webnovel

Chapter 36: Libing

LUNA'S POV

KINABUKASAN nagligo lamang ako at tumuloy sa kapilya. Si Kuya ang sumusundo at naghahatid sa akin doon.

Sumalubong sa akin si Jedda samantalang tumutulong naman si Paulo kay mama sa pag-aasikaso ng mga nakikiramay. Marami din kasi sa mga kamag-anak namin ang nagpunta dito ngayon para makiramay. Nandito rin ngayon ang mga katrabaho at kakilala nina mama at papa. Niyakap ako ni Je nang tuluyan akong makalapit. Naupo muna kami ni Je.

"Luna, hindi na kami nakapunta kahapon kasi full sched kami eh." Paliwanag ni Je.

"Naiintindihan ko, ayos lang." Pinipilit ko na talagang hindi umiyak. Alam ko masaya na si Lola sa langit.

"Mamayang hapon dadalaw ang mga kaklase natin tapos 'yong mga ka-dorm mo." Napatango lang ako.

"Pinaalam ko na sa mga prof natin ang nangyari kaya pwede ka raw munang hindi pumasok ng one week."

"Salamat, Je."

"Wala 'yon. Pakatatag ka, huh?" Tinanguan ko lang ulit siya. Maya-maya si Paulo ang lumapit sa amin at niyakap ako. Malungkot na malungkot din ito at parang iiyak na pero mukhang kanina pa nga sila umiyak dahil parehong mugto ang mata nila ni Je.

"Condolence, friend. Malalampasan mo din 'to, okay?"

"Salamat." saka siya humiwalay sa akin.

"Maiwan ko na muna kayo at magbibigay muna ako ng kape."

"Sige." Napatingin ako sa picture ni Lola Cora.

"Ang ganda ng ngiti ni lola Cora, ano? Kahit ngayon pa lang nami-miss ko na kaagad siya."

"Nakakalungkot na iniwan niya na tayo pero masaya na rin ako kahit papaano dahil hindi na maghihirap si lola."

"Nakita mo siya?" Nakatingin pa rin ako sa larawan ni lola.

"Oo."

"Magiging malaya na siya sa langit." Napatingin ako kay Je.

"Makakasama niya na si lolo." Bahagya siyang napangiti.

Maya-maya siniko ako ni Je kaya napatingin ako sa kaniya. Nakanguso siya at nakaharap sa may pintuan.

"Huh?"

"Hmm."

"Ano?" Hindi ko kasi siya maintindihan.

"Si Arif at Maxine." Napatayo ako at napatingin sa may pintuan. Papalapit sina Max at Arif.

"Condolence, Luna." Niyakap ako ni Max nang tuluyang makalapit.

"Salamat." Humiwalay din naman ito kaagad.

"Matapos kong malaman ang nangyari nagpunta agada ko dito. Nakikiramay ako sa pamilya niyo, Luna." Niyakap niya ako bigla. Alam kong nakikiramay lang naman siya sa akin.

"Salamat."

"Hello sa inyo salamat sa pagpunta." Narinig kong turan ni mama. Kumawala na ako kay Arif.

"I'm Maxine Panganiban po, tita." si Max pala ang kausap.

"Yvonne, mama ni Luna." Nagkamay lang silang dalawa.

"Hi po tita! Ako po si Arif Zamora, kaibigan po ako ni Luna." Kinamayan lang din siya ni mama.

"Hi, ijo. Thank you for coming."

MAXINE'S POV

Napatingin ako sa papalapit na lalaki. Ano'ng ginagawa niya dito?

FLASHBACK

"Tita!"

"Ija." 

"Tita, how's Nizu?"

"He's fine now, ija."

"He'll be fine. Don't worry too much,"

***************

"Ay ma'am may nag-iwan ng paper bag para sa 'yo."

"'Yon nga ho ang sadya ko dito eh."

"Sandali lang, ma'am."

"Heto po."

"Salamat kuya."

"Uhm... Kuya guard."

"Yes po, ma'am?"

"Pwede ko po ba'ng malaman kung sino 'yong nagdala nito?"

