LUNA'S POV
Nasa isang fast food chain kami ngayon nina Jedda at Paulo. Itinigil ko na muna ang pagkain at napabuntong-hininga. Ang daming ideya ang nagsasalimbayan sa isip ko ngayon. Ang dami ko na ring nalaman sa araw na ito.
"Huy!" Sinagi pa ako ni Je.
"Huh?"
"Nakatulala ka na naman diyan." Napatingin din ako kay Paulo na nakamasid lang sa akin habang kumakain.
Sasabihin ko ba sa kanila?
"Di ba sabi niyo malaki ang pinagbago ni Airf simula nang maaksidente siya?" Napabalik na sa pagkain si Je.
"Oo." Si Paulo na ang sumagot habang kumakain lang. "Parang nag-iba na siya pero mahal pa rin siya ng marami at isa na ako do'n."
"Naniniwala ba kayo na posibleng ibang tao na talaga si Arif?" Sabay silang napatingin sa akin.
"Paano 'yon? Kunyari si Paulo naging ako tapos ako naman naging si Paulo?" Natawa pa si Je gano'n din si Paulo.
"No way, bakla!" si Paulo.
"Gano'n nga." Pareho na naman silang natigilan.
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Jedda. Napabaling muna ako sa mga katabi namin at abala naman ang mga ito sa kani-kanilang pagkain. Medyo napalapit ako sa kanila.
"Si Arif ay si Lawrence." Mahinang sabi ko. Wala silang imik dahil pareho lang hindi makakibo. Parang sini-sink in pa nila sa isip ang sinabi ko. Maya-maya sabay din silang nagkatawanan. Nag-apir pa ang dalawa.
"Hindi ako nagbibiro." Natigilan na naman sila at sabay na napabaling sa akin. Seryoso naman ako.
"Seryoso ka ba diyan, Luna?" Tanong ni Je na sumeryoso na rin. Gano'n din naman si Paulo na nakikinig lang. Nahinto na sila sa pagkain.
"Paano mo nasabi na si Arif ngayon ay si L-Lawrence?"
"Sshh!" Saway ko kay Je na natampal pa ang sariling bibig.
"Baka may makarinig pa sa'yo eh. Satin-satin lang 'to at 'wag na 'wag niyong ipagkakalat. Hanggang hindi pa tayo sigurado tumahimik na lang muna tayo."
"Sorry. Ibig sabihin nakausap mo na 'yong kaluluwa ni Arif?" Napatango ako.
"Kaluluwa ni Arif?" Singit ni Paulo na napainom pa ng tubig. "Girl, natatakot na ako."
"Tumahimik ka na lang muna kaya. Babakla-bakla kasi eh." Saway ni Je kay Paulo. Muli niya akong binalingan.
"Kaya pala ibang-iba na kung kumilos si Arif ngayon dahil hindi naman pala talaga siya si Arif. Kung gano'n sumapi si Lawrence sa katawan ni Arif kaya ang totoong Arif ngayon ay isang kaluluwa. Paano siya makakabalik sa katawan niya?"
"Hahanap pa ako ng paraan. Basta huwag kayong magpapahalata na may nalalaman kayo sa harap ni Lawrence. Ako na ang bahala. Aalamin ko kung paano ko matutulungan si Arif. Dapat siya ang nagmamay-ari sa katawan niya at hindi si Lawrence."
Matapos ang klase nauna na akong umuwi kay Paulo. Nagkahiwalay naman kami ni Je sa may paradahan. Nagtuloy ako sa kwarto ko at naupo sa may harap ng bulaklak. Ngayon ko na lang ulit 'to napagmasdan. Napakaganda pa rin at nakakawala ng alalahanin.
"Azine. Miss na miss na kita. Tama si Arif sana nasabi ko sa'yo kung ano talaga ang nararamdaman ng puso ko. Sana may pagkakataon pa na masabi ko sa'yo lahat-lahat ng gusto kong sabihin. Malamang kapag naging tao ka na si Maxine ang hahanapin mo. Pero tandaan mo na palagi akong magiging masaya para sa'yo. Anuman ang mangyari gawin mo ang lahat para maging tao ka na. Kahit mapunta ka man sa iba magiging masaya pa rin ako kung masaya ka rin sa kaniya. Sana naririnig mo ako ngayon, Azine. Sobrang miss na miss na kita." Naramdaman ko ang luha sa pisngi ko. Ang bigat-bigat ng dibdib ko na parang sasabog. Napasubsob na lang ako sa mesa at umiyak.
