"Bestie, sige na, pleeeeeaaassssseeee..." Natatawa si Valerie sa itsura ng matalik na kaibigan na kausap niya sa video call. Kulang na lang ay lumuhod ito mapapayag lang siya.
"Bakit kasi nagdedesisyon ka ng hindi mo muna inaalam ang sagot ko?" Kunyaring inis na sabi ni Valerie. "Kasi naman po alam ko na hindi mo ako matatanggihan." Pa-cute naman na sagot ni Abigail. "At love na love mo ako." Dugtong pa nito. "Eh pa'no kung tanggihan kita ngayon?" Seryosong sabi ni Valerie sa kausap. "Wala naman ganyanan, Val. Nasabi ko na kay Andre na okay na lahat tapos..." Umikot ang mata ng dalaga ng makita ang kunyaring pag-iyak ng kaibigan. "Alam mo pwede kang pang-teleserye." Muling nagpa-cute si Abigail sa kaibigan. "Kahit hindi ka na magregalo sa kasal ko. Sige naaaaaaa..." Muling pakiusap ng dalaga. "Call!" Naka-thumbs up pang sagot ni Valerie. "Kuripot ka talaga kahit kailan. Laki-laki ng sweldo mo tapos...kuripot!" Malakas na natawa si Valerie kaya ang ibang malapit sa kanyang kinalalagyan ay napatingin sa kanya. "Sige na, malapit na ang boarding time. Kita na lang tayo bukas." Sabi ni Valerie bago i-end call ang phone.
"Good evening passengers. This is the pre-boarding announcement for Flight 627A to the Philippines. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you." Dahil sa nadinig ay inayos na ni Valerie ang gamit pati ang sarili saka tumayo at naglakad papuntang boarding gate.
.......
"Tart, pumayag na si Val!" Masayang sabi ni Abigail na agad tinawagan ang boyfriend matapos ma-confirm sa bestfriend ang pagpayag nito sa biglaan pagbibigay ng seminar sa mga bagong pulis na nag-undergo ng training. Nagkaroon kasi ng problema ang unang nakuhang speaker at mahirap ng humanap ng kapalit. "Salamat, tart. Love you!" Sagot naman ni Andre. "Walang anuman, tart. Baba ko na to ha? May OR kami eh, maghahanda na ko." Sabi ni Abigail. "Okay, sunduin kita maya. Bye." Sagot naman ni Andre.
"Tsk...tsk...tsk...wala ka na talagang kawala." Nakangising sabi ni Luke sa katabi habang ang atensyon ay nasa daan dahil siya ang nagmamaneho. "Wala na talaga. Katapusan na ng buhay ko." Nakatawang sagot ni Andre. "Wala na bang atrasan?" Tanong ni Luke. "Wala na, Cap. Pagpinakawalan ko pa naman si Abi eh ang gago ko na." Sagot naman ni Andre. "Sapul na sapul ka talaga kay Abi." Nakangising sabi ni Luke. "Bull's eye!" Natawa si Luke sa sagot ng kaibigan.
.......
Tahimik ang buong eroplano, halos lahat ng mga sakay ay mga nakapikit upang makapagpahinga.
"Bang!" Ngunit ang katahimikan ay napalitan ng mga tili, sigaw, at iyak.
.......
Sabay-sabay na tumunog ang mga cellphone nila Captain Luke Villacorta, 1st Lieutenant Andre Guevarra, 1st Lieutenant Aziz Tiongson, Staff Seargeant Bowie Yuson, Staff Seargeant Ceasar Avelino, at Staff Seargeant Darwin Jocson. Kasabay ng pagtunog ng alert tone ay pagtawag naman ng kanilang main base.