"Si Doctor Von Zyke Del Mundo, miss Maxine."

"Kuya, nandito pa ba siya?"

"Kaaalis lang ma'am eh."

"Ah sige po salamat."

END OF FLASHBACK

Sa pagkakatanda ko siya 'yong doctor ni Nizu. Oh my god! Don't tell me kapatid siya ni... ni Luna?

Napatingin siya sa akin. Minumukhaan niya rin ako.

"Hi, Von Zyke Del Mundo, kapatid ni Luna."

"Hi!" Inabot ko ang kamay niya at nakipagkamay.

"Condolence."

"Salamat." Bahagya siyang ngumiti. Bakas sa mukha niya ang puyat at pagod pero ang gwapo pa rin niya. 

"Ikaw 'yong... Nagkita na ba tayo?" nangungunot na tanong niya.

"Uhm... nagkita na tayo dati sa bahay nina Tita Kriztine."

"Tama, ikaw nga 'yon. Maxine, di ba?"

"Yeah." May naalala ako.

"Siya nga pala thanks do'n sa pagdala no'ng gamit ko sa school."

"Ah... wala lang 'yon."

"Doc Von." si Arif.

"Condolence." Lumapit siya kay Doc Von at nakipagkamay.

"Salamat. Thanks for coming." Napatingin na sila sa amin. Napatingin lang ako kay Doc Von. Sinamahan nila kami na masilip ang lola nila. Pagkatapos ay naupo muna kami at nasa tabi ko lang si Doc Von.

VON'S POV

Napatingin si Maxine sa akin. Nakaupo ako katabi niya samantalang magkausap naman sina Luna at Arif.

"Kumusta na nga pala si Nizu, Doc Von?" Maya-maya'y tanong niya.

FLASHBACK

"S-Si Maxine... hindi ho ba girlfriend siya ni Azine?"

END OF FLASHBACK

Girlfriend nga pala siya ni Azine.

"He's doing well. Sooner or later magigising na rin siya." Napangiti siya ng bahagya. Mabuti pa na hindi ko na lang muna sabihin sa kaniya ang nangyayari sa boyfriend niya. Sina Tita Kriztine na ang bahala kung gusto nilang ipaalam.

"Mabuti naman kung gano'n. Hindi na rin kasi ko makabisita doon kasi abala rin ako sa mga gawain sa school."

"Naiintindihan ka naman nila eh." Napatango-tango siya. Maya-maya napatingin ulit siya sa akin.

"B-Bakit?"

"Uhm... okay ka lang ba?" Bahagya akong napangiti.

"Pinipilit maging okay. Alam mo kasi..." Napatingin ako sa picture ni lola.

"Masakit mawalan ng isang kapamilya. Ang hirap lang tanggapin na 'yong nakasanayan mong nadiyan ay bigla na lang mawawala at hindi mo na makikita pa kahit kailan." Tiningnan ko si Maxine na nakatingin din pala kay lola.

"Naiintindihan kita, Doc. Ganiyan din kasi ang naramdam ko nang malaman ko na naaksidente si Azine. Akala ko no'n kukunin na siya sa akin ng Diyos. Naisip ko no'ng mga panahon na 'yon na hindi ko yata kakayanin kapag nawala siya sa akin. Masaya na rin ako kahit na-coma si Azine at least hindi siya kinuha. Kailangan lang naming maghintay na magising na siya."

LUNA'S POV

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Maxine. Naka-upo sila ni kuya sa unahan namin kaya dinig ko ang pag-uusap nilang dalawa.

"Luna." Napatingin ako kay Arif.

"Huh?"

"Okay ka lang?" Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Arif.

"O-Oo, okay lang ako. Sorry, ah, may iniisip lang ako."

"Naiintindihan ko, Luna." Nginitian ko siya ng tipid.

"Salamat nga pala sa pagpunta niyo dito, Arif."

"Kanina ka pa nagpapasalamat sa akin. Nandito ako para damayan ka, Luna. Alam kong masakit ang nangyari na 'to sa'yo at sa pamilya mo pero maniwala ka na malalagpasan niyo rin ang lahat ng 'to."

"Salamat."

