webnovel

Chapter 53: No Pain, No Gain

LUNA'S POV

"Luna." Kanina pa niya ako tinatawag pero hindi ko naman siya makita.

"Luna."

Azine.

"Luna, you have to wake up. They're waiting for you."

Ayoko. Baka kapag gumising ako hindi na kita marinig, Azine. Nasa'n ka ba? Magpakita ka sa'kin.

"Luna, kailangan mong magsimula ulit kahit wala ako. Hindi na ako magtatagal, kailangan ko ng umalis."

Azine, huwag mo akong iwan. Isama mo na ako sa pupuntahan mo.

"Hindi ka maaring sumama sa'kin, Luna. Malayo ang pupuntahan ko. Paalam."

Azine. Azine, dito ka lang. Azine! Huwag mo akong iwan! Azine!

"Azine!" Nasapo ko ang aking tagiliran nang bigla itong kumirot. Basa ang pisngi ko dahil sa luha.

"Anak, gising ka na. Gising na si Luna." Napatingin ako kay mama... at sa iba pang lumapit. Napangiti ako nang makita ko sila.

"Tatawagin ko muna si Doc." Lumabas na si mama. Dahan-dahan akong tumayo at tinulungan pa niya ako.

"Papa." Nagyakap agad kaming dalawa. Sobrang miss na miss ko siya.

"I miss you, anak."

"Miss na miss din kita, papa." Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit.

"Little sis, hindi na makahinga si papa." Napatingin ako kay Kuya Von.

"Kuya." Binitiwan na ako ni Papa at saka si Kuya naman ang lumapit sa'kin. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. Sinuri niya rin muna ako kasi doctor din naman si Kuya.

"You'll get better soon." Niyakap ko agad siya ng mahigpit.

"Kuya."

"Miss you, little sis."

"Miss you, kuya." Binitiwan niya na ako. Maya-maya si mama naman ang dumating kasama na ang doctor.

"Mama." Agad akong niyakap ni mama at naiyak na.

"Alam mo bang halos mamatay din ako sa pag-aalala sa'yo, huh? Mabuti na lang nadala ka agad no'ng kaibigan mo dito sa hospital kundi baka kung ano na ang nangyari sa baby ko." Hinalikan niya ako sa pisngi at kumawala din.

"Sino po'ng nagdala sa'kin dito?"

"Si Maxine." Napatingin ako kay kuya.

Si Maxine.

"Let me check you, ija." Saglit lang din saka niya kami hinarap.

"Maayos na ang lagay ni Luna pero kailangan pa rin niyang magpahinga dito ng ilang araw. Iwasan niyo na maggagalaw siya kasi sariwa pa rin ang sugat. Pakainin niyo siya ng mga light meal lang, okay?"

"Okay po, doc." si papa.

"I'll go ahead. Tawagin niyo na lang ako kapag may emergency. Anyways, Doctor Von is here kaya walang dapat alalahanin." Napatawa pa ang doctor.

"Thanks, doc." si Kuya. Tuluyan na itong lumabas. Ilang saglit pa narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto.

"Gising na si Luna?" Narinig kong bulalas ni Paulo. Napangiti ako nang makakalapit na sila sa akin.

"Luna!" Bulalas nila. Niyakap agad nila ako sa pangunguna ni Paulo at Jedda. Kasama din sina Elay, Chendy, Aliya at pati si Allan. Nakiyakap na rin sila. Kasi naman 'tong dalawa na 'to eh parang baka kung umatungal.

Napadaing ako ng kumirot ang aking sugat. Agad-agad naman silang napabitaw sa'kin.

"Sorry. Okay ka lang?" Napatango ako kay Jedda.

"Mabuti naman at gising ka na, Luna. Nami-miss ka na naming lahat eh." Napangiti ako kay Aliya.

"Salamat sa pagdalaw niyo dito, huh? Pati si Allan na sobrang busy dinalaw rin ako." Napangiti si Allan sa'kin.

