatingin din dito si Noah." Sabat naman ni Reggie.
"Noah, crush ka ni Anna."
"Ano ba, Brigitte. Nakakahiya." Mahinang sabi ni Anna. Si Bell naman ay napailing nalang at uminom sa milk tea nya. Ang mga tao naman sa likod ng prank ay nag-aantay ng mangyayari.
"Grabe, ang ga-gwapo nila..." Sabi pa ni Reggie.
"Tsk." Singhal naman ni Bell.
"Sus. Kunyari---" hindi na natuloy iyon dahil biglang may narinig sila na parang um*t*t. "Brigitte, ano ba." Natatawang sabi ni Reggie.
"Oyy, hindi ako yon." Sabi naman ni Brigitte.
"Bell?" Tanong nila. Ayon nanaman ay tumunog nanaman ang tyan nya at napa*t*t nanaman sya.
"Gosh. Pigilan mo." Bulong ni Reggie sa kanya. Dali-daling kinuha nya ang mga gamit nya at nagmamadaling tumakbo papuntang Restroom.
"Hahaha!" Tawanan lahat.
"I think we need a new restroom." Natatawang sabi ni Heaven.
A Few Moments Later. . .
"Ang baho!!" Sabi ng babaeng galing sa restroom.
"Ayy." Sabi nilang tatlo.
"Ano ba yan." Inis nanamang reklamo nito.
"Sorry, teh! God bless!" Sabi naman ni Brigitte. Pagkatapos non ay lumabas naman ay si Bell at agad naman nila itong dinaluhan.
"Bell, ayos ka na ba?---"
"Bell, gusto mo na bang lumipat ng school? May maganda akong nahanap---"
"Bell, Gusto mo bang i-report na nati---"
"Hindi!!" Malakas na sigaw ni Bell. "Ibahin nila ako sa mga taong prinank nila! Hindi nila ako mapapatumba ng ganon kadali! Pag ako sumabog---" hindi na nito natuloy ang sinasabi nya dahil sumabog nanaman ang hangin.
"Bell!?" Reklamo nila tapos nagtakip ng ilong nila. Agad naman napatakbo ni Bell at agad namang sumunod ang mga kaibigan nya. May babaeng dumaan at muhkang papasok din sa CR.
"Sandali!!" Pigil nila dito.
"Bakit?" Tanong nito.
"Mahal mo pa ba buhay mo?" Tanong ni Reggie. Tumango naman ang babae.
"Lumipat ka nalang." Sabi nilang lahat.
"Ba---"
"Basta! Sige na." Sabi ulit nila.
"Love you, tee!" Sabi pa ni Reggie.
"God bless!" Pahabol pa ni Brigitte.
- Devin's POV -
Tapos na ang klase at nandito pa kami sa may hallway. Inaantay kasi namin si Levi. Nagpaalam kasing mag-c-CR daw muna sya.
"Do you think Anna is Beautiful?" Tanong ni Noah.
"Why? Do you like her?" Tanong ko naman.
"No. I'm just asking." Nakangiting sabi ni Noah. Biglang tumunog ang phone ko at tinignan ko kaagad iyon.
'Baka kase importante.'
Nang makita ako ang nilalaman ng text ay parang gusto kong mag-sisi dahil sa nabasa ko. Nakakabad trip. Mas gusto ko pang itext ako ni Mommy na hindi sya makakauwi kesa dito.
"Ohh. May ginawa nanaman ba si Bell?" Biglang sulpot ni Levi.
"It's not Bell." Sagot ko.
"The only person that I know that can make you in a bad mood is..."
"Hoy!! Tara na!" Biglng sigaw ni Bell.
"Ang tigas talaga ng babaeng to." Sabi ni Kyle.
"Baka pagalitan na ako ni Madam Barb." Sabi nya tapos habang hinihila ang mga kaibigan nya.
"Nagtra-trabaho pala ito sa The Barb." Nakangising sabi nanaman ni Kyle.
