NAKITA ni Cash na magkasama sina Ferol at Trinket na pumasok sa bookstore. Agad niya itong sinundan. Ganoon siya sa loob ng ilang araw, pasunod-sunod lang kay Ferol. Simula noong may hindi magandang nangyari sa kanila ay hindi na siya kinausap ng dalaga. Para tuloy siyang stalker sa ginagawa niya. Wala naman siyang lakas ng loob para lapitan ito, nararamdaman niya kasing tila ba hindi pa nito kayang makipag-usap sa kanya. Pero ngayon, hindi na niya matiis. Masyado nang maraming araw ng na nasayang sa kanila. Kailangan magkaayos na sila.
Naabutan niya itong dinadampot ang mga libro sa sahig.
"Teka!" pigil nito kay Trinket na kalalabas lang. "Paano si Race Darwin?" sabi nito.
Napakunot noo siya. "Sinong Race Darwin iyon Ferol?"
Natigilan itong bigla.
"Ferol, ayos ka lang ba?"
Mabilis itong naglakad palabas ng bookstore. Sinundan niya ito hanggang sa maabutan niya ito.
"Ferol.." nangungulilang sambit niya. "Ferol, kausapin mo na ako."
Huminto ito sa paglalakad. Nanatili lang itong nakatalikod sa kanya.
"Ferol.. I missed you." Niyakap niya ito. "Ferol, hindi ko kayang wala ka sa paningin ko, sa tabi ko.. Ferol sobrang mahal na mahal kita."
Narinig niya ang mahinang paghagulhol nito. mahigpit niya itong niyakap. "Ferol, namiss ko ang mga banat mo. Ang adobo mo, ang boses mo habang kumakanta ka, ang mga hirit mo. Namiss ko ang lahat sa'yo, please wag na natin pahirapan ang mga sarili natin."
"Cash." ani nito.
"Ferol, you maybe believe in love at second sight, you loved my downy scent. But I love you more than that."
"Cash." ulit nito at akmang aalisin nito ang pagkakayapos niya.
Lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. "Ferol, hindi mo ba ako namiss?"
"Cash, bitiwan mo ako." Nanghihinang sabi nito.
"No."
"Ano ba barya, hindi ako makahinga sa higpit ng yapos mo sa akin."
"Oh. I'm sorry," niluwangan niya ang pagkakayapos dito pero hindi niya binitawan ang mga kamay nito. "Ferol.."
Hinarap siya nito. ito na mismo ang yumakap sa kanya.
"Hindi kita namiss, kasi missed na missed lang kita." Idinikit nito ang ilong sa kanyang damit. "Isang banlaw ang ginamit mo ano?"
"Ferol, 'yon amoy ko lang yata namissed mo eh."
"Passion dapat ang gamitin mo mas type ko 'yon."
"Ferol.."
"Ano?" nagsumiksik ito sa kanya.
"Tinamad kasi akong magbanlaw ng damit kaya iyan binabad ko na lang sa isang banlaw. Tipid pa sa tubig." Nangingiti siya sa itinatakbo ng usapan nila na tila ba walang nangyaring hindi maganda sa pagitan nila.
"Iyan ba ang epekto ng wala ako sa bahay mo? Hindi mo na nilalabhan ng ayos ang mga damit mo?" kastigo pa nito. "Paano na lang kung hindi tayo nagkausap ganyan ka na lagi? Aba naman lalaki sira-ulo ka."
"Oo. Balik ka na sa bahay ko para kumpleto na ang buhay ko." Tuluyan na siyang natawa dito. "Masisiraan talaga ako ng ulo kapag hindi mo pa ako pinansin."
Napanguso lang ito. "Maniwala sa'yo. nakipaghalikan ka nga sa daan."
"Ikaw nga itong basta na lang akong nilayasan."
"Ikaw kasi eh. Hulicam na nakikipaghalikan, hindi pa ba kita dapat layasan?"
"Hindi makamove on babe?"
"Tse!"
"Nakikipaghalikan ako sa daan lalo na kapag ikaw ang hahalikan." Walang kaabug-abog na sinibasib niya ng makapatid hiningang halik ang mga labi ni Ferol.