AZINE'S POV
Natigilan ako at napahawak sa dibdib ko. Nasa Hardin ako ngayon samantalang sina Sky at Cloud naman ay may sundo sa lupa. Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Napabagsak ako ng upo sa nakalatag na damo. Sapo ko pa rin ang aking dibdib. Maya-maya naramdaman ko na lang na may butil ng luha na dumaloy sa pisngi ko. Nasapo ko ang aking pisngi at saka sandaling pinagmasdan ang nabasa kong palad.
"Luna." Nabanggit ko na lang ang pangalan niya.
Siya kaya ang nakaka-alala sa akin?
Naramdaman ko ang biglang paglapit nina Sky at Cloud sa akin.
"Ano'ng nangyayari sa'yo?" si Cloud.
"Ayos ka lang?" si Sky.
"H-Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin."
"Ano'ng nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong ni Cloud.
"Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng dibdib ko. Parang sasabog sa sobrang bigat." Nagkatinginan silang dalawa.
"May luha ka rin." Pansin ni Sky.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan." Napatingin ako kay Cloud.
"May nakaka-miss sa'yo ng sobra, Azine." Natigilan ako. Napaupo si Sky sa gilid ko.
"Si Luna 'yan for sure." Napatingin ako sa kaniya.
"Hindi kaya dahil sa binigay kong bulaklak sa kaniya?"
"Mismo." si Sky.
Palihim akong napangiti.
Inaalala rin pala ako ni Luna.
Kaya lang ngayon hindi ko siya puwedeng puntahan.
"Kumusta naman 'yong paghahanap niyo sa kaluluwa?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Sinundan namin kanina ni Sky 'yong kaluluwang sumasanib kay Viel Fabregosa." Napatingin ako kay Cloud.
"Siya na ba?" Napailing siya.
"Mukhang hindi. Babae 'yong sumanib sa kaniya. At tingin ko naghihiganti lang siya."
"Bakit kay Luna?"
"Hindi pa namin alam. Bukas itatanong ko na lang kay Luna." Napatango na lang ako.
LUNA'S POV
Napaunat ako sa kinahihigaan ko. Nagpatanghali na ako ng gising kasi wala naman akong pasok ngayong araw. Pagmulat nang mga mata ko agad akong napabangon sa gulat dahil sa nakatunghay sa akin na si Sky. Nakangiti siya nang maluwang sa akin.
"Good morning." Nakita ko rin si Cloud dito. Hinanap ko si Paulo pero wala na siya dito.
"Ano'ng ginagawa niyo dito ng ganito kaaga?"
"Magtatanghali na kaya." Singit ni Sky.
"Luna, may kailangan lang kaming malaman tungkol sa'yo." si Cloud.
"Uhm... Ano?"
"Natatandaan mo pa ba kung sino 'yong kaluluwa na gustong manakit sa'yo?" Napaisip ako sa tanong ni Cloud.
"Sa pagkakatanda ko siya 'yong kaibigan ni Princess."
"Princess?" si Sky.
"Isa sa mga kaluluwang tinutulungan ko. Nagtatago siya ngayon kasi hina-hunting siya ni Shaina."
"Si Shaina..." si Sky ulit.
"'Yong kaluluwang nagtangka rin sa akin na siyang kaibigan ni Princess."
"Bakit siya hina-hunting ni Shaina?" Tanong ni Sky na naupo sa may bangko na nasa may table. Nanatili namang nakatayo si Cloud.
"Kasi may hindi sila pagkakaunawaan no'ng pareho pa silang nabubuhay. Sinundan siya ni Shaina hanggang sa kamatayan upang makapaghiganti lang."
"Tingin mo bakit pinagtangkaan ka rin ni Shaina?"
"Siguro dahil tinutulungan ko si Princess at hadlang ako sa paghihiganti niya." Napaisip din sila sa sinabi ko.
"Luna, hanggat maari iwasan mo muna si Viel Fabregosa." Napatingin ako kay Cloud.
"Bakit naman?"
"Basta." Hindi na lang ako nangulit na alamin pa ang dahilan.
"Siya nga pala may tanong din ako sa inyo eh."
"Ano 'yon?" si Cloud.
