webnovel

Incoming: Hell Week III

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

"So, do I have to pick between the two of you? Bakit ngayon pa mangyayari 'to. Ngayong pantay na ang nararamdaman ko para sa in'yong dalawa ni Dexter."

"James? Ford?"

Pareho kaming nagulat ni Oxford na tumingin kay Dexter.

Ang mga luha n'ya'y nagsimulang dumaloy mula sa kan'yang mga mata pababa sa kan'yang mga pisngi.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

"Out of stock sila nung Harry Potter Glasses!" Tuloy lang sa pag-iyak si Dexter, "san na ngayon ako hahanap ng salamin para sa iko-cosplay ko sa convention?"

"Baka may iba pang shop na pwedeng mabilhan ng salamin or kahit kahawig lang?" Tanong ni Oxford.

"Hindi ko alam, pero kung hindi ako makakahanap ngayon, paano na?"

"'Wag ka nang umiyak d'yan, nababawasan 'yung pagkamagandang-lalaki mo. Sige ka, minus points sa akin ang pagiging iyakin. Bahala ka." Sabi nito kay Dexter para patahanin.

The heck, hindi ko alam na ganito pala talaga si Dexter. Naninibago ako.

Siguro ngayong kilala ko na s'ya at alam ko na ang lahat, hindi ko maiwasang panoorin at obserbahan ang bawat kilos n'ya.

Pero nakasisiguro ako iba na s'ya ngayon...

I wouldn't say it in a bad way. Pero siguro "change is the only constant thing in the world" talaga.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Nakahanap at nakabili rin naman si Dexter ng salaming kan'yang sinasabi sa ibang tindahan at inabot kami ng hanggang 6PM sa paglilibut-libot sa mall.

"Thank you, Ford! Thanks for accepting my invitation. Salamat sa pagsama sa aming dalawa ni James." Hinawakan ni Dexter ang mga kamay ni Oxford.

"No problem. Paano kayo uuwing dalawa?" Tanong ni Oxford sa amin ni Dexter.

"Sasakay lang kami ng bus pauwi."

"Is that so? Gusto n'yo ihatid ko na kayo ni James?"

"Sa sakayan? Sure, why not? Pero maglalakad lang kami papunta don, will that be okay with you, Ford?"

"No, what I mean is ihahatid ko na kayo pauwi. I brought my car with me. Are you guys fine with that?"

"Hindi ako tatanggi sa offer mo, Ford. Ikaw, James? Okay lang ka lang na ihahatid tayo ni Ford?" Tanong sa'kin ni Dexter.

"Kailangan pa bang itanong 'yan? S'yempre basta makalibre sa pamasahe, ooo lang ako!" Sagot ko.

Makakapagtipid ako kahit papaano, mahal rin kaya ang pamasahe!

Wala nang hiya-hiya 'to!

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Sa driver seat, s'yempre si Oxford ang nakaupo don kasi s'ya ang magmamaneho, 'di ba? Sa passenger seat sa tabi ng driver naman nakaupo si Dexter. At ako, san pa ba? Edi sa trunk ng sasakyan.

Biro lang! Sa likod ako nakapwesto, pwedeng humiga kung pagod at gustong matulog, kaya swak na swak para sa akin ang mapwesto dito sa likod. At tsaka ako ang third wheel dito, wala akong karapatang mamili ng pwesto, marunong akong lumugar sa dapat kong kalagyan!

Makakatulog na sana ako eh, kung hindi lang nag-beep ang smartphone ko. 'Yung notification sound ng Line Messenger.

Kung 'di n'yo alam kung ano ang Line, parang Viber at Whatsapp lang rin s'ya. Hindi lang ako sure kung laganap na s'ya dito sa Pilipinas pero kaunti lang kaming kilala ko na gumagamit ng Line. So I can say that I'm limited edition only or isa ako sa endangered species at kailangang magparami!

"Tell me the truth, the whole truth and nothing but the truth."

Galing ito kay Dexter. Ano kaya ang gusto n'yang malaman?

"Ano 'yon?"

"Narinig ko 'yung pinag-uusapan n'yo kaninang dalawa sa labas ng shop."