"Syempre naman. Na-miss din kita eh. Pagaling ka agad, okay?" Napangiti ako sa kaniya at napatango. Naupo sa may kabilang side ko si Paulo.

"Bakla, ano ba talaga ang nangyari? Kalat na kalat sa school ang pagkakasaksak sa'yo ni Nico." Natigilan ako sa sinabi ni Paulo maging silang nasa harap ko. Naalala ko na naman ang mga nangyari. Biglang sumakit ang ulo ko kaya nasapo ko 'yon. May benda rin pala 'tong noo ko dahil sa pagkakauntog ko sa mesa kahapon.

"Kahapon kasi... ang daming nangyari."

Nagkatinginan sila. "Luna." Napatingin ako kay Je. "3 days ka na dito sa hospital. Tatlong araw kang walang malay."

Tatlong araw na pala.

Nag-stay lang sila ng ilang oras at saka nagsi-uwian na rin. May mga pasok pa rin kasi sila. Nagpahinga na lang ako.

Ano na kaya ang nangyari kay Azine? 'Yon na ba ang huling pagkikita namin? Kasalanan ko 'to. Palagi niya akong nililigtas kaya siya napahamak. Kasalanan ko kaya naglaho ang kaluluwa niya.

"Time for dinner, baby." Napatingin ako kay mama. Pinahid ko agad ang luha sa pisngi ko. Ibinaba muna ni mama ang dalang tray ng pagkain sa side table. Naupo siya sa sa tabi ko.

"What's wrong? Are you crying again?" Tiningnan ko siya.

"May naalala lang po ako. I'm okay, ma."

"That's good. You have to eat na anak." Kinuha niya na ulit ang tray at inilapag sa may harap ko.

"Let me feed you." Inagaw ko agad kay mama ang kutsara at tinidor.

"Ako na, ma. Wala naman pong diperensya 'tong mga kamay ko eh."

"Gusto lang kitang subuan eh." Nginitian ko na lang si mama at saka kumain na.

"Nasa'n nga po pala sina Kuya at papa?" Pagkagising ko kasi hindi ko na sila nakita dito.

"Umuwi muna sila para kumuha ng mga gamit. Baka ngayon pabalik na rin sila dito kasi kanina pa sila umalis eh."

"Ah." Napakain na ulit ako.

"No'ng nalaman ng papa at kuya Von mo ang nangyari sa'yo agad-agad silang umuwi dito."

"Kailangan lang po pala na masaksak ako para umuwi si papa."

"Tumigil ka nga!" Tinawanan ko si mama na seryoso naman masyado. "Kung sinuman ang manakit ulit sa'yo hindi ko lang siya ipapakulong." Natigilan ako sa sinabi ni mama.

"Ipinakulong niyo po si Nico?"

"Syempre naman. Baka gawan ka pa niya ulit ng masama mabuti na rin na nakakulong siya. Mabulok siya do'n."

"Ma, mabait naman po si Nico eh. Nagawa niya lang 'yon kasi..."

Dahil sa kapatid niya.

"Wala akong pakialam kahit ano pa ang dahilan niya. Muntik ka ng mawala sa'min dahil sa kaniya and he deserves to be in jail forever."

"Ma."

"Stop it, Maria Luna Del Mundo." Nagbukas ang pinto. Bumungad sina kuya at papa.

"Are you fighting?" Tanong ni papa.

"Of course not."

"Luna, may bisita ka nga pala." Napatingin ako kay kuya Von.

"Sino?" Napatingin siya sa may pintuan kaya napatingin din ako doon. Napatingin ako sa dalawang taong tumayo doon at bumungad sa'kin.

"Maxine. Arif?" Napangiti sila sa'kin at saka tuluyang pumasok. Inabot ni Kuya ang dala nilang prutas. Binati nilang dalawa sina mama saka ako nilapitan.

"Luna."

"Maxine."

"Kumusta na pakiramdam mo?" Masuyong tanong niya.

"Okay naman na nagpapagaling na lang." Bahagya siyang napangiti.

"I'm happy to hear that." Napatingin ako kay Arif na nakatingin din sa akin.

