webnovel

Musmos - Chapter 20

Wala na si Dexter. Nakaalis na. Isang singsing na katulad ng sa kanya ang suot ko at isang teddy bear na puti ang yakap ko. Biglaan lahat ng mga pangyayari. Hindi man lang siya nagsabi. Malaki ang tiwala ko sa kanya ngunit sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ako ng matinding kabang hindi ko maipaliwanag.

Umiiyak lang si Kevin sa tabing sulok ng kanyang kama sa aking tabi. Lubos sigurong nasaktan sa ipinakita ni Dexter sa akin sa kanyang harapan.

"Kevin... tol... anong nanyari?... san daw pupunta si Dexter?... Anong meron?..." ang balisang tanong ko kanya.

Hindi tumigil si Kevin sa pagtangis at hindi sumagot sa aking katanungan.

Naguguluhan ako. Masaya akong parang lulutang sa hangin at sabay din ang pakiramdam na para akong nalugi. Pilit kong inisip kung ano ang plano di Dexter gawin at bakitt hindi ako kasama. Bukod dito, bakit niya ako hinabilin sa pinsan niya.

Tagilid akong humiga sa kama n Kevin nang nakaharap sa sahig. Nakatitig at malalin na nag-iisip habang yakap ang isang malambot at maputi niyang regalo sa akin.

Hindi ko na napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha sa kutson at sahig habang iniisip ang aking buhay ngayong mag-isa hanggang sa makabalik si Dexter. Kay tagal ko siyang ginustong makapiling noon at ngayon nagbalik ang lahat ng damdaming iyon ngunit sa pagkakataong ito ay may mukha na akong naiisip.

"Paano na ang aming pag-aaral? Paano na ako ngayon? Pano na ako sa school? Pano na ako sa aking mga gusto at kailangang gawin o puntahan? Papano na ngayon ang mga gabi sa aking pagtulog? Itong manika na lang ba na ito ang aking kasama muna sa mahabang panahon? Kelan siya babalik? " ang mga paikot-ikot na katanungan sa aking isipan.

Hindi ko napansin na nakatulog ako sa aking higa kahit nag-iisip.

Madilim na nang ako ay gumising. Naramdaman kong may nakayakap na nakahiga sa aking likuran at dama ko sa aking batok ang malalim niyang paghinga. Kinapa ko ang kanyang kanang kamay na nakapatong sa akin. May singsing din siya sa kanang kamay sa bandang palasingsingan. Inakala kong siya si Dexter. Ibinalot ko na lang maigi ang kanyang mga bisig sa akin upang mapahigpit ang yakap niya sa akin.

"Kuya... huwag mo na gagawin yun ha?... nasaktan ako...wag na wag mo akong bibiruin ng ganon.... di ko kakayaning mawala ka pa sa aking tabi..." ang sinabi kong nakatalikod pa rin sa nakayakap sa akin.

Inabot ko ang kamay sa kanang braso ng nakayakap sa akin upang halikan ngunit nagulat akong kamay ni Kevin ang aking hawak nang akin iyong makita at lubos akong nasaktan nang makitang parehas kami ng suot ni Kevin na singsing.

Nilingon ko siya sa aking likuran at tumambad sa akin ang maamong mukha ni Kevin na nanatiling natutulog pa rin na parang anghel.

Hindi ko na napigilang umiyak ng impit sa katotohanang si Dexter ay wala at hindi ko alam kung saan nagpunta. Gusto kong marinig man lang ang kanyang boses kaya agad kong dinukot ang aking telepono sa aking bulsa at tinawagan si Dexter.

Out of coverage area ang narinig ko sa recording na paulit-ulit sa kabilang linya. Wala akong nakitang text man lang mula kay Dexter. Mababaliw na yata ako.

Agad kong sinunod na tinawagan ang bahay ni Dexter. Walang sumasagot at panay ring lang ang aking naririnig.

"Umalis ba sila ng bansa? Naglipat lang siguro ng bahay.... bakit di niya ako pinadalhan ng text man lang?... bakit hindi ko siya matawagan?" ang sabi ko sa aking sarili habang umiiyak.

