Napatitig ako sa mukhang nasa harap ko ngayon. Ngumiti siya sa akin at saka lumapit. Nagbigay naman ng daan ang mga nakaitim at hinayaan siyang makalapit sa akin.
"Nyssa... Dumating ka." Aniya saka iniangat ang kamay niya. Hinawakan niya ang pisngi ko. Sa totoo lang, nalilito din ako. Bakit si Maxson nandito? Anong kinalaman niya sa Black Trio na iyon? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Sa totoo lang, natatakot ako na baka totoo nga ang nasa loob loob ko ngayon. Na si Maxson ay...
"Kung narito ka, ibig sabihin lamang ay nakapag-desisyon ka na." Binawi niya ang kamay niya at sumenyas sa mga nakaitim. Sa ilang iglap lamang ay wala na kaming kasama pang iba.
"Hindi pa ako nakapag-desisyon." Sagot ko.
Itinagilid niya ang ulo niya. "Mmm, anong ibig mong sabihin, Nyssa? Kung ganoon, bakit nandito ka?" Tanong niya.
Ikinuyom ko ang kamao ko.
"Ano ba talaga ang gusto niyong mangyare? Bakit... Bakit patuloy kayong nananakit ng iba para lamang sa mga gusto niyong matupad?" Kalmadong tanong ko.
Tumawa naman siya ng kaunti.
"Maxson huh." Pag-iiba niya ng usapan saka tumawa. "Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo babae. Pero iisa lamang ang kilala kong Maxson.." Sambit niya.
Ibig sabihin, hindi siya si Maxson? Napabuntong hininga naman ako. Pakiramdam ko ay naalis lahat ng bigat sa dibdib ko.
"Sagutin mo ang tanong ko kanina." Mariin kong sabi.
"Pwede ko namang sabihin sayo, pero may kundisyon ako."
"Ano yun?"
"Alam mo na kung ano iyon, Ms. Nyssa."
Napalunok ako at umiwas ng tingin.
"Hindi ko kayo pipigilan sa gusto niyo. Gamitin niyo ang kapangyarihan o kung ano mang espesyal ang meron ako. Susundin ko ang lahat ng iyon.." Napahinto ako sa pagsasalita at tumingin sa kaniya. Isang matalim na tingin ang ibinigay ko na hindi niya inaasahan. "Pero kung maraming mamamatay at magdurusa dahil sa gagawin niyo... Ako na mismo ang tatapos sa inyo."
Dahil sa sinabi kong iyon ay nag-iba ang ekspresyon niya.
"Matapang ka..." Mahinang sabi niya. "Pero hindi ko maipapangako na walang madadamay sa gagawin naming ito. Lalo pa't nangangati ang mga kamay ko na ubusin ang mga taong hindi nararapat sa mga posisyon nila." Mahinang sabi niya.
"Ano ba talaga ang plano niyo?" Naiinip na tanong ko. Ngumisi siya at naglakad papapunta sa bintana. Tumingin siya sa labas.
"Didiretsahin na kita, Nyssa. Papatayin ko ang leader ng pinaka-mapakapangyarihang clan sa Hiyosko. Pati na din ang Captain-Commander na si Hios. Alam ko na hadlang siya sa magiging plano ko kaya naman dapat lang siyang mawala." Humarap siya sa akin at sumeryoso ang mukha. "At kung sakali man na mangialam ang matandang leader ng Chen Clan... Hindi ko din siya palalagpasin." Aniya saka tumawa. Tumawa siya na parang wala ng katapusan. Ang weirdo lamang dahil nakikita ko si Maxson sa mukha niya. Pero tingin ko naman, medyo maganda pa din ang ugali ni Maxson kesa sa utak ipis na to.
Balak niya palang patayin ang mga taong maimpluwensiya dito sa Hiyosko. At ano naman ang balak niya pagkatapos nun? Siya ang papalit?
"Nasisiraan ka na nga talaga ng ulo." Bulong ko.
---
Sa kabilang banda ay naghahanda na ng barrier ang grupo nina Captain Zeid at ang iba ay kinakalaban ang mga taong nakaitim. Habang sila ay okupado, may isang babae ang lumabas na may kasamang dalawang alalay.
"My, My, hindi ko inaasahan ang pagbisita ng isa sa magagaling na captain sa Hiyosko." Ngumisi siya at pinanatili pa din ang distansya sa captain.