"Ahh..." Napaayos ako ng upo.
"Ano'ng puwedeng gawin kapag... kapag 'yong isang kaluluwa sumanib sa katawan ng isang tao tapos 'yong kaluluwa nang taong 'yon... gumagala na lang ngayon. Puwede pa bang maibalik sa kaniya 'yong sariling katawan nito?" Nagkatinginan sina Sky at Cloud. Halatang naging interesado na silang dalawa. Napatayo pa si Sky at napalapit sa akin.
"Sino ang tinutukoy mo, Luna?" Agad tanong ni Cloud. Nagtaka ako sa reaksyon nilang dalawa.
Sasabihin ko ba sa kanila? Baka bigla nilang kunin si Lawrence. Hindi ko muna sasabihin sa kanila. Isa pa hindi pa ako gano'n kasigurado. Hanggang hindi ko pa nakakausap ang totoong Arif hindi ko muna sasabihin sa mga Grim Reaper na 'to ang tungkol kay na Arif at Lawrence.
"Ah... W-Wala naman. Na-Natanong ko lang in case na... na maka-encounter ako ng gano'ng sitwasyon." Parang biglang na-disappoint naman sila sa sagot ko. Mukhang may inaasahan sila sa sasabihin ko. Napabalik ng upo sa bangko si Sky.
"Kailangang paalisin ang kaluluwang sumanib sa katawan ng tao para makapasok ang kaluluwang totoong nagmamay-ari sa katawan."
"Paano siya mapapaalis?"
"Kaming mga Grim Reaper ang isa sa mga makakapagpaalis sa kaluluwang sumasanib sa katawan ng tao." Si Sky na ang sumagot.
"Sino pa ang may kakayahan?" Interesadong tanong ko.
"Sa mundo niyo? Espiritista." Napatingin ako kay Cloud. "'Yong totoong espiritista na nakakapagpalayas ng mga kaluluwa."
Tama!
"Luna, may hinahanap din kaming kaluluwa na nagtatago ngayon sa katawan ng isang tao. Kailangan namin siyang maibalik kaagad sa Purgatoryo upang malitis. Sakaling may nalaman ka tungkol sa kaluluwang ito ipagbigay alam mo agad sa amin."
May hinahanap din silang kaluluwa? Hindi kaya... Hindi kaya ang kaluluwa ni Lawrence ang hinahanap nila?
"Luna?" Napabaling ako kay Cloud.
"O-Oo."
"Kailangan na naming umalis." Napatayo na si Sky.
"Bye!" si Sky. Naglaho na silang dalawa. Naiwan akong nag-iisip. Napatayo na ako. Kailangan kong makausap si Arif-este si Lawrence. Gusto kong malaman mismo sa kaniya ang totoo. Baka may dahilan siya kaya niya ginawa 'yon. Mabuti na nga lang at hindi ko nasabi kay na Sky at Cloud ang tungkol sa kaniya dahil baka bigla na lang nilang kunin si Lawrence.
Paglabas ko ng kwarto naabutan ko si Aliya na nasa may salas. Nagsi-cellphone lang siya.
"Morning." bati niya.
"Morning. Aliya, si Paulo pumasok na ba?"
"Oo kanina pa. Nag-iwan siya ng almusal mo diyan sa table." Naghilamos muna ako saka naupo at kumain ng almusal. Nagpaalam muna ako kay Aliya matapos kong kumain para maligo naman. May kailangan akong lakarin ngayon.
Paglabas ko ulit sa kwarto nilapitan ko muna si Aliya at naupo sa mqy harap niya.
"Aliya." Napatingin siya sa akin.
"Hmm?"
"Ah... Tingin mo may gusto rin kaya si... si Lawrence kay Maxine dati?"
"Si Lawrence? As in si Lawrence na bestfriend ni Arif? Sumalangit nawa ang kaluluwa." Medyo kinilabutan pa siya.
"Oo."
"Bakit bigla mong naitanong?"
"W-Wala naman. Gusto ko lang malaman." Napaisip siya sandali sa tanong ko.
"Hindi ko lang alam eh pero parang dati na-issue silang dalawa ni Maxine. Bali-balita na may gusto si Lawrence kay Maxine. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto kay Maxine Panganiban." Napatango-tango ako.
"Tama ka." Napatayo na ako.
"Alis muna ako."
"Saan ka pupunta?"
