"Captain Zeid, kami na ang bahala dito. Pumunta ka na sa white house. Kung iyon ang pakay nila, hindi ba tama lang na iyon ang problemahin mo ngayon?" Sambit ni Captain Kiro saka pinatay ang halimaw sa harap niya.
"Sasama ako." Sabi naman ni Aina, ang babaeng ipapakasal kay Captain Zeid.
Seryoso namang tumingin si Captain Zeid sa paligid at hinanap si Kaito. Ngunit wala na ang lalake sa loob ng hall. Mukhang nakatakas ito.
"Alis na, Captain!" Sigaw naman ni Captain Kei saka nagpalabas ng malakas na hangin. Dahilan para tumalsik ang ibang mga halimaw sa dulo ng hall.
Hindi na sumagot ang captain saka lumabas na sa hall habang pinapatay ang nadaraanan na halimaw. Sumunod naman sa kaniya si Aina at parehas silang tumakbo papunta sa white house.
Nagpatuloy naman ang laban nina Kaito at Nyssa. Humihingal sila pareho ngunit walang may gustong sumuko. Pareho na din silang may sugat ngunit hindi nila ininda iyon.
"Gusto mo ba talagang mamatay, KAITO!?" Sigaw ni Nyssa saka sumugod, sumugod din si Kaito saka sinangga ang atake ni Nyssa.
"Naduduwag ka na ba, Nyssa? Sinabi mo na itaya natin ang buhay nating dalawa, tama? Kung gayon, HANDA AKONG MAMATAY!" Sinipa niya si Nyssa na agad namang napaatras ngunit agad ding hinila ang braso ni Kaito, kaya naman nawalan sila ng balanse. Pareho silang bumagsak sa lupa ngunit naging mabilis ang pagkilos ni Kaito. Agad siyang pumaibabaw at itinutok ang espada sa leeg ni Nyssa. "Pero hindi ako ang mamamatay ngayon. Kung hindi ikaw." Aniya
Hindi kumilos si Nyssa at tinignan lamang siya.
"Bakit? Bakit hindi ka lumaban?! Bakit parang tatanggapin mo na lang ang lahat, pati ang kamatayan mo?!" Sigaw ni Kaito.
"Alam ko na matatalo ako, Kaito." Mahinahong sabi ni Nyssa.
"A-Ano?"
"Ang mga alaala ni Mira pati na din ang nararamdaman niya sa bawat isa sa inyo, lahat ng iyon... nasa akin. Sa tingin mo, kaya kang patayin ni Mira?"
Naguguluhang tumingin si Kaito kay Nyssa. Nanginginig ang kamay niya ngunit pinigilan niyang maniwala kay Nyssa.
"Hindi ikaw si Mira. Magkaiba kayo ni Mira!"
"Nakikinig ka ba sa sinabi ko?"
"You're lying."
Huminga ng malalim si Nyssa saka kinapitan ang blade ng espada ni Kaito.
"Then... Kill me."
---
Bigla namang may sumipa kay Kaito kaya agad siyang tumalsik. Napakagat naman ako sa labi ng maramdaman ang hapdi sa kamay ko. Nahiwa lalo ang kamay ko dahil nahila ni Kaito ang espada kasama niya.
May tumulong naman sa aking tumayo. Iyong babaeng papakasalan ni Captain Chen... Nakalimutan ko na ang pangalan niya pero sa alaala ni Mira, kilala ko ang mukha niya. Siya yung babae na nandoon sa isang party na kumapit sa braso ni Captain Chen pero hinayaan lang ni Captain Chen. Madami pa---siya din yung tinutukoy ni Lila noon.
Si Captain Chen naman ay hawak na sa leeg si Kaito. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang ekpresyon niya. Pero alam ko na handa niyang patayin si Kaito, anumang oras.
"Salamat." Sambit ko sa babae at saka tumakbo na paakyat sa white house. Pero bago ako pumasok ay huminto ako at nilingon si Captain Chen at Kaito. Kitang kita ko sa mukha ni Captain ang galit. Galit?
"Captain Chen!" Sigaw ko kaya naman napadako ang tingin niya sa akin. Ang sama ng tingin niya pero umiling ako. Mukhang naintindihan niya naman ako kaya binitawan niya si Kaito. Pero agad niya itong ginamitan ng binding spell. Nauna naman ako sa pagpasok sa loob ng white house at nakita si Janzen at Maxson na naglalaban. Sa kanilang dalawa, mas kita ang pagod sa mukha ni Maxson.
