Halos sabay na dumating si Luke at sila Valerie kasama ang kanyang mga magulang na sila Arsenio at Emma sa bahay nila Damian at Lucy na magulang ni Luke.
"Val?" "Luke?" Sabay na tanong ng dalawa ng makita ang isa't isa. "Napagwapo mo naman, iho." Nakangting sabi ni Emma. "Mom!" Saway ni Valerie sa ina. "Bakit ba eh gwapo naman talaga siya." Sabi naman ni Emma. "Good evening po." Magalang na bati ng binata. "At magalang pa." Patuloy ni Emma. "By the way, ako si Emma at ito naman ang aking asawa, si Arsenio." Hindi na inintay pa ni Emma na ipakilala sila sa isa't isa. "Kami ang parents ni Valerie." Patuloy ni Emma. "Nice to meet you po." Sagot naman ni Luke.
"Bakit ka nga pala nandito?" Takang tanong ni Valerie. "Bahay ng parents ko." Sagot ni Luke sabay turo sa bahay sa harap nila. "Ikaw ang anak nila Damian at Lucy?" Pagkukumpirma ni Arsenio. "Opo." Maikling sagot ng binata. Biglang pumalakpak si Emma na kinataas ng kilay ni Valerie.
"Ahm, bakit kayo nandito?" Balik na tanong naman ni Luke sa dalaga. "We're here to have dinner with your parents and I guess with you too." Nakangting sagot ni Emma na hindi na inintay makasagot ang anak. "Kayo po ang magiging business partner nila Papa at Mama?" Tanong ni Luke. "Yes! And may be your future byenan." Mahina lang ang pagkakasabi ni Emma sa huling mga salita niya kaya hindi masyadong naiitindihan nila Valerie at Luke ito. Si Arsenio naman ay iiling-iling lang sa kalokohan ng asawa.
"Tara na po, pasok na po tayo. Tiyak na kanina pa po naka-ready sila Papa at Mama." Aya ni Luke sa mag-anak na Villaflores. Pinauna niya ang mag-asawa at sinabayan si Valerie sa paglalakad.
"Ano'ng mga 'yun?" Turo ni Luke sa mga bodyguards nila sa labas. "Hindi ko din alam. Pag-uwi pa lang namin saka ko pa lang sila kakausapin." Sagot ni Valerie. "Bigatin ka pala doktora. Sabi ni Mama madami daw pag-aari sa Baguio 'yung magiging business partner nila. Kung alam ko lang na ikaw yun..." Nakangiting sabi ni Luke. "Ano?" Tanong naman ni Valerie. "Hindi lang dinner ang hiningi ko sa'yo. Pwede sigurong one week free vacation sa pinakamahal n'yong hotel." Natawa naman si Valerie sa sinabi ni Luke.
"Hindi naman sa akin ang mga 'yun, wala akong hilig sa business. I love my work now and hindi ko nakikita ang sarili ko na magiging isang hotelier in the future." Si Valerie at Emma, lagi nilang pinagtatalunan noon ang kanyang pagiging isang Cardiologist. Gusto ng kanyang ina na siya ang mag-manage sa kanilang business pero iba ang gusto niya. Sa pagkuha niya pa lang ng kurso sa college ay nagtalo na sila pero siya pa din naman ang nasunod dahil nakasuporta sa kanya ang ama.
"Sooner or later, you have to choose. Hindi pabata ang parents natin. There will come a time na kailangan nilang magpahinga because of some important issues like sa health." Sabi naman ni Luke. "I'll cross the bridge when I get there." Sagot naman ni Valerie. Biglang naalala ng dalaga ang heart condition ni Damian.
