webnovel

Chapter 24: Don't get him jealous

LUNA'S POV

"Isang mineral water nga ho."

Wala na ako'ng nagawa kundi sundin si Arif. Nandito ako sa tindahan at ibinibili siya ng tubig nga.

"Ten pesos lang, miss."

Inabutan ko siya ng bayad at umalis na. Tiningnan ko si Arif at kausap niya si Je. Nando'n na rin ang mga barkada niya sa may pwesto namin. Napatingin ako do'n sa may poste na pinagkakitaan ko kay Azine. Wala naman siya dito. Baka guni-guni ko lang. Bumalik na ako sa kanila. Napatingin sila sa akin.

"Hi, Luna!" bati ng mga ito sa akin.

"Hi!"

Napatingin ako sa mineral na nakapatong dito sa tabi ni Arif. Meron naman pala siya'ng tubig pinabili pa ako. Kakapagod kaya.

Tiningnan ko si Arif na inilahad ang kamay sa harap ko. Wala'ng gana ko'ng iniabot sa kaniya ang tubig.

"Thanks."

Maluwang na naman siya'ng nakangiti sa akin. Binuksan niya ito at uminom.

"Luna, upo ka dito."

Naupo ako sa tabi ni Je pero katabi ko pa rin si Arif sa right side. Nakangiti rin ng  maluwang si Jedda. Sigurado'ng mamaya niya ako bubugbugin ng pang-aasar.

"Luna." Napatingin ako kay Je na bumubulong lang sa akin.

"Ano?" Pabulong ko ring sabi. Kinikilig ang mukha niya.

"Hindi ininom ni Arif 'yong tubig na bigay no'ng fans niya kanina. Hinintay niya talaga 'yong tubig na binibili mo kahit uhaw na uhaw na siya. Ang sweet, di ba?" Pinisil niya pa ang pisngi ko.

"Tumigil ka nga diyan. Nakakahiya kay Arif mamaya marinig ka pa."

"Wala ba kayo'ng klase?" Napatingin ako kay Arif.

May klase pa nga pala ako. Binalingan ko si Je.

"Ano'ng oras na?" Tiningnan niya ang relos. Bigla siya'ng napatayo.

"12 na, Luna."

"Ano? Balik na tayo maliligo pa ako eh." Napatayo na ako.

Si Arif naman ay napatayo na rin. "Wait, may klase pala kayo? Sabay-sabay na tayo kasi pa-school na rin kami eh."

"Oo nga." sabi nito'ng isang kasama niya.

"Sige."

Bumaba na kami sa bangko at palakad na sana ng may lumapit sa aming anim na lalaki. 'Yong tatlo sa mga ito ay ang mga nakalaro nina Arif kanina.

"Pare, sa'n na kayo pupunta? Aalis na kayo agad? Hindi pa nga tayo nakaka-second game eh. Paano kami makakabawi niyan?" Ito'ng naka-red ng jersey ang nagsalita. Maangas nga siya.

Hinila ako ni Arif sa may gilid niya. Si Je naman ay hinila rin nitong isang barkada ni Arif. I smell war again.

"Pare may next time pa naman eh. May klase pa klase pa kasi 'tong mga kasama namin." Mahinahong sabi ni Arif.

"Sus, pwede namang paunahin na lang 'yang mga girlfriends niyo eh." Ito ulit na naka-red jersey.

"O baka naman natatakot lang ang mga 'to na matalo natin kaya gusto ng rumitreat." Napangisi sila'ng lahat.

"Sino'ng natatakot sa inyo?" sabat nitong humila kay Je.

"Nico, palampasin na lang natin sila. May kasama tayo."

Si Nico pala 'to. Gosh, sana natulog na lang ako.

"Wow! Palampasin daw pare oh?" Nagkatawanan sila. Napansin ko'ng nagsialisan na ang mga nakaupo malapit sa amin.