"Jemimi... nabasa na po ako ng luha mo... " ang wika ni Kevin na halata sa boses na bagong gising sabay tingin naman ako sa kanyang bisig na inuunanan at nakita ko naman ang kanyang tinutukoy.

"Vin... anong ibig sabihin ni Kuya?.... Bakit siya lumakad ng palihim pa sa akin at hindi ko na makontak?.. " sumimangot lang siya kaya "Sabihin mo sa akin Kevin!!!! Anong meron?!!!!! Huwag niyo na akong pagtaguan pa dahil sawang sawa na ako sa mga sikreto niyo sa akin noon!!!! Noon iniinda ko lang isa-isa pero ngayon hindi ko na kakayanin pa ang mga paglilihim ninyo dahil natatakot na ako!!!!"

Inalog ko si Kevin sa mga balikat ngunit niyakap lang niya ako at sinabing "Jemimi... si kuya Ronkolokoy lang ang nakakaalam... nakiusap lang siya sa akin kahit ako nabigla sa ginawa niya..."

Hindi ako makapaniwalang sa pagkakataong ito ay hindi rin alam ni Kevin kung ano ang mga plano ni Dexter kaya lubos na kaba na ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Humagulgol akong umiyak sa kanang balikan ni Kevin at niyakap na lang niya ako upang makatulong sa sakit na nararamdaman ko.

"Kevin... hindi ko kailangan ng singsing, teddy bear, at pangako.... alam mong kailangan ko siya sa tabi ko iyon lang wala nang iba..." ang nasabi ko sa bawat paghikbi. Hindi na sumagot si Kevin.

Niyakap na lang niya ako ng mahigpit at upang maiba ang aming usapan.

"Sabi ko sa iyo di ba kung wala si kuya Ronkolokoy mo nandito lang si kuya Vinvinpot mo?... Nagugutom na ba Jemimi ko?.." ang malambing na tanong ni Kevin.

Nangiti naman ako sa kanyang ginawa. Alam talaga ni Kevin ang kiliti ko lalo na kapag gutom ako madali akong malungkot.

"Kuya vinvinpot... nagugutom na pala ko... pero hinihintay ako ni mama sa bahay kanina pa... baka nagwoworry na po siya.." ang parang bata ko namang sinagot kay Kevin.

"O sige.. punta muna tayo sa inyo tapos dun na tayo kumain... siguradong nagluto iyong si tita dahil..." hindi na siya nagpatuloy pang sabihin na alam ni mama na kasama kong uuwi ng bahay si Dexter.

"Tarana bunso... punta muna tayo sa inyo.. dahil sad ka... iinom tayo mamaya!!!!" ang masaya namang anyaya ni Kevin.

Natawa na lang ako sa mukha ni Kevin. Napakasigla na ulit niya tulad ng dati pero mas masigla siya ngayon. Marahil dahil sa wala na siyang tinatago sa akin. Malaya na ang kanyang kalooban at ngayon marahil na siya ang kasama ko at hindi si Dexter.

Sumakay na kami sa kanyang motor at bumyahe patungo sa bahay namin. Sa pagkakataong ito hindi siya nagmamadali sa kanyang pagpapatakbo.

"Jemimi... higpitan mo ang kapit mo ha?.. Mas gusto ko iyon kundi bibilisan ko 'to." ang pananakot na biro ni Kevin. Sinunod ko na lang siya sa gusto niya at sumandal sa kanyang likod at pumikit. Dahil magkasing laki lang sila ni Dexter ng katawan habang ako ay nakap hindi ko maiwasang isipin na si Dexter lang ang aking niyayakap. Hindi ko maiwasang lumuha habang pilit na kinukumbinsi ang sarili na si Dexter ang niyayakap ko ngayon. Naramdaman ni Kevin ang luha kong tumutulo na sa kanyang likod.