Kunot noo namang hinarap siya ni Captain Zeid.
"Isa ka ba sa Black Trio?" Seryosong tanong ni Captain Zeid.
Tumawa naman ang babae saka pumalakpak.
"Tama!" Aniya saka pumameywang. "Kailangan ko kayong tapusin lahat para makuha na namin si Mira ng walang sagabal." Sabi ng babae at ngumisi.
Nagkasalubong ang kilay ni Captain Zeid.
"Anong sabi mo?"
Nanlaki naman ang mata ng babae at napahawak sa bibig niya. Para bang nang-aasar siyang tumingin sa Captain at itinagilid ang ulo niya.
"Oh~ hindi mo pala alam? Si Mira ay yung babaeng galing sa Saido City. Mmm... Hindi pala. Ang ibig kong sabihin, siya ang reincarnated body ni Mira. Siya at si Mira ay iisa."
Napatitig naman si Captain Zeid sa babae at napakuyom ng kamao.
"That explains why..." Bulong niya sa sarili.
Hinugot niya ang katana niya at itinutok iyon sa babae.
"Kung ganoon, mas kinakailangan ko siyang iligtas. I'll defeat you and save her."
Sa isang iglap ay lumitaw si Captain Zeid sa harap ng babae.
---
"Hahahaha! Hindi ko alam na magaling ka pala sa pakikipaglaban. Pasensya ka na at minaliit kita." Natatawang sabi niya. Siya pa din ang lalake kaninang kamukhang-kamukha ni Maxson.
Nagpakilala siya bilang Wildom kanina. Masasabi ko na medyo dehado ako sa labanang ito dahil na din sa experience niya sa pakikipaglaban. Kahit na dumaan din ako sa training, hindi pa ako nakikipaglaban sa taong handang pumatay.
Hawak niya ang isang espada na gawa sa itim na apoy.
Sa totoo lang, may kakaiba akong nararamdaman sa lalakeng ito. Siguro nga ay kailangan nila ako sa plano nila. Pero tingin ko ay hindi siya magdadalawang isip na saktan ako.
Yung mga mata niya... Pakiramdam ko ay salamin iyon ng napakabigat na galit.
Hindi ko pa din maintindihan kung bakit kailangan nila ng perpektong mundo o kung ano man ang pakay nila. Basta ang alam ko lang, hindi dapat iyon mangyare.
"Hindi ko alam kung sadyang kulang lang sa turnilyo ang utak niyo o ano. Pero kahit ano pa man ang dahilan, hindi pa din ako papayag na mangyare ang gusto niyo." Mariing sabi ko.
Natawa naman siya at ngumisi.
"Kahit na ano pa ang sabihin mo, mangyayare at mangyayare pa din ang matagal na naming hinahangad. Ang pagkapantay-pantay ng tao at maayos na pamumuno. At kung sino man ang kumalaban sa amin, ay siguradong lilisanin ang mundong to."
"Maganda naman sana ang plano niyo eh. Kaso para mangyare iyon, kailangan niyong gumamit ng dahas." Sabi ko at itinukod ang dagger ko sa sahig. Tumayo ako at tumingin sa kaniya. "Wag niyong idahilan sa akin na walang ibang paraan. Dahil napakaraming options. Talagang ito lang ang tinahak niyo." Dagdag ko.
Iwinasiwas niya ang espada niya saka ngumiti.
"Paminsan-minsan ay masayang makita ang mukha ng mga taong nahihirapan at naiipit sa sitwasyon. Tulad mo, Ms. Nyssa." Aniya saka mabilis na nakarating sa tapat ko. Iwinasiwas niya ang espada niya pero umiwas ako sa pamamagitan ng pagbend ng katawan ko.
Mabilis siyang umatras dahil alam niyang gagamitin ko na ang espada ko. Pero hindi ko iyon ginawa at sinipa ang kamay niya. Nawala ang espadang apoy kaya naman agad ko siyang sinipa sa tiyan.
Dinakma niya naman ang binti ko at inikot ako, dahilan para umangat ang katawan ko. Binitawan niya ako matapos ang ilang momento. Tumalsik ako sa pader.
Napaubo naman ako at bumagsak sa sahig.
Mukhang magiging mahirap ito.