"Arif, umalis na tayo dito." Mahinang sabi ko sa kaniya. Kinakabahan na kasi ako. Tiningnan lang ako sandali ni Arif at saka binalikan ng tingin ang mga lalaki.

"Pare, nakikiusap ako sa inyo mali-late na 'tong mga kasama namin eh."

"Ano'ng pakialam namin? Huh?" Tinulak pa niya si Arif. Pasugod na sana ang mga barkada niya pero agad niyang pinigilan.

Hinarap ako ni Arif.

"Do'n muna kayo sa tabi ni Jedda. Sandali lang 'to."

"Arif."

"Ha-ha! Kakasa yata, oh!" 'yong naka-red jersey. Lakas niyang mang-asar. Kahit ako yata ang lalaki ay mapapatulan ko 'to.

Mukhang wala naman ako'ng magagawa dahil hindi naman mapakiusapan ang mga maaangas na lalaking 'to. Tumabi na lang muna kami ni Je.

"Mukhang mapapaayaw sina Arif." Kinakabahang sabi ni Je.

Binalikan ko ng tingin si Arif at nakatingin pa rin pala ito sa akin habang maluwang na nakangiti. Mapapaaway na nga nakatawa pa? Napaharap na siya sa mga lalaki'ng kaharap.

"Ang hirap niyo namang pakiusapan, brad." Dinig ko'ng sabi ni Arif sa mga ito.

"Talaga! May angal ka?" ang lalaki'ng naka-red jersey. Napangisi si Arif.

"Siguro hindi niyo matanggap na natalo namin kayo kahit nandaya kayo, ano?" si Arif ulit. Napatiim-bagang ang lalaki at mga kasama nito. Nagtawanan naman ang mga barkada ni Arif.

"Ah gano'n, huh!"

Inumbagan si Arif ng suntok nito'ng lalaki'ng naka-red jersey pero nakailag kaagad siya. Sumugod na rin ito'ng mga alipores niya gano'n din naman ito'ng mga barkada ni Arif. Nagsimula na ang rambol. Nagsilapitan na ang ibang students at pinanuoran lang sila.

"Luna, si Arif." Nasuntok siya no'ng lalaki sa mukha pero nabawian niya rin kaagad.

"Tama na 'yan. Magsitigil na kayo! Huy!" sigaw ko. Hindi sila nakinig.

"Awatin niyo sila." utos ko dito sa mga lalaki'ng nanonood lang. Hindi naman nila pinansin.

Binalingan ko ng tingin si Arif. Bugbog na 'yong kalaban niya. Ito namang mga barkada niya ay nakikipagbuno pa rin.

Napatingin ako sa pumipitong gwardya. Guard siya sa Museum na nasa gilid lang. "Magsitigil kayo!"

Nagsitigil naman na sila'ng lahat ng makalapit ito.

"Bumalik na kayo sa mga klase niyo kung hindi ire-report ko kayo sa school na pinapasukan niyo. Alis na! Alis! Kayo," binalingan ni Kuya Guard 'yong mga nanonood.

"Umalis na rin kayo dito. Ang dami niyo'ng nakatingin wala man lang umaawat."

Nagsialisan na ang mga ito kasama na ang mga kaaway nina Arif. Napahinto naman ito'ng naka-red jersey at tiningnan ng masama si Arif.

"Hindi pa tayo tapos." Banta pa nito saka tuluyang umalis.

"Alis na agad!" Si Kuya Guard. Kami naman ang tiningnan niya.

"Kayo, umalis na rin kayo, huh." Saka ito umalis na.

Lumapit kami kay na Azine.

"Ayos lang kayo?"

"Ayos lang kami." si Nico.

Napatingin ako kay Arif na pumuputok ang bibig at may dugo pa. Ito namang mga kasama niya ay gano'n din.

"Tara na baka ma-late pa kayo." Hinawakan ako ni Arif sa braso at hinila na paalis. Nakasunod lang naman sila.

Nasa tapat na kami ng boarding house namin. Binalingan ko sina Arif at ang barkada niya.