"Wag ka na umiyak jan ano ba... Jemimi... andito ako... kasama mo na ako..." ang sabi na lang niya sa akin para bang gusto niyang sabihin na kunwari si Dexter siya ngunit sa isang banda si Kevin ako hindi kita iiwan.

Nang makarating kami sa aming tahanan.

"Ma... nandito na po ako... kasama ko po si Kevin.." ang sigaw ko habang papasok kami ng bahay tungo sa sala at naupo sa sofa.

Lumabas si mama sa kanyang kuwarto at binati kami ni Kevin.

"Buti naman Kevin napadalaw ka na ulit dito...teka.. nasaan si Dexter?" ang tanong ni mama sa amin nang mapansing kami lang dalawa ang dumating.

"Ay... tita wala po may nilakad lang kaya ako na po muna sumama kay Jeremy.." ang paliwanag niya kay mama sabay himas sa aking hita.

Nakita ito ni mama at bumakas sa kanyang mukha ang pagdududa.

"Ay ganon ba?... o sige... kumain na muna kayo habang mainit pa ang hapunan.. mauuna na ako siya inyo dahil kailangan ko na matulog may pasok pa ako bukas sa opisina..." ang sabi ni mama at umungo na sa kanyang silid.

"Ano yun?!! Bakit may kasamang ganon sa harap pa ni mama?!!" ang bulong kong tinanong kay Kevin.

"Sorry hindi ko napigilan... alam naman ng mama mo na best friends tayo diba?.."

"Oo.. at alam din niyang boyfriend ko si Dexter tapos hihimasin ko hita ko sa harap niya?"

"Sorry na po Jemimi... " at yumuko na lang siyang nagsisisi.

"Tara na sa hapag... ayoko na ng drama nakakasawa na..." ang naiirita kong imbita kay Kevin na para kumain na ng hapunan.

Nakahanda na ang hapagkainan para sa dalawang tao. Nakatakip ang mga plato namin sa bandehadong kanin at yung isa naman sa mangkok ng ulam. Natuwa si Kevin sa kanyang nakita nang buksan niya ang mangkok ng ulam upang gamitin niya ang plato ang nakatakip dito.

"Woooww!!! Yung Laing ni mama mo!!!!" ang excited na nasabi ni Kevin.

"Oo... wag ka masyado masaya diyan... niluto siguro ni mama dahil alam niyang dadating si Dexter na kasama ko ngayon..." ang naiirita ko pa rin na sinabi sa kanya.

"Wag ka na magalit Jemimi... bago pa natikman ni Dexter 'to alam mo namang pareho na rin nating paborito 'to diba?" ang pangangatwiran ni Kevin na totoo naman dahil sa madalas nga kaming makitulog sa mga bahay ng bawat isa sa puyatang paglalaro lang ng computer games.

"O.. di ba?.... mas madalas kaya kitang kasama noon? kapag tinutulugan mo nga yung nilalaro natin sa computer habang pareho tayong nakasalampak sa sahig sa ibabaw ng pututuy ko pa ikaw nakakatulog ginagawa mong unan balakang ko o kaya sa ibabaw ng puwet ko.." ang tuloy pang kuwento ni Kevin na tinawanan kong bigla dahil naalala ang mga pusisyon naming kakaiba kapag tinutulugan na namin ang aming nilalaro.

"Eh.. ikaw rin naman diba... sa ibabaw ng dibdib mo ko hinihigaan.... minsan nga buong katawan ko na hinihigaan mo na parang kutson lang kapag nakadapa ako... ginagawa mo pa ngang parang kayakap na unan buong mukha ko minsan hindi na ako nakahinga kasi natakpan na ng buong singit mo mukha ko ng hindi ko alam... kala ko rin mabubulag na ako non kasi natusok ako..." hindi ko na naituloy pa dahil noong mga panahon na iyon ay balewala lang sa amin ngayon ngunit ngayon may ibigsabihin na kung sasariwain pa namin ang mga sandaling iyon.

"Sorry naman... sarap kasi ng hininga mong mainit-init.. " sabay ngiting pilyo naman si Kevin sa akin.

