Nakausap ko na ang parents namin ni Maxson tungkol sa pagtanggi ng mga Chen sa offer at sa pagbenta nila ng lote. Madami pa akong pinaliwanag bago sila tuluyang sumuko at pumayag na lamang sa kung anong plano ko. Which is--maghanap ng isang lote na pinakamalapit sa center o kung saan ang mas crowded na district. Mahihirapan kami ni Maxson pero wala naman kaming ibang pagpipilian. Kung mabilis kaming makakahanap ay maaari ding mabilis ang proseso ng mga papeles at agad kaming makakauwi. But I doubt it.
Ngayong araw ay nagsimula na si Maxson na humanap ng mga empty lots habang ako naman ang nakatoka na kausapin ang mga may-ari ng lupa. Nag rerely na lang talaga kami sa digital phone na ngayon ay mas popular na kesa sa mga energy stones na kadalasang ginagamit ng mga tao. Gumagamit pa naman ako ng energy stones lalo na kung emergency. Through that, madali kaming makakapag usap ni Maxson kahit na malayo kami sa isa't isa.
"They refused." Sambit ko saka inipit sa tenga at leeg ko ang phone habang naglalakad. Hawak ko ang notebook ko at panulat saka tinitignan ang mga nakalista doon na pangalan ng mga may ari ng lote at ang lokasyon ng mga lote.
"Sige, magdadagdag pa ako sa listahan mo. Just wait." Aniya saka ibinaba na ang telepono.
"Wala man lang bye. Tsk." Sabi ko saka ibinulsa ang phone. Paliko na ako ng makita ko si Zeid na may kausap na babae. Yung mga mata niya ay iba kapag tinitignan ang babae. Pakiramdam ko ay welcome na welcome siya. May bigla naman akong naalala. Para bang nangyare na to noon.
Napahawak ako sa ulo ko. Yeah that time. Sa party sa bahay ng mga Chen.
Inangat ko ulit ang tingin ko at napatingin sa direksyon nila. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Zeid pero hindi ako ngumiti o ano. Umiwas lang ako ng tingin, hawak ang ulo ko at naglakad na palayo.
Paminsan minsan talaga ay nakakaramdam ako ng sakit ng ulo kapag naaalala ko ang nakaraan. At nakakaramdam din ako ng kung anong emosyon. Isa ito sa mga iyon. Kaya isang magandang choice na umalis ako kaagad. Mira's memories are too much to handle.
Nang makalayo ako ay umupo ako sa isang bench at napasandal.
"Life is ridiculous." Bulong ko.
Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko kaya naman napalingon ako. Si Eisha.
"Pagod ka na ba?" Seryosong tanong niya.
Hindi ako sumagot kaagad dahil medyo nag alangan akong sagutin. Pagod saan? Ngayon o sa buhay ko?
"Uhh..."
"Siya nga pala, hindi ko alam kung ako lang ba o ano pero tingin ko may alam ka sa nangyare kay Mira." Aniya.
"Paano mo naman nasabe yan?" Tanong ko.
"Mm, yung ikakasal na sana sina Captain Zeid at si Aina, may mga sinabi ka sa duchess at kay Kaito."
Napaisip naman ako. Kinalimutan ko na iyon. Hindi ko alam na matatandaan niya iyon.
"Uh yun ba? Wala yun." Sabi ko na lang.
Tinignan niya ako. Alam ko na wala siyang tiwala sa sagot ko.
"Wala ba talaga?"
Ngumiti ako saka umupo ng maayos. Hinarap ko siya saka itinagilid ang ulo ko sa kanan.
"May naisip ka bang maaaring dahilan kung paano ko nasabi o nalaman ang mga bagay na iyon?" Tanong ko naman.
Nagtitigan lang kami pero sumuko na din siya.
"Well, whatever it is, sa tingin ko naman masyado ka lang madaming koneksyon." Aniya
"You can say that."
Sa totoo lang, hindi ko naman alam kung ano pa ang dahilan ko kung bakit ko itatago sa kanila ang tungkol sa akin. Pero sa tingin ko naman hindi na rin naman importante na malaman nila. Ang nakalipas ay nakalipas na. Ako na si Nyssa ngayon at hindi si Mira.