"Sasamahan na namin kayo sa clinic," suhesyon ko.

"Ayos lang kami, Luna. Pasensya na nga pala sa nangyari."

"Ayos lang. Sige, akyat na muna kami kasi mali-late na ako kailangan ko pa'ng maligo." Tinanguan lang ako ni Arif at saka sila umalis na.

"Tara na sa taas, Je." Tinalikuran ko na siya.

"Luna," tawag ni Je kaya napalingon ako sa kaniya.

"Una na muna ako sa school kasi dadaan pa ako'ng library may kailangan lang ako'ng i-research."

"Hindi ka na ba kakain?"

"Busog pa ako."

"Sige. Do'n na lang tayo magkita."

"Oo. Bilisan mo lang maligo."

"Okay."

Umalis na rin siya samantalang ako ay umakyat na sa taas. Hindi na rin ako kakain dahil busog pa rin naman ako. Wala sila'ng apat dito baka di pa nakakauwi. 'Yong iba'ng mga ka-dorm ko lang ang nandito sa salas at kumakain while 'yong iba ay nagla-laptop.

Hindi ko na pinansin at nagtuloy na sa kwarto ko. Kinuha ko sa bag ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Thirty minutes na ligo lang. Binaba ko na lang ang bag at cellphone sa mesa at tumuloy na kaagad sa banyo para maligo. Sa kwarto na lang ako magpapalit tutal wala naman si Paulo.

Mabilis lang ako'ng naligo at pagkatapos ay bumalik na ulit sa kwarto ko. Inayos ko ang towel na nakatabon sa katawan ko at saka lumapit sa cabinet para kumuha ng masusuot. Binaba ko sa kama ang uniform ko at aalisin na sana ang towel nang biglang sumulpot si Azine.

"AHHHHHHHHHH!"

"Ssshh! 'Wag ka nga'ng sumigaw." Napabaling ako sa may pintuan nang may kumatok.

"Luna, ayos ka lang ba diyan?" Boses ni Allan ang narinig ko.

"Oo ayos lang ako."

Napabalik-tingin lang ako kay Azine ng maramdaman ko'ng umalis na si Allan sa may pintuan. Inayos ko ang tuwalya.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Sinabi ko na nga'ng 'wag ka'ng basta-basta susulpot, di ba?" Napangisi si Azine.

Nanggagalaiti na nga ako dito eh tatawa pa.

"Wala naman ako'ng nakikita eh." Naupo siya sa kama.

"Azine, umalis ka na nga dito magpapalit ako eh. Mali-late na ako."

"Eh, di magpalit ka." Bwisit!

"Kainis! Humanda ka sa akin."

Kinuha ko na lang ang mga pamalit ko at lumabas ng kwarto. Kung makikipagtalo pa ako sa kaniya ay baka hindi na ako makapasok.

Minadali ko na ang pagpalit at lumabas na ng banyo. Napahinto ako ng nasa tapat na ako ng kwarto ko. Sana naman nakaalis na si Azine. Tsk!

Binuksan ko na ang pinto at pumasok.

Nagulat ako ng biglang may humila sa akin at isandal ako sa pader. Si Azine? Nakatingin lang siya ng diretso sa akin. Parang ang seryoso niya na?

"Azine!"

Hinila ko ang kamay ko pero hindi binitiwan ni Azine at isinandal lang din sa pader. Ang isa'ng kamay naman niya ay nakahawak sa kabilang braso ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Sobra'ng lakas at kung buhay lang si Azine ay baka naramdaman niya. Nakatingin lang kami sa isa't isa ni Azine. Hindi ko mailayo ang paningin ko. Hindi rin ako makagalaw. Mas lumapit pa sa akin si Azine.

"Sino'ng mas gwapo sa amin ng Arif Zamora na 'yon?" Diretsang tanong niya. Walang bakas ng pagbibiro.

Napatawa ako. "Syempre... si Arif. Akala mo i-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na lang ako'ng halikan ni Azine. Hindi siya tumigil sa paghalik sa akin.

