webnovel

CHAPTER 30: THE GAME

Pangalawang araw namin dito ay nagplano ng games sina Captain Masashi at Captain Kei. Tingin ko kaya lang naman nagsabi si Captain Masashi na gusto niya ding magplano ay dahil tinatamad siyang sumali sa laro. Ubod naman kasi ng tamad.

Maya maya pa ay nakatayo na silang dalawa sa harap naming lahat at nakangisi. Mukhang hindi maganda ang mangyayare ngayon ah.

"Ang lalaruin natin ay maze. Hindi basta basta ang laro na ito dahil hindi lang ito simpleng maze." Kelan pa naging simple ang maze, Captain Masashi? Nagpatuloy naman siya at ngumiti. "Sa larong ito ay kailangan niyong maiwasan ang mga bitag at kailangan niyo ring mapatay ang mga kalaban." Aniya.

Nagkatinginan naman kaming lahat.

"Hoy Captain Masashi. Sinasabi mo ba na kami ang magpapatayan ah?" Tanong ni Lieutenant Arla saka tinignan ng masama ang Captain niya. Natawa naman si Captain Masashi saka sumeryoso.

"Hindi. Pero may posibilidad na magpatayan kayo. May ilalagay kaming clones na maaaring maging kamukha ng bawat isa sa inyo. Kaya naman mahihirapan kayong matukoy kung sino talaga ang dapat ninyong kalabanin. Huwag kayong mag alala, kapag malapit na kayong mamatay, ilalabas namin kayo sa maze." Sagot niya saka humagikgik.

"Ano? Siraulo ka ba--" Bago pa matapos ni Lieutenant Arla ang sasabihin niya ay hinila na siya palayo ni Lieutenant Ren at Lieutenant Eisha na pinapakalma na din siya. Parang anytime ay makakalibing siya ng Captain.

"Ayokong mag participate!" Sigaw pa niya.

"Hahaha! Huwag kayong mag-alala. Walang mababawian ng buhay ngayong araw. Sisiw lamang sa inyo ito. Syempre madami pang mga mangyayare sa loob ng maze na hindi na namin sasabihin. Basta ang goal niyo lamang ay hanapin ang exit at ang prize ay..." Huminto siya sa pagsasalita at si Captain Kei naman ang nagpatuloy.

"Isang katana na galing mismo sa bahay nina Captain Masashi. At isang food card na maari niyong magamit ng isang buwan sa kahit saang restaurant dito sa Hiyosko. Sa akin naman manggagaling iyon." Mukhang proud pa na sabi ni Captain Kei.

Oohhh.. Maganda iyon ah.

"I will not participate." Sabi ni Zeid saka tumingin sa malayo. Ayan na naman siya sa malamig niyang ugali.

"Walang problema! Sino ang mga gustong sumali?" Tanong ni Captain Masashi.

Agad namang nag usap ang lahat. Si Eisha ay agad na bumulong sa akin.

"Alam mo ba na ang mga katana sa bahay ni Captain Masashi shiabdisbjajsisj." Bulong niya. Nanlaki naman ang mata ko. Totoo?

"Kung ganoon, kapag binenta mo iyon, madaming bibili?" Tanong ko. Tumango naman siya at inangat angat pa ang kilay.

Oohh interesting.

"Sasali ako!" Angat ko ng kamay. Umangat na din ang iba.

Ang mga nakataas ang kamay ay sina Lieutenant Ren, Lieutenant Leigh, Captain Xu, Lieutenant Eisha at ako. Lima lang kami. Sadly. Pero mas maganda na ito dahil hindi madami ang kakumpetensya. Pumunta kami sa malayo layo saka gumawa ng maze si Captain Kei. Sobrang laki ng maze. Pagkatapos ay ngumiti siya sa amin.

Parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya. Nakakatakot naman pala kung maging kalaban ito si Captain Kei. Tingin ko ay eksperto na siya sa paggamit ng Earth element.

"Pumasok na kayo sa maze. Pag nakapasok na kayo sa maze ay maghihiwalay hiwalay kayo. Pero maaari din kayong may makasamang isang tao. Good luck!" Aniya saka ngumisi.

"Alright!" Energetic na sigaw ni Eisha saka nauna ng pumasok sa entrance. Sumunod naman kami ni Lieutenant Leigh. Pagkapasok ko ay may sumalubong sa aking liwanag bago ako napadpad sa isang parte ng maze. Nailibot ko ang paningin ko. Ako lang mag isa.

