webnovel

Chapter Five

Oo, nga naman Rey ," sabi sa kanya ni Marisse.

Pagagalitan ako ni nanay Lagring baka isumbong pa ako kay nanay nun,"

"Ngayon ka lang male late at saka sabihin mo may affair dito sa school na totoo naman di ba ," pangungumbinsi sa kanya ni Roxy,"

"Hayaan mo Rey tutal ihahatid ka naman namin ako na ang magpapaliwanag kay Manang Lagring ,"

"O sige Nas bahala ka nang magpaliwanag kay nanay Lagring,"

"Oo na tara na punta na tayo ng auditorium baka magsimula na ang program,"

Nasa unahan sila pina reserve na iyon ni Junas ,

"Nas uwi na tayo inaantok na ako,"

Si Junas ang sinabihan niya dahil ito ang katabi niya napagitnaan nila ito ni Marisse narinig iyon ni Marisse.

"Rey umidlip ka na muna diyan sa balikat ni Junas,"

"Okey lang ako Risse,"

"O sige pagkatapos na susunod ng magtanghal ay uuwi na tayo ,"

"Nas inaantok na nga si Rey ,"

" Huwag na kayong maingay si Elijah na daw ang susunod,"

Si Rey ay naidlip na nga at naka sandig sa balikat ni Junas , kinalabit ni Junas si Marisse at itinuro si Rey na nakapikit na tumango na lang ng bahagya si Marisse, biglang umilaw ang spotlight sa stage at lumabas na sa tabing si Elijah hiyawan ang mga tao na karamihan ay mga babae.

"Good evening po sa inyong lahat masaya ba kayo?"

" Oo, sagot ng mga tao ,"

"Bigla itong bumaba sa stage at lumapit sa grupo nina Junas hello hollywood patungkol iyon kay Rey ,

Pero tulog na si Rey, kaya lumapit pa ito ng konti kay Rey,

"Hello hollywood hindi ka ba masaya kaya natutulog ka na?,"

Biglang napamulat si Rey at nabigla ito pagkakita kay Eli, bigla itong tumayo ngunit nahila ni Nas ang kanyang kamay kaya napa upo uli siya ,

"Hintayin mo ako  mamaya May sasabihin ako sayo ,"

" Hindi lang niya ito pinansin, binalingan niya ay si Risse uwi na tayo gusto ko ng mahiga antok na antok na talaga ako,"

"Ferdie dalhin mo na muna si Rey sa kotse ni Junas gusto na daw mahiga, ito kasing si Junas hindi yan tatayo hangat hindi natatapos ang pagtatanghal ni Elijah,"

Kaya tumayo na si Ferdie para ihatid na nga si Rey sa sasakyan,

Laking gulat ng lahat ng bumaba sa stage si Elijah at hinabol sina Rey at Ferdie, napalingon si Ferdie dahil hinawakam nito si Rey sa kamay, na alarmed si Ferdie at susuntumin na sana nito si Elijah ngunit naka ilag ito. Napasigaw na si Rey.

"Anuba, Elijah tumigil ka nga gusto mong suntokin ang kainigan ko? ako kaya ang harapin mo,"

"Di ba sabi ko sayo hintayin mo ako,"

"Sino ka ba para hintayin kita ?

"Rey asawa kita ,"

"Hoy Elijah kung nangangarap ka ng gising puwede ba mamaya na yan nasa pagtatanghal ka,"

"Hindi mo ba natatandaan ikinasal tayo sa California at nagsama tayo ng halos isang Linggo doon,"

"Lutang ka ba Eli  paano tayong ikinasal?" Eli gumagawa ka ba ng eksena dito? huwag mo na akong idamay dahil gusto ko ang matahimik lang na buhay," kaya bumalik ka na sa stage ,"

"Babalik ako kung babalik ka din sa upoan mo at hintayin mo ako,"

"Teka nga may kinuha ito sa bag , ito ba ang  gusto mong sabihin sa akin ito bang ATM mo o hayan kunin mo na para mathimik na tayong pareho, o ano kunin mo na ,  yung pera ni Junas nandiyan pa ibigay mo  na lang sa akin sa susunod na makita mo ako ,"