"A-Arif?"

"Oo, Luna. He's Arif." Napangiti ako. Sa wakas. Lumapit si kuya Von at hinawakan si Arif sa may balikat niya.

"Parang ngayon lang naman kayo nagkitang dalawa. Hindi ba you're courting my sister? It's you, right?"

"Kuya!" Saway ko sa kaniya. Napatawa na lang siya at hinayaan na kaming makapag-usap.

"Ija, maupo ka muna. Arif, ikaw din, ijo." Alok ni mama kay Maxine.

"I'm okay, tita. Thanks."

"Sige."

"Salamat po, tita."

"You're welcome." Naupo si Maxine sa bangko na inabot ni mama. Napabalik tingin ako kay Arif.

"Ikaw na talaga si Arif?" Natawa sa'kin si Arif.

"Yeah. Hindi ka naniniwala? Let me tell you something but don't get mad at me." Napalapit siya sa'kin at bumulong.

"Si Maxine na ang gusto ko ngayon." Natawa din ako sa kaniya.

"Why are you laughing? Ako ba ang pinagtatawanan niyo, huh?" Cute na turan ni Maxine. Pareho pa kasi kaming napatingin sa kaniya.

"May sinabi siya sa'kin tungkol sa'yo, Max."

"What is it?" Pinigilan naman akong magsalita ni Arif. Nahinto na naman ako nang maramdaman kong sumakit ang aking tagiliran.

"Are you okay, Luna?" Agad na saklolo sa'kin nitong dalawa. Napalapit din sa'kin si Kuya at mama.

"Take it easy, little sis. You're wound isn't recovered yet."

"Sorry." Nagkatawanan na lang kaming tatlo.

Ilang saglit pa nagpaalam na rin silang dalawa kay na mama. Hinarap muna ako ni Max.

"Luna." Napatingin ako sa kaniya. Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking mga kamay.

"I'd like to thank you for helping Arif. I'm so sorry also kasi kung hindi mo kami tinulungan hindi sana nangyari sa'yo 'yan." 

"Wala lang 'to sa'kin. Ang mahalaga ngayon naibalik natin si Arif sa katawan niya."

"You're right. Luna, pagaling ka agad kasi malapit na ang intramural natin." Oo nga pala. Napatango ako. Nagkangitian kaming dalawa ni Maxine.

"Luna." Binitawan na ako ni Maxine. Napatingin ako kay Arif.

"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo for helping me with my personal matter. I owe you my life. Kung hindi dahil sa'yo baka abo na ako ngayon. Thank you." Napangiti ako sa kaniya at napangiti.

"Welcome." Ilang sandali pa tuluyan na silang umalis. Napatingin ako kay mama, papa at kuya na blangko sa pinag-usapan namin nina Arif. Napangiti na lang ako. I'm really happy.

Another mission solved. Si lolo nga pala bakit kaya hindi na siya nagpapakita sa'kin? Nakalimutan niya na kaya ako?

Tulog na sina mama at papa sa couch. Hindi naman ako makatulog dahil... dahil iniisip ko pa rin si Azine. Isa pa kakagising ko lang din naman kani-kanina lang. Napatingin ako sa umubo na si Kuya Von. Hindi pa rin pala siya natutulog. Sinilip ko siya sa baba. Nagdala siya kanina ng mga higaan at blanket para dito rin matulog.

"Kuya." Mahinang tawag ko sa kaniya.

"Hindi ka pa natutulog?" Garalgal pa ang boses niya.

"Hindi pa ako inaantok eh." Napabangon si Kuya Von at napaharap sa'kin.

"You have to take rest na, little sis. Try to sleep."

"Kuya."

"Hmm?" Sandali akong natigilan.

"K-Kumusta si... si Azine?"

"He's fine... but he's still in coma. It's already a month pero wala pa rin changes sa body niya. I even don't know the reason. Why did you suddenly asked about him at this late hour? Miss mo na siya?"

"H-Hindi. Matutulog na ako. Goodnight."

