webnovel

Post

D1. Post

NAKAHARAP AKO ngayon sa cellphone habang nag-iiskrol sa FB. Wala kasi akong magawa dahil Sabado ngayon at walang klase.

Ina-update ko nalang and social media ko kahit wala naman akong followers. Pero joke lang! May friends pa kaya akong supporters.

Ni like nilang dalawa ni Marie at Justine ang profile picture kong naka-wacky.

Nag comment sila kaya binasa ko.

Justine Acaylar: Gagi teh, ang pangit mo🙄

Nireplyan ko rin agad dahil sa inis. Wala talaga silang magawa sa buhay. Haysstt.

Baby KO SiPanot: PAKE MO TEH🙄

May comment rin si Marie at umirap naman ako sa nabasa.

Mårįę DáPrettiest: Shocks😱 sanaol pangit. How to be you po?☺️😚

Baby KO SiPanot: Wag kang maligo ng isang buwan. Yan lang mapapayo ko. You're welcome 😊♥️💙♥️

Pumunta akong home para tumingin sa newsfeed. Ito lagi ang buhay ko pag nasa bahay, pa-skrol skrol lang sa FB at rumireact rin sa mga post ng kung sino. Dati nga, kay Lourd lang ako naghihintay ng post niya. Pero dahil ex crush ko na siya, di ko na nagawa.

Pinagpatuloy ko nalang ang pag-iiskrol sa FB ng makita agad ang new post ni Lourd.

Ang sabi dito,

How to make this girl fall in-love on me? I can't untamed her. She's so hard to pleased. Need help.

Luh?

Pinindot ko ang post niya at nirefresh para magulantang lang sa madaming reacts at comments kahit one minute ago pa'to.

"Sanaol." Yan lang masasabi ko. Nagbasa naman ako ng mga comments at pinagpatuloy ang pag-iiskrol. Minsan rin, nirereplyan ni Lourd ang may matinong advice at pinagsasalamatan ito. Hindi gaya sa iba diyan na nag send ng long message sa kanya. Puro yun mga babae na may gusto rin sa kanya. May nag I love you pa nga eh. Ang tataas pa ng comments nila at ginawa pang Messenger ang post ni Lourd.

Ni refresh ko ulit baka may makita pa'ko.

Sapo noo akong napailing. Kanina, nasa one hundred reacts lang. Wala pa ngang like eh, at ngayon naman, umabot na ng more than two thousand?! Gagi siya! Ba't ang famous niya? How to be famous po?

Marami ring shares at pag nirerefreah ko naman, mas dumadagdag ang mga comments, reacts, at shares kaya inexit ko nalang at binitiwan ang cellphone. In-off ko rin ang wifi. Balak ko sanang matulog habang wala pa si mama. Pero habang papalapit pa lang ako sa kwarto, narinig ko ang boses ni mama na kakarating lang.

"Nak."

"Oh?!" Tumakbo ako sa kanya palapit para mag mano at kinuha ang dala-dala niyang mga supot.

"Musta ang café?" Tanong ko nang maalalang pumunta doon si mama para ipa-incharge sa iba ang trabaho niya. Ganito kasi lagi. Pag Sabado at Domingo, day-off namin ni mama. Binibigay niya sa iba ang trabaho para sila naman ang mag-manage. May hinire rin kasi siyang bagong aplikante na hindi ko pa kilala. Bago pa daw iyon at kakasimula pa lang. Sayang! Gusto ko pa naman sana na makilala.

"Okay naman. Like usual..." Pagod siyang umupo sa sofa at tinungtong ang paa sa babasaging lamesa.

"Eh yung shop ko?" Dumilat siya at tumingin sakin na nakataas kilay.

"Diba, sayo yun? Ba't sakin mo tinanong?"

"Eh kasi ma, malapit lang naman yun sa café diba? At tsaka, nadadaanan mo yun lagi." Dipensa ko sa sarili. Baka iniisip niya na napaka-irresponsable ko namang boss.

"Di na'ko pumasok. Pero nakita ko naman na maraming costumer." Pagod niyang pinikit ang mata.

"Ma."

"Oh?"

"Sa kwarto ka na magpahinga. Ako nang bahala sa tanghalian natin." Sabi ko at lumapit sa kanya para alalayan siya.

"Osige salamat."

Dinala ko siya sa kwarto at habang naglalakad, yumuko ako para lang makita ang paa niyang namamaga dahil siguro sa sapatos na suot.

"Haysstt." Buntong hininga ko.

Chapitre suivant