"Ahem, Ahem. Siya nga pala, 30 minutes lamang ang meron kayo sa loob ng maze na iyan. Kapag naubos ang 30 minutes at wala pang nakakalabas ng maze..." Pakiramdam ko ay ngumiti ng malaki si Captain Masashi bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Basta sekreto lang. Bilisan niyo na at pumunta sa exit!" Aniya. Narinig ko pa ang paghigop niya ng kung ano-- malamang ay sake bago nawala ang ingay sa maze.

Napunta ako sa lugar na nakikita ko pa din ang langit sa labas. Pero sa tingin ko ay madami silang pakulo na maaaring may mga parte na may bubong. Nagsimula na akong maglakad at naghanap ng mga clue. Sa totoo lang wala akong makita dahil puro wall at mahabang daan at kanto lamang ang nakikita ko. Teka.. Kanto... May lilikuan ako sa kanan at may straight na daan. Saan naman kaya ako pupunta?

Nang marating ko ang kanto ay agad akong nabunggo ng kung sino. Bumagsak kaming dalawa sa lupa.

"Aray, Aray, Aray." Napatingin ako sa boses na iyon habang hinihimas ang braso ko na napasama yata ang pagkakabagsak. Si Lieutenant Leigh ay nakaupo na at hinihimas ang balakang niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko saka tumayo at tinulungan din siyang tumayo. Ngumiti siya sa akin at kumamot sa batok niya.

"Oo. Pasensya na. May humahabol kasi sa akin ahehehe" Aniya. Nagkasalubong naman ang kilay ko. Humahabol?

Hinahabol siya?! Ibig sabihin...

Sabay kaming nakarinig ng ungol. Ungol ng kung ano na maaari kaming lamunin anumang oras. Napalingon kami ng dahan dahan at nakita ang sobrang pangit na halimaw. Nakatingin iyon sa amin at pulang pula ang mata. Ang katawan niyon ay inuuod na at umaalingasaw.

"Rwoarrr!" Aniya saka tumakbo papunta sa amin. Mabagal lang pero agad kaming napasigaw at tumakbo palayo.

"Aaahhhh! Nyssa, ampangit niya huhuhu!" Reklamo ni Lieutenant Leigh. Humihingal kami habang tumatakbo. Lumingon ako sa likod namin at malapit na siya. Teka teka teka! Kanina parang ang bagal niya pa tumakbo ah!

"Kyaahh! Ayan na yung halimaw! At bakit 'Rwoarr' ang sabi niya? Diba dapat Roawrr?" Biglang tanong ni Lieutenant Leigh saka tinignan ako ng parang nagtataka.

"Hindi na yan ang dapat nating problemahin natin! Liko!" Sambit ko saka lumiko sa kaliwa. Pero dahil hindi siya nakikinig ay dumiretso siya sa matigas na wall. Napahinto naman ako.

"A-Arayyy.." Nanghihina niya na sabi.

"Rwoarrr!" Malapit na ang halimaw kaya agad kong hinila ang damit ni Leigh saka tumakbo palayo.

"Hayy naku, Lieutenant!" Sambit ko. Hindi ko alam pero dahil sa adrenaline rush ay nakaladkad ko si Leigh hanggang sa malayo. Hindi na din dumating pa ang halimaw. Parehas kaming nakasandal sa wall at hinahabol ang hininga namin.

"Akala ko mamamatay na ko." Aniya saka tumingin sa taas habang humihingal.

"*huff* Talagang mamamatay ka kung hindi ka tumitingin sa daan." Sabi ko.

"Pero salamat, Nyssa. Hahaha!" Aniya saka ngumiti. Tumango naman ako at tumingin sa paligid. Nasa malawak na area kami at may pond pa sa gitna. May tao sa gilid ng pond. Si Lieutenant Ren.

Mmmm?

Tumingin siya sa aming dalawa at kumaway.

"Nyssa! Leigh!" Aniya. Lumapit naman kami sa kaniya.

"Bakit nandito ka lang?" Tanong ni Lieutenant Leigh.

Ngumiti naman si Lieutenant Ren at napakamot sa ulo. Tinignan niya kaming dalawa.

