webnovel

Don't fall on the spur of the moment (c)

Kristin

"Nagpaalam ka ba doon sa amo mo sa convenience store?"tanong ni Mama habang naghahanda na ako paalis sa bahay.

"Oo, ma. Pinayagan naman niya ako."tumango si Mama sa akin sabay abot sa akin ng lunch box.

Tumingin ako kay Mama, kaya pala maaga rin siyang gumising para ihandaan ako ng babaunin ko.

Tinanggap ko ito at ngumiti ako sa kanya.

"Mag-ingat ka."saad pa ni Mama bago ako lumabas ng bahay.

"Malapit lang ang pupuntahan ko, Ma."

"Oo na, lumakad ka na."

Kinuha ko muna ang parcel sa office namin bago ako nagtungo sa terminal ng bus. Pagkakuha ko ng ticket, sumakay kaagad ako sa loob ng bus.

Hindi ko na binaba ang maliit na kahon dahil ingatan ko raw ito, personalized item at mahal raw ang bayad kaya nga personal delivery pa para nagmumukhang special ang customer ng boss ko.

Umidlip muna ako saglit para magkaroon ako ng lakas na hanapin ang bahay ng customer namin mamaya.

"Kuya, saan pong banda dito ko matatagpuan ang mga bangkang pupunta po sa Isla Tala?"tanong ko sa konduktor nang tumigil na ito sa destinasyon ko.

"Deretsuhin mo lang 'yan Miss tapos lumiko ka, makikita mo ang pantalan ng Isla Tala."

Nagpasalamat muna ako bago ako bumaba sa bus. Sinunod ko naman ang sinabi ng konduktor hanggang sa natanaw ko na ang pantalan.

"Miss, pupunta ka ba sa Isla Tala?"

"Oo Kuya."sagot ko nang makarating ako dito.

"Kuha ka na lang ng ticket doon."

Sinunod ko kaagad ang sinabi ng mga lalakeng nakatayo malapit sa mga bangka. Bumili na ako ng ticket pagkatapos lumapit ulit ako sa nagpapasakay ng mga pasahero.

"Sa bangkang ito, Miss. Paalis narin, hintay na lang ng isa pa."tumango ako.

Tinanggap ko ang inabot sa akin na life vest, binaba ko muna ang kahon para isuot ito. Pagkatapos, kinarga ko rin ang kahon at naglakad na ako papunta sa bangka.

Na-okupahan na lahat, maliban sa dulong bahagi. Dumeretso ako rito at umupo. Tumingin ako sa aking orasan, sana naman makabalik ako dito bago gumabi. Mahanap ko sana kaagad ang bahay ng customer namin-

Napapitlag ako ng makaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa balat ko, napatingin ako sa taong tumabi sa akin at laking gulat ko nang mapagtanto kong siya ito.

Bakit nandito sa tabi ko ngayon ang CEO ng publishing company na hangga't sa maaari gusto ko ng iwasan?

Napabaling rin siya sa akin at pareho kaming nagkatitigan. Ako na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naaapektuhan ako sa kanya, talaga bang sexually attracted ako dito?

Ilang ulit kong pinilig ang ulo ko. Hindi, hindi! Ano naman ang alam ko diyan sa sexually attracted na 'yan, mataas lang talaga ang temperatura ng katawan ko.

Narinig ko ang tunog ng motor ng bangka, hudyat na papaalis na kami patungo sa Isla Tala. Nanatili ako sa deretsong pagkaka-upo ko pero nagsisitayuan na ang mga balahibo ko dahil hindi ako manhid para hindi maramdaman na nakatingin siya sa akin ngayon.

Hinayaan ko na lang ito pero hindi rin ako nakatiis sa huli. "Bakit mo ako tinitignan?"

"Sa pagkaka-alam ko walang kahit na anong dumi sa mukha ko, Sir."sunod kong sabi at bumaling narin ako sa kanya.

Hindi siya sumagot pero nanatiling nasa akin ang mga mata niya. At hindi ko nanaisin na tapatan ito.

"Pwede bang alisin niyo ang tingin niyo sa akin, hindi ako komportable Sir-"

Naudlot ang sasabihin ko dahil medyo tumagilid ang bangka. Narinig ko naman kaagad ang mga tanong ng mga kapwa ko pasahero sa nagmamano-obra sa bangka.

Sinubukan ko namang pakinggan ang usapan ng mga ito pero nahigit ko ang hininga ko nang bumulong sa akin ang katabi ko.

"Pwede mo narin bang tanggalin ang kamay mo sa akin."

Bumaling ako sa kanya tapos sa kamay ko palang nakapatong sa hita niya-malapit dun sa alaga niya. Mabilis kong inalis ang kamay ko dito na para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Narinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga.

"Hindi ko sinasadya."saad ko at tumingin na ulit ako sa harapan.

"I know."

"Dala ng gulat ko kaya hindi ko na napansin kung saan ako humawak kanina, Sir."

"I know-I know."ulit niya na may halong pangigigil sa boses niya.

Saglit akong bumaling sa kanya at umiwas rin, sa puntong ito kinamuhian ko ang mga mata ko dahil nahagip ba naman nito na bumubukol na dun.

Kusang umangat ang tingin ko sa kanya para tignan kung napansin niyang nahagip ng mata ko iyon, at nagsisisi nga ako sa pangalawa kong ginawa. Alam kong umuusok na sa pula ang mukha ko, dahil ako ang nahihiya!