"Letche!... Kumain na nga tayo... nawawalan ako ng gana sa pinag-uusapan natin.." ang mataray kong sagot kay Kevin.

"Ito naman... hayan ka nanaman sa kasungitan mo... di ka na talaga nagbago... mamaya lalambingin na lang kita... alam ko naman na pag nagtataray ka naghahanap ka ng lambing diba?" ang sabi ni Kevin na hindi ko na sinagot at nagsimula na lang akong kumain.

Tahimik kaming kumain ni Kevin habang ang isang kamay niya ay minsanang humahaplos sa aking buhok. Nang matapos ay sumulat ako ng note para kay mama at nilagay iyon sa pintuan ng aming palikuran upang magpaalam kay mama na kila Kevin muna ako. Sa pintuan kami lagi nila mama ng palikuran naglalagay ng mga notes hindi sa refrigerator tulad ng mga nakakarami dahil ang palikuran lagi ang unang tinutungo nang buong sambahay kapag gumigising.

Sumakay na kami sa motor ni Kevin matapos ilock ang gate ng bahay .

"Bunso... sana... makikilala mo pa ako bilang higit sa isang mabuting kaibigan...." ang sambit ni Kevin habang inaayos ang motor.

"Ano ba Kevin... puro senti at drama ka naman bigla... magsaya na lang tayo ngayong gabi...." ang sabi ko kay Kevin. Ayaw kong marinig ang mga susunod niyang sasabihin.

Umangkas na ako sa likod ni Kevin nang nakasandal sa kanyang likuran at niyakap siya ng mahigpit. Pilit gustong ipahiwatig na tinatanggap ko ang sandali na siya ay aking kasama at nagtitiwala sa kanyang bilang kaibigan ay tutulungan niya akong iwasan ang pananabik na makapiling si Dexter hanggang siya ay makabalik.

"Bunso... I love you..." ang narinig kong sinabi ni Kevin habang pinatatakbo niya ang makina ng motor.

"I love you too friend!" ang pabiro ko na lang na sinabi sa kanyang walang ibig sabihin.

Tinungo namin ang daan pabalik sa kanilang bahay at nanatili lang akong nakayakap ng mahigpit kay Kevin.

Nang makarating ay nagsetup muna siya ng videoke sa roof deck nila at ako naman ay umalis upang bumili ng beer sa kabliang kalsada na malapit lang kila Kevin.

Nang makuha ko na sa tindero ang isang plastik na malaki na may apat na grande.

"Ano ba yan... hindi aabot sa lalamunan natin yan... napakakaunti lang niyan... bili ka pa ng tatlo pa!!!" ang sabi ni Kevin na nasa likod ko na palang sumunod sa akin.

"O sige... sumunod ka pala ang bilis mo naman mag-ayos ng videoke niyo..."

"Eh.... mabagal ka pa sa pagong maglakad diba? Para ka lagi nagmumunimuni pag naglalakad.." ang pang aasar ni Kevin.

"Ewan ko sa'yo... manong padagdag pa nga ng tatlo... eto po ang bayad..." ang baling kong sabi sa tindero.

"Nakakatuwa ka talaga mainis..." sabay halik niya sa aking batok. Bigla akong napaharap kay Kevin at naiinis na ipinakita ang magkasalubong kong kilay.

"Mga jiho... ano ba yang pinaggagawa niyo ang bababoy niyo... umalis na nga kayo dito at baka maexkandalo pa ang tindahan ko!!!" ang sabi ng nagsusungit na tindero. Hinarap ko siya at tinarayan din.

"Manong.... kung puro straight ang gusto niyong customer maglagay kayo nang sign ha?!... hindi kasi namin alam na bawal mga bakla dito bumili... Kaya lang... alam mo kawawa naman ang tindahan niyo pag nangyari iyon kasi maliit lang ang baranggay na 'to... kasi dumadami na kaming parang kabute tulad nang anak niyong akala niyong lalake nasa elementarya pa lang daig pa ang pokpok nang mga patay sindi kung kumembot at maglalandi diyan sa basketball court sa harap pa ng simbahan!!..." ang nangigigilil kong halos sumigaw na sa inis sa tindero.