"Goodnight." Nahiga na ako. Naramdaman ko na nahiga na rin si kuya. Mabuti naman at okay lang si Azine.

Bakit comatose pa rin siya? Paano makababalik si Azine sa katawan niya kung... kung naglaho na ang kaniyang kaluluwa? Paano?

ST. MARIZ DORMITORY. Napangiti ako sa mga ka-dorm ko na nag-welcome sa'kin pagdating ko dito. As if naman galing ako sa ibang bansa. Isang linggo pa kasi akong nagpagaling muna. Kahit gusto ko ng pumasok hindi naman aki pinayagan nina papa. Si kuya ang naghatid sa'kin dito pero nakaalis na siya.

"Salamat sa inyong lahat." Nagtuloy ako sa kwarto namin ni Paulo. Iniwan ko na muna sila. Sa bulaklak agad natuon ang atensyon ko. Napalapit ako dito. Hindi man lang ito nagbago, gaya pa rin no'ng unang binigay sa'kin ni Azine. Magical flower. Naalala ko no'ng ibigay sa'kin 'to ni Azine.

FLASHBACK

"Nakatulala ka na naman."

"Bakit andito ka na naman?"

"May ibibigay lang ako sa'yo. Heto oh kunin mo na."

"M-Mahahawakan ko ba 'yan?"

"Bakit hindi mo subukan. Luna, para sa'yo."

"A-Anong uri ng halaman ba 'to, Azine?"

"Hindi ko rin alam eh basta kinuha ko na lang 'yan sa harden ng... sa garden lang."

"Garden nino? Ninakaw mo ba 'to?"

"Hindi 'no. Paano naman ako makakapagnakaw eh patay na nga ako. Isa pa mukha ba akong magnanakaw?"

"Joke lang."

"Wala ka bang sasabihin sa'kin?"

"Ano?"

"Hay naku wala."

"Thank you."

*****

"Ano 'yan, 'nak?"

"Halaman po mama."

"Wow! Napakaganda naman niyan, 'nak. Saan galing 'yan?" 

"Sa'kin po tita."

"Hmm... binigay lang po sa'kin. Mama, may extra flowerpot pa po ba tayo dito?"

"Hindi ko lang alam parang wala na yata. Ano ba'ng pangalan ng halaman na 'yan 'nak at parang kakaiba ang itsura? Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagandang bulaklak eh."

"Ano po 'to 'ma uhm...Azine."

"Azine?" Sabay na sabi ni mama at ni Azine.

"Parang pangalan lang ng tao ah."

*****

"Azine."

"Bakit?"

"A-Ano'ng bakit?"

"Hindi ba't tinawag mo ako kani-kanina lang. Bakit?"

"Ang kapal mo, ha."

"Luna, 'wag mo ako'ng isipin palagi kasi naririnig at nararamdaman kita."

"A-Ano?"

END OF FLASHBACK

Napangiti ako. Nilapitan ko ang mukha ko sa bulaklak.

"Azine. Azine, naririnig mo ba ako? Azine, magpakita ka sa'kin. Azine, ano na ba ang nangyari sa'yo? Azine." Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan ni Azine pero wala talaga siya. Nakaramdam ako ng lungkot.

"Bakla!" Korus na bulalas nina Jedda at Paulo na nasa may pintuan. Wala kasi sila dito kanina. Nilapitan nila ako at niyakap.

"Sa wakas nagbalik ka na rin." si Je.

"Na-miss ka namin, bakla."

"Akala ko pa naman kayo ang mabubungaran ko kanina tapos kayo pang dalawa 'yong wala." Kunyari'y nagtatampo kong sabi. Binitawan na nila ako.

"Sorry na, Luna. Alam mo naman na may pasok tayo, di ba?" Pa-cute pang sabi ni Je.

"Me too. May performance kami earlier eh. Bakit kasi hindi mo sinabi sa'min na ngayon na pala ang balik mo dito?"

"Surprise nga eh."

"Peace! Kumusta na pala 'yang sugat mo, magaling na ba?" Tanong ni Je.

"Magaling na magaling na."

