webnovel

Chapter 37

"Monitor her vitals, magkaroon lang ng slight change, inform mo agad ako." Bilin ni Valerie kay Hazel na mauuna munang magbantay kay Sophia. "Opo, Doktora." Sagot naman ni Hazel. Magkakaroon sila ng decking na tatlo kung saan ay magpapalit-palit sila sa pagbabantay sa bata.

Matapos ang matagumpay na operasyon ay kumain muna ang lahat saka nagpunta sa kanya-kanyang bahay para mamahinga. Halos lahat sila ay walang maayos na tulog at hindi gaanong nakakapagpahinga noong mga nakaraang araw ahil na din sa pag-aalala kay Sophia at sa mga gawain ng mga kalalakihan sa kanilang lugar.

"Ka Mario, magpahinga na din po kayo. Bukas ay tiyak na makakausap n'yo na si Sophia." Muling hinawakan ni Mario ang kamay ni Valerie. "Maraming maraming salamat po ulit, Doktora. Hindi ko po alam paano ako makakabayad sa inyo." Ngumiti si Valerie at hinawakan din ang kamay ng matanda. "Ang makita na maayos si Sophia at kayo at tama na po sa akin." Magsasalita pa sana si Mario pero naramdaman niya ang biglang pagbitaw sa kanya ni Valerie. Muntik ng bumagsak ang dalaga sa lupa, mabuti na lamang at maagap si Dante at nasalo ang dalaga.

"Doktora, doktora!" Tawag sa kanya ni Sarah pero tuluyan ng nawalan ng malay si Valerie. Dali-dali nilang pinasok ang dalaga sa tent.

"Ano'ng nangyari?" Gulat na tanong ni Hazel. "Mukhang bumigay ang katawan niya sa pagod at yung pagkuha natin ng dugo sa kanya. Check mo nga ang cbc niya. Lalagyan ko na siya ng swero." Sabi ni Sarah at dali-dali din kumilos si Hazel.

"Okay lang ba si doktora?" Nag-aalalang tanong ni Mario. "Sa ngayon po ay hindi pa namin alam pero hayaan n'yo na po siya sa amin. Magpahinga na pa kayo at kami na po ang bahala sa kanila." Mabuti na lang ay hindi na naging pasaway sa Mario at sinunod ang sinabi ni Hazel.

....

Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay nagsimula na muling maglakad ang ORION at PHOENIX papasok sa mas masukal na kagubatan. Tama ang naging desisyon ni Iggy na magpalipas ng gabi dahil kung hindi ay baka isa sa kanila ay napahamak dahil ang dinadaanan nila ngayon ay isang malalim at matalim na bangin.

Sa Mindanao man nakabase ang PHOENIX ay madami pa din silang lugar na hindi napupuntahan o napapasok gaya na lamang ng lugar na ito.

"Mukhang malapit na tayo." Sabi ni Luke dahil nakakita ulit sila ng daang tao matapos ang bangin.

....

Nagising si Valerie mula sa ingay na nadidinig sa labas. Tiningnan niya ang paligid at nagtaka siya kung bakit siya nasa loob muli ng tent. Lalong kumunot ang noo niya ng makita ang swero sa kanyang kamay.

"Sarah? Hazel?" Gising niya sa dalawang nurse na kasama. Si Hazel ay nakayuko sa gilid ng kama ni Sophia. Si Sarah naman ay nakayuko sa gilid ng kama niya. Hindi niya masisisi ang dalawang dalaga na tiyak na naidlip dahil sa puyat at pagod. Nagising naman agad ang dalawa matapos madinig ang boses ni Valerie.

"Kamusta po ang pakiramdam n'yo?" Tanong ni Sarah. "Si Sophia?" Imbis na sagutin ang tanong ni Sarah ay tiningnan niya si Hazel.

"Nagising na po siya kanina at humingi ng tubig. Halos kakatulog lang po ulit niya kani-kanina lang." Sagot ni Hazel.

"Bakit nagkakagulo sila sa labas?" Sinubukan ni Valerie na tanggalin ang swero na nakalagay sa kamay niya pero pinigil siya ni Sarah. "Doktora, mababa po ang hemoglobin at hematocrit n'yo. Alam n'yo po na sa sitwasyon ngayon, yaang swero lang na yan ang makakatulong sa inyo." Ngumiti si Sarah ng magthumbs-up sa kanya si Valerie pero hindi na niya napigil ang doktora na lumabas na dala-dala ang swero.

Nang lumabas si Valerie ay kumunot ang noo niya ng halos lahat ng tao ay nasa harap ng tent. Lalong kumunot ang noo niya ng maaninag niya na may mga nakaluhod sa harap at nakataas pa ang mga kamay.

"Ano'ng nangyayari? Nagulat si Valerie dahil sumunod din pala sa kanya sila Hazel at Sarah sa labas ng tent.

"Manang, ano pong meron?" Lumapit na si Hazel sa isa sa matandang babae na nakatayo sa likod. "May mga pulis at sundalo." Biglang nataranta ang tatlong dalaga kaya mabilis silang tumakbo papunta sa harap.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie ng pagdating nila sa harap ay nakatutok na ang mga baril nila Iggy at Luke kila Ka Mario. Inikot niya ang kanyang mata sa paligid dahil alam niyang napapalibutan na sila ng ORION at PHOENIX. Bigla niyang tinanggal ang swero at walang sabi-sabing tumakbo sa gitna. Sumunod naman sa kanya sila Hazel at Sarah.

"Hold your fire! Hold your fire!" Sigaw ni Luke ng makita si Valerie. Agad naman itinaas sa ere ng ORION at PHOENIX ang kanilang mga baril sa ere.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Valerie sa kanyang boyfriend bago siya tuluyang mawalan ulit ng malay.

Chapitre suivant