" Rey ibinigay ko na yan sa iyo pinadadalhan ko pa yan para panggastos mo, hindi ako nagkulang sa obligasyon ko sayo bilang asawa mo," kaya nagtataka ako ngayon sayo kung bakit itinatangi mo ako bilang asawa ,"

"Hoy Eli gising , are you dreaming? Sige na babalik na ako sa upoan bumalik ka na din  sa stage ,"

"O sige honey,"

"Itong tarantadong to makapang trip wagas ako pa ang nakuhang pag tripan, kaloka!!,

Iiling iling si Rey habang umuupo sa dati niyang inupoan kanina,

"Rey totoo bang kasal na kayo?" tanong sa kanya ni Roxy,

"Kung asawa ko siya papayag ba siyang magka hiwalay kami?" Dapat magkasama kami di ba? Nang ti trip lang yan , at saka 16 pa lang ako at hindi pa ako puwedeng mag asawa, papatayin ako ng nanay ko pag ginawa ko yon, ano ba kayo?,".

"Sige na manood  na lang tayo," hintayin na din natin siya mamaya para wala ng gulo," nanood na nga lang sila,"

Nang  matapos na sa pagtatanghal si Eli ay tumabi na ito sa kanila inakbayan pa siya ,

"Pare alisin mo ang kamay mo sa balikat ni Rey," sabi dito ni Junas, buti na lang at inalis naman nito .

"Rey ipakilala mo naman ako sa mga kaibigan mo,"

"Eli this is Junas Marisse boyfriend and this is Marisse Roxy and Ferdie,"

"Kumusta kayo guys , I'm Elijah Ponce husband of Aubrey Crisologo ,"

"Anuba Eli hindi ka ba talaga titigil?"

"Ok na oo na titigil na kaibigan ko nga pala si Rey,"

"Rey here is our little sister ," paalala ni Junas Kay Elijah sana ganun ka din sa kanya,"

"Okey basta sama na ako sa barkada ninyo ha!,"

"No problem okey nga yan at least kaibigan namin ang isang sikat na kagaya mo Eli, naka ngiti ring turan ni Ferdie dito,"

Nang mstapos na ang program ay pumunta na sila ng parking lot.

"Sino ang maghahatid kay Rey?,"

"Si Junas, sabi ni Marisse ,"

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya dadaanan ko naman ang papunta sa kanila,"

"Huwag na Eli kay Junas na lang ako sasabay nakakahiya sayo,"

Ngayon ka pa nahiya samantalang sa California sumasakay ka naman sa kotse ko ah di ba?,"

"Sige na, oo na o pano guys babye na sa inyo , Ferdie deretso na kayo sa bahay kayo din Junas  deretso na rin kayo ng bahay, Roxy mag aral muna may exam tayo bukas ikaw din Marisse"

"Teka sino ba ang baby namin dito?" Lola na yata natin to ah!,"

Napatawa ang lahat kay Marisse ,

"sige na babye na, ani Roxy.

Iyon na ang simula ng barkadahan nila , Araw araw ay bigla na lang sumusulpot si Elijah sa campus nina Rey, isang beses na kumakain sila sa canteen ay biglang dumating si Elijah, at oorder pa din si Ferdie at Roxy papunta na sila ng counter kaya nagpasabay na din ito

"pa order din ako ,"

"ano bang gusto mo?,"

"Kung ano ang order nyo , iyon na rin ang sa akin,""

"Elijah hindi ka na ba pumapasok, eh halos araw araw kang naririto? tanong dito ni Rey.

"Dito lang ako pumapasok Rey sa Law department ako, diyan lang sa kabilang building ,"

Naku lagot na ," sa isip ni Rey, may mang aasar na naman sa akin dito,

Tumabi ito kay Rey,

"Rey sa bakasyon punta tayo sa Australia doon kasi ang shooting namin mga isang buwan lang naman,"

"Ayoko maghahanap kasi ako ng mapapasukan pang extra income ko,"

"Ako na lang ang magpapasahod  sayo kasi Rey mahirap kung magtatrabaho ka lalo pa sa mga food chain na yan masyado kang expose , baka kung mapahamak ka pa,"

"Eh, hindi na lang ako magtatrabaho sa bahay na lang ako ,"

"O di sige hindi na lang din ako sasama magpapa palit na lang ako sa ibang artista , Alam mo Rey marami ang gustong kumuha ng role kong ito kaya madali ko lang na i back out ito kasi marami naman ang willing sa role , Alam mo bang importante ako sa director namin gumagawa sila ng pelikula kung nasa bakasyon lang ako ,"

"Kung sasama ako ano naman ang gagawin ko dun,"

"Sasama ka lang lagi sa akin sa shooting mahirap ba yon?,"

"Hindi kaya lang saan tayo titira dun?"

