webnovel

Chapter 6

Pasok na naman. Buti na lang at Friday na ngayon at kahit papaano ay nalalabanan ko ang aking katamaran dahil last day na ng pasok at weekends na. Bagot na bagot si McKenzie pero kahit papaano ay may kakaunting will siya para pumasok. 'Di na siya nagpatumpik-tumpik pa at naghanda na. Nang ayos na siya ay napagpasiyahan niyang 'yong kanyang Bugatti Chiron ang gagamitin niyang sasakyang pamasok sa Henderson University.

Alas-siete pa lang ng umaga ay nasa Henderson University na siya. Tulad ng dati ay sa cafeteria ang diretso niya dahil dito ang meeting place ng kanilang gang.

Pagdating niya sa cafeteria ay naabutan niyang kumpleto na sila sa kanilang famous place. Mangilan-ngilan pa lang ang mga estudyante dahil maaga pa at ang ilang mga food stalls dito ay nagsisimula pa lang magbukas.

"Good morning guys," bati niya sa mga kaibigan nang makarating siya sa table nila at ipinatong ang kanyang pebbled merlot Senreve Maestra leather bag.

"Good morning Kenzie," bati naman sa kanya ni Aubrey at nagbeso sila sa isa't isa.

Yumakap naman sa kanya si Natalie at Eiji habang ang mga boys naman ay kumaway. Nang nakaupo na silang lahat ay tinanong naman sila ni Black kung ano ang gusto nilang kainin at ito na rin ang nagpresintang bibili. Ang cafeteria ang kanilang tambayan bago magsimula ang kanilang mga klase.

"Guys, what do you want? My treat."

"Two boxes of pizza. Any flavor pre, thanks," sagot ni Reign.

"Tacos, fries, burgers and milktea sa aming girls," segunda naman ni Eiji habang nagseselpon.

"Soda and two orders of shawarma sa 'kin boi."

"Padagdag na pala ng isang grande shake at isang large coke pre."

"Okay. Samahan niyo na ako mga pre. Ang dami ng orders niyo eh."

Umalis na ang mga lalaki nilang kasama at nag-order na habang sila naman ay abala sa kanya-kanya nilang phone.

"Hey girls, you know what? Our women's volleyball team has a new captain. Then there's a student here na may secret affair with a P.E. professor."

"Alam ko ng matagal yan Aub. You're so outdated naman. 'Di ka kasi gumagamit ng Hender's Talk kaya 'yong mga nasasagap mong balita ay matatagal na," kontra naman ni Nat kay Aubrey.

"Is that so? I'm not interested with your gossips," singit naman ni McKenzie sa kanila saka ito umirap.

"Pero according sa mga nasagap ko, wala pa siya dito sa university dahil nag-take siya ng leave of absence. Bali-balita nga eh famous din daw 'yon at magaling maglaro."

"The hell I care kung sikat siya. Wala pa ring makakapantay sa 'kin. Anyways Nat, napakatsismosa mo talaga," dagdag pa ni McKenzie at iniba na niya ang kanilang usapan dahil pati si Aubrey ay nahahawa na sa pagiging barbaric ni Natalie na ayaw na ayaw ni McKenzie.

Naputol ang kanilang kuwentuhan nang dumating na ang mga boys at dala-dala ang mga pagkaing kanilang pinabili.

"Hey ladies, here are your orders," sabay abot sa kanila ni Black ng mga pagkain.

"Thanks Black! Kaya pala 'di nangangayayat si Aub sa 'yo eh!" pang-aasar agad ni Natalie.

Nagsimula na silang kumain. Si Aubrey at Black ay nagsusubuan habang si Natalie naman ay nakaupo sa pagitan ni Reign at Tyler at nambuburaot na naman. Ito na ang lumalamon sa isang box ng pizza at nakihati pa ng shawarma.

Habang si McKenzie at Eiji ay abala sa pagseselphone pero inaalukan din siya nito. Mayamaya ay may dumaan sa tapat nila na isang babae na kulot ang buhok at naka-braces. Nakapalda ito na halos lampas-tuhod at naka-sweater pa. May dala itong tray.

Nang lalampas na ang babae sa kanilang puwesto ay biglang ihinarang ni McKenzie ang kanyang paa dahilan para madapa ito at matapon sa babae ang laman ng tray na hawak nito. Dahil sila-sila lang ang nandoon ngayon, malalakas na tawa ang maririnig mula sa kanila.

"I'm sorry miss, hindi ko sinasadya. Hindi kasi kita napansin eh," painosenteng sabi ni McKenzie pero sa loob-loob niya ay natatawa siya sa itsura ng babae.

"Miss, daanan 'yan hindi higaan," pang-aasar naman ni Reign at hinampas naman siya ni Black na nagpipigil din ng tawa. Hindi pa rin tumatayo ang babae at mukha itong tanga sa kanilang harapan.

Aabutan na sana ni Aubrey ng tubig ang babae nang biglang natapon ito sa damit ng babae na ngayon ay dugyot ng tingnan.