"You're always welcome, Luna." Napatingin ako kay Maxine na kausap pa rin si Kuya.

'Sa totoong buhay si Maxine pa rin ang girlfriend ni Azine. Ako? Girlfriend niya lang sa mundong hindi nakikita ng mga buhay. Ano'ng laban ko? Saka seryoso ba si Azine sa sinabi niyang girlfriend niya ako? Baka ako lang ang nag-a-assume.'

Hinayaan ko na muna na kausapin ni Kuya sina Max at Arif. Umalis muna ako at nilapitan si mama.

"Anak, baka pagod ka na 'wag mong pilitin ang sarili mo, huh? Magpahatid ka na sa kuya mo kapag nakaramdam ka ng antok."

"Mama, kayo nga ho dapat ang magpahinga eh. Wala pa rin ho kayong pahinga."

"Ayos lang ako kaya 'to ni mama. Halika nga muna dito." Naupo muna kami ni mama.

"Ma, si papa hindi po ba siya uuwi?" Medyo nalungkot si mama.

"Anak, hindi ko rin alam kung makakauwi ang papa mo eh. No'ng nakausap ko siya kagabi ang sabi pililitin niyang makauwi. Alam mo naman ang trabaho ng papa mo." Nalungkot din ako.

"Sigurado ho ako mas malungkot si papa do'n. Sakaling hindi siya makauwi hindi niya man lang makikita si lola sa huling pagkakataon." Napabuntong-hininga si mama.

"Iyak nang iyak nga rin ang papa mo nang sabibin ko sa kaniya ang balita. Naiisip ko na sana nando'n ako para damayan siya." Niyakap ko na lang si mama para naman gumaan din ang kalooban niya.

Maghahapon nang dumating naman ang mga kaklase at ka-dorm ko. Umalis na sina Maxine at Arif kanina.

"Nakikiramay ang buong section natin sa buong pamilya niyo, Luna." Pangunguna ni Cedric.

"Salamat sa pagpunta niyo dito. Maupo muna kayo." Naupo 'yong iba samantalang tumingin naman kay lola 'yong iba.

"Luna, condolence to your family." si Aliya kasama si Chendy at Elay.

"Condolence, Luna." 'yong dalawa.

"Salamat. Salamat sa pagpunta."

"Pamilya tayo eh kaya dapat nadito kami para damayan ka." si Chendy.

"Puntahan lang muna namin si Tita Yvonne." si Aliya.

"Sige." Pinuntahan nila si mama na kasalukuyang kausap ang ilan sa mga kaklase ko. Napalapit ako kay Kuya na papalapit din sa kanila.

"Kuya, pakilala kita sa kanila."

"Sige."

"Guys." Napatingin sila sa amin.

"Ito nga pala ang Kuya Von ko. Kuya Von, sila ang mga kaklase at kaibigan ko."

"Hello sa inyo! Salamat sa pagpunta at pakikiramay niyo." Nagbatian sila at nagpakita ng pakikiramay.

"Kuya Von," pagpapatuloy ko. Hinila ko siya malapit kay na mama kung saan tapos na yata silang mag-usap no'ng tatlo.

"Sila naman ang mga ka-dorm at kaibigan ko. Ito si Aliya, si Chendy at si Elay."

"Hello po, Doc Von." sila.

"Condolence po." si Aliya sumunod naman 'yong dalawa.

"Salamat. Salamat sa pagpunta." Nakita ko si Je at Paulo na siyang nag-aasikaso sa mga kaklase namin.

"Kuya, 'ma, excuse lang samahan ko lang sila do'n."

"Sige, anak." Sinamahan ko sila sa may kabaong ni lola.

AZINE'S POV

Tinanaw ko na lang pumasok si Maxine sa bahay nila. Napatingin ako kay Arif na nakatayo lang hindi kalayuan sa akin. Sinundan ko silang dalawa pagkagaling kay na Luna kasi parang hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa Arif na 'to no'ng una pa lang eh.