"Hinihintay ko kayo eh." Aniya. Nagkatinginan naman kami ni Leigh saka tinignan siya.

"Kami?"

"Oo. Naisip ko kasi na mas maganda kung marami tayo." Sagot niya na nagpakunot ng noo ko. Una, kung totoo nga ang sinabi niya, paano niya nalaman na makakapunta kami sa lugar na ito? Pangalawa...

Agad na napunta si Lieutenant Leigh sa likod ni Lieutenant Ren. Nasa kamay niya na ang katana ni Lieutenant Ren at nakatutok na iyon sa leeg ng Lieutenant. Kita ang gulat sa mukha ni Ren.

"Isa sa mga bugok ang ulo dito ay si Ren at sumunod si Eisha. Kaya naman kahit na isip isipin niya pa ang lahat ng posibleng daan dito, hindi niya malalaman kung saan kami manggagaling. Pasensya na. Pero hindi mo ko nakumbinse." Seryoso ang tono ni Leigh.

"At hindi nagsusuot ng bandana si Lieutenant Ren." Dagdag ko saka itinuro ang cute na bandana sa ulo ng lalake na ito. Ngumisi naman siya. Pero bago pa siya makakilos ay agad na siyang pinatay ni Lieutenant Leigh.

N-Nakakatakot si Lieutenant Leigh ah.

"Tayo na." Aya niya.

---

"Grabe si Leigh." Natatawang sabi ni Captain Masashi saka uminom ng sake. Buong araw ba ay iinom na lang ito? Naaawa ako sa atay neto.

"Lieutenant Arla, sino sa tingin mo ang mananalo sa kanila?" Nakangiting tanong ni Captain Kei. Napadako naman ang tingin ko sa malaking smoke screen sa harap namin. Nakikita sa smoke screen ang lahat ng nangyayare sa loob ng maze. Inobserbahan ko naman iyon sandali saka nagkibit balikat.

"Ewan. Pero mas malaki ang advantage ni Captain Xu." Sagot ko saka sumandal sa upuan.

"Sa tingin ko ay may chansa din naman sina Lieutenant Leigh at Nyssa kung magsasama sila hanggang huli." Uminom ng juice si Captain Kaito matapos niyang sabihin iyon. Nakatitig din siya sa smoke screen.

"Mmm.. Pwede." Captain Kei.

"She's not going to win." Bigla na lamang nagsalita si Captain Zeid na seryosong nanunuod. Napadako ang tingin namin sa kaniya.

"Aba, Aba, eh paano mo naman nasabe?" Tanong ko saka nagkrus ng braso.

"I just know." Sagot niya.

Nagkatinginan na lamang kami nina Captain Kei saka bumalik na sa panunuod. Mmm, mukhang may naaamoy akong kakaiba ah.

---

"TEKA NGA!"

"Alam mo bang maaaring gumuho ang mga lupa sa paligid natin kapag nagpumilit ka pa na lumabas dito sa butas na ito? Nag iisip ka ba?" Sabi ko kay Eisha saka hinila na siya pababa. Bumagsak naman kaming dalawa at agad siyang umalis sa ibabaw ko. Tumayo siya at tumingin sa akin.

"Alam mo, kung puro ka din naman dyan dada, tulungan mo na lang akong umakyat paalis sa butas na to." Sambit naman niya saka nag cross arms.

Napabuntong hininga naman ako.

"Anong gusto mong gawin ko? Ihagis ka palabas ng butas na to? Eh kahit na gawin ko iyon ay hindi ka makakalabas. Ang taas ng nalaglagan natin." Mahinahon kong sabi. Mahinahon na iyon ah.

Nagpapadyak naman siya.

"Aghhh! Tapos sayo pa ako nasama." Reklamo niya.

"Aba aba, ang swerte mo nga at tayo ang magkasama!" Sabi ko. Aba ang isang to.

"Kung swerte nga ako, edi sana wala tayong dalawa sa butas na to ngayon!" Parang batang sabi niya.

Hayy naku. Please kung gusto niyo na po kunin ang batang ito, kunin niyo na.

"Kumalma ka nga, Eisha."

"Mmmph!" Aniya saka tinalikuran ako.

Ang attitude din talaga ng bubwit na to minsan. Napabuga na naman ako ng hangin at tumingin sa taas.

"TULONG!" Sabay pa naming sigaw.

Chapitre suivant