Parehas kaming gumraduate ni Maxson sa akademya pero mas magaling kasi siya mag isip ng mga bagay bagay. Medyo may pagkapalpak siya sa pakikipaglaban. Pero kung napigilan niya si Janzen hanggang sa oras na ito, malamang ay ginamit niya ng husto ang utak niya.
"Y-Yo Nyssa. Late ka na.*huff*" Hinihingal na sabi niya. Ngumiti siya pero alam ko na anytime ay babagsak na siya.
Narinig ko naman ang pagpasok nina Captain Chen kaya medyo nakampante ako.
"You're bleeding." Puna ni Maxson at tinignan ang mga sugat ko. Medyo malayo siya sa akin pero halata naman na pangit nga ang itsura ko ngayon.
"You should mind yourself." Masungit na sabi ko saka naramdaman ang presensya ni Captain Chen sa gilid ko.
"Go get the artifact. I'll take care of that guy." Aniya saka pumunta sa unahan ko.
Napailing na lamang ako sa utos niya pero wala na ring nagawa kung hindi tumakbo papunta sa artifact na umiilaw sa dulo ng white house. Nakapatong iyon sa maliit na altar na napapaligiran ng malinaw na tubig.
Mapapasigaw na sana ako dahil biglang sumulpot si Janzen para pigilan ako pero agad din siyang pinigilan ni Captain Chen.
"T-Thanks." Sambit ko saka tumakbo na ulit papunta sa artifact. Nang makarating ako ay para bang gumaan ang pakiramdam ko. Dahan dahan akong lumapit sa artifact at dumaloy ang pamilyar na enerhiya sa akin. Inabot ko iyon at bigla na lamang may sumabog na liwanag.
Ang mga alaala ni Mira simula pagkabata hanggang sa mamatay siya ay pumasok sa isipan ko. Para akong nilulunod sa napakaraming emosyon.
Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng luha ko.
That time... Before she died...
She wanted to say...
"I'm sorry..."
Napapikit na lamang ako atsaka niyakap ang artifact. This overwhelming power...
"NYSSA!" Rinig kong sigaw nila.
Pero kinakain na iyon ng kung ano. Para bang wala akong ibang marinig kung hindi ang puso ko na lang.
Idinilat ko ang mata ko at nakita si Mira sa harap ko. Nakangiti siya sa akin. Lumapit siya at kinuha ang kamay ko.
"Nyssa... napakaganda ng pangalan ko." Naluluha niyang sabi saka hinawakan ang pisngi ko.
"Mira... Anong ibig mong sabihin?"
Nginitian niya lang ako at hinaplos ang buhok ko.
"Kung ano ang ibig kong sabihin." Sagot niya lamang bago sumabog ang mas maliwanag na enerhiya na tuluyang lumamon sa aming dalawa.
---
Nagising na lamang ako dahil sa ingay sa paligid ko. Dahil sa inis ko ay bumalikwas ako ng bangon at tinapon ang unan sa dalawang nag aaway.
"Ang ingay!"
Natamaan naman sila kaya agad napunta ang atensyon nila sa akin. Hindi lang pala silang dalawa kung hindi lahat ng nasa loob ngayon ng kwarto.
Napakurap ako at natahimik. Lahat sila nakatingin sa akin. Walang nagsasalita.
"B-Bakit ba ganyan kayo makatingin?" Pagsusungit ko saka napa-aray ng maramdaman ang kirot sa kaliwang kamay ko.
"Nyssa!" Agad namang yumakap sa akin si Maxson na parang bata at may pasinghot singhot pa.
"HOY!" Hinila naman siya ni Lieutenant Ren at Eisha palayo sa akin. Napatawa at napangiti na lamang ang ibang mga nasa loob.
"Nasiraan ka na yata." Napapailing na sabi ko saka umalis na sa kama. Iba na ang suot kong damit pero kimono pa din. Tinignan ko sila isa isa. "Anong nangyare kina Kaito?" Tanong ko.
Saktong pumasok naman si Captain Chen kasama yung babaeng papakasalan niya. Hindi ko alam kung natuloy ang kasal nila o ano pero mabuti na lamang ay ayos lang sila.
"It's obvious. Nasa kulungan na sila ngayon. Pero kailangan pa din silang kwestyunin. Isang malaking kwestiyon na kaya nilang utusan ang mga halimaw. May malaki pang problema bukod dito." Sagot ni Captain Chen saka tinignan ako.
Umiwas naman ako ng tingin. Sa nalaman ko sa white house, medyo hindi pa din ako maayos para kausapin siya o ano ng diretsa ang mukha.