"What about it, Dex? Ano tungkol don ang gusto mong i-clarify?"

"Narinig ko na may gusto rin s'ya sa'yo, at sinabi n'ya na nahihirapan s'yang pumili between the two of us."

"Dex, alam mo na loyal akong kaibigan, hindi ako makikipag-away sa kahit sinong kaibigan ko."

"Tell me the truth, do you have feelings for Ford?"

"Seryoso ka ba?"

"James..."

"Oo, I do have good feelings for him as a friend. Is that something you should worry about?"

"Naniniguro lang."

"Dexter, kung alam mo lang, nakakabanas ang pagka-corny ng bago mo ha? At tsaka hindi ko rin alam kung bakit s'ya nagsinungaling sa'yo tungkol sa bakit s'ya na-late."

"Bakit s'ya na-late? Anong sinasabi mong ka-corny-han?"

"Nung nagbanyo ka, bumili muna ako sa lotto outlet ng scratch cards. Nakita n'ya ako don. May linys pa s'yang tinanong ang favourite numbers ko raw, tatayaan n'ya. Bakit numbers? Bakit marami? Para more chances of winning me raw!"

"Nakakakilig kaya! Bakit hindi ka kinilig?"

"Eh kasi medyo awkward na he was trying to hit on me, eh hindi naman kami masyadong magkakilala. Tinamaan lang ako at dinala n'ya sa ospital."

"Tinamaan ka naman pala kay Oxford, bakit itatanggi mo pa, James?"

"Siraulo ka, gusto mo ikaw patamaan n'yan ng bola ng soccer? Tingnan natin baka mas malala ang kakahantungan mo kaysa sa nangyari sa akin!"

"Hindi na kailangang tamaan pa ako, dahil patay na patay na ako para sa kan'ya."

"Bagay kayong dalawa, pareho kayong corny, pwe! Ew, kadiri."

"Sabi ko nga, kampante ako at nakakasiguro akong wala kang gusto sa kan'ya o kay Brix."

"Talagang talaga!"

"Kasi wala sa kanilang pagpipilian ang napili mo. Si Kevin 'yon."

"Tang ina mo! Gago!"

Napansin ni Oxford na nakangisi si Dexter habang hawak ang kan'yang cellphone.

"Oh ano 'yan? Hindi pa nga tayo may iba ka nang ka-text, selos ako!" Sabi nito.

"Si James ka-chat ko sa Line! 'Wag ka, loyal ako, 'di tulad mo! Haha." Sagot naman nito.

"Anong pinag-uusapan n'yong dalawa, ha?"

"Wala ka nang pakialam don, tungkol sa'yo kaya shut up ka nalang."

"Ganon ba? Sige, itatabi ko lang 'tong sasakyan, bumaba na kayo! Hahaha!"

"Huy, joke lang. Ikaw, hindi ka naman mabiro! Magagandang bagay naman tungkol sa'yo 'yung pinag-uusapan naming dalawa eh."

"Tulad ng?"

"Ang corny mo raw masyado tyaka kung anu-ano pa."

"Hayst, sige, nakalusot na kayo. 'Di ko na kayo papababaing dalawa. Pero there's a condition."

"What's that condition?"

"Hey, heyy. Tigil-tigilan n'yo nga ako!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. "One condition. Ano ang kundisyon? Kiss muna. Anak ng tukneneng! Pwede ba? Kung sunggab, sunggab! 'Wag nang papaikutin, papaliguy-liguyin at papakumplikaduhin pa!"

"Bitter!"

"Bitter na kung bitter, pero sa ginagawa n'yong landian, baka hindi n'yo namamalayang nasa maling side na tayo ng highway! Pakshet! Concentrate and focus on the fucking road, will you, Oxford? Ikaw naman Dexter, kiss mo na!"

"Init naman ng ulo nito. 'Eto na, iki-kiss ko na, panoorin mo! Hahahaha."

"Ewan ko sa in'yong dalawa, basta ako matutulog dito sa likod n'yo!" Pumikit na ako bago ko pa masilayang ang kissing scene nilang dalawa.

D'yus ko po, Lord! Sana po buo at buhay pa kaming makauwi sa kani-kanilang mga tirahan!

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Chapitre suivant