"Ehem!" Pareho kaming napatingin ni Je kay Paulo na napatighim pa. Naupo siya sa kama paharap sa'min.

"Hindi ka pa nagkukwento sa'min tungkol sa mga nangyari, bakla. Hindi rin naman nagsasalita sina Maxine at Arif. Alam mo ba na halos maloka na kami sa kakaisip ni Je kung ano ba talaga ang nangyari no'ng gabing 'yon."

"Oo nga." Naupo si Je sa tabi ni Paulo.

"Buong akala ko magdi-dinner date lang kayo ni papa Arif pero gano'n na 'yong nangyari. Ako kaya ang pinagalitan ni tita Yvonne kasi hindi ko raw ipinagpaalam sa kaniya na may gano'n ka palang lakad. I suffered a lot, huh. You owe me an explanation, bakla. Ready ka na bang makinig, Je?"

"Yes, I'm ready."

"Go, we're ready to listen." Utos ni Paulo. Napatingin lang ako sa kanilang dalawa na handa na ngang makinig.

"No'ng gabing 'yon..." Sinabi ko sa kanila lahat ng nangyari.

Bandang alas singko nang lapitan ako ni Allan na galing sa pagpasok. Kauuwi niya lang. Nandito kasia ko nakaupo sa may harap na study table namin.

"Luna, may gustong kumausap sa'yo sa baba." Sabi niya sa'kin habang nagbaba ng gamit sa table. Nagtaka naman ako.

"Sino?"

"Puntahan mo na lang... pero sasamahan kita." Mas nagtaka ako sa sinabi niya. He looks worried.

"Sino ba kasi 'yon?"

"Si Nico."

Si Nico?

Hindi na namin siya kinasuhan kahit gustong-gusto nina papa. Nakiusap ako sa kanila na i-urong na lang 'yong demanda. Pero may kondisyon sina papa na huwag niya na akong lalapitan pa ulit. Ano naman kaya ang dahilan at kakausapin niya ako? Napatayo na ako.

"Ako na lang, Allan. Salamat sa concern pero hindi naman siguro niya ako gagawan ng masama. Isa pa maraming tao sa baba na makakakita kapag sinaktan niya pa ako ulit."

"Sure ka?"

"Oo." Bumaba na ako at nakita ko nga si Nico na narito at naghihintay sa'kin. Naiilang niya akong hinarap.

"L-Luna, I'm... I'm not here to harm you again. I'm sorry kung sinira ko ang kasunduan pero pangako, ito na 'yong huling beses na lalapitan kita. I just want to say sorry to you before I leave this place. Luna, sobra akong nagsisisi sa nagawa ko sa'yo. Halos wala na ako sa sarili ko no'ng araw na 'yon. Ang nasa isip ko lang ay mailigtas ang nag-iisang pamilya ko. I... I am truly sorry, Luna. Thank you also. Sinabi sa'kin no'ng pulis na iniatras mo raw ang demanda sa'kin ng parents mo. Sobrang nagpapasalamat ako sa'yo, Luna. Thank you for giving me a chance to start my life again. Sana mapatawad mo rin ako pagdating ng araw." Ramdam ko ang sincerity sa boses ni Nico. Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kaniya. Tinalikuran niya na ako at napahakbang.

"Nico." Nahinto siya at dahan-dahang napabaling muli sa'kin. Hindi na siya umalis sa pwesto niya gano'n din naman ako na nanatili sa kinatatayuan ko.

"Hindi ako galit sa'yo, Nico. Naiintindihan kita at alam ko kung ano ang mararamdaman mo dahil sa pagkawala ng nag-iisa mong kapamilya. Palagi mong alalahanin na kasama mo ang kuya mo sa lahat ng laban mo sa buhay. Sana mahanap mo ang tunay na kaligayahan sa pupuntahan mo, Nico." Iniwan ko na siya. Napangiti ako habang paakyat ng hagdan. Ang sarap sa feeling na wala kang dinadalang mabigat sa dibdib mo.

INTRAMURAL MEET.