Sumakay na si Arif sa kotse at saka umalis. Malamang bahay nila 'tong pinuntahan niya. Sinundan ko siya nang makapasok ito sa loob ng bahay. Nagtuloy siya sa kwarto pero pinagmasdan ko muna ang salas nila. Maraming naka-display na paintings sa isang wall. Lumapit ako at pinagmasdan ang mga ito. May nakita rin akong mga nakapatong na drawings dito sa isang table na nasa ibaba lang nitong mga paintings. Magaganda at masasabi kong hindi ito gawa lang ng isang amateur painter. May nakita akong signature sa ibabang gilid ng bawat paintings at drawings. Si Arif pala ang gumuhit ng mga ito dahil sa signature dito nakalagay ang buo niyang first name.

"Magaling pala siyang pintor, ah." Umakyat ako sa itaas kung saan siya nagpunta kanina. Malaki 'tong bahay nila at maraming kwarto.

"Alin kaya dito ang kwarto niya?" Sumulpot ako sa isang kwarto pero mukhang babae yata ang may-ari nito. Isang kwarto ulit ang sinulputan ko pero wala namang laman at baka guestroom lang 'to. Napunta naman ako sa isang kwarto at may naabutan akong isang ginang. May kausap siya sa cellphone. Pinakinggan ko lang siya. Mama siguro 'to ng Arif na 'yon.

"Gusto mo bang mag-away na naman kayo ng anak mo, Rafino? Ayokong pilitin na naman si Arif sa mga bagay na hindi niya gustong gawin. Oo nga pero alam mo naman na simula nang maaksidente 'yang anak mo ay kinalimutan niya na rin ang... Ayoko ng pag-usapan 'to. Ikaw na lang ang kumausap sa anak mo. Umuwi ka na lang ng maaga, okay? Bye!"

"Naaksidente si Arif?" Pinagmasdan ko ang ginang. Napabuntong-hininga ito. Parang may kinikimkim siyang kung anong damdamin sa loob niya. Kinuha niya 'yong picture frame sa side table nila. Sa pagkakakita ko dito picture 'yon ni Arif.

"Marami ko pa palang dapat malaman sa lalaking 'to." Naglaho na ako agad.

Pagkabalik ko sa chapel wala na masyadong tao dito. Umalis na pala ang mga kaklase at ka-dorm ni Luna. Sina Je at Paulo ay kasalukuyang nagpapaalam kay na Luna para umalis. Malamang may pasok pa marahil ang mga ito kinabukasan. Pagkaalis no'ng dalawa naupo si Luna sa una malapit sa Lola niya. Nakamasid lang siya sa larawan ni lola Cora.

Hindi ko kayang lapitan si Luna ngayon kasi pakiramdam ko kasalanan ko ang pagkamatay ni Lola Cora. Nakatayo lang ako dito sa may pintuan. Paalis na sana ako nang biglang mapatingin si Luna sa may kinatatayuan ko. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso. Parang bigla akong hindi makakilos at wala akong magawa kundi ang tingnan lang din siya. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Iniiwasan mo ba ako?" Hindi ko masagot ang tanong sa isip ni Luna. Sasabihin ko ba sa kaniya na oo? Iniiwasan ko siya dahil hindi ko nagawang tulungan ang lola niya kahit kayang-kaya ko naman. Kung hindi dahil sa kondisyon. Hindi pa rin inaalis ni Luna ang tingin niya sa akin. Napatalikod na lang ako at naglaho. May sundo kami ngayon at doon na muna ako magpapaka-abala. Saka ko na lang muna dadalawin si Luna kapag naramdaman kong kailangang-kailangan niya na ako.

LUNA'S POV

Tinanaw ko na lang ang naglahong si Azine. Simula nang sunduin niya ako sa Maynila hindi na ulit siya nagpakita sa akin. Pakiramdam ko tuloy iniiwasan niya ako kagaya ngayon na hindi niya man lang ako nilapitan. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kaniya.

