webnovel

Chapter 32

"Mahigpit ang magiging pagbabantay ng mga pulis at sundalo sa lugar pero kailangan nating makuha ang pinakamagaling na doktor. Wala akong pakialam kung dumanak man ang dugo. Ang mahalaga ay gumaling ang anak ko. Maliwanag ba?" Sabi ni Ka Mario sa kanyang mga kaharap. "Opo, pinuno!" Sabay-sabay naman sagot ng mga ito.

....

"Val!" Sigaw ni Iggy ng makita ang pinsan na palabas na ng airport. Kumaway naman ang dalaga saka mabilis na naglakad papunta kung saan nakatayo ang pinsan.

"Val, my loves!" Nagulat si Valerie ng biglang sumulpot si Boyan galing kung saan. Yayakap sana ito sa kanya pero mabilis siyang nakaiwas at pumunta sa likod ng pinsan.

"Bakit nandito ka?" Takang tanong ni Valerie. "Tawag ng pagmamahal." Nakangising sagot ni Boyan. "Tumigil ka na nga sa kalokohan mo, Cap! Hindi ba dapat ay nasa Point A ka? Bakit ka ba nandito?" Tanong naman ni Iggy. "Gusto ko lang makita si Val eh." Sabi ni Boyan na nagpacute sa dalaga. "Bumalik ka na nga sa pwesto mo. I-rereport kita kay Major General eh." Sabi ni Iggy at pinagtulakan na si Boyan. "See you later, Val!" Sigaw ni Boyan habang papalayo sa dalawa.

"Bakit nandito si Boyan?" Tanong ni Valerie matapos makasakay sa kotse ni Iggy. "For security purposes lang." Sagot ni Iggy na kinakunot ng noo ni Valerie pero hindi na nagtanong pa dahil alam niyang hindi din sasabihin sa kanya ng pinsan dahil ito ay sa pagitan lang ng mga pulis at sundalo.

Bago bumaba ng kotse ay naisipan muna ni Valerie na tawagan si Luke.

"Nandito na po ako." Sabi ni Valerie. "Alam ko po." Sagot naman ni Luke. Nakataas ang kilay na tumingin si Valerie kay Iggy. "Ang kulit niyang boyfriend mo!" Nadinig ni Valerie ang tawa ni Luke sa kabilang linya.

....

Hindi na nagbook sa hotel si Valerie dahil ipinilit ni Iggy na sa condo unit na lamang ng binata mag-stay ang pinsan.

"Bukas pa naman ang start ng convention kaya matulog ka at magpahinga ka na muna. Sabi ni Luke ay wala ka pang tulog dahil nanganak na si Abigail." Sabi ni Iggy. "Pinapasabi nga pala nila Andre at Abigail na isa ka sa mga ninong ng anak nila." Tumango lang si Iggy. "Inform lang nila ako ahead of time para makapag-leave ako." Sabi ni Iggy. "May mga pagkain na sa ref, init mo na lang sa microwave." Dugtong ng binata. "Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Valerie ng lumakad si Iggy papunta sa pinto ng unit nito. "Babalik ako sa airport. Kailangan namin i-escort ang iba pang mga Cardiologists na dadating. Baka bukas na ko makabalik." Sagot ni Iggy.

"May problema ba?" Hindi na nakatiis si Valerie na itanong sa pinsan ang kanina pa niya iniisip. Bago sila tuluyang naka-alis sa airport ay mahigpit ang pag-check ng security sa bawat papasok at lalabas ng airport. Nakita din niya ang ilang mga pulis at sundalo na nagroronda sa buong airport. Hanggang sa paglabas nila sa gate ay mahigpit din ang security.