"May kailangan lang akong kausapin. Balik din ako agad."
"Sige. Ingat." Umalis na ako. Napahinto muna ako sa may tapat ng school at pinagmasdan ito.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Arif. Natigilan ako bigla nang may alaalang sumagi sa isip ko. Napatitig ako sa cellphone ko.
[ "Lawrence, may pupuntahan tayo mamaya 'wag mo'ng kalimutan." ]
Biglang sumagi sa isip ko kung saan ko na-encounter ang pangalang Lawrence dahil sa hawak kong cellphone. Noong magkasama kami ni Arif sa court dati at pakialaman ko ang cellphone nito. Hindi ko naman kasi sinasadya 'yon eh.
Teka... May mas mahalaga akong naisip.
'Yong nag-text sa kaniya. Tinawag siyang Lawrence no'ng nag-text sa kaniya. Ibig sabihin may nakakaalam na si Arif ay si Lawrence. Pero sino naman 'yon?
Sa pagkakatanda ko ay unknown number ang nag-text kay Arif no'n kaya hindi ko nalaman kung sino. Bigla akong nanghinayang.
[ "Hello? Luna?" ] Nabalik ang isip ko sa cellphone nang marinig ko ang boses ni Arif.
"Arif, si Luna 'to. Nasa'n ka ngayon? Magkita tayo gusto kasi kitang makausap eh."
[ "Hmm... Okay. Pero wala ako sa school ngayon eh." ]
"Nasaan ka pupuntahan na lang kita."
[ "Nasa bahay ako ngayon eh. Kung emergency 'yan ako na lang ang pupunta sa'yo tutal wala naman akong ginagawa." ]
"Hindi na okay lang talaga. Ako na lang ang pupunta diyan. Bye." Binabaan ko na siya at nagpunta na sa paradahan.
Hindi naman nagtagal at nakarating na rin ako sa may bahay nila. Napalapit ako sa may gate at nag-doorbell. Nakita ko ang palalapit na si Arif. Pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Luna." Parang nagtataka siya.
"Tatawagan pa lang ulit sana kita kasi hindi ko nasabi sa'yo ang address ko. Paano mo nalaman na dito ako nakatira?"
"Huh?" Nagulat din ako sa tanong niya.
"Ahh... A-Ano... Na-Nalaman ko kay... kay Maxine. Tama kay Maxine nga. Tinanong ko siya kanina kaya... kaya alam ko." Naiilang akong napangiti sa kaniya.
"Ah. Oh, sorry! Come in."
"Salamat." Pumasok na ako. Bigla akong kinabahan kanina. Nauna siya maglakad sa akin at saka nahinto nang nasa may salas na kami ng bahay nila.
"Maupo ka muna ikukuha kita ng maiinom."
"Sige." Tinalikuran na niya ako. Naupo naman muna ako sa sofa nila at napatingin-tingin na lang sa harap.
"Arif." Napatingin ako sa nagsalita na nasa may hagdanan. Napatayo ako nang mapatingin sa akin ang sa tingin ko ay mommy ni Arif. Nangunot ang noo niya sa akin.
"Hi!" Bati niya sa akin nang makalapit.
"Hello po, ma'am. I'm Maria Luna Del Mundo po." Nakipagkamay naman siya sa akin nang iabot ko ang aking kamay. Mukhang mabait siya. Bigla siyang napaisip.
"Maria Luna Del Mundo? Nagkausap na ba tayo before? Your voice sounds familiar." Napaisip din ako bigla.
Flashback
{ "Arif, anak, let's talk, okay? I'm sorry sa nangyari kagabi sana maintindihan mo ang daddy mo. He's just worried about you. Please, anak, umuwi ka mamaya dito sa bahay. Arif. Arif? Hello?" }
"Uhm... I'm sorry po tita pero hindi po ito si Arif. Busy pa ho siya eh pero sasabihin ko na lang po sa kaniya na tumawag kayo."
{ "Are you a friend of my son, ija?" }
"O-Opo."
{ "Ija, thanks for accompanying my son. Pwede ba ako'ng humingi ng favor sa'yo?" }
"Ano po 'yon?"
End of Flashback
"Baka po no'ng nakausap niyo ako sa cellphone dati, ma'am. No'ng tinawagan niyo po si Arif at ako ang nakasagot." Napaisip siya at maya-maya ay napatawa.