Makalipas ang dalawang araw pa ay napagdesisyunan nina mama na ipalibing na si lola. Minimisahan na siya ni Father ngayon. Hindi na rin lang naman kasi makakauwi si papa dahil sa ngayon ay may mahalaga silang misyon sa Mindanao. Wala na rin namang iba pa kaming kamag-anak na hinihintay. Nasa may cemetery na kami ngayon at sa katunayan ay kanina pa ako iyak nang iyak. Gano'n din si mama na nasa tabi ko lang. Si kuya naman ay nakaalalay lang kay mama. Alam ko naman na pilit niyang pinapatatag ang sarili para sa amin ni mama. Katabi ko lang sina Je at Paulo na siya namang nakaalalay sa akin. Kasama nila sina Aliya. Nandito rin sina Maxine at Arif na nakatayo sa may side ni Kuya saka ang iba ko pang mga kaklase. Marami ang mga nandito na kakilala at kaibigan ng pamilya namin. Natapos na ang misa ni Father.

Napahagulhol na ako nang makita ko na unti-unti ng binababa ang labi ni lola. Gano'n din naman si mama na humagulhol na rin. Si kuya Von naman ay hindi na rin maitago ang nararamdaman at napaiyak na rin.

"Lola! Lola Cora! Lola!" tawag ko sa pangalan niya sa gitna ng pag-iyak. Sobrang mami-miss ko talaga ang lola Cora ko.

Matapos ang libing ay sina mama na ang humarap sa mga nakipaglibing. Nagpahatid na agad ako sa bahay at tumuloy sa kwarto ko. Naupo lang ako sa kama. Wala na muna akong hinarap sa mga nakiramay kasi hindi ko kayang makipag-usap sa kahit na sino ngayon. Nag-iyak lang ako nang nag-iyak dito sa kwarto ko hanggang sa pakiramdam ko wala ng luhang lumalabas sa pisngi ko. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko.

"Akala ko kaya kitang tiisin pero sa tuwing naririnig kitang umiiyak mula sa labas nang pintuan parang binibiyak ang puso ko."

"Wala na si lola, Azine. Hindi ko na siya makikita ulit."

"Halika." Dahan-dahan akong napatayo at lumapit sa kaniya na nakabukas ang mga braso at handa akong yakapin.

"Iniwan niya na ako." Hinila niya ako at niyakap. Ramdam ko ang mahigpit niyang yakap at buong pusong pakikiisa sa nararamdaman ko. Napahagulhol na naman ako ng iyak sa pagkakataong ito. Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa mga bisig ni Azine. Naramdaman ko ang kamay niya na humaplos sa may ulo ko. Niyakap niya ako ng mas mahigpit.

"I'm here. Hindi kita iiwan, okay?"

AZINE'S POV

Nakatulog na si Luna sa sobrang kakaiyak. Mas mabuti na 'to kaysa naman umiyak siya nang umiyak. Nakaupo lang ako sa tabi niya. Pinunasan ko ang pisngi ni Luna na basang-basa at hinawi ang ilang hibla ng buhok. Ramdam ko na pagod na pagod siya physically and emotionally. Sana lang kaya kong pasanin lahat ng problema niya.

"Lola," usal ni Luna habang natutulog. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at binantayan siyang matulog. Napatayo ako nang maramdaman ko na may papalapit sa kwarto ni Luna. Tumayo lang ako sa gilid. Ang mama niya ang pumasok. Naupo ito sa tabi ni Luna. Masuyo niyang hinawakan ang pisngi ni Luna. Mugto rin ang mga mata nito.

"Anak, magpahinga ka lang ng mabuti, huh, para mamaya o bukas may lakas ka na ulit. Masaya na ang lola mo kung nasaan man siya kaya sana maka-move on ka kaagad sa pagkawala niya. I love you, anak." Masuyo niyang hinalikan sa pisngi si Luna saka lumabas ng kwarto. Naupo ulit ako sa tabi ni Luna. Hinawakan ko na lang ulit ang kamay niya at binantayan siyang matulog.

_____________________________________________________

Thank you! Tama na muna ang iyakan pati ako naaapektuhan na rin. Ha-ha! Ang sad kasi talaga eh ayoko pa naman na may namamatay akong character pero kailangan.

Enjoy reading! VOTE muna kayo bago i-save sa reading list, huh. Salamat!💙💙💙

Chapitre suivant