webnovel

Chapter 8

"What's the real score pare?" kulit ni Tristan sa kanya. Nakakailang bote na rin sila ng alak pero ayaw pa rin paawat. Habang nalalasing kumukulit.

Nginisihan niya lang ito. Langya ka Marco, ikaw dapat itong inuurirat ng mga ito eh.

"Ayos, ubos na ang mga maliligayang araw nyo!" kantiyaw ni Rome. "Bagong buhay na ba 'to?"

"Ulol! Si Ferol lang naman ang.."

"Ang..?" tila mga timang na nakaabang ang mga ito sa dapat niyang sasabihin.

"Wala." Napasandal siya sa kinauupuan niya. Napabuntong-hininga na lang siya. "I find her cute and.."

"Ano'ng cute? Ang ganda kaya ni Ferol eh." Singit ni Terrence. "Liligawan ko sana eh. Kaso mukhang mabobokya lang ako."

"Kapatid." Tinapik ni Tristan ang balikat ng binata. "Ang kay Pedro ay kay Pedro. Ang kay Juan ay kay Juan. Si Ferol ay kay Cash."

"Ang lupit mo sa akin Kuya." Kunwaring himutok nito. "Pare, ito lang masasabi ko, wag mo na pakawalan si Ferol. Swerte mo sa kanya pagnagkataon."

"Pustahan tayo, mauuna pa'ng ikakasal itong Cashmot kaysa kay Kuya."

"Papaano kapag hindi?" nanghahamon na wika niya.

"Lagyan natin ng thrill." Sabad ni Rome at nagsikuhan pa ang mga ito. "Magpapakatino ka na at ligawan mo si Andreia."

"Si Andreia?" bulalas nito. "Bakit siya?"

Pagkakataon na niya para ito naman ang buskahin niya. "Bakit Rency? Di na ba umuubra ang charms mo?"

"Ako pa." pagmamalaki nito. "Deal."

"Itagay na iyan mga kabayan."

Hilik ng mga kaibigan niya ang umaalingawngaw sa loob ng bahay. Nakatulog ang mga kumag sa sobrang kalasingan. Tumayo siya at dumiresto sa kusina. Dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa. Bago pa siya nakapag-isip ay tinawagan na niya si Ferol.

"H-hello." Sagot nito sa kabilang linya. "Trinket, kung anuman 'yan trip mo bukas ka na mangulit."

Napangiti siya nang marinig ang tila namamalat na boses nito. "Hi, Ferol." Bati niya dito.

"Cash?" halos na pabulong ng bigkas nito sa pangalan niya.

Pakiramdam niya ay katabi niya lang ito at nakahiga sila sa kama. Marahas siyang umiling mapalis lang ang naiisip niya. "Ako nga, nagising ba kita?"

"Hmm." Na-iimagine niya itong nakapikit at tila nananaginip na kausap siya. "Ayos lang."

"Sige pahinga ka na. Kita na lang tayo bukas."

"Okay." Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "Cash?"

"Oh?" parang ngayon ko na gustong bumalik dyan at..

"Hindi ako makakatulog narinig ko kasi ang boses mo."

Natawa na siya sa sinabi nito. "Bawi ng banat babe?"

"Abno, kinilig ka naman dyan."

"Konti lang naman Ferol." Napasandal siya sa kitchen counter. Saka inilipat sa kabilang tainga ang cellphone. "Mahirap iwasan 'yon irog."

Rinig niya ang halakhak nito. "Malapit na talaga ako maniwala effective ang mga banat ko kaysa sa gayuma ni Fria."

"Bakit? Kung sakaling hindi tumalab ang banat mo. Gagayumahin mob a ang kagwapuhan ko?"

"Excuse me. No need for that. Isang banat ko na lang, mapapa-amin rin kita."

"Kahit isang pagkakataon lang honey, pagbigyan mo na naman ako'ng makahirit sa'yo. Parang ako pa yata ang patay na patay sa iyo eh."

"Honey naman ngayon, bakit hindi nga ba?"

Base sa tono nito alam niyang nakataas ang kilay nito.

"Medyo." Napangisi siya. Kahit sa telepono nakakawili kausap ang mahal ko.

Mahal? Natigilan siyang bigla. Napangiti nalang kalaunan.

"Medyo pa talaga. Sapakin kaya kita?"

"Darling, brutal ka na ah."

"Darling your face. Ang daming pwedeng endearment, kuu! Cashmot. Masasapak talaga kita."

"Ayaw mo ng darling?"

"Ayaw ko, may naaalala ako. Tawagin mo ako sa lahat ng pangalan na gusto mo. Wag lang iyan."

"Baby?"

"Yes sweet?"

"I love you."

"Ano kamo?!" dinig na dinig niya ang tili ni Ferol. Siya naman itong tila hindi makapaniwala na nasabi niya ang mga katagang akala niya hindi na muling mabibigkas pa.

"Ferol.." natatarantang tawag niya dito. "Misis?"

"Mister! I love you too, times two!" sigaw nito. "Oh my gass!! Ikaw ba iyan Cash? sabihin mo'ng ikaw iyan? Kundi .. kundi .. kundi.."

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Babe, relax ka lang." napapakamot ns lang siya sa batok kasabay na rin ng pagpipigil niyang matawa. "Paano ba iyan. Sa akin ka na. Wala ka nang papagandahan ha? kundi ako lang."

"Opo. Takot ko lang sa'yo naninibasib ka ng halik eh."

"Gusto mo naman."

"Malalatanggi ba ako ro'n?"

"Sige na magpahinga ka na. I'll see you tomorrow. Goodnight."

"Madaling araw na baliw ka."

"Babe, Love you. End this call and go to sleep."

"Love you more, okay." Pinutol na nga nito ang tawag.

"Tubig kailangan ko yata ng tubig, nakakanerbyos pala 'yon." Iiling-iling siyang nagbukas ng ref at kinuha ang bottled water. "Cash Phillip Andrada. Para kang sira."

----------------

Wilabmaster: hustisya, wala ako sa wisyo nyan, daming error. Saka na ako mag-eedit mga kawilab

Chapitre suivant