webnovel

Chance

Alex's POV

Katatapos lang namin kumain. Magkatabi kami sa sofa habang nanunuod.

SILENCE.

"Alex. I'm sorry. Sorry sa nagawa ko. Hindi ko kasi pinakinggan yung sinabi mo na hindi mo sinasadya yung nangyari." Biglang basag nya sa katahimikan.

"It's ok Stan. Alam ko naman kasi na yun talaga yung tingin mo sa akin eh. After all I'm a b*tch, right?" Sarkastikong sabi ko.

"Hindi naman ganun talaga yung tingin ko sayo eh. Nadala lang ako ng emosyon ko."

"Stop lying Stan." Bakit ba ako pumayag na maging ok ulit ang lahat? Tsk!

"Please Alex, give me a chance." Hala! Ano daw? Nabingi na ata ako. Sh*t nahahawa na ako kay Manang! Haha.

"I promise to you. Rerespetuhin na kita bilang asawa ko." Napatanga lang ako sa sinabi nya.

"Siguraduhin mo lang Stan! Dahil kapag nakita pa kitang may kalampungan sa tabi-tabi, ipapakita ko sayo ang pagiging maldita ko." Dinuro ko pa sya.

"Thanks Alexandra." Then he hugged me.

Wa-wait... He called me ALEXANDRA right? Pero bakit parang ok lang sa akin? Or nabingi na naman ako? Makapag linis na nga ng tenga mamaya.

Lumipas ang mga araw, naging maayos na ang relasyon namin ni Stan. Hindi naman as in relasyon, kasi hindi naman namin mahal ang isa't-isa, right? Hindi ko na kasi sya nakikitang may kaflirt. Minsan din kasabay namin sya nila Georgia mag Lunch. Tingin ko nag improve ang pakikitungo namin sa isa't-isa.

Papunta na ako sa parking lot para umuwi at kung minamalas ka nga naman.

May isang nilalang na nakasandal sa kotse ko. Teka! Sinandalan ang kotse ko? Ang kapal ng mukha nito ah! Feeling cool pa sya!

Lumapit agad ako.

"Ahmm ... A-Alex." Dumiretso sya ng tayo.

"Who the hell are you?" Iritadong sabi ko.

Ayoko sa lahat yung sinasandalan kotse ko eh, pwede pa sana kung close kami, kaso hindi ko sya kilala eh.

"I-Im Adam." Alanganing sabi nito.

"So what?"

"Can you go out with me?" Dire-diretsong sabi nya.

"Sa tingin mo bakit ako papayag sa alok mo? Eh hindi nga kita kilala! At kung pwede, wag kang humarang dyan sa kotse ko!" Sigaw ko.

"What's happening here?" Biglang dumating si Stan.

"Please Alex. Give me a chance." Pagmamaakawa ni Allan? Aso? Ewan!

"No."

"Please Alex. Kahit isang beses lang." Lumapit pa sya.

"Alin ba sa NO ang hindi mo maintindihan?" Lumuhod sya sa harap ko.

"Alex. Please~"

( PAKK ) Sinampal ko ng matauhan.

"Siguro naman naiintindihan mo na?" Mataray na sabi ko.

"Hey Alexandra." Suway ni Stan.

Kumaripas na ng takbo yung Allan? Ellen? Ah basta!

"Uuwi ka na ba?" Tanong nya.

"Obvious ba?" Mataray kong sagot.

"Ah sige. Mamaya pa ako uuwi, may pag-uusapan pa daw kami ni Tito Antonio." Biglang naagaw nya ang atensyon ko.

"Si Daddy? Bakit?"

"Ewan ko." Nagkibit balikat lang sya.

"Sasama ako."

"Usapang lalaki yun Alex, kasama rin daw si Alfred."

"Sasama pa rin ako." Napapadyak na ako.

"Please naman Alex! Wag matigas ang ulo."

"Aba Stanley! Kapag sinabi kong sasama ako, sasama ako!"

Biglang lumapit sa amin ang hinihingal na Amanda. "Alex! Buti naabutan kita."

"Bakit Amanda?"

"Tumawag sa akin si Mr. Santos, he want you to perform." Nahihirapang sabi nya.

"Amanda. Alam naman na ni Mr. Santos na tumigil na ako diba?" Ugh!

"Ikaw daw kasi yung hinahanap nung mga business partner nya."

Napatingin ako kay Stan.

"No Alex. Napag-usapan nyo na 'to ng Daddy mo diba? Hindi ka na pwedeng kumanta ulit dun." Ano ba yan! Hindi pa nga ako nakakapag salita.