"Ikaw ba 'yon? 'Yong hiningan ko ng favor?"
"Opo." Napangiti siya ng maluwang.
"So, you're my son's girlfriend?" Napailing agad ako sa sinabi niya.
"Hindi po magkaibigan lang po kami ni Arif." Napatawa siya.
"I mean girl friend, ija. Babaeng kaibigan." Ako naman ang bahagyang napangiti.
"Nasaan ba si Arif at pinababayaan ka niya dito?"
"Nandyan po siya sa..."
"Hi, mom." Biglang dumating na si Arif dala ang juice. Napatingin kami sa kaniya.
"May bisita ka pala hindi mo man lang ako sinabihan ng nakapaghanda sana ako." Pinagmasdan ko lang si Arif.
"Biglaan lang ang pagpunta niya dito, mom." Ibinaba muna nito ang dala sa mesa saka binalingan ang mommy niya.
"This is..."
"Kilala ko na siya." Nagulat pa si Arif sa sinabi ng mommy nito.
"Kailan?"
"Ah... Nag-Nagpakilala ako sa kaniya ngayon lang." Naalis naman ang pagtataka ni Arif.
"Anyway, Luna this is my mom, Arlene. Mom, si Luna k-kaibigan ko." Nginitian ko si ma'am Arlene.
"Nice to meet you po, ma'am."
"Nice to meet you too, Luna. Just call me tita Arlene, okay?" Tinanguan ko na lang siya.
"Okay. Maiwan ko na kayong dalawa dito kasi magluluto muna ako for our lunch. Luna, dito ka na kumain, huh?"
"Tita, 'wag na po nakakahiya naman sa inyo. Saglit lang din naman po ako saka..."
"Huwag mo na akong tanggihan, ija. Minsan lang magdala ng kaibigan 'yang si Arif ko kaya masaya talaga ako ngayon." Hinayaan ko na lang siya. Halata naman na iba nga ang ngiti nito ngayon.
"Maiwan ko na muna kayo, huh? Luna, feel at home, ija. Anak, ikaw na muna bahala dito sa kaibigan mo." Iniwan niya na kami at nagtuloy marahil sa kusina nila.
"Maupo ka muna." Naupo ako gano'n din si Arif na sa kabilang sofa sa may gilid ko naman naupo. Napaharap ako sa kaniya.
"Di ba may kapatid ka pang babae si A-Ara? Nasa'n pala siya?"
"Ah, oo. Nasa school siya ngayon eh."
"Ah." Napatighim si Arif.
"Ang sabi mo sa phone kanina gusto mo akong makausap. Tungkol saan ba 'yon?" Direktang tanong niya sa akin. Naghihintay lang naman siya sa sasabihin ko.
"Uhm..."
Itatanong ko na ba sa kaniya? Sasabihin ko na ba sa kaniya na alam ko na kung ano ang inililihim niya? Kaya lang ano na lang ang magiging reaksyon ng mommy niya? Masaya pa naman siya ngayon.
"Arif, kung... kung may sekreto ka handa akong makinig sa'yo. Gusto kitang tulungan." Napaayos siya ng upo at parang biglang nag-iba ang reaksyon niya. Nangunot ang noo ni Arif.
"Sekreto? Ano'ng ibig mong sabihin, Luna?" Napatighim ako.
"May itatanong ako sa'yo pero sana 'wag mong mamasamain."
"Sige lang." Nakikinig lang naman siya.
"Mahal mo ba talaga ang kaibigan mong si... si L-Lawrence? Itinuring mo ba talaga siyang kaibigan? Ikaw... si Lawrence..."
"Huh?" Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Ang ibig kong sabihin, ikaw at si Lawrence para kayong magkapatid dati, di ba?" Napahinga siya nang maluwag sa sinabi ko.
"T-To answer your first question, yes, mahal ko si... Lawrence. Siya lang ang nag-iisa kong matalik na kaibigan. Itinuring ko rin siyang parang kapatid at sobra akong nalungkot no'ngn nawala siya." Saglit kaming natigilan.
"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Nawalan din ako ng mahal sa buhay. Arif," diniinan ko ang pangalang Arif. Sana lang makuha niya ang talagang gusto kong sabihin sa kaniya dahil hindi ko kayang komprontahin siya ng direkta.