Paano niya ako nahahalikan? Nahahawakan ka nga niya, Luna.

'Yong paraan niya ng paghalik ay parang sa lalaking nagsiselos. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Napatigil na si Azine at tiningnan ulit ako ng diretso. Sobrang lapit pa rin ng mukha at katawan niya sa akin.

"One kiss for one wrong answer, Luna."

"Huh?"

"Sasagutin mo ba si Arif Zamora sakaling manligaw sa 'yo ang lalaki'ng 'yon?" Seryosong tanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot kaya inulit niya ang tanong.

"H-Hindi ko alam."

Napansin ko'ng hindi nagustuhan ni Azine ang sagot ko dahil nakatingin ako sa kaniya. Napangisi pa siya.

Binitawan niya ang kamay ko at hinawakan ang aking batok saka bigla ako'ng hinalikan ulit. Naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa baiwang ko. Masyadong aggressive ang paghalik niya sa akin. Parang may pinagsiselosan siya na hindi ko alam. Parang inangkin ako ng iba kaya galit siya ngayon. 'Yon ang nararamdaman ko sa paraan niya ng paghalik sa akin.

"A-Azine." Pinutol ko na ang halik niya kasi parang wala siya'ng planong pakawalan ako. Habol namin pareho ang hininga.

"Ma-Mali-late na ako."

"May mga itatanong pa ako kaya humanda ka sa 'kin."

Pinakawalan niya na ako. Agad-agad ko namang kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto.

AZINE'S POV

Napatawa na lang ako sa inakto ni Luna. Lumabas na siya ng kwarto kahit hindi pa nakakapagsuklay at nakakapag-ayos ng mukha. Napansin ko 'yong cellphone niya na nakapatong sa mesa. Napailing na lang ako. Nahiga na lang ako sa kama ni Luna.

Napahawak ako sa dibdib ko na wala pa ring tibok. Nalungkot ako bigla ng maisip ko'ng kalukuwa pa rin ako.

Two years lang, Luna. Just wait for me.

Napatingin ako sa cellphone ni Luna na nagri-ring. Napatayo ako at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Unregistered number? Sino naman kaya 'to?"

Parang familiar 'tong number na 'to ah. May bigla ako'ng naalala.

FLASHBACK

Hindi naka-register ang number? Sino naman kaya 'to?"

Naglaho agad ako at sumulpot sa harap ni Luna. Narito siya sa salas nila kasama ang lola at mama niya.

Napatingin siya sa 'kin. "May tumatawag sa phone mo." Tiningnan niya ang mga kaharap.

"Taas lang po ako, 'ma," paalam niya.

Nagmamadali na siyang umakyat sa kwarto. Kinuha niya ang tumutunog na cellphone at sandaling pinagmasdan saka sinagot.

"Hello?" nangunot ang noo niya.

"Hello?" ulit niya.

Hindi yata siya sinagot kaya binabaan niya na ng tawag.

"Sino 'yon? Hindi ka kinausap?" Napailing siya.

"Sino kaya 'yon?" nagtataka rin niyang tanong.

"Napagtripan ka lang siguro."

"Siguro nga."

PRESENT

"Siya na naman ang tumatawag? Tsk! Sino kaya 'to? Ex-boyfriend kaya ni Luna? Mukhang NBSB naman siya eh."

Napatingin ako sa mga poster na nakadikit sa wall.

"Tss! Mas gwapo pa rin ako sa 'yo, okay?"

JEDDA'S POV

Napatayo ako at pinagmasdan si Luna. Kadarating niya lang dito sa classroom at nakatayo siya ngayon sa harap ko. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

Alam niyo gusto ko na talagang tumawa sa hitsura niya ngayon. Ibang-iba siya sa Luna'ng kilala ko. Hindi pa siya nakakapagsuklay. Wala siya'ng lagay na liptint. Napababa ako ng tingin sa paahan niya at nakasuot lang siya ng tsinelas. HA-HA-HA!