"WHOA!"

"WHOA!"

"GO, MSU VOLLEYBALL TEAM! GO, MSU VOLLEYBALL TEAM! WHOA!!!!"

Sobrang ingay na ngayon dito sa MSU field. Every intramural meet kasi dito ginaganap. Iba't ibang school ang narito pati ibang branch.   Ang daming nagkalat na mga players. Punong-puno na naman ang school pero bakas ang saya sa bawat isa. May mga balloons pa na hawak 'yong iba especially mga MSU students para mag-cheers sa mga player. Nandito kami sa field lahat na players kasi kami na ang susunod na sasalang. Nahinto kami nang pumito si Sir Andrew. Lumapit kaming lahat sa kaniya.

"This is it, guys. Gawin niyo ang lahat para manalo tayo ng hindi naman sayang ang pinaghirapan nating practice. Captain." Tukoy sa'kin ni sir Andrew. Oo, ako ang captain at sumang-ayon naman na si Maxine do'n.

"Coach." Nasa may harap lang naman niya ako katabi si Maxine.

"Lead your team to win this game, Luna. Everyone, I trust all of you. Do your best, okay? Fighting!"

"FIGHTING!" Sigaw naming lahat at kaniya-kaniyang apir.

"Luna!" Napatingin ako sa tumawag. Sina Paulo at Je na may hawak pang tarpaulin ko.

Go, Luna! 'Yon ang nakasulat sa ibaba ng picture ko. Kasama din nila ang mga ka-dorm namin. Napatingin ako sa sunod na dumating. Sina mama, papa at si Kuya Von. Nag-wave ako sa kanila. Sobrang saya ko. Nandito silang lahat pati ang pamilya ko para sumuporta sa'kin. Agad-agad akong lumapit sa kanila na magkakatabi lang. Sina mama muna ang nilapitan ko.

"You're all here." Hindi ko makapaniwalang bulalas.

"Of course. We have to watch you play, anak." Si papa. Niyakap ko siya. Nadistino na ulit si papa sa Manila kaya nakakauwi na siya kapag may mahalagang okasyon o kahit kailan namin siya gustuhin na umuwi.

"Thank you, pa."

"Goodluck sa game mo." Niyakap ko rin si mama.

"Goodluck, baby. I'll cheer you later, okay? Goodluck."

"Salamat, mama." Si kuya Von naman ang hinarap ko.

"Hi, Captain."

"Kuya naman eh." Niyakap ko siya.

"I thought you're busy."

"Alam mo naman na malakas ka sa'kin, di ba?" Napangiti ako.

"I know."

"Goodluck." Kumawala na rin ako. Sina Paulo at Je naman ang nilapitan ko kasama sina Aliya, Elay, Chendy, Allan at ibang pang mga ka-dorm namin.

"Goodluck, bakla!" si Paulo.

"Goodluck, Luna." si Je. Iniwanan din ako ng isang goodluck no'ng iba pa.

Napansin ko si Arif na papalapit sa'min.

"Hi, Luna." Bati niya sa'kin nang makalapit siya. Binati niya rin sina mama at si kuya Von. Tinin niya ako ulit.

"Goodluck sa game niyo, Luna. Galingan mo kasi maraming manonood sa'yo mamaya."

"Thanks. Pero alam ko naman na si Maxine lang ang titingnan mo mamaya eh." Natawa ako sa kaniya. He's blushing and can't hide the happiness.

"Hindi ko na kasi kayang tumingin sa iba. I'm loyal, you know."

"Ha-ha. Sabi mo eh. Siya nga pala manonood ako ng basketball match niyo mamayq, huh. Ano'ng oras ba..." Natigilan ako nang ma-realized ko kung ano ang sinasabi ko. Bahagya lang napangiti si Arif.

"Who's playing basketball? Akala mo ako pa rin 'yong Arif na may gusto sa'yo, ano? Asa ka." Nagkatawanan kami. Maya-maya pumito na ulit si coach Andrew. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat at bumalik na sa team ko. Nagpunta na sila do'n sa mga bangko na nasa gilid. Sumalang na kami. ESTI ang makakalaban namin ngayon.