Hinila na lang ako ni Kevin habang patuloy akong tumatalak sa natulalang tindero habang si Kevin naman ay tawa na ng tawa.

"Huwag niyo kaming itulad sa anak niyong humahada sa basketball sa gabi!!"

"Isusumbong ko kayo sa ina niyo humanda kayo!!" ang sagot nang tinderong aatakihin na yata sa puso.

"Matandang chismoso!! Unahin mo muna anak mong haliparot!!... Sige! Magsumbog ka sa mga magulang namin ni Kevin at magkita-kita na lang tayo sa kasal naming dalawa balang arawpero bago dumating ang araw na iyon sana nasa ilalim ka na ng hukay!!!.." hindi ko na napigilan pero hindi ko alam kung bakit sinabi kong kasal namin ni Kevin. Siguro marahil gusto kong ipagtanggol din ang aking kaibigan.

Nanatili sa kakatawa si Kevin habang ako ay hinihila niya sa kaliwang braso at ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa kanyang tiyan. Natitigan ko si Kevin habang nananatiling magkasalubong ang aking mga kilay. Napansin kong may ligaya sa mga mata ni Kevin at napansin ko na lang na narinig niya ang lahat ng aking sinabi.

"Kelan mo ba gusto magpakasal sa akin?... pano na si Ron?... diba binigyan ka niya ng singsing at teddy bear na nakahiga ngayon doon sa kama ko?..." ang pabirong sabi niya sa akin.

"Hmph! Asa ka naman... nagkamali lang ako ng pangalan no... si Dexter papakasalan ko at siya mismo nagsabi kay Debbie na balang araw daw....." ang kwento kong nagmamalaki kay Kevin.

"Eh... san naman kayo ikakasal?... Wala naman yon dito sa Pilipinas?... mangarap ka ng gising jan.." sabay halakhak si Kevin na binabasag ang aking munting pangarap.

Hindi na ako sumagot at nauna na kay Kevin sa paglalakad. Ipinabitbit ko sa kanya ang plastic na may mas maraming bote ng beer at sa akin naman yung dagdag na tatlong binili ko bago ko awayin ang tindero.

Nauna akong umakyat sa roof deck at ibinaba sa sahig ang plastic ng bote na aking binili. Naupo ako sa bangko at namili na ng aking kakantahin. Hindi nagtagal ay dumating na si Kevin na inalapag na rin sa sahig ang bitbitin.

"Kukuha lang ako ng pitsel at yelo ha?"

"Eh ang baso papano?" ang mataray kong sinabi kay Kevin na sinuklian na lang niya ng pilyong ngiti.

Bumaba si Kevin at bumalik na dala ang mga sinabi niya. Nagtagay siya agad sa baso at iniabot ito sa akin.

"Ikaw na mauna..." ang sabi niya sa akin sabay halik sa aking pisngi pagkakuha ko ng baso. Hindi ko iyon pinansin.

Nagsimula na kaming magkantahan habang nagiinuman hanggang sa tumama na sa aming katinuan ang aming iniinom.

Tinungo niya ang videoke at pumindot na ng kanta. Narinig ko na lang ang pamilyar na tugtugin ng intro ng Back To Me ng Cueshe.

Nang nagsimula nang umawit si Kevin ay inabot niya ang kamay ko upang tumayo.

"Sayaw tayo... " ang sabi niya sa akin habang nakatitig ang nangungusap niyang mga mata.

Pumayag na lang ako sa kanyang gusto at niyakap niya ako ng mahigpit. Habang umaawit si Kevin ay isinasayaw niya akong parang kapareha sa promenade. Nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. Ang kanyang kaliwang braso ay nakabalot sa aking balakang patungo sa aking likuran habang ako namay ay nakayakap sa kanyan dibdib.