"Huwag mo sanang masamain pero kung sakaling ikaw kaya ang nawala no'ng araw nang aksidente at si Lawrence ang nabuhay tingin mo kaya magagawa din ni Lawrence ang ginawa mo?" Kabaligtaran lahat ng sinabi ko. Para kay Lawrence talaga ito kaya lang hindi ko naman pwedeng sabihin gamit ang direktang pangalan niya. Natigilan si Arif sa sinabi ko. Sandali siyang hindi nakaimik. Matalino si Lawrence at alam kong nakukuha niya ang sinasabi ko.
"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Luna?" Ako naman ang hindi agad nakaimik. Kung sana may lakas ako ng loob na sabihin sa kaniya ng harapan na alam ko na siya si Lawrence. Kaya lang baka may dahilan siya kaya niya 'yon ginawa.
Kailangan ko ng sabihin sa kaniya.
"M-May isang tanong na lang ako para sa'yo. Ikaw... Ikaw ba talaga si..." Pareho kaming natigilan nang may mag-doorbell sa labas.
"Ahh... Sandali lang." Tumayo na si Arif at lumabas.
Napatayo ako nang makabalik na siya. Kasama na niya si Maxine na nagulat pa sa presensya ko.
"Luna? What are you doing here?" Takang tanong niya.
"We're just talking about something." Si Arif na ang sumagot. "Ano nga pala ang ipinunta mo dito?" Tanong niya pa.
"Just a visit. Hindi ka na nasanay palagi ko namang ginagawa 'yon dati."
"Sino 'yong nag-doorbell?" Napatingin kaming lahat kay Tita Arlene na nakasuot pa ng apron. Napatingin siya kay Maxine at ngumiti.
"Maxine ikaw pala 'yan. Tamang-tama ang pagpunta mo rito kasi may bisita din si Arif. Magkakilala na kayo ni Luna?"
"Yes tita." si Max.
"Sige, maiwan ko na muna kayo. Max, dito ka na rin mananghalian, huh?"
"Okay tita. Siya nga pala tita Arlene nagdala ako ng fruits." Lumapit siya sa mommy ni Arif at iniabot nga ang dala.
"Nag-abala ka pa, ija."
"It's okay, tita."
"Salamat."
"Sige, mamaya na lang tayo mag-usap ng matagal tatapusin ko lang ang niluluto ko. Maiwan ko muna kayo." Binalingan ako ni Max ng makabalik sa may tapat ko. Nakabalik naman na si tita Arlene sa kusina nila.
"Luna, dito ka na rin mag-lunch kasi minsan ka lang mapunta dito sa bahay nina Arif kaya sulitin na natin." Bahagya ko siyang nginitian at napatango.
"Arif." Hinarap niya ito. "Ikuha mo naman ako ng favorite drinks ko, please?" Nagpa-cute pa siya dito.
"Okay. Luna, sandali lang."
"Sige lang." Tinalikuran niya na kami.
"Maupo muna tayo." Magkatabi kaming naupo ni Maxine.
"Luna." Tiningnan ko siya.
"Thanks nga pala do'n sa binigay mo sa akin na canvas. Alam kong si Arif ang gumawa no'n. But I'm still confused kung bakit parang hindi alam ni Arif ang tungkol do'n. He didn't even mention about it now."
"Maxine, magtiwala ka sa'kin. May dahilan kung bakit kakaiba si Arif sa dating siya. Huwag kang mag-alala dahil malapit ko ng malaman ang totoo at kapag kompirmado ko na saka ko sasabihin sa'yo." Medyo mahina lang ang pag-uusap naming dalawa. Napatango siya.
"May misteryoso ba na nangyayari kay Arif?" Ako naman ang napatango.
"Wala na akong iba pang puwedeng sabihin sa'yo, Maxine. Hanggang hindi pa ako tiyak na nakasisiguro ayoko munang magsalita. Hayaan mo ikaw ang una kong sasabihan tungkol dito."
"Thanks."
"Hey." Napatingin kaming pareho ni Maxine sa nagsalitang si Arif na hindi namin namalayang nakatayo na pala sa may gilid malapit sa amin.
"Napakaseryoso naman yata ng pinag-uusapan niyong dalawa."
"I-It's just a girl talk." si Max. Napailing na lang si Arif.
"Here." Iniabot niya kay Maxine ang pineapple juice na favorite daw nito. Napainom ng kunti si Max at saka ibinaba sa table. Naupo naman si Arif sa kanina niyang inuupuan. Saglit na napatingin sa akin si Maxine.