Tumayo na ako kaya naman tumayo na din siya.
"So, anong balak mo kay Captain Zeid?" Tanong niya bigla na ikinabigla ko din tuloy. Anong ibig niyang sabihin dyan?
"Anong ibig mong sabihin?"
"May something sa inyo eh~" Pang aasar niya saka lumapit at itinapat ang bibig sa tenga ko. "Madaming mga babae ang naghahangad na maikasal kay captain. Pero sa tingin ko, kapag ikaw ang nag propose--eh talagang mapapasabi siya ng 'I do!'" Aniya saka natawa.
"Huh? Bakit naman ako ang magpopropose? Hindi ba dapat siya ang gumawa niyon?" Tanong ko. Nasa tono ko ang salitang 'Obvious naman diba? At dapat lang diba?'
Umiling iling siya na para bang nadidisappoint siya sa akin.
"Duh! Paano magiging kayo kung hindi ikaw ang kikilos? You do the moves girl! Wala kasi sa bokabularyo ni captain ang mag first move. Yun ang alam ko." Aniya saka inangat-angat ang mga kilay.
"No way. At isa pa, bakit ko naman gagawin iyon? Hindi ko type ang mga gaya niya na mas masungit pa kesa sa babaeng nag me-menopause. Ayoko din sa lalakeng hindi ako pinapahalagahan. Ayoko sa iniignore lahat ng efforts ko at ayoko sa lalakeng--" Napaubo naman ako ng makita na nasa gilid ko na si Zeid. Hindi ko napansin na nandyan na siya. Hindi ko din alam kung narinig niya ang sinabi ko o ang pinagusapan namin.
Masama lamang ang tingin niya sa akin pero nagulat na lamang ako ng hilahin niya ako at dalhin sa kung saan. Napunta naman kami sa mga grupo ng babae na mukhang... mukhang papatayin ako anytime soon.
"Bitawan mo nga ako!" Mariin kong sabi pero mahina lang. Saktong kaming dalawa lamang ang makakarinig. Ayoko namang sumigaw sigaw dito at magmukhang siraulo.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko saka tinuro ako.
"See this woman?" Aniya. "She's my wife. Kaya naman hindi ko kayo mai-entertain."
Pareparehas na lumaki ang mga mata namin. LIKE WHAT?!
Anong wife?!
"Hoy--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng ilabas niya ang isang litrato. Maliit na litrato lamang iyon naming dalawa este litrato nila ni Mira. Pero kami na din. Ugh. Whatever! Basta dalawa kaming naroon, litrato namin noong ikinasal kami. Ako pa iyon as Mira.
"This is the proof." Dagdag niya pa saka kinapitan ang kamay ko. Hindi ko alam pero para bang gusto kong magsaya. Dahil sa wakas, kahit na hindi na ako si Mira ay nagawa niya akong ipakilala sa iba. At iyong paghawak niya sa kamay ko, para bang ayaw niya na akong bitawan.
But...
Bago pa ako makareklamo ay kinapitan niya ako sa bewang at iginaya na paalis. Habang naglalakad ay para bang nakalutang pa ang isip ko. Kung hindi pa siya humiwalay sa akin ng makalayo na kami ay hindi pa ako masasaulian.
"Wag mo nga akong gawing scapegoat. Sabihin mo ang totoo sa kanila." Medyo naiinis ang tono ko.
"I told them the truth." Sabi niya na ikinahinto ko. Huminto din siya at lumingon sa akin.
"Hindi ito ang panahon para magbiro, Captain Chen." Seryosong sabi ko. Nagsalubong ang kilay niya at lumapit sa akin.
"Then tell me the truth." Aniya
"Hindi tayo mag asawa. Yan ang totoo. We're not even friends."
"Hindi yan ang totoo na gusto kong malaman." May bahid ng inis sa tono niya saka iniwan na ako. Ano na naman ba ang problema nun? At siya pa ang galit ah. Sinong hahuntingin ng mga babae na iyon? Diba ako? Hayys!
The truth huh.
Ano ba ang gusto niyang sabihin ko?