"By the way, I already saw yung mga tests na ginawa kay Dr. Villacorta..." Hindi natapos ni Valerie ang sasabihin dahil nagsalita si Luke. "He will be happy kapag Tito Damian ang tinawag mo sa kanya. He hates formality lalo kapag nasa bahay lang." Nakangting sabi ni Luke. "And about his condition, we could talk about it some other time. Hindi naman iyon ang ipinunta n'yo dito ngayon. And I don't want to ruin your mom's good mood." Patuloy ni Luke. "Yeah at kinakabahan ako sa "good mood" niya." Natawa si Luke sa sinabi ng dalaga. "Bakit naman?" Tanong ni Luke. "Ha'ay, ewan ko basta iba lang ang feeling ko kay Mom." Sagot naman ni Valerie.
Dahil busy sa pagkwekwentuhan ang dalawa ay hindi napansin ni Valerie ang naka-usling bato sa daan kaya ng matamaan niya ito ay alam niyang madadapa siya at tiyak niyang tatama ang katawan niya sa lupa kaya tinakpan niya ng kamay ang kanyang mukha.
"Valerie? Luke?" Dinig ni Valerie ang boses ng mga magulang pati na din ang boses nila Damian at Lucy.
"Okay ka lang?" Nagulat siya ng madinig ang boses ni Luke at parang nasa harap niya lang ito. Ramdam niya ang mainit na hininga nito pati na din ang dalawang kamay nito sa kanyang likod. Sinilip niya sa pagitan ng mga daliri ang nasa kanyang harapan. Nanlaki ang mga mata niya at biglang inalis ang takip sa kanyang mukha ng makita na nakadagan pala siya kay Luke. Nang lumingon siya sa kanilang mga magulang ay makikita ang mga masasayang ngiti sa mukha nila Emma at Lucy. Si Arsenio at Damian naman ay kunwaring may pinag-uusapan.
"Sorry, sorry." Sabi ni Valerie sabay pilit tumayo pero napangiwi ng ituntong niya ang isa sa kanyang paa. "Easy, easy." Sabi ni Luke sabay alalay sa kanya. Doon na lumapit ang kani-kanilang mga magulang. "Okay ka lang iha?" Nag-aalalang tanong ni Lucy. Tumango si Valerie pero muling napangiwi ng subukan uling ituntong ang paa. "Pa, please check her." Sabi ni Luke na nakatingin sa ama. "Bring her sa study." Sagot naman ni Damian.
"Wait! Wait!" Sabi ni Valerie ng makita niyang bubuhatin siya ni Luke. Kumunot naman ang noo ng binata. "I think I can walk." Sabi ni Valerie. Tumingin lang sa kanya si Luke sabay lahad ng kamay para maalalayan siya. Tinanggap naman ni Valerie ang kamay ng binata pero ng subukan niyang maglakad ay nadiin niya ang hawak sa binata. "You can't." Sabi ni Luke sabay walang sabi-sabing binuhat na siya nito. Sumunod na sa kanila sila Damian at Arsenio. Nasa huli naman sila Emma at Lucy kaya hindi nila nakita ang pag-aapear ng dalawang babae.
Naiwan na sa sala sila Arsenio, Emma, at Lucy. Sila Damian at Luke na buhat si Valerie ay dumiretso naman sa study. Ibinaba ni Luke si Valerie sa sofa.
"Let me take a look, iha." Sabi ni Damian. "Mukhang na-sprain ang paa mo. Luke, kumuha ka muna ng ice pack. Kapag nabawasan na ang pamamaga ay saka natin lagyan ng bandage." Sabi ni Damian. Lumabas naman agad ang binata at kumuha ng yelo sa kusina.
"Iiwanan ko muna kayo. Tiyak na gutom na ang parents mo dahil galing pa sila ng Baguio. Ipapadala ko na lang dito ang dinner n'yong dalawa." Sabi ni Damian. "Doc...Tito Damian, thank you po." Ngumiti si Damian sa nadinig mula sa dalaga. "You're welcome, iha. Luke, ikaw na muna ang bahala kay Valerie." Sabi ni Damian saka lumabas na sa study room.