Kapwa sila hiningal nang matapos ang walang bukas na kiss na pinagsaluhan nila.
Hinampas siya ni Ferol sa braso. "Langya ka, talagang dito sa daan?"
"Madali akong kausap darling, ituloy natin sa bahay." Nakakalokong sabi niya rito.
"Darling mo mukha mo!"
"Hoy. Kayong dalawa!"
Sabay silang napalingon sa sumigaw. Si Trinket lang pala at nakangisi na naman ang luka-loka.
"Gusto ninyong ma-MTRCB? Bawal iyan sa mga inosenteng bata gaya ko."
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Hala sige humayo na kayo at magpakarami." Taboy nito.
Bago pa siya makahirit pang muli ay agad siyang hinila ni Cash. "Thank you." Kumaway at bumulong pa siya sa kaibigan.
"So, tayo na lang dalawa." ani ni Cash. magkahawak kamay silang naglalakad papunta sa bahay nito.
"Oo nga eh, pero.."
"Walang pero pero." Nang makapasok na sila sa loob ng bahay nito walang sabing hinapit siya nito. "Simula ngayon, wala nang manggugulo sa atin dalawa."
"Paano si Jeane?" kapagkuwan ay natanong niya.
"Kalimutan na lang natin 'yon." inilapit nito ang mukha sa kanya. "Maliwanag?"
"Pero ka-"
Pinutol nito ang kung anong sasabihin pa niya sa pamamagitan ng paghalik sa mga labi niya.
And I miss this..
Tila may sariling kusa ang mga kamay niya at kinabig pa niya ito papalapit sa kanya. Hudyat iyon na lalo pang nilaliman ni Cash ang paghalik sa kanya.
Isinandal siya nito sa nakasarang pinto. Without breaking their kiss nagawa nitong hubarin ang suot niyang blouse. Ikinawit nito ang kanyang hita sa balakang nito. At naramdaman niya ang kahandaan nito.
Mabilis siyang kumawala sa mga halik nito at pinigil ang mga kamay nito na nagbabadyang tanggalin ang natitirang suot niya sa katawan.
Nagtatakang tinitigan siya ng binata. "Babe?"
Humugot siya ng malalim na hininga bago siya magsalita. "Bago mo ako sibasibin ng kung anuman iyan binabalak mo. Magkaliwanagan muna tayo."
Napaungol ito. Saka pinaliguan ng mga mumunting halik ang kanyang leeg. "Hindi ba pwedeng mamaya na lang 'yon?" kasabay nito pinaglalandas ni Cash ang mga daliri sa kanyang hita sa napakasenswal ng paraan.
Hinampas niya ito sa dibdib. "Itigil mo nga muna 'yan hindi ako makapag-concentrate."
Pinagpatuloy lang nito ang paghalik sa kanya. "Ang alin babe?"
Hindi niya maiwasang magpakawala ng mahinang ungol. "Lechugas ka, sabing ano eh.."
Naramadaman niyang napangiti ito sa pagitan ng paghalik sa kanya. "Ano ba kasi 'yon Misis? Ayaw ko ng masyadong maraming satsat."
Bago pa siya tuluyang mawala sa ulirat at baka siya pa mismo ang sumunggab dito ay naglakas loob na siyang humirit pa. "Pakasalan mo muna ako."
Nahinto ito sa ginagawa at hindi makapaniwalang tinitigan siya.
"Ano? Ayaw mo sa akin? Choosy ka pa." pero sa totoo lang alam niyang mapapapayag niya ito. lakas ng loob ko pare.
Lintek ka Cash umayos ka, maghuhuramentado talaga ako.
"Handa ka bang ipaglaba ako?" seryosong tanong nito.
"Anong klaseng tanong naman iyan querido ko?"
"Tanong na kailangan ng sagot mo."
"Oo naman, basta downy passion ang gagamitin ko sa pagbabanlaw hindi isang banlaw."
"Okay, it's settle then. Let's get married tomorrow." Kinabig siya nitong muli. "Pwedeng ito muna.."
Pinangko siya nito at dinala sa silid nito. Nanlaki ang mga mata ni Ferol at mahigpit na napahawak kay Cash.
Ah, this was love.. a love in second sight with the magic effect of downy antibac este passion pala.
THE END