webnovel

CHAPTER 16

Three hours to go bago sumapit ang hating gabi, ay naroroon na sila sa lugar kung nasaan si Elliot.

Mabuti nalang at ini-on ni Elliot ang location nito bago masira ni Rem Maximilliano para may trace siyang naiwan para ma-track siya ni Beatix. Dahil sa HETHEROMOS si Beatrix ang namamalaha sa buong tracking team ng Org. Hindi lang siya magaling sa pag iispiya kundi magaling rin siya sa pag hahacking dahil kadalasan niya rin hinack ang T.O.P S.E.C.R.E.T. Information ng FBI kung saan siya kumukuha ng mga impormasyo tungkol sa mga taong ipapapatay ng dati niyang amo.

Nasa harapan sila ng isang bahay sa gitna ng gubat malayo sa syudad nakatago sa likod ng naglalakihang puno at naghihintay ng sinyales ni Beatrix kung handa na ito dahil pinapasok niya ang main system ng buong lugar kung saan malaya niyang macocontrol ang buong gusali na nasa ilalim ng bahay na nasa harapan ng mga punong pinagtataguan nila.

Pagkatapos ng isang oras na paghihirap ni Beatrix ay sa wakas ay matagumpay niyang na hack ang buong system ng gusali kaya sisiw nalang sa kanila ang pagpasok.

"Ok na." Sabi ni Beatrix sabay thumps up sa dalawa.

Samantalang si Elliot ay nasa pinakailalim ng kuta ng White Crest kung saan walang pahinga siyang pinapahirapan habang linulublob sa malamig na tubig.

Habang si Rem naman ay nasa control room kung saan pinapanood niya ang bawat galaw ng grupo ni Dhom, ligid sa kaalaman niya ay isa iyon sa virus na linagay ni Beatrix sa system nila. Tumagal ang kalahating oras nang mapansin ni Rem na paulit ulit lang ang footage na nakikita nila sa monitor, hanggang sa lahat ng computer monitor nila sa Control room ay napapalitan ng paulit ulit na video footage nila Wyatt, Beatrix at Dhom na naglalakad sa hallway.

"Reboot the whole system! Someone is playing games in my own territory!" Sigaw ni Rem sa mga tauhan niya. Mabilis na sinunod ng mga ito ang utos ni Rem. Pero habang pinipilit nilang i-reboot ang system ay walang tigil na nag po-pop up ang mga ilang virus na linagay ni Beatrix sa system nila kung saan napilitan silang i-shut down ang buong system ng hideout.

"D*mn those pest!" Sigaw ni Rem habang nagwawala sa control room aalis na sana siya ng control room nang biglang nagkaroon emergency red light sa bawat sulok ng hideout.

EMERGENCY THIS IS NOT A DRILL! RED ALERT!

EMERGENCY THIS IS NOT A DRILL! RED ALERT!

EMERGENCY THIS IS NOT A DRILL! RED ALERT!

EMERGENCY THIS IS NOT A DRILL! RED ALERT!

"I thought you shut down the whole system f*ckers!" Sigaw ni Rem.

"We did boss, but the bugs keep on bugging the system.... hindi na tayo ang may control sa buong system." Paliwanag ng isang hacker.

"Then fix the g*d d*mn system!"

Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng control room habang ginagawa ni Beatrix ang lahat ng makakaya nito para patuloy na guluhin ang system ng White Crest habang nililigtas nila Dhom at Wyatt si Elliot.

Nasa hallway sila Dhom at Wyatt na walang tigil na nakikipag barilan sa mga kalaban mabuti nalang at nakapaghanda na sila bago lumusog sa kuta ng mga puting diyablo.

Nagpatuloy sila Dhom at Wyatt sa paglalakad hanggang sa narating na nila ang torture room kung nasaan si Elliot.

At mula sa kinatatayuan nila ay rinig na rinig nila ang sigaw ni Elliot, hindi na nakapagpigil ang dalawa nang pumasok sila at pinagbabaril ang bawat tao sa loob ng silid na iyon mabilan lang kay Elliot na nasabit ang dalawang kamay sa kadena habang may mga maliliit na pako sa katawan nito.

Agad na nilapitan ng dalawa si Elliot at tinanggal ang kadena sa kamay nito. Punong puno ng dugo ang kinatatayuan ni Elliot habang naliligo ito sa sariling dugo. Agad na binuhat ni Wyatt ang kaibigan na walang malay.

Pagbalik nila sa kinaroroonan ni Beatrix ay agad nilang tinahak ang daan na nahanap ni Beatrix, binibilisan nila ang bawat hakbang at sinisigurado na walang makakakita o makaka hanap sa kanila dahil ilang minuto Lang at tuluyan na nilang matatanggal ang mga bugs na linagay ni Beatrix sa system ng hideout ng White Crest.

Malapit na sila sa daan palabas ng hideout ng kalaban nang may narinig silang naglalakad papalapit sa kanila, agad na pinauna ni Dhom sila Wyatt at Beatrix habang buhat ang walang malay na si Elliot.

