webnovel

Chapter 436

Mabilis na nakarekober ang lahat sa bigla na lamang na pangyayaring naganap. Agad na umalis papalayo ang malapit sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong dahil bigla silang nakaramdam ng napakabigat na awrang nakapalibot sa paligid nito.

Bakas ang hirap sa mukha ng batang si Li Xiaolong matapos na maramdaman niya ang nakakapanindig balahibomg enerhiyang umalpas mula sa loob ng katawan niya na wari niya'y umaagos ito sa bawat parte ng katawan niya finding a way out to be release.

Mabilis na umupo ang batang si Li Xiaolong sa lupang kinaroroonan niya kahit na pakiramdam niya ay niluluto siya ng buhay. Malamang ay napakabagsik ng apoy na galing sa Evil Fire Crow kaya walang sinuman ang sumubok na lapitan ito o di kaya ay gustong taglayin ang mapamuksang nature ng apoy na ito na kung sobrang hina at ignorante mo ay baka kahit abo mo lamang ay walang matira sa iyo.

Li Xiaolong thinks that he is in a deep trouble lalo na at mukhang umaapaw na ang enerhiyang nagmumula sa loob ng dantian niya kung saan nagmumula ang lahat ng enerhiyang ginagamit niya. Isa itong mahalagang parte ng pagiging martial arts Cultivator niya. Pinakainiingatan ito ngunit hindi niya aakalaing ngayong araw pa siya sinusubok ng tadhana upang magpatuloy sa panibagog breakthrough niya.

Nasa Peak Xiantian Realm Expert na siya at kala nga niya ay susunod na linggo pa siya magbe-breakthrough eh. Blessing in disguise kumbaha ang nangyari kanina lalo na at nagbunga ang matinding pag-eensayo niya maging ng pagbubuti pa niya ng kaniyang mga abilidad. Mabilis ring lumayo ang water esk at ang dambuhalang Three Stripe Blood Snake sa tabi ng batang si Li Xiaolong at mabilis itong pumunta pabalik ng lungga ng mga ito. Karaniwan lamang ito lalo na at may natural instincts din ang mga ito.

Kahit na nakatuon ang atensyon ng batang si Li Xiaolong sa pagcucultivate habang naka-lotus position ay masasabing iniinda pa rin nito ang nakakapasong init ng apoy ng Evil Fire Crow.

Mabilis na pumasok ang batang si Li Xiaolong sa loob ng consciousness niya.

Nakita niyang naglalaban ang sariling enerhiya niya at ang apoy ng Evil Fire Crow. Parang tubig at langis ang mga itong hindi magkasundo.

Pero upon seeing closely to it, nakita niya nag kinaroroonan sa gitna ng nagbabagang apoy ang isang kakaibang hulig bilog na bagay habang ang sa kalagitnaan naman ng mga kulay asul na enerhiyang taglay niya ay ang Sword Needle niya.

Maya-maya pa ay humulma ang mga ito na halos identical sa itsura niya na gawa lamang sa enerhiya na siynang nasa gitna ang mga ito ng magkabilaang parte ng consciousness niya.

Labis ang pagtataka ng batang si Li Xiaolong. He never see something like this. His Sword Needle is being immersed in his own energy while the mysterious thing in the center part of the Evil Fire being immersed with.

Ngunit mas nagimbal siya sa kaniyang sariling nakita nang makita niya kung paano kinain ng pabilog na itim na bagay ang mga apoy sa paligid nito. Mistulang naging pagkain pa nito ang apoy na lumalapit rito.

Inobserbahan itong maigi ng batang si Li Xiaolong dahil baka dinadaya lamang siya ng kaniyang sariling isipan ngunit hindi eh, may kung ano'ng pwersang mula sa loob ng kulay itim na pabilog na bagay ang humihigop sa walang katapusang apoy sa kapaligiran nito. Halos kasi kalahati ng consciousness niya ay inookupa ng nag-aapoy na lugar samantalang ang kalahating parte ng consciousness niya ay inuukupa ng sarili niyang enerhiya. Mistulang may kung anong klaseng bagay na humaharang sa gitna nito.

Noon kasi ay halos mag-overlap ang Evil Fire sa enerhiyang taglay niya. Developing a wide place of his consciousness is really important lalo na sa mga martial artists. Nag-uumpisa itong mag-expand kapag nakatapak ka sa Xiantian Realm na siyang unang boundary at lumalawak ito ng lumalawak alinsunod sa iyong pagg-unlad sa iyong pagcucultivate.

Nakita niyang unti-unting nasusugpo ang init na nararamdaman niya habang mabilis ding kinakain ng itim na pabilog na bagay ang apoy na nasa paligid nito. Tila natutuwa pa ito sa paghigop nito ng mga init galing sa apoy. Ganito ang isa sa nakakapagtaka at nakakagulat na pangyayaring nasaksihan niya. This past months ay napapaisip siya sa kung paano niya magagawang masugpo ang mga napakainit na apoy na nasa katawan niya ngunit kumpara sa pabilog na kulay itim na bagay na nakita niya sa kalagitnaan ng apoy ay mukhang nag-eenjoy pa itong higupin ang mapamuksang apoy. Nagmumukha na siyang ignorante sa kakaisip kung paano nangyari ito.

Ang huling natatandaan niya kasi ay galing ang kulay itim na bilog na bagay na ito noong sumubok siyang i-eksamin muli ang kaniyang sariling martial talent grade. Ang nakita niyang nilalang sa kakaibang lugar ngunit di niya matandaan ang anyo nito. Ang tanging inihabilin nito lamang sa kaniya ay ingatan ang nasabing bagay na ito na itinanim niya sa kaniyang sariling consciousness ng wala man lang pasabi. Paladesisyon pala ang nilalang na iyon.

Dahil din sa nilalang na ito ay hindi man lang siya nakapasok sa Shangyang Academy na matatagpuan sa loob ng Wind Fury Kingdom. Talaga nga namang medyo sadista rin ang nilalang na iyon. Pero bakit nga ba siya nito binigyan ng mababang resulta eh alam naman ng pesteng nilalang na iyon na isa talaga siyang martial talent na Asura Grade.

Mukhang may hindi siya alam sa totoong katauhan ng nilalang na iyon. Tanging boses lamang ang narinig niya noon. May dahilan kaya ito kung bakit gusto niyang lisanin ko ang Shangyang Academy? Pero ano iyon?

Sabi nito ay ingatan niya daw ang ibinigay nito at ang sarili ko. Hindi niya maintindihan kung bakit halos pareho ito ng sinabi ng matandang lalaking lumapit sa kaniya noon na si Tatang habang ang isa namang nilalang ay mas lalong di niya nakita.

Mayroon ba talagang malaking lihim at hiwaga ang pagiging Asura Grade Martial Talent? Sumpa ba o biyaya ang hatid nito sa buhay niya? Iyon ang wala siyang kaalam-alam. Kaya ang maaaring gawin niya ay magpalakas pa lalo upang unti-unti niyang maintindihan ang mga bagay-bagay na gustong ipahiwatig ng mga nilalang na minsang nakatagpo niya.

Chapitre suivant