"Kumusta naman ang paglilibot mo?" Tanong ni Maxson. Prenteng-prente pa siyang nakaupo sa couch habang nasa lap niya nakaupo ang babae na bumisita kuno sa kaniya.
Halata namang may ginawa silang kababalaghan noong umalis ako. Tsk.
"Ayos lang, Sire." Sagot ko saka kinuha ang nakapatong na bote ng alak sa mesa. Naglagay ako sa baso saka uminom.
"Binisita mo ba ang pamilya mo?" Nakaangat ang kilay na tanong niya saka hinila palapit sa kaniya ang babaeng halata namang gustong gusto ang atensyon ni Maxson.
Umiwas naman ako ng tingin.
"Wala sila sa Hiyosko. Mukhang bumalik na sa Saido City." Sagot ko saka kumuha ng tela. Pinunasan ko ang espada ko na may dugo ng halimaw kanina.
Hindi sumagot si Maxson at narinig ko na lang ang malanding pagtawa ng babae saka mga hindi ko dapat marinig. Tsk.
Kahit kailan talaga tong si Maxson. Napakababaero. Pasalamat siya at natitiis ko pang magstay dito.
Ano nga ba ang koneksyon naming dalawa?
Well... anak siya ng pinakamayamang merchant sa Saido City. Nagkataon na magkakilala ang parents namin at nagkataon din na may kailangang asikasuhin ang parents ko kaya naman hindi sila makaka-attend bilang mga bisita ng Hiyosko. Isa pa, manunuod lang naman sila kaya sinabi nila na ako na lang ang pumunta. In short, pinasama ako kay Maxson. Pero nalate naman kami ni Maxson at sa huli ay hindi kami nakapanuod.
Isang malaking tanong din kung bakit mukhang alalay ako ni Maxson. Nagkaroon lang naman ako ng utang na loob sa kaniya at naisipan niyang paglaruan ako. Sabihin na nating kapalit noon ay kailangang magsilbi ako sa kaniya kapag dumating na kami dito. At siguraduhin kong pormal o medyo pormal ang pagsagot ko sa kaniya. Nakakainis man pero wala akong magagawa. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya.
Pero sa totoo lang, gustong gusto ko ng baliin ang mga buto niya.
Hindi na ako nagpaalam at umalis ulit sa kwarto niya. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko na malayo sa kwarto niya. Pinasadya ko talaga na malayo ako sa lalakeng iyon. Kung hindi, hindi ako makakatulog dahil sa mga maririnig ko sa kabilang kwarto. Good luck na lamang sa okupante ng kabilang kwarto.
Habang naglalakad naman ay nakita ko ang duchess ng Vrandairo na papalapit sa direksyon ko. Wala siyang kasama na talaga namang ipinagtataka ko. Wala man lang guard na sumama sa kaniya. Pero wala naman din akong dapat na pakialaman. Buhay niya yan.
"Duchess..." Agad akong bumati at yumuko bilang paggalang.
"Oh.. Ikaw si Nyssa, tama? Iyong myembro ng isa sa mga noble family sa Saido City, ang Hoda family." Aniya saka ngumiti ng matamis.
Tumango naman ako at ngumiti din.
"Ikinagagalak ko po na kilala mo ang pamilya ko."
"Hahaha! Oo naman. Bata ka pa lang ay bumibisita ako sa mansion niyo."
"Personal mo pong kilala ang magulang ko?"
"Tama. Magkaibigan kami ng mama mo. Parehas kaming kumuha ng espesyal na lesson para sa mga noble ladies." Aniya saka ngumiti na para bang naalala bigla ang panahong iyon.
Napatango tango naman ako saka ngumiti.
"It is such an honor to see you and talk to you here, duchess. If you have time, would you like to visit our mansion again? Let's have some tea." Paanyaya ko.
Tila dyosa naman siyang ngumiti ng malaki na ikinaliit din ng mata niya.
"Salamat sa invitation, Miss Nyssa. If I have time, I will come over. Mmm.. Sa ngayon, kailangan ko munang magpahinga. It's nice meeting you." Aniya saka nag bow bago umalis. Ginawa ko din ang ginawa niya saka umalis na din.
Mukhang hindi rin naman masama makakilala ng isang tulad niya.
Napangisi na lamang ako at pumunta na sa kwarto ko. Naligo ako at nagpalit ng pantulog bago humiga. Wala din naman akong ganang kumain kaya matutulog na lamang ako.
Medyo nababagabag ako sa lalake kanina. Bakit ganoon na lang ang ekspresyon niya ng makita ako?
Pakiramdam ko tuloy... Kilala niya ako.
---
KINABUKASAN
Maaga akong nagising para makapagbihis na din at makapag libot ulit. Marami kasi akong gustong tignan at bilhin. Naligo ako kaagad, nagbihis at tinuyo ang buhok ko. Tinignan ko ang cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko na inayos pa ng staff ng hotel para sa akin.