"Oh my gosh miss, I didn't mean to do it. I just wanted to help you," kunwaring sabi ni Aubrey pero ngumisi rin ito agad.

Sabay-sabay ulit silang nagtawanan at pinicture-an pa ito ni Natalie. Dahil dito, mabilis na umalis at tumakbo palayo ang babae.

'Di kami matatawag na "The Elite Seven" kung walang ganyang magaganap.

Nang matapos ang ginawa nilang pagpapahiya ay biglang nagsalita si Reign. "Mga pre, may mga klase ba kayo? Kung wala, tara laro tayong billiards!"

"Sige pre tara! Tutal wala naman kaming gagawin ngayon dahil Friday na. 'Di na ako papasok. Ikaw Ty?"

"Tapos ko na rin naman 'yong mga activities namin kaya game ako diyan Black."

"Okay mga pre! Doon na lang tayo sa Warren's Sports Hub."

"Ikaw baby, may klase ka ba? Kayo girls? Meron or wala?"

"I have classes today baby. Take care all of you," sabay halik ni Aubrey kay Black. Nagpaalam na sa kanila ang boys at umalis na.

Napagpasyahan na rin nilang pumunta sa kani-kanilang mga klase. Pagdating ni McKenzie sa room nila ay nandoon na ang kanilang propesor. Sa tingin niya ay kararating lang din nito. Buti na lang pero kahit ma-late ako okay lang, ako naman ang may-ari ng university na 'to.

May activity lang na ipinagawa sa kanila. Madali lang ang activity na ibinigay sa buong klase kaya mabilis itong natapos ni McKenzie at nakapagpasa agad.

"Class, I have an important announcement so listen carefully. Please prepare and be ready for the upcoming events here in our university. That's all I can tell you for today. Please wait for the other announcements. You may go."

Akala ni McKenzie ay napakahalaga no'ng announcement ng kanilang propesor. Letse, nakinig-kinig pa ako. Pero 'di niya maiwasang 'di ma-curious kung anong mga events mayroon ang kanilang university. Tatanungin na lamang niya ang gang dahil ang mga ito na ang matatagal dito at sila ang mas nakakaalam.

Papunta na siya sa kanyang next class nang may bumunggo sa kanyang isang lalaki.

"What the fuck? 'Di mo ba ako nakita? Are you blind?" Halos lumabas na ang ugat niya sa leeg dahil sa inis sa lalaking bumunggo sa kanya.

"S-sorry po Miss McKenzie. 'Di ko po sinasadya," halatang takot na takot na sabi ng lalaking tatanga-tanga. Nakakapang-init talaga ng araw ang mga estudyante rito.

"Get lost asshole!" at mabilis itong kumaripas ng takbo.

Ngayon lang siya nagpalampas ng gano'n. Sa isip-isip ni McKenzie ay dapat magpasalamat pa ang lalaking 'yon dahil nasa mood pa siya sa lagay niya ngayon. Naglakad na siya at nakarating na sa kanyang class. Wala ang kanilang propesor at malamang sa malamang ay wala na naman silang gagawin.

Sobrang boring na naman. Ayoko ring makipagdaldalan sa mga kaklase ko. I don't talk to poor and stupid people.

Ilang oras ang hinintay ni McKenzie at sa wakas ay nagpasalamat na siya dahil lunch break na nila. Nagkita-kita na silang apat na babae at nagkayayaang kumain sa labas. Nasa Sbarro na sila ngayon dahil ang pinakapasaway nilang kaibigan na si Natalie ay nagke-crave sa pizza. Dahil ito ang nag-suggest, ito ang mag-o-order.

"Nat, ikaw na ang mag-order. Ikaw na ang bahala. Libre mo na rin kami. Salamat Nat, ang ganda-ganda mo talaga!" pambobola ni Eiji kay Natalie.

"Aba't! Ang yayaman niyo pero puro kayo libre, ano ako? Financer niyo? Mga walanghiya talaga kayo!"

"C'mon idiot, just go and order na. We're hungry na oh!" pagtataboy naman ni Aubrey.

Napairap na lang si Natalie at nag-order na. As if may magagawa at choice pa ito dahil tatlo na silang nakaupo habang ito lang ang nakatayo. Sa kanilang apat na babae, si Natalie lagi ang pinakakawawa. Palibhasa'y isip-bata pero mahal na mahal nila ito.

Mayamaya ay dumating na si Natalie dala ang mga orders nila. Inilapag na nito ang mga pagkain at umalis ulit para kumuha ng tissue at um-order pa ng dagdag nilang drinks.

Dahil gutom na gutom na silang ay hindi na nila nahintay si Natalie. Sarap na sarap na sila sa kinakain nilang pizza, lasagna at chicken. Biglang dumating at naabutan ito ni Natalie.

"Mga gago talaga kayo! Buti na lang talaga at may naabutan pa ako! Mga PG! Ako na ang nag-order, ako ang nag-serve at higit sa lahat ako na rin ang nagbayad! Tapos ako pa ang mauubu—"

"Oh lamon na Nat, dami pang sinasabi eh." Pinasakan na ni Eiji ng isang chicken ang bunganga ni Natalie para manahimik na ito.