Nasa may dining area na kami ngayon para kumain. Inabutan na rin lang ako ng lunch dito at saka nakakahiya naman sa mommy ni Arif kung tatanggihan ko siya. Magkatabi siina Maxine at Arif tapos nasa may kabilang side ako. Si Tita Arlene naman ay nakaupo sa may unahan ng table.
"Let's eat. Luna, 'wag kang mahihiya, okay?"
"Opo."
"Sige. Maxine, ija, kumain ka ng marami kasi parang pumapayat ka na eh." Bahagyang napatawa si Max.
"Tita, I'm always on a diet but today kakain ako ng marami kasi ikaw ang nagluto."
"Good. Sige na kumain na tayo." Nagsimula na kaming kumain. Ang daming niluto ni tita Arlene. Panay pa ang abot niya sa akin ng mga niluto niya para matikman ko lahat. Sobrang nabusog talaga ako.
"Ija, kumusta naman kayo ng anak ko? Nililigawan ka na ba ni Arif?" Halos mabilaukan ako sa tanong ni Tita Arlene.
"Mom." Saway ni Arif sa mommy niya. Napatayo si Arif at inabutan ako ng tubig.
"Sorry, ija. Are you okay?" Naramdaman ko ang kamay ni Arif na humagod sa likod ko. Napainom na lang ako ng tubig. Nakatingin lang naman si Maxine sa amin.
"You okay?" tanong ni Arif. Napatango lang naman ako. Saka siya bumalik na sa upuan niya.
"I'm really sorry, ija."
"Okay lang po, tita. Nasamid lang po talaga ako pasensya na."
"Don't mind it, ija. Sige na nga kumain na lang tayo." Ginantihan ko na lang siya ng ngiti.
Matapos naming mananghalian nag-stay lang muna kami sa may salas nila. Gusto ko pa sanang makausap ng sarilinan si Arif kaya lang wala akong pagkakataon dahil kasama niya si Maxine. Sa ngayon nga nasa labas silang dalawa kasi may sasabihin daw si Maxine sa kaniya. Kaya naman naiwan ako dito sa salas habang patingin-tingin lang sa mga naka-display.
"Luna."
"Tita." Napatayo ako at sinalubong siya na lumapit naman sa akin.
"Why are you alone here? Where's Arif and Max?"
"Nasa labas po may pinag-uusapan yata."
"Gano'n ba? Ah. Maupo ka. Maupo muna tayo."
"Sige po." Magkatabi kaming naupo.
"Luna, thanks for being a friend to my son. Alam mo ba matagal-tagal ko rin na hindi nakita kay Arif 'yong care niya sa ibang tao. Kanina no'ng nasamid ka agad-agad siyang napatayo at sinaklolohan ka."
"Mabait naman po talaga si... si Arif, tita. Siguro po depensa niya lang 'yong pagbabago niya ng ugali para hindi na siya masaktan pa ulit o 'di kaya mangyari ulit 'yong mga kinatatakutan niya."
"Salamat sa binibigay mong pang-unawa sa anak ko, Luna. Masaya ako na kahit sa'yo man lang iba ang pakikitungo niya. Nasasaktan lang ako minsan kasi parang ibang tao na ang anak ko. Malayong-malayo na siya sa dating sweet na Arif. Pakiramdam ko nga hindi na niya kami mahal ng daddy niya. Parang lumayo na ang loob niya sa amin." Pinahid ko ang luha sa pisngi ni tita Arlene. Bigla na lang siyang napaiyak.
"Tita, 'wag na po kayong umiyak. Darating ang araw na babalik din po sa inyo ang Arif na nami-miss niyo. Basta palagi niyo pong tatandaan na mahal na mahal na mahal po kayo ng anak niyo." Mas napaiyak pa siya lalo. Napatingin ako sa may gilid ni tita kung saan nakatayo si Arif-ang tooong Arif. Nakatingin lang siya sa mommy niya habang nahahabag dito.
Kailangan ko na talagang ibalik si Arif sa sarili niyang katawan.
_______________________________________________________
Ibabalik na ba natin? Kaya lang paano naman si Lawrence? Hu-hu! This is really a heartbreaking part. Kaya lang talagang kailangan nating umaksyon. He-he.
Chillax! See u sa next chapter...
💙💙💙