webnovel

DO NOT ENTER

Yna's POV

Hangang doon palang ang natatandaan kong naikwento niya...nakatulog kase agad ako nun dahil narin sa sobrang pagod...

Buti nalang at nakapag set ako ng alarm....5:00 a.m. ko sin-net yung alarm kase balak kong lutuan ng almusal....Babalik na kase siya sa trabaho nya dahil nag leave siya nung nakaraang linggo...Balak ko naring maghanap ng trabaho, nakakahiya na kase masyado,nagmumukha na kase akong walang kwenta't pabigat...pero hinding HINDI!ko sasabihin kay Dwine ....

---------------------------------------

"Buzz..Buzz..Buzz.."

Narinig kong vibration ng alarm clock ...Bumangon agad ako at tiningnan siya sa kabilang kwarto,mabuti't mahimbing paring natutulog ang mokong..

Kaya bumaba agad ako sa kusina upang magawa ang aking plano...

Madaming laman ang ref at di ko alam ang lulutuin..pero di ko nga sure kung marunong ba talaga ako nito?!..hahaahahaha

May manok,baboy,frozen foods,at madami pang iba..

Pork adobo nalang kaya...

_________________________________

Dwine's POV

"Oh!ano kamusta yung lasa?ok lang ba yan!?pasado na ba?" Pangungulit niya sa akin

Kanina pa ako tinatanong at hindi ko naman sinasagot at ipinapakita na hindi maganda ang lasa ng niluto nya..

Nagising nalang kase ako kanina at nakahanda na ang pagkain sa dinning table..at dun din siya nakatulog ulit..

Paniguradong maaga siyang nagising para ipag-luto ako..Ang sweet naman talaga!..

Pero imbis na mag pasalamat lalo ko lang siyang inaasar...ang cute niya kase pag galit at naiirita..

"Ayy" sabi ko sabay ngiwi..para mukhang totoo naman ang acting..

"Ano?hindi ba masarap!?...."bigla siyang tumigil sa pag sasalita..pa suspense pa ehhh.hmp.

"Edi huwag ka kumain!!!"bigla nyang sigaw sa akin..

Ito ako ngayon nakatingin lang sa kanya na halos di malaman ang itsura sa sobrang galit

"Sino ba nag sabi na kumain ka,huh!?Ang masarap naman ang pagkakaluto ko nan ahh..Mas masarap pa nga dun sa luto ng restaurant na kinainan natin dati!"mahaba nyang litanya na gigil na gigil pa

"Masarap naman talaga ahh!"sabi ko sa kanya kaya bigla siyang natahimik

"Eh?"

"Wala naman akong sinasabi na di masarap ahh...Ang sabi ko lang 'ayy' andami mo nang sinabi hahahahaahahhaha...di mo kase ako pinatapos" kulang nalang mabaliw ako sa kakatawa...

"Bwisit ka!"umupo siya sa tapat ko at kumain na din..

wala sa aming dalawa ang nag salita,habang patuloy parin kaming kumakain..

"Thank you"sabi ko sa kanya

Binasag ko na ang nakakabinging katahimikan...kulang nalang kase lagyan ng 'kuliglig' sound effect sa sobrang tahimik

Di niya ako sinagot at tumayo na mukhang tapos sa siyang kumain....umakyat siya at nag punta sa kwarto

Nag simula na din akong mag ayos ng sarili...unang araw pala ng pagbabalik serbisyo ko,matapos ang isang ligong leave...matagal na din akong di nakapag bakasyon ehh,simula kase ng mag trabaho ako di pa ako nakakapag bakasyon..

__________________________

Andito ako ngayon sa tapat ng salamin at inaayos ang polo ko...

Napansin kong bumaba narin si master (master po talaga tawag ko sa kanya simula pa dati),bagong ligo....bigla siyang tumigil sa paglalakad nang tumama ang tingin nya sa akin..

Nakatitig lang siya sa akin na parang nakakita ng mult--wait!gwapo pala...panget kaya ang mga multo😂.peace✌️..

"Alam kong gwapo ako ...kaya please huwag mo akong titigan baka bigla akong malusaw dito" sabi ko nang mapansin kong nakatitig pa rin siya sa akin

"Hmp.Yabang"sabi niya sabay tingin sa ibang dareksiyon

"Galit ka pa rin ba?" Tanong ko sa kanya

"Hindi"tipid niyang sagot

Alam kong galit parin siya dahil sa seryosong mukha na nakaukit sa mukha nya ngayon ...kaya di ko nalang kinulit pa

"Okay sabi mo eh"

.

.

.

"Ingat ka ha...."sabi niya habang nasa tapat kami ng gate ngayon

"Master please huwag na huwag kang lalabas ng bahay huh"paalala ko sakanya..kanina pa ako pa ulit-ulit,baka kase pag lumabas siya may kung anong mang yari sa kanya... masyadong delikado dahil nag sisimula na panaman silang kumilos..

"Opo....para kang sirang plaka ehh paulit-ulit ha--ha"banggit nya at nag pipigil pa ng tawa

Niyakap ko siya mula sa harap....

"Let me go..."sabi niya

"Basta makinig ka nalang..para sa ikabubuti mo yun..."bulong mo sa kanya at kumalas sa pagkakayakap

______________________________

Yna's POV

Kakaalis nya lang....

Bago pa siya makaalis kanina naka 1 million ata siya kakasabi ng 'huwag daw ako lalabas' ng bahay...Tapos biglang mangyayakap....May pahabol pang pagtap sa forehead ko gamit yung dalawang daliri niya...Nababaliw na ata yun eh

Naalala ko tuloy yung unang beses ko siyang nakita nung wala akong maalala..kahit naman ngayon wla pa rin akong naaalala ehh😅...nung ginawa nya din sa aking yun,yung tinap nya din yung forehead ko...Para saan kaya yun?

Umakyat ako sa para na rin makapag prepare kase nga diba...maghahanap ako ng trabaho

May nahagip nanaman ang paningin ko...May gumagalaw,luh may multo!!! Di joke lang hahahaha

Nakita ko naman kase yung kwarto na May nakasulat na 'DO NOT ENTER' sa pinto

Bigla na naman tuloy akong na curious kung ano ang itsura ng loob.. possible kaseng bodega lang,possible din naman secret room

"Ano kaya kung tignan ko kung ano ang nasa loob?"

Titignan lang naman sa tingin ko wala namang masama doon

Out of curiosity....pumasok nga ako....At tumambad sa akin ang sandamakmak na..

..

Chapitre suivant