"G-Ganon ba. Hindi na bale, problema niyo na ang mga sumunod. Tutal may nalaman at nakumpirma na din ako." Sambit ko saka ibinulong ang huli kong sinabi.
"Oh, anong balak na ngayon? Itutuloy na ang kasal, tama?" Tanong ni Captain Masashi saka ngumisi. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Unless, may sasabihin ang munti nating Nyssa dito." Aniya. Nagsalubong ang mga kilay ko at napalingon sa kaniya.
"Ano? Ano namang kinalaman ko sa kasal nila?" Nagtatakang tanong ko.
"Ewan. Hahaha!" Sagot niya saka tumawa kaya naman napailing na lamang ang mga captain na narito.
"Paano ang tungkol sa artifact?" Tanong ni Captain Xu saka tinignan ako.
"Tingin ko magiging ligtas na ulit dito sa loob. Dahil bumalik na ang barrier." Sagot ni Captain Chen na seryosong nakatingin sa akin.
"Bakit ba kayo nakatingin sa akin na parang suspek ako o ano?" Kunot noong tanong ko.
"Well, salamat sayo, Nyssa. Ibinigay mo lang naman ang halos lahat ng spiritual energy mo na muntik mo ng ika--" Itinagilid ni Captain Masashi ang leeg niya na para bang.... patay?
"Ikamatay?"
"Tama."
"At nga pala, napaka importante ng artifact na iyon sa Chen Clan. Ang mga babaeng asawa lamang na kasal sa myembro ng Chen Clan ang pwedeng magbigay ng spiritual energy sa artifact na iyon. Nakapagtataka na tinanggap ng artifact ang enerhiya mo." Captain Kei.
Humiwalay na sa akin si Captain Masashi habang si Captain Kei naman ay lumapit at umikot sa akin para icheck ako.
"Tumatanggap din ang artifact na iyon ng ibang spiritual energy, iyon ay kapag may malalim na koneksyon sa isang myembro ng Chen Clan o kaya ay kamag anak na babae ng Chen Clan. Pero minsan lang din mangyare iyon. At sa tingin ko hindi naman kayo magkamag-anak, tama?" Sambit na naman ni Captain Kei saka inilagay ang kamay sa braso ko. "Sino ka ba talaga?"
"Hindi na importante iyon ngayon. Tsk. Sige na. Kung aalis na kayo ngayon, simulan niyo na." Sambit ni Captain Chen saka nauna ng lumabas.
Nagkibit-balikat lamang ako saka lumabas na din. Sumunod naman ang iba. Nagpaalam lang kami habang sila ay nagpatuloy sa pag iimbestiga. Pagabi na kaya naman hinila ko na si Maxson pabalik sa hotel.
Habang naglalakad ay tahimik lang kami ni Maxson. Pero bago kami makapasok sa hotel ay pinigilan ko siya.
"Anong nalaman mo?"
Napahinto siya at nginitian ako.
"Well, sa tingin ko napaka weird ng mga kilos nila. Partikular sayo. Kaya naman nagikot-ikot ako para alamin ang kung anong pwede kong malaman. At nalaman ko ang tungkol kay Mira. Ikaw at siya... sa itsura niyo, walang may pinagkaiba. Sa mga kakaiba mong nararasan nitong mga nakaraang araw, sa tingin ko konektado ka sa kaniya. Hindi lang sa mukha, Nyssa." Sabi niya.
Umiwas ako ng tingin.
"Hindi naman na mahalaga iyon ngayon. Lahat ng iyon, nakalipas na. May bago na silang buhay. Sa buhay na iyon, hindi na kasama si Mira." Sambit ko saka ngumiti.
Ginulo ni Maxson ang buhok ko saka ngumisi.
"Kain na tayo?" Pag iiba niya ng usapan saka hinila na ako.
Tama...
Ako man si Mira o si Nyssa, wala na akong kwento sa buhay nila. Nyssa... Nakakatawa pero ang ibig sabihin ng pangalan ko ay "Rebirth or Reborn".
Mmm.. Hindi na rin mahalaga iyon. Aalis na kami bukas ni Maxson.
Masaya ako na nagkita kami ulit. Hinihiling ko na lamang na maging masaya ang bawat isa sa kanila. Lalo na si Zeid.
Dahil iyon ang gusto ni Mira para sa kaniya. Iyon ang gusto namin ni Mira para sa kaniya.
Sa ngayon, masaya na din ako sa buhay ko. Kung magkrus man ulit ang landas namin---tadhana na lamang ang bahala.