"Luna, ikaw ba 'yan?"

"Sino pa ba?" Naupo na siya. Naupo na rin ako at hinarap si Luna. Magkatabi lang naman kasi kami.

"Pinapasok ka ng guard kahit naka-tsinelas ka lang?"

Napatingin din siya sa paa niya at nagulat. Luka-luka! Nasapo niya ang sariling noo.

"Nakakainis naman, bakit hindi ko napansin na nakasuot lang pala ako ng tsinelas?"

"Aba malay ko sa 'yo. Ano ba kasi'ng nangyayari sa 'yo at parang wala ka sa sarili? Hinabol ka na naman ng multo, ano?"

"P-Parang gano'n na nga." Napailing-iling na lang ako.

Hinagilap ko ang bag ko at kinuha ang suklay saka iniabot kay Luna.

"Ayan magsuklay ka muna baka pagpugaran pa ng ibon 'yang buhok mo." Nagkatawanan na lang kami ni Luna.

LUNA'S POV

"Do'n muna tayo sa field." Hinila ko na si Je. Nandito kami sa tapat ng SBM Building.

"Luna, sandali nga."

Hinila ni Je ang kamay niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Nakanguso na siya.

"Luna, hindi pa ba tayo uuwi? Kanina pa tayo palakad-lakad eh baka makompleto na nating tambayan ang lahat ng tambayan dito sa campus. Hindi ka pa ba pagod?" reklamo ni Je. Kanina pa'ng 3 PM natapos ang klase namin at kanina ko pa siya hinihila sa kung saan-saan.

"Nag-i-enjoy pa nga lang ako eh."

"Seryoso? Pwes ako pagod na, Luna. Ayoko na gusto ko ng umuwi."

"Je, last na talaga sa field na lang tayo." Na

"Ayoko na nga maglakad. Sakit na ng paa ko eh."

"Sige na." Nahinto kami sa pagtatalo ng mag-ring ang cellphone ni Jedda.

JEDDA'S POV

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag. Sinilip ni Luna pero inilayo ko agad sa kaniya. Si Liezel.

"Hello, mama?"

{ "Je, si Liezel 'to." }

"Ah okay mama. Sige po uwi na rin ako agad. Love you, mama. See you!"

Binabaan ko na ng tawag si Liezel at hinarap si Luna.

"Kailangan ko ng umalis, Luna. Next time na lang kita sasamahan mamasyal dito sa campus."

"Uuwi ka na?" Nadidismayang tanong niya.

Ano ba kasi'ng nangyayari sa babae'ng 'to at bakit ayaw pa'ng umuwi? Baka may tinatakasan na namang multo.

"Kakatawag lang ni mama nagpapasama sa palengke. Uwi na ako, ba-bye!" Napatakbo na ako pero binalingan ulit siya.

"Uwi ka na din, Luna." Saka ako nag-wave na lang at tuluyan ng umalis.

LUNA'S POV

Nag-wave na lang din ako kay Je. Tuluyan na siyang umalis. Naalala ko 'yong sinabi ni Azine.

FLASHBACK

"May mga itatanong pa ako kaya humanda ka sa 'kin."

PRESENT

Nasapo ko na lang ang ulo ko. Ano ba'ng nangyayari sa multo'ng 'yon? Bakit bigla siya'ng nagtanong ng mga tungkol kay Arif?

Naalala ko na nakita ko nga pala siya kanina sa may Plaza.

"Ibig sabihin nando'n talaga siya kanina?"

"Hi, Luna!" Napatingin ako sa likod ko.

"M-Maxine." Kasama niya ang mga barkada niya.

"Are you alone?"

"Ahh... Oo. Nakabalik ka na pala." Nangunot ang noo niya.

"Di ba nag-out of town ka?"

"Yeah! How did you know?"

"Huh?"

Oo, nga paano ko nalaman? Sinabi sa akin ni Azine eh.