Napuno na ng sigawan ang buong field. Sobrang ingay na dito pero nakakagana maglaro. Napatingin ako kay na mama na sinisigaw ang pangalan ko gano'n din sina Paulo. Maraming nagchi-cheer sa'min. Natigilan ako sandali nang maalala ko si Azine no'ng nagchi-cheer siya sa'kin dati.

*****

"Go, Luna. Galingan mo ha. Go! Go!"

"WHOAAAAA! GO, LUNA! WHOAAA!"

*****

Napangiti ako nang maalala ko siya no'ng araw na 'yon.

"Luna." Nabalik na ako sa realidad nang banggitin ni Maxine ang pangalan ko na nasa tabi ko na pala.

"Max." Napansin ko sila kanina na magkausap ni Arif. Malamang nag-goodluck din si Arif kay Maxine.

"Unang beses natin 'tong magkasama na mag-play sa iisang team. Galingan natin."

"Galingan natin."

"Goodluck sa'tin, Captain." Napangiti ako sa kaniya.

"Goodluck sa'tin." Sumalang na kami. Mas umingay pa ang buong field. Sobrang dami na ang nanonood at nagchi-cheer sa'min. Habang naglalaro ako naririnig ko rin ang boses nina kuya Von, mama at papa. Sobrang saya ko talaga ngayon. Sana lang hindi na matapos ang araw na 'to.

Pare-pareho kaming napalundag nang matalo namin ang ESTI team. Kaniya-kaniya kaming apir at yakap sa bawat isa ng mga ka-team ko. Sobrang nakakapagod pero sobrang saya rin at the same time. Agad akong napalapit kay na papa.

"You did it, anak." Niyakap agad ako nina papa kahit pawis na pawis.

"Kuya." Palapit pa lang ako sa kaniya nang pigilan niya ako.

"Don't ever come to me while you're sweating, little sis. I can't bear it." May kaartehang sabi niya.

"Gano'n, huh!" Hinabol ko si kuya. "Halika dito."

"Don't come near me." Natawa ako sa kaniya. Para siyang babae. Binilisan ko pa ang pagtakbo kaya nahabol ko siya. Inakbayan ko si Kuya na mas ikinasimangot nito. Tinawanan ko na lang.

Bandang alas singko na nang matapos ang lahat ng games. Awarding na ngayon at nasa field pa rin kami pero dito na sa may harap ng grandstand.

"And now, I will announce the overall champion in volleyball game for this year." Natigilan kaming lahat. I'm with my team and coach Andrew. Nakakapigil-hininga. Halos lahat hindi umiimik. Nasa may gilid lang din namin sina papa. Nandito pa rin sina Paulo.

"MSU VOLLEYBALL TEAM!" Pare-pareho kaming napatayo at napasigaw sa sobrang tuwa. Napatingin ako kay na papa at masayang-masaya rin sila sa'kin. Nag-thumbs up pa sa'kin si papa.

Tinawag na kaming lahat sa stage kasama si coach Andrew pero natigilan ako nang hindi ko makita si Maxine. Ngayon ko lang napansin na wala na pala siya dito. Nilapitan ko sina Michaela na siyang kasama ni Max kanina. Simula nang magkaayos kami ni Max naging okay na rin ang pakikitungo nila sa'kin.

"Michaela, nasaan si Maxine?"

"Hindi ba nagsabi sa'yo?"

"Hindi eh. Nasa'n ba siya?"

"She already left. May emergency daw pero hindi niya nabanggit sa'min." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Michaela. Ano kaya 'yon?

"Let's go na sa stage, captain."

"Sige." Tinanggap lang namin ang trophy. Sobrang saya ng lahat. Kunting picture din at saka kami bumaba na.

"It's time to celebrate." Bulalas ni Joyce.

"Oo nga. coach, wala bang celebration?" si Reanne.

"Saan niyo gusto? Name the place and my treat." Sobrang saya ng team sa sinabi ni coach.