- Arabella's POV -
"Alam mo, ang gwapo talaga ni Devin kapag nagagalit." Sabi ni Reggie.
"Oo nga. Alam mo, Bell, galitin mo lang ng galitin si Devin. Baka magkagusto sayo yon." Natatawang sabi ni Brigitte.
"Naku, tigilan nyo ako, ha. Bahala kayo sa buhay nyo." Sabi ko naman.
"Malay mo. Diba?" Sabi pa nito.
"Pero, Bell. Wala na ba talagang chance para magkabati kayo ni Devin?" Tanong ni Anna.
"Oo nga. Tapos pwede na din namin makaclose sila Levi." Parang kinikilig na sabi nito. "Baka naman..." Sabi nya pa habang magkaharap sila ni Reggie na pareho lang din ng reaksyon sa kanya.
"Oo nga naman, Bell. Baka naman, pwedeng magtrabaho ka muna, ano?" Singit naman ni Madam Barb. "Ito, deliver mo. 10,000 yan, ha?"
"Opo. Sige po." Sagot ko sa kanya. "Sige, una na kayo!" Sabi ko sa kanila tapos lumabas ng The Barb.
A Few Moments Later. . .
Nandito na ako sa pang-apat na address at nagdadasal na sana hindi na ako ma-prank sa isang to. Itinigil ako ang motorbike na gamit ko tapos tiningnan ang lugar.
Parang wala namang tao doon pero ayoko talagang magpakasigurado dahil baka may tao naman talaga sa loob ng bahay na to kaya bumaba ako para kumatok doon.
"Tao po!" Malakas kong sabi. "Tao po!!" Sigaw ko pa. Lumapit ako para sumilip at nakita kong wala talagang tao. Nanghina ako at sinubukan ko pa ulit. "Tao po!" Sigaw ko pa ulit.
Nang hina ako dahil walang sumasagot sa akin at parang ang bigat din ng paghinga ko. Humarap ako sa may bandang gilid at parang may nakasulat doon kaya tinanggal ko ang nakatakip.
"The Trash. Arabella Romero." Dahil sa nabasa ko ay nanghina na talaga ako. Kinuha ko na ang phone ko at tinawagan si Madam Barb. "Hello, Madam! Na prank nanaman po ako!"
"Ano? Bell, ikaw ang kumuha ng lahat ng yan. Baka naman ako ang pinaprank mo?"
"Pe---"
"I-deliver mo ng maayos yan. Ikakaltas ko yan sa sweldo mo."
"Ma---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla nalang ako nitong pinatayan.
'Kanina pa naman kay kumukulog. Baka umulan na.'
Nagulat ako ng biglang bumagsak ang malakas na ulan dahil nandito ako ay talagang nabasa ako kaagad. Ang masama pa ay wala akong makitang pwedeng silungan dito.
Lalo naman akong nanghina at tumabi nalang ako doon sa may gilid ng bahay. Napaupo ako doon ay hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko kasabay sa pagtulo ng ulan sa muhka ko.
Biglang tumunog ang phone ko at nakita kong si Brigitte iyon. Sinikap kong patigilin ang hikbi ko dahil baka mag-alala sila sa akin. Pinigil ko din ang pagtulo ng luha ko.
"Hello? Bell?"
"Hello?" Pinilit kong sumagot ng maayos.
"Nasaan ka? Umuulan na, ohh?"
"Nakasilong naman ako."
"Umuwi na kami. Hindi kasi kami pwedeng magtagal. See you nalang. Love you, Bell! Sorry!"
"Ok lang. Sige, bye." Sabi ko tapos pinatay na nya ang tawag. Napabuntong-hininga ako tapos nagulat ako ng may biglang kamay na lumahad sa akin.
"Bakit nagpapaulan ka? And why are you crying?" Tanong nito. Inangat ko ang paningin ko at hindi ko na napigilan ang luha ko dahil nakita ko syang may dalang payong.
- To Be Continued -
(Wed, July 7, 2021)