"Uhm... n-narinig ko lang. Alam mo naman sikat ka dito sa campus natin ka-kaya nalaman ko."

"Ha-ha! Gano'n ba? Yeah, kadarating ko nga lang kahapon pero ngayon lang ako pumasok."

"Ahh. Sige." Bakit nailang ako biglang kausapin siya? Dahil kay Azine.

"Luna, kung gusto mo sabay ka na sa amin palabas na rin kasi kami," aya ni Max. Napailing ako agad.

"Hindi na pupuntahan ko pa si... si Sir Andrew. May sasabihin lang ako sa kaniya."

"Okay. See you around, Luna." Nginitian ko lang siya.

"Sige." Umalis na kaagad ako at nagtuloy sa faculty.

MAXINE'S POV

Tinanaw ko na lang ang papalayong si Luna.

"Sino ba siya sa akala niya? Tss!" inis na turan ni Michaela.

"Pero 2 days ko'ng hindi napansin na magkasama sila ni Arif." Napatingin ako kay Maries.

"Exactly, baka nagsawa na agad si Arif." Natatawa pa'ng sabat ni Joyce. Wala namang imik si Reanne.

Nagsimula na kami'ng maglakad. Napangiti na lang ako. Hindi naman kasi ang kagaya ni Luna ang magugustuhan ni Arif. Napailing na lang ako.

LUNA'S POV

Sana hindi pa nakakaalis si Sir Andrew. Muntik ko ng malimutan 'yong usapan naming dalawa.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng faculty nang lumabas do'n si sir Andrew. Binati ko kaagad siya.

"Oh, Luna."

"Sir, paalis ka na po ba?"

"Oo eh. Sabay na tayo palabas."

"Sige po." Nakita ko na may dala siyang laptop.

"Sir, ako na po magdadala nito."

"Siya sige, salamat." Kinuha ko sa kaniya at naglakad na kami palabas.

"Akala ko nakalimutan mo na 'yong napag-usapan natin kasi kanina pa kita hinihintay." Panimula niya.

"Muntik ko na nga po'ng makalimutan. Tungkol po do'n naisip ko po na tanggapin ang offer niyo, sir." Napatingin siya sa akin.

"Talaga? Eh, di mas maganda. Bukas ipapatawag na lang kita para maipakilala kita sa team."

"Sige ho. Sir, hindi naman po kaya ako mahirapan? Baka po kasi maapektuhan ang academic studies ko."

"Kilala naman kita, Luna. Hindi ikaw 'yong tipo ng estudyante na magpapabaya dahil sa isa pa'ng task. I know you can balance your time well."

"Salamat, sir." Na-touch naman ako.

"Siya nga pala alam mo na siguro na si Maxine ang MVP player ng volleyball."

"Nabanggit nga ho sa akin ng mga ka-dorm ko."

"Mabuti ko'ng gano'n. Mababait naman ang mga 'yon kaya hindi ka dapat mag-alala."

Magdilang-anghel po kayo, sir. Nakarating na kami sa may parking lot.

"Paano dito na ako."

"Sige po, sir. Ah, heto po." Iniabot ko sa kaniya ang laptop.

"Salamat. Ipapatawag na lang kita bukas, huh?"

"Sige, sir."

"Sige, salamat sa oras mo, Luna."

"Bye, sir."

"Bye!" Iniwan ko na siya do'n at naglakad na palabas ng gate.

"Bye, Ms. Luna." Napatingin ako sa dalawang gwardya. Nginitian ko sila.

"Bye po sa inyo!" Nag-wave na lang ako at umalis na agad. Mapansin pa'n&mg naka-tsinelas ako.

Simula ng pangyayari'ng 'yon palagi na nila ako'ng binabati sa tuwing papasok ako uuwi ako. Accidentally ko tuloy sila'ng naging close.

Napahinto ako sa tapat ng boarding house namin at tumingala sa second floor.

Bakit mukha ni Azine ang nakikita ko? Tsk!

______________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

OTHER STORY:

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]

Chapitre suivant