"Tsk, behave." Sabi ni Luke ng pilit kinukuha ng dalaga ang ice pack na hawak niya. "Mababasa yung bandage mo." Sabi ni Valerie na gusto lang talagang kunin sa binata ang ice pack na nakalagay sa kanyang paa. Naiilang kasi siya lalo at kapag nagtatama ang kanilang mga mata. "Hindi oh." Sabi ni Luke na pinakita pa ang kamay. "Kaya ko naman. Wala naman problema yung dalawang kamay ko oh." Sabi ng dalaga na tinaas pa ang dalawang kamay. "Let me do this. Nasa bahay ka namin ng mangyari ang aksidente kaya dapat lang na alagaan kita." Namula si Valerie ng maalala ang itsura nilang dalawa ng matapilok siya sa bato.
"Parang bumibigat ka yata." Natingin namang bigla si Valerie dahil sa nadinig mula sa binata. "Nung una kitang binuhat para ka lang 50 kls na bigas. Kanina parang 75 o 100 kls na eh." May nakakalokong ngiti na sumilay sa mukha ng binata pero bigla itong naglaho ng tumingin siya sa dalaga. Seryoso ang mukha nito at nakataas pa ang kilay. "Ah, ganon!?" Pagtataray ni Valerie. "Peace!" Natawa si Valerie ng mag peace sign si Luke sa dalawang kamay pero ang sa isang kamay ay parang naka-dirty finger dahil sa kanyang bandage. Nang makita ito ng binata ay bigla niyang binaba ang kamay.
Pagtapos ipasok ni Lucy at Emma ang pagkain ng dalawa ay lumabas na din sila. Ayaw nilang maka-istorbo sa dalawang anak na sa tingin nila ay mayroon ng spark kahit wala pa silang ginagawa.
"Ako na." May pagtataray na sabi ni Valerie ng subukan ni Luke na subuan siya ng pagkain. "Paa ko lang may injury, normal ang mga kamay ko." Dugtong pa ng dalaga. "Okay, okay." Pagsuko ni Luke dahil baka makatikim na talaga siya. Sa paa ng dalaga at may lusot pa siya pero sa kamay ay wala na.
"Nga pala, kailangan palitan 'yang bandage mo everyday ha para hindi ma-infection." Tapos na silang kumain kaya balik na ulit sila sa dating pwesto kung saan hawak ni Luke ang ice pack na nakalagay sa paa ni Valerie. "Sus, wala 'to. Malayo sa bituka." Nakangiting sabi ni Luke pero nawala ito ng makita na naman ang seryosong mukha ng dalaga. "Yes, Doc!" Sagot ni Luke na may saludo pang kasama. "Itatanong ko kay Abi kung nagpupunta ka sa ospital para d'yan." Sabi ni Valerie. "Meron namang nurse sa Base, doon na lang ako pupunta." Sabi naman ni Luke. "Si Andre ang tatawagan ko." Nakamot ni Luke ang ulo at sinabi sa sariling, "Wala pala akong lusot.
Hindi mapakali si Valerie sa pagkakaupo at napansin iyon ni Luke. "May problema ba?" Tanong ng binata na ikinapula ng mukha ng dalaga. "Ahm, I need to use the washroom." English na ang ginamit na salita ni Valerie para hindi naman masyadong nakakahiya. "Ah, okay." Maikling sagot naman ni Luke. "Kaya mo na ba?" Tango ang isinagot ng dalaga pero mali siya dahil sa muling pagtayo niya ay masakit pa din ang paa niya. Hindi na niya kailangan magsalita dahil naintindihan agad ni Luke kaya agad siyang binuhat nito. Si Valerie ang nagbukas ng pinto at dahil buhat siya ni Luke ay hindi kita ng binata ang sahig. Sa pagtuntong niya sa tiles ng CR ay naramdaman niya agad na basa ito pero huli na ang lahat, sabay na silang bumagsak sa basang sahig.