"Hoy Nat, dahan-dahan sa pagsubo, mabilaukan ka. Para ka nang bibitayin sa pagkain mo eh," sita ni McKenzie kay Natalie na walang humpay sa pagsubo.

"Hay nako masanay ka na diyan kay Nat dahil bihasa na 'yan sa pagsubo-subo kaya tingnan mo ganadong-ganado. Praktisado na kasi," dagdag naman ni Eiji na nakangisi.

Binigyan naman ito ni Natalie nang nakakamatay na tingin. Tinawanan na lang siya ni Eiji. 'Di na makaimik ang isa dahil puno na ang bibig nito. Napakababoy talagang kumain parang 'di babae. 'Yong totoo, kaibigan ba talaga namin 'to?

"You're so gross Nat. Just eat slowly you moron!" maarteng sabi naman ni Aubrey habang nakatingin kay Natalie na tila nandidiri.

Natapos na silang kumain at bumalik na sa university. 'Di muna nila kasama ang mga boys dahil 'di nila alam kung nasaan na ang mga 'yon.

Papunta na si McKenzie sa kanyang klase at nang makarating siya ay wala ang kanilang propesor. Tinanong naman niya ang isa niyang kaklase kung bakit wala ang kanilang propesor at ang sabi nito sa kanya ay may faculty meeting ang mga propesor kaya walang klase.

Dahil wala namang klase at mag-isa lang siya, naisipan niyang maglibot-libot muna sa loob ng campus. Makalipas ang kalahating oras ay naisipan niya munang umupo sa isang bench sa may quadrangle. Hindi naman mainit dahil may mga punong nagbibigay lilim.

Tiningnan niya ang kanyang relo. Alas-dos pa lang ng hapon. Napakabagal naman ng oras. Isang boring at nakakainip na hapon na naman. Naglakad na ulit siya.

Sa kanyang paggagala, dinala siya ng kanyang mga paa sa isang building kung saan ito ay nasa pinakagitnang bahagi ng campus. Ito lang ang naiibang building kumpara sa mga ordinaryong building dahil sa glass building structure nito at napakagarang tingnan.

Nang papasok na siya ay biglang may lumitaw na kulay green na laser light beam at parang ini-scan siya. Wala pang ilang segundo ay awtomatikong nagbukas ang tinted glass doors.

Pagpasok niya ay namangha siya sa itsura nito sa loob. May limang bronze bust statues sa gitna at nakalagay sa baba nito ang mga pangalan at sa ilalim ng pangalan ay naka-engraved ang salitang Founder.

At hindi nakaligtas sa paningin ni McKenzie ang huling statue dahil mukha ng kanyang Daddy 'yon. Naka-display sa upper part ng wall ang titulong Office of the Great Founders of O'Sullivan-Henderson University. Ang bawat titik ay naka-silver lettering na nagpapadagdag sa kagandahan ng buong opisina.

Pakiramdam niya ngayon ay para siyang nasa isang mamahaling hotel suite. Office lang ba 'to? Mukhang hindi kasi eh. Ngayon alam ko na kung saan ako tatamabay. This will be my new haven.

Biglang pumasok sa isip niya ang kanyang Daddy. What if tawagan ko kaya si Dad tutal may telepono rito. Nag-dial na siya.

"Hello?"

"Dad. Si McKenzie po ito."

"Oh hija, kumusta ka na? Bakit nandiyan ka sa office? Wala ka bang klase?"

"I'm fine Dad. Wala lang, I just got here by accident. Dito na lang ako Dad ha, please?"

"Sure hija. Basta mag-behave ka diyan. Ang mga bilin ko ha? I love you hija. May meeting pa ako. Talk to you soon."

"I love you too Dad! Bye."

Buti na lang pumayag si Dad. Matutulog na muna ako. Maaga pa naman.

Nagising lamang siya sa tunog ng kanyang phone. Letse ang himbing ng tulog ko tapos may tatawag. Kung 'di ka ba naman uminit ang ulo nito ewan ko na lang.

"Hello! What do you need?!"

"Hi there Kenzie. Chill ka lang 'kay? Where are you ba? Uuwi na us. We're waiting for you here at the parking lot."

Shit! Alas-cinco na pala ng hapon. Napasarap ang tulog ko. Ang lamig naman kasi rito sa office ni Dad dahil naka-aircon. Nag-ayos na ako ng sarili at umalis na sa office. Nakarating na si McKenzie sa parking lot at nakita niyang hinihintay na siya ng kanyang mga kaibigan.

"Saan ka ba galing ha Mc? Kanina ka pa namin hinahanap," bungad agad sa kanya ni Eiji nang makarating siya sa parking lot.

"Diyan lang ako sa tabi-tabi. Natulog lang ako."

Sabay-sabay na silang umuwi. Gamit nila ang sasakyan ni Reign. Inihatid na sila nito sa kani-kanilang mga bahay. Si Reign ang driver ng gang.

Kahit bored ako today ay nag-enjoy ako dahil sa office ni Dad.

Chapitre suivant