"Orion to base, Orion to base." Mabilis na pinuntahan ni Luke ang lamesa kung nasaan ang radio monitor sa kanilang opisina. "Go ahead, base." Sagot ni Luke. "Captain Luke, meron po tayong problema. Isang eroplano po na mula London na pabalik dito sa Pilipinas ang kasalukuyang naka-hi-jack alert." Sagot ng operator sa base. "What's the status?" Tanong ni Luke. "Ayon po sa report, Commercial Plane Flight 627A na may lulang 20 na katao, 2 piloto, at 5 flight attendants..." Naputol ang sinasabi ng operator ng magsalita si Luke. "Ano nga ulit, Flight?" Gustong makasigurado ni Luke kung tama ang pagkakadinig niya kanina. "Flight 627A, Cap." Nadinig ng operator na parang may bumagsak na kung ano sa kabilang linya. "Cap?" Tawag ng operator sa kausap. "Papunta na kami." Maikling sagot ni Luke na nakakuyom ang mga kamay.
.......
"Tahimik!!!!" Sigaw ng isa sa mga armadong lalaki na sa tingin ng lahat ay ang namumuno sa grupo. "Sumunod lang kayo sa mga gusto namin at hindi kayo masasaktan!" Dugtong niya. Sumunod naman ang mga pasahero sa takot. "Makinig kayong mabuti. Pagbaba ng eroplanong ito maya maya lang ay sabay-sabay tayong lalabas. Huwag kayong magtangkang tumakbo dahil hindi pa kayo nakakalayo ay sabog na agad ang bumbunan n'yo. Naiintindihan n'yo ba ako?" Sabay-sabay na tumango ang lahat.
"Boss, pakiusap baka po pwede muna nating bigyan ng first-aid si Captain." Mangiyak-ngiyak na sabi ng co-pilot. "Tigas kasi ng ulo niya. Hayaan mo at daplis lang iyon." Sagot ng armadong lalaki. "Pero boss, makakaapekto po iyon sa pagpapalipad niya lalo at sa kamay ang tama." Muling pakiusap ng co-pilot. "Gusto mo bang masaktan!?" Mabilis na umiling ang co-pilot at bumalik na sa pagkakaupo.
Natakot lalo ang mga sakay ng biglang tumunog ang alarm system ng eroplano. Lumabas ang isang pang armadong lalaki mula sa cockpit ng eroplano.
"Ano'ng problema?" Inis na tanong ng lalaki. "Boss, may tinamaan daw sa main engine kanina nung nagpaputok ka. Kailangan na daw nating bumaba." Sagot ng lalaki.
Hinimas ng leader ang kanyang sentido. Kung hindi kasi pasaway ang piloto ay hindi naman siya magpapaputok pero dahil ayaw nitong paalisin ang co-pilot ay nainis siya at nagpaputok ng baril.
.......
"Salute!" Sabay sabay na sumaludo ang mga kapulisan ng makitang paparating ang Orion Swat Team.
"Cap." Tawag ng isang police officer kay Luke sabay abot ng mga papel na naglalaman ng mga informations ng mga sakay ng eroplano.
Tiningnan ni Luke ang mga papel na iniabot sa kanya pagkatapos ay pinasa kay Andre.
"Ano'ng sitwasyon sa loob?" Tanong ni Luke. Hindi pa namin alam ang buong detalye dahil hindi naman nagbigay ng ibang kahilingan ang mga armadong lalaki. Sasakyan lang ang hiningi nila." Sagot ng pulis. "Naka-alert na ba ang buong airport?" Tanong ni Luke. "Opo, Cap." Mabilis na sagot ng pulis. "Nailabas na ang lahat ng tao sa airport?" Muling tanong ni Luke. "Yes, Cap!" Muling sagot ng pulis. "Okay, kami na ang bahala dito." Tumango ang pulis bago sinenyasan ang iba pa na lumabas na.
"Orion, move!" Sigaw ni Luke at sabay-sabay na tumakbo papunta sa iba't ibang parte ng airport ang mga miyembro ng Orion.
Hello po, it's me again, Arrette. Thank you sa mga readers na patuloy na nagbabasa ng mga stories ko. Nakakataba po ng puso na sa tuwing i-open ko bawat isa sa mga past stories ko ay patuloy ang pagtaas ng mga readers. Maraming salamat po.
Pasensya na po ulit kung hindi ko natapos yung huli pero I promise po na kapag okay na ang lahat, tatapusin ko po siya.
Sana patuloy n'yo po akong suportahan through your votes, power stones, and comments.
Happy reading po!