Kinuha ko naman ang itim na dress saka sinuot. Hapit iyon sa akin na bumagay sa katawan ko. Mahaba naman ang sleeve nito at mahaba din ang dress na hanggang binti ko. May hati iyon sa magkabilang gilid na umaabot hanggang sa kalahati ng hita ko. Tama lang upang makakilos ako ng maayos. Kinuha ko ang high heeled boots ko na may 3 inches na taas. Kulay itim din iyon at hanggang itaas lamang ng ankle ko. Saka ko sinuklay ang mahaba kong buhok na medyo maalon at itim na itim. Gumamit naman ako ng pulang lipstick saka kinuha ang dagger ko na inilagay ko sa holster sa binti ko. Hindi pwedeng palakad lakad akong walang dalang sandata.
Pagkalabas ko ay wala pang taong nasa hallway. Kaya naman bumaba na ako at pumunta sa kitchen. Binati ako kaagad ng mga nagluluto na agad ko namang binati pabalik.
"May prutas kayo dito?" Tanong ko.
Tumango ang chef at sinabing may mansanas sila at iba pang prutas. Kumuha lamang ako ng mansanas saka pinasalamatan sila bago lumabas na sa hotel.
Mag aalas syete pa lamang kaya siguro madami pa ding hindi gising sa hotel. Pero sa totoo lang, late na ang oras na ito para saken.
Nakalayo naman ako sa hotel at nagpalakad lakad sa daan. Madami ng stalls ang nakabukas at may mga tao na ding maagang nagtatrabaho. May mga kaunting namimili at mga batang maagang naglalakad para gawin ang utos ng mga magulang nila.
Napangiti naman ako dahil sa pamilyar na senaryo.
Sa paglalakad ko ay nakaabot ako sa training area ng mga squads. Hindi ko alam kung pwede ba ako dito pero masyado kasing wala sa huwisyo ang nagbabantay sa gate kaya nakapasok ako.
Mabilis akong umupo sa bleachers at tahimik na pinanuod ang mga nag eensayo. Lahat sila ay may potensyal, medyo stiff lang ang iba.
Napansin ko ang pagpasok ng dalawang lalake. Yung isa ay may kulay green na highlights sa dulo ng buhok niya na wavy at ang isa naman ay mahaba ang buhok na bumagay naman sa kaniya. Napakunot ang noo ko at naalala ang dalawang iyon.
Sila yung kahapon na kumalaban sa halimaw.
Mukhang nagpipigil sila na ilabas ang lakas nila dahil nga siguro iniiwasan nilang masaktan ang mga babaeng hawak ng halimaw na iyon.
Tsk.
"A few cuts or wounds here and there are alright. Basta't maililigtas sila. Masyado silang nag iingat." Napaikot ko pa ang mata ko.
Nang dumating sila ay mas lalong naging intense ang pag eensayo.
Mmm..
Ang suot ng lalaking isa... Captain siya?
Kaya naman pala.
"Sh--" Muntik pa akong mapamura ng biglang may lumipad na espada sa direksyon ko. Ngunit mabilis naman akong umiwas.
"Oh! P-Pasensya na! Pasensya na! A-Ayos ka lang ba?!" Tanong ng isang babae na mukhang kabadong kabado. Tumayo naman ako saka hinugot ang espada niya. Bumaba ako at lumapit sa kaniya at sa partner niya.
"Wala ka namang balak patayin ako no?" Nakaangat ang kilay na tanong ko.
Yumuko siya ng mababa.
"Pasensya na talaga! Hindi ko sinasadya!" Aniya.
Mukhang hindi maayos ang paghawak niya ng espada kaya ng atakihin siya ng kapartner niya ay tumalsik sa direksyon ko ang espada niya.
"Well, whatever." Sagot ko saka inabot sa kaniya ang espada niya na kinuha niya naman ng nanginginig pa.
Lumapit naman ang dalawang lalake sa amin. Parehas silang may ekspresyon na hindi ko maipaliwanag. Para bang kilala nila ako na hindi ko maintindihan.
"Pasensya na sa nangyare. Ako na bahala magparusa sa kaniya." Sambit ng lalake na mahaba ang buhok, nakatingin siya sa mga mata ko na para bang... may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya. Pero hindi ko alam kung pakiramdam ko lang iyon.
"It doesn't matter. I'm not hurt so you don't have to do that. Your name?" Diretsang sambit ko saka diretsa ring nakatingin sa kaniya.
Matagal bago siya sumagot.
"Zeid Chen, Squad 4 captain."
"Chen? Ah. That clan. How about you?" Tanong ko naman sa kasama niya.
"Ren Sayaka. Squad 4 lieutenant." Pakilala niya.
Ngumiti naman ako.
"Nice to meet you then. I'm Nyssa Hoda. One of the visitors sa exam. Pero hindi kami nakaabot ni Maxson kaya naman maglilibot na lamang kami dito sa Hiyosko."
Tila parang may iniisip sila dahil nagkatinginan sila at parang nag uusap gamit ang mata pero hindi ko na iyon pinansin.
"Oh siya, aalis na ako. See you, Captain Chen and Lieutenant Ren." Sambit ko at sumaludo bago naglakad paalis.
Ngumisi ako.
Interesting people.
Pero tingin ko, may bagay silang alam na hindi ko alam. Mmm, hindi naman kami magkakilala pero nakapagtataka lang ang mga kilos nila.
Lalo na si Captain Chen.
I feel like he wants to say something. If that's the case...
Ano naman kaya yun?
Deep inside, I'm curious about it.