"Coach, bakit nga pala wala si Maxine? Hindi natin siya nakasama sa pagtanggap ng trophy kanina." Takang tanong ni Rica.

"Nagpaalam siya sa'kin kanina. May kailangan daw siyang asikasuhin. So, saan tayo magsi-celebrate?"

Nilapitan ko sina mama. Binati ulit nila ako. Napalapit na rin sa'min sina Paulo at Jedda. Nakauwi na 'yong ibang ka-dorm namin na nanood.

"Congrats, Bakla. Sobrang galing mo talaga." Si Paulo.

"Salamat, Paula." Napamulagat ang bakla.

"Ano 'yon? Ano'ng sinabi mo bakla?" Napailing ako.

"May sinabi ba ako?" Nagkatawanan sila.

"Paula. Paula. Paula. Masaya ka na?" Bigla niya akong niyakap.

"I love you na talaga, bakla. Sa wakas tinawag mo rin akong Paula. Mas bagay sa beauty ko, di ba?"

"Oo na." Hinila ni Je si Paulo mula sa akin.

"Bitawan mo na nga si Luna, Paula. Hindi na makahinga sa'yo eh."

"Sorry. Sorry. Sobrang saya ko lang ngayon eh."

"Nai-recommend pa naman kita for military training, Paula." Napatawa kami sa sinabi ni papa.

"Tito Zach naman eh. Masasayang lang ang beauty ko ro'n. Pero kung maraming pogi do'n pag-iisipan ko, tito."

"Ikaw talaga ang hilig-hilig mo sa pogi." Nagkatawanan na lang kami.

Nauna ng umalis sina mama at saka sina Paulo at Je. Nagtuloy naman kami sa isang bukas na bar and restaurant. Mga adult naman na kaming lahat kaya wala ng kaso 'yon. Nag-order na sila ng drinks and foods na nai-serve din kaagad.

"Guys, thank you for your hardwork. Tayo na naman ang nag-uwi ng title for overall championship. Cheers!"

"Cheers!" Bulalas ng lahat. Napainom na rin ako. Nagsalin ulit ng alak sa mga baso.

"Another cheers for your great captain."

"Cheers!" Pangunguna na ng team. Napangiti ako sa kanila. Napainom na naman ako matapos makipag-toast sa kanila. Naupo na muna kami.

"Captain Luna, ano'ng masasabi mo? You can say anything." Napatingin muna ako sa kanilang lahat. Napatayo ako.

"Thank you sa inyong lahat lalo na kay coach Andrew. Pinagkatiwalaan niyo akong lahat kahit baguhan lang ako sa team. We did our best kaya tayo nanalo. Ang gagaling niyong lahat."

"Magagaling tayong lahat." Bulalas ni Santy. Napainom ulit kami. Nagsimula na ang inuman at kainan pero hindi naman ako masyadong umiinom.

Nahinto ako sa pagkain nang tumunog ang cellphone ko. Si Paulo ang tumatawag. Nagpaalam muna ako sa kanila at lumabas. Ang ingay kasi dito sa loob dahil sa music. Sinagot ko na ang tawag niya.

"Paulo. Bakit ka napatawag? Hindi pa kami tapos eh pero uuwi na rin naman ako."

[ "Luna, may kailangan kang malaman pero 'wag kang mabibigla, huh?" ]

Nabitawan ko ang cellphone ko. Pakiramdam ko parang huminto ang oras nang marinig ko ang mga sinabi ni Paulo.

Ano'ng ibig sabihin no'n? May kinalaman ba 'to sa emergency na pinuntahan ni Maxine?

Nagmamadali akong bumalik sa loob at kinuha ang gamit ko. Nagpaalam na ako sa kanila at agad umalis.

Hindi maaari 'to. Sana mali ang nasa isip ko.

_______________________________________________________

Ayo! Ano na naman kaya 'yon? Okay na eh masaya na si Luna pero mukhang may bad news na naman yata. Hayst! Abangan na lang natin, guys.

💙💙💙

Chapitre suivant