Hindi ako umalma ng kinuha niya ang kahon sa hita ko at pinatong sa kanya. Jusmiyo, saang lupalop ba ulit ako ngayon, bakit pakiramdam ko nasa ibang mundo na ako.

Medyo tumagilid ulit ang bangka at nasamahan narin ang pagtalsik ng tubig papunta sa amin.

"Kumalma lang po kayong lahat, malapit na po tayo sa pampang."paalala ng nagmamani-obra sa bangka.

Umayos na ako ng upo pero napatigil ako at bumaba ang tingin ko sa bandang dibdib ko. Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa katabi kong hudas. Nakatingin rin siya sa kamay niyang nakahawak sa bandang dibdib ko.

"I don't have any intention-"

"Paki-alis na lang ang kamay niyo."mahina at nanggigil kong putol sa sasabihin niya sana.

Kahit naka-suot ako ng life vest, ramdam ko parin ang palad niya kaya natural lang na iinit ang ulo ko dito.

"Nabahala lang ako nang medyo tumagilid ang bangka tapos may pumasok pang tubig kanina-"

"Alam ko, alam ko po Sir."putol ko ulit sa sasabihin niya.

Tumingin na ako sa gilid habang palihim kong pinaypayan ang sarili ko.

"Manong, wala po ba kayong narinig na ganito ka-alon ngayon?"

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa babaeng nagtanong.

"Wala po ma'am eh, minsan nahuhuli po talagang dumadating ang warning sa amin."

Tinignan ko ang mga alon ng dagat, bumabagsik na nga talaga ito. Tumingala ako sa kalangitan, maayos na maayos naman. Hindi ko na ito pinoblema at hinintay ko na lang na makarating na kami talaga sa pampang.

Pareho kaming hindi kumilos ng katabi ko nang makarating narin kami sa wakas sa pampang. Naisip niya rin siguro na huwag ng makipag-unahan na bumaba, tutal nakarating naman na kaming ligtas.

Pero sabay rin kaming tumayo sa huli, gumilid naman siya para bigyan ako ng daan.

"Akin na, Sir."saad ko sa kahon na buhat na niya.

"Bumaba ka muna."sinunod ko na lang ang sinabi niya.

Inabot ko kaagad ang kahon nang makababa narin siya mula sa bangka, binigay rin naman niya sa akin ito at lumakad na ako pagkatanggap ko nito.

Kanina pa ako lakad ng lakad pero hindi ko parin mahanap ang location ng customer namin, naka-indicate naman talaga ito sa kahon pero hindi ko kaagad makita ang bahay dahil unang tapak ko pa lang dito sa Isla Tala. Nagtanong-tanong narin ako at sinasagot naman nila ako pero hindi ko naman masunod ang direksyon na sinasabi nila dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot dito.

Tinignan ko ang orasan ko, jusko, magdadalawang-oras na akong naglilibot dito.

"Manang, kilala niyo po ba si Crisanta Magdayo?"nagtanong ulit ako sa nakasalubong ko.

"Ah, oo naman iha, isa siya sa mga sikat na graphic artists dito."

Ngumiti ako, dahil lahat ng napagtanungan ko, ito ang una nilang sinasabi.

"Talaga po, pwede niyo po bang ituro sa akin kung saan po ang bahay niya."tumango naman si Manang sa akin.

"Deretsuhin mo lang ang kantong 'yan, tapos lumiko ka pa-kanan, sa pang-limang bahay-iyong kulay berde, may makikita kang eskinita doon."tumango-tango naman ako sa sinabing direksyon ni Manang habang minemorize ko ng maigi sa utak ko.

"Iha, gusto mo bang samahan na lang kita."

"Pwede po ba?"

Nahihiya man ako pero nahihirapan talaga akong hanapin ang bahay ng customer namin.

"Siyempre, iha."ngumiti sa akin si Manang, itinabi na niya sa gilid ang kariton na tinutulak niya kanina.

"Manang, iiwan niyo po ba dito ang kariton niyo, baka po may kumuha."

"Naku, walang kukuha nito. Mababait lahat ng tao dito."

Tumango naman na lang ako at sumunod na kay Manang nang naglakad na siya. Pero napatigil ako ng mapansin kong nagsisimulang dumilim ang mga ulap.

"Aalis karin ba ngayon araw dito sa isla, iha?"tanong ni Manang nang mapansin niya sigurong nakatingala ako sa langit.

"Oo, manang. Ide-deliver ko lang po sana talaga ito."

"Kung ganoon, humayo na tayo. Baka pagbawalan na ng mga coast guard ang mga bangkang babalik pa sa pantalan."mabilis akong tumango at sumunod na kay Manang.

"Salamat po, manang."pasasalamat ko sa tumulong sa akin. Lumabas rin kami kaagad sa eskinita nang maibigay ko na ang parcel sa customer.

"Naku, walang anuman, iha. Sige na bumalik ka na sa pampang at ipagdasal mo na papayagan pa nila kayong umalis."

"Opo, salamat po ulit."nagpaalam na ako at wala na akong inaksayang oras.

Nadatnan ko naman na maraming pasahero na nakikipag-usap sa mga coast guard. Kaagad akong lumapit dito at pinakinggan ang usapan nila.

"Pasensya na pero hindi na maaaring pumalaot ang mga bangka."

"Ano raw?"natanong ko na lang ang sarili ko-

"The waves are already high, so we are not allowed to ride a boat now."

Chapitre suivant