Matamis ang mga naging sandali namin ni Kevin ngunit pinipigilan ko ang aking sarili kahit nararamdaman ko ang pagbabalik ng aking isinantabing pagmamahal sa kanya para kay Dexter.

Nanatili kami ni Kevin sa ganoong gawa hanggang sa matapos ang tugtugin. Nagtititigang ang aming mga nag-uusap na mga mata hanggang sa bigla akong hinalikan ni Kevin ng mariiin at mapusok. Sinubukan kong pigilin siya hanggang sa naitulak ko siya papalayo ng kaunti sa akin at nasampal siya ng malakas sa kanang pisngi.

"Ano ba Kevin.... igalang naman natin ang pagiging magkaibigan natin... magkaibigan lang tayo..." ang naiirita kong sambit sa kanyang ginawa bago uminom ng beer na nakapatong sa mesang maliit.

Pumindot nanaman si Kevin ng awitin at narinig ko na lang ang intro ng Migrane ng Moonstar88.

Nanatiling nakaharap sa akin si Kevin at nakatitig sa akin. Pawang ibig ibato sa akin ang lahat ng linyang kanyang inaawit. Lumuluha.

Napakasakit ng aking dibdib at lubhang naguguluhan nanaman. Sa pagkakataong ito ay hindi awa ang nararamdaman ko sa kanya kundi ang itinabi kong pagmamahal kay Kevin.

Bumigat na ang aking pakiramdam at halos magdidilim na ang aking panigin sa tindi ng pagkalasing.

Hindi natapos ni Kevin ang kanta. Nahulog niya ang kanyang mikropono nang pilit niya akong pigilan sa aking biglang pagwowalk-out sa aming eksena. Naabot niya ako at hindi na makagalaw sa pagitan ng kanyang mga bisig. Malakas si Kevin.

"Saan ka pupunta?... bakit mo ako iiwan?... iiwan mo rin ba ako tulad ng biglang pag-alis ni Ron?... walang paliwanag?... basta na rin lang aalis?.." sabay kahit niya sa aking batok.

Tinamaan ako ng mga sinabi n Kevin at wala nang nagawa kung hindi umiyak na rin.

"Hindi ako lalayo.. tulad ng ginawa ni Ron... sabi ko naman sa iyo... lagi akong nasa tabi mo... naghihintay... nagbabakasakali.. alam kong may nararamdaman ka para sa akin... pero hindi mo iyon maitatago sa akin sa kabila ng lahat ng sa inyo ni Ron... Mas kilala natin ang bawat isa..." malambing na bulong ni Kevin na parang may laman ang bawat salita na sinabi niya.

"Kevin... hindi ko na kaya... gusto ko na muna magpahinga... lasing na lasing na ko sobra..." ang sabi ko na lang sa kanya paliwanag upang di siya makahalata kahit tama lahat ng kanyang sinabi at bilang palusot na lang din upang matigil na ang lahat.

Binuhat ako ni Kevin papunta sa kanyang silid at ihiniga na sa kanyang kama. Intinabi niya sa akin ang puting teddy bear na binigay ni Dexter upang aking yakapin.

Naramdaman ko na lang na ibinababa ni Kevin ang aking shorts hindi kasama ang brief. Hindi ako nanlaban. Itinaas na rin niya ang aking t-shirt upang hubarin.

"Mainit ngayon... mahihirapan kang matulog.. kakapit pa ang amoy ng alak sa damit mo..." ang sabi ni Kevin sabay din namang naghubad ng kanyang mga damit at iniwan lang ang brief na itim.

Tumabi na siya sa akin sa pagkakahiga at ipinatong ang aking ulo at kanang braso sa kanyang dibdib.

Matinding kirot ang aking nararamdaman. Hindi ko napigilang humagulgol.

"Kevin.... bakit siya umalis?... walang communication?... walang paliwanag?.. walang takdang araw ng pagbalik?...." ang paulit-ulit kong tinanong kay Kevin na hindi sumasagot at hinahaplos lang ang buhok sa aking noo.

Chapitre suivant