Bumuntong hininga si Iggy. "Last week ay may dalawang nurse na kinidnap mismo sa loob ng ospital. May mga nawala din gamit sa loob ng Operating Room. Hanggang ngayon ay wala pa kaming lead sa kung sino at bakit nangyari iyon." Sabi ni Iggy. "Kaya ba nandito sila Boyan?" Tumango si Iggy. "Alam din nila Luke ang sitwasyon kaya hindi ko masisi ang boyfriend mo sa pagiging makulit." Nangiti si Valerie. "Gusto na nga niyang pumunta dito pero under control pa naman ang sitwasyon." Dugtong ni Iggy.

"Phone mo." Kumunot ang noo ni Valerie sa sinabi ng pinsan pero inabot pa din niya dito ang kanyang phone. "Lahat ng phone n'yo ay lalagyan ng tracker para kung ano man ang manyari ay may guide kami. Hindi ko sinasabi sa'yo 'to para matakot ka pero be vigilant tomorrow. Kapag meron kang nakita na kahina-hinala ay sabihan mo agad ako." Tango ang naging sagot ni Valerie. "Aalis na ako. Mas safe ka dito hanggat hindi ka lumalabas ng unit. Bukas kahit malate ako ay susunduin kita." Muling tumango si Valerie. "Mag-ingat ka." Sabi ni Valerie bago tuluyang lumabas si Iggy.

....

Maagang nagising si Valerie kaya maaga din siyang nakapag-ayos para sa unang araw ng Cardiologists Convention. Gaya ng sabi ni Iggy ay sinundo nga siya nito sa unit pero hindi naman ito na-late.

Habang nasa kotse ay tumunog ang kanyang phone.

"Morning, hon." Bati niya sa kabilang linya. "Bigay mo nga kay Iggy, hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko eh." Natawa si Valerie sa sinabi ng boyfriend. "Hon, alam mo na busy si Iggy. Bakit ka pa sumasabay ha?" Ngumiti si Iggy sa kunyaring galit ni Valerie.

"Alam mo na?" Tanong ni Luke. "Yeah." Maikling sagot ni Valerie. "Val..." Alam ni Valerie na kapag tinawag siya ni Luke sa pangalan ay seryoso ito.

"Hon, don't worry. I'll be fine. We will be fine. Nandito sila Iggy, nandito din sila Boyan." Nadinig ni Valerie ang pagbuntong hininga ni Luke. "Call me kapag may nangyari. Tell Iggy and that Boyan kung may mangyari." Ngumiti si Valerie mula sa nadinig sa boyfriend.

"Ok, I will. I love you." Sabi ni Valerie. "Take care. I love you more." Sagot naman ni Luke bago pinindot ang end call ng phone.

....

Maayos na nakapag-umpisa ang convention. Dalawang speaker na ang natapos magsalita. Ngayon ay oras na para sa pananghalian kaya isa-isa ng nagsipunta ang mga tao sa buffet table.

"Excuse me, saan po yung CR?" Tanong ni Valerie sa isa sa mga usherettes. "Deretso lang po then left lang po." Sagot naman nito sa dalaga.

Papasok na sana si Valerie sa CR ng tumunog ang kanyang phone.

"Musta?" Tanong ni Luke mula sa kabilang linya. "So far, so good. Madaming gwapo na doktor." Napasimangot si Luke. "Ah, ganoon?" Natawa si Valerie. "Pero walang tatalo sa Captain Luke ng buhay ko." Si Luke naman ang natawa. "Biglang bawi ah." Sabi ng binata. "Hon, naiihi na ko. Call you later ha? Love you." Sasagot pa sana si Luke pero naputol na ang linya.

....

"Dra. Valerie Villaflores?" Lumingon si Valerie para tingnan kung sino ang tumawag sa kanya. "Dra. Valerie Villaflores of TOP TEAM?" Pagkumpirma pa nito. Tumango naman si Valerie sa babaeng kaharap. "Sarah po." Pagpapakilala ng dalaga saka inilahad ang kamay. Nakangiti naman inabot ni Valerie ang kamay ng dalaga.

"Doktora, sorry po." Naguguluhang tumingin si Valerie sa kaharap at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang nakatutok na baril sa kanya.

Chapitre suivant