"May bahay ako doon Rey may kotse din ako doon kaya ready na ang bahay na yon sa pagpunta natin ,"

"Ayaw ko kasing iwan ka dito, kung sakaling nasa peligro ka malayo ang panggagalingan ko para masaklolohan kita,"

"Eli kaya kong pangalagaan ang sarili ko ," pero pag iisipan ko muna magpapaalam pa kasi ako kay nanay baka hindi ako payagan

Naglaro si Rey ng Lawn tennis exhibition sa intrams nila, ang kalaro niya ay varsity din  galling sa ibang school , marami ang nanonood, kaya lang ay wala ang mga kaibigan niya dahil naglalaro din ng basketball sa gym sina Ferdie at Junas  magkalaban ang dalawa    Architecture at Engineering department, anyway exhibition lang naman ang sa kanya, hindi niya namalayan nanonood sa laro si Andrea kaklase nito ang kalaro ni Rey, tapos na ang laro , panalo si Rey nagpalapakan ang mga estudyante ng school nila, walang ano ano ay bigla siyang nilapitan ni Andrea.

Ikaw na babae ka hanggang dito sa school ay sinusundan mo si Eli, ganyan ka na ba kadesperada para lang mapansin ka ay hahabulin mo talaga siya?

Si Rey ay nakikinig lang dito pero pikon na pikon na siya. nahihiya siya dahil maraming estudyante ang nakakita sa kanila.

"Andrea hindi ko siya hinababol kung gusto mo puntahan mo siya at iuwi mo sa inyo at kadenahan mo para hindi na niya ako mapuntahan dito, tama mapuntahan, for your information miss maganda siya po ang habol ng habol sa akin , di ba sabi mo fiancé mo siya eh di magpakasal na kayo, para hindi na niya ako mapuntahan, dito  at para matapos na ang problema mo,"

Pulang pula na ang mata ni Rey gusto na niyang umiyak pero nilalabanan lang niya ang kanyang sarili, maraming tao sa  paligid kaya hiyang hiya si  Rey sa maraming tang naroon kaya umalis na lang siya , sa radio room siya pumunta at magpapa lipas lang siya ng oras doon,

Rey papasok ka ba ngayon? halika na sabay na tayo ,"

Sige na Angel ako na lang muna dito ,"

Sige mamaya hindi na ako dadaan dito ikaw na lang ang magsara nito ha,

"Okey ako nang bahala ,"

Maya maya lang ay bumalik si Angel,

Rey may gusto daw magpa page ito o,

Kinuha ni Rey ang papel na hawak ni Angel,

"Bakit bumalik ka pa ,siya na lang sana ang pinadala mo ng request niya dito ."

"Nakaka hiya naman kaibigan mo kasi ang nagbigay niyan sa akin,"

"Sinong kaibigan?"

Si Junas , sige Rey mauna na ako late na ako.

"Sige na sige na ,"natatawang sabi nito kay Angel,

Babasahin na lang sana niya ang request nabigla siya, siya pala ang pina page ni Junas, siguro nalaman na nito na hindi siya pumasok sa last subject niya ,

Binasa pa din niya ang request iniba lang niya ng konti ang kanyang boses,

Paging Aubrey Crisologo please come to the field your friends are waiting for you,

Iyon lang at nag patay lang siya ng ilaw at nag lock na din siya ng radio room, doon muna siya magpapalipas ng oras, nahiga siya sa sofa na naroon at nakatulog na siya, nagising siya ng madaling araw na, hindi na lang siya lumabas, doon na siya magpapa umaga tutal may damit naman siya doon at may comfort room din ang radio room puwede na siyang maligo doon,

Sina Junas Ferdie at Eli ay mag uumaga na umuwi dahil hinanap nila si Rey alalang alala na ang tatlo kay Rey marami na silang espikulasyon tungkol sa nawawalang si Rey tawagan lang sila ng tawagan pati si Marisse at Roxy ay hindi nakatulog dahil nag hihintay sila ng tawag ng tatlo. Hanggang sa mag umaga na naligo na siya at hinintay lang niya si Angel para mag duty na sa radio room, maya maya lang ay dumating na nga ito.