Malaki ang utang na loob ko kay Mr. Santos, dahil sa kanya naging mahusay na singer ako, sya mismo ang nagturo sa akin, friend sya ni Kuya John.

"Shit naman Stanley! Ngayon lang!" Frustrated na sabi ko.

"Oo nga Stan." Singit ni Amanda.

Bakit ayaw na ako pakantahin dun ni Daddy? Ewan ko dun! Daming arte!

"I said no." Determinadong sabi nya.

"Arrghh! Stan. Payagan mo na ako."

"Hindi nga sabi!"

"F*ck! Ok, I'll do everything payagan mo lang ako." No choice.

"Are you sure?" Parang nagliwanag naman ng mukha nya sa sinabi ko. Basta! Gagawin ko lahat! "Yes!"

Kailangang matulungan ko si Mr. Santos.

"Una, hindi ka sasama sa usapan namin nila Tito. Pangalawa, wala ng usapan tungkol sa Divorce, at--"

"What?" Napasigaw si Amanda, kaya napatingin kami sa kanya. "I-Im sorry. Tuloy nyo lang."

"Pangatlo, we'll try to fix our relationship."

"Deal!" Agad na sagot ko.

"Teka Alex, hindi ka manlang ba mag-iisip?" Parang nag aalalang tanong ni Amanda.

"Nakapag-isip na ako Amanda! So ano Stan? Pinapayagan mo na ba ako?" Excited na ako!

"Amanda testigo ka na pumayag si Alex ah?" Baling ni Stan kay Amanda.

"Ahm .. O-Oo." Napipilitang sagot ni Amanda.

"Ok, secret lang natin 'tong tatlo na pinayagan kita ah." Kumindat pa si Stan.

"Thanks Stan."

Hinila ko na si Amanda pasakay sa kotse ko.

"Umuwi ka before 9pm Alex." Narinig ko pang sigaw ni Stan.

"Oo."

-----

Stan's POV

Kakaiba talaga si Alex. Sa totoo lang, hindi pa ako nafafall sa kanya, pero malay natin diba?

I'll be a good husband to her.

"Upo ka na Hijo." Sabi ni tito. "Kamusta naman kayo ni Alex ngayon?"

"We're fine tito. Napag-usapan din namin kanina na aayusin namin ang relasyon namin." Napangiti ako.

"Good to hear that. Please Stan, intindihin mo lang ang anak ko, moody kasi sya masyado. Minsan kung ano ang maisipan nya, ginagawa nya na lang agad." Natawa pa sya.

"Yes tito, nasanay na rin po ako sa ganung ugali ni Alexandra." Alam ko na ang ugali nyang 'yun.

"Mauna na ako sa inyo, may meeting pa ako eh." Pagpapaalam na ni Tito.

"Sige Tito."

"Let's go bayaw." Niyaya na lang ako ni Alfred uminom.

Bar.

"Tungkol nga pala sa pag sapak ko sayo nung nakaraan, sorry. Ayoko kasi makitang nasasaktan ang princess namin." Napapakamot ulong sabi ni Stan.

"It's Ok. Naiintindihan ko naman yun. Ako rin naman ang may kasalanan eh."

"Sana hindi na maulit yun. Nakikiusap ako sayo bayaw, pagpasensyahan mo na lang ang kapatid ko, medyo may sapak kasi yun sa utak. Pero may kabaitan naman yun sa katawan."

"Ang pinagtataka ko lang, bakit may punching bag sya sa kwarto?" Isang malaking pala-isipan talaga sa akin 'yun.

"Ah 'yun ba? Kapag kasi stress sya, dun nya nilalabas. Kesa naman makasakit sya ng tao diba?"

"Naalala ko lang nung sinundo ko sya sa bahay nyo, nakita ko sya nun sa kwarto nya na nakahiga sa sahig, tapos yung kwarto nya grabe sa gulo. May basag na kung ano-ano." Napakunot na naman noo ko.

"Hmmn.. Last time na ginawa nya yun, I think it's 4 or 5 months ago. May pinagdaanan syang matindi nun. Teka, nag-away ba kayo nun?" Tinitigan nya ako ng mariin.

"Medyo nagkaasaran lang naman kami nun. Oops, by that time, I keep on calling her Alexandra. Then she walked out."

"It's a long story bayaw. Just a reminder, don't ever call her Alexandra." Natawa sya ulit.

"But wait, bago ako pumunta dito, tinawag ko syang Alexandra. Pero hindi naman sya nagalit. And this past few days, Alexandra naman tawag ko sa kanya minsan, pero hindi naman sya nagalit."

"Well that's new." Napahawak pa si Alfred sa baba nya na wari'y nag-iisip.

Ano bang meron sa ALEXANDRA na 'yun?

Chapitre suivant