"Angel dito ako natulog kagabi ,"

"Bakit Rey? Sabagay ay okey lang na matulog tayo dito di ba may mga gamit naman tayo dito pero bakit nga Rey?,"

"Iniiwasan ko na kasi ang mga kaibigan ko, nakakahiyanng makisama sa kanila, lahat sila ay mayayaman nakaka alangan di ba?,"

"Sa palagay mo Gel?"

"Tingin ko naman sa mga kaibigan mo ay mababait naman sila sayo at turing nila sayo ay parang kapatid ka lang nila ,"

"Pag iisipan ko na muna sige papasok na ako."

Teka Rey nag almusal ka na ba? eto may baon akong sandwich hati tayo,"

Huwag na Gel nag tooth brush na kasi ako, sige bye,"

Pagpasok niya ay nakita niya ang dalawa niyang kaibigan ,

"Rey saan ka ba natulog?"nagpa umaga ang tatlong boys sa kahahanap sayo,"

Nasa radio room lang ako gusto ko kasing iwasan si Elijah pinuntahan kasi ako kahapon ng fiancé' niya inaway ako , kung hindi daw ako umeksena sana daw ay nakasal na sila kaya iiwasan ko na ang tarantadong Elijah na yan, binigyan pa ako ng problema , magpakasal na nga sila ng matapos na ang problema ko sa kanila , Marisse huwag nyo ng sabihin kung nasaan ako mamaya na uwian sabihin nyo lang na hindi ako pumasok pero si Junas at Ferdie ay sabihan ninyo na nasa radio room lang ako para hindi na sila mag alala, maaga na kayong umuwi pag alis niyo saka na lang ako uuwi, hayaan mo pag tumigil na si Elijah sa kabubuntot sa akin babalik na ako sa dati sige Roxy salamat sa inyo. Mahal ko kayo ,"

"Mahal ka din namin ,bye Rey,

Sina Marisse ay palanas na pero siya ay tumakbo na papunta ng radio room.

"Gel may pagkain ka pa ba diyan?gutom na kasi ako , hindi ako naka pananghalian kanina nandoon kasi lagi ang mga kaibigan ko sa canteen kaya hindi na ako pumunta doon kanina

"Wala na akong tira dito Rey, teka ano ang gusto mong kainin? ibibili kita sa canteen."

"Pasuyo nga Gel hetong pera isang order lang na kanin at isang order din ng ulam,"

Pababa na si Angel ng masalubong niya si Junas.

Angel nasa radio room ba si Rey?

Hindi naka pag sinungaling si Angel kay Junas president kasi ito ng buong school organization

Nasa loob siya katukin mo na lang naka lock kasi ang room.

"Rey buksan mo si Junas ito,"

"Heto dinalhan kita ng pagkain mo alam kong hindi ka pa kumakain wala ka kasi sa canteen kanina , siguradong gutom ka na ,"

"Salamat Nas alam ko namang mahal nyo ako,"

"Naman,,,sagot nito, Rey ano bang problema?

"Nas, nagsisimula ng tumulo ang kanyang mga luha , yong fiancé ni Elijah pinuntahan ako kahapon pinagsabihan ako na ayaw daw niyang makikitang magkasama kami."natatakot akong hindi matuloy ang kanilang kasal dahil lang sa akin

"Nagpa apekto ka naman ang alam ko sayo Rey ay matapang kang babae di ba? ba't magtatago ka ngayon hindi ito ang kilala kong Aubrey, Ang kilala kong Aubrey ay kayang harapin ang kahit sino basta nasa tama siya saan man sila maka rating,   kausapin natin si Eli para maliwanagan ka, harapin mo ang problema hindi yung magtatago ka, kumain ka na muna at sabay na tayong bumaba ihahatid na kita ako ng bahala magpa liwanag kay Manang Lagring,"

Chapitre suivant