"Magaling kahit kailan talaga Dhominic lagi mo kong pinapahanga sa lahat."

Napahinto si Dhom at hinanap ang taong nag mamay-ari ng boses na iyon hanggang sa nahinto nag paningin niya sa lalaking kilalag kilala niya at hindi niya inaasahan na ang nag iisang trydor sa HETHEROMOS ay nasa mismong harapan niya.

MARK GREY

"Hindi na nakakapagtaka na ikaw ang tridor," nakangiting saad ni Dhom kay Mark na simpleng nakatayo sa ilalim ng patay sinde na ilaw.

"Dhominic napapabayaan mo na ang Org. kung sana hindi ka gumawa gulo sa council ay sana ako na ang bagong pinuno ng HETHEROMOS! sigaw ni Mark sabay tutok ng baril sa direksyon ni Dhom at ganun din si Dhom.

"Kahit kailan lagi mo nalang akong pinapangunahan sa lahat ng bagay kung sana sinunod lang ni Elliot ang sinabi kong patayin si Billie ang asawa mo ay sana ako pa at mananatiling ako ang pinuno ng HETHEROMOS!"

Nang marinig ni Dhom ang mga sinabi ni Mark tungkol sa asawa at sa pinsan nito na si Elliot ay hindi na ito nagdalawang isip na barili si Mark, tumama ang bala sa balikat ni Mark samantalang si Dhom ay nadaplisan sa braso.

"Kung sana hindi nakonsensya ang walang kwentang kapatid ni Hellion ay sana....."

"Tumigil ka!" Sigaw ni Dhom at muling pinaputukan ng baril si Mark pero mabilis itong umilag, nagpaulan sila ng bala hanggang sa naubusan na sila. Mabilis nilang tinapon ang baril nila at kapwa sinugod ng suntok ang isa't isa.

Kapwa hindi nagpatalo ang dalawa,baril laban sa baril, suntok laban sa suntok, pangil laban sa pangil at demonyo laban sa diyablo. Pero tulad ng demonyo at dyablo iisa lang sila dahil pareho silang nagmula sa masama na kahit pagbalik baliktarin ang mundo ang demonyo ay kahit kailan man ay hindi mananalo sa diyablo at ganoon rin sa diyablo.

At sa labanan nila Mark at Dhom, walang nanalo pareho silang nakasandal sa pader habang parehong nanlilisik ang mata nilang nakatingin sa isa't isa.

Walang nagtangkang magsalita dahil sa tindi ng pagod, dahil pareho nilang hinahabol ang hininga nila.

Lumipas ang mga ilang minuto ay bumalik na ang system ng buong hideout ng White Crest.

"Umalis ka na habang hindi ka pa nila nahahanap...."

Hindi sumagot si Dhom sa sinabi ni Mark pero sinunod niya ang sinabi nito masakit man ang buong katawan nito dahil sa laban nila ni Mark ay pinilit nitong tumayo para makalabas. Nang makalabas siya sa butas na linikha ni Beatrix ay lumingon si Dhom sa kinaroroonan ni Mark.

"Sa susunod papatayin na kita."

Nakatingin lang si Dhom kay Mark tatalikod na sana si Dhom nang muli na namang magsalita si Mark dahilan para mapahinto ito sa kinatatayuan niya.

"Pero uunahin ko ang asawa mo!"

Nagpatuloy si Dhom sa paglalakad kahit na iika ika ito dahil malakas na sipa ni Mark, mabuti nalang at hindi siya nagkaroon ng bali sa buto.

Pagdating niya sa lugar kung saan naghihintay ang mga kasamahan niya ay muli siyang lumingon sa pinanggalingan niya at pinindot ang isang maliit na remote control.

Lumipas ang isang minuto ay siyang sunod sunod na pagsabog ng buong hideout ng White Crest, habang nasa loob sila ay isa isa nilang tinataniman ng bomba ang bawat sulok na nadadaanan nila.

"Pasensyahan nalang tayo Mark dahil inunahan na kita." Mahinang saad ni Dhom bago pumasok ng sasakyan.

Mabilis na pinaharurot ni Wyatt ang sasakyan hanggang sa tuluyan na silang nakalayo sa lugar na iyon. Habang nasa daan sila ay napalingon si Beatrix kila Dhom at Elliot na malubha na ang kalagayan lalong lalo na si Elliot na walang malay at punong puno ng sugat ang katawan nito.

Pagdating nila sa OSPITAL ay agad nilang dinala si Elliot sa emergency room at maging si Dhom na maraming pasa sa katawan.

Samantalang sila Wyatt at Beatrix ay naghihintay sa waiting area kung saan pareho silag nakatunganga sa kawalan.

Lumipas ang isang oras ay tuluyan nang nakalabas si Dhom sa Emergency room pero sa pagkakataong ito ay naka upo siya sa wheelchair habang nakabenda ang kanang paa nito.

"Dhom....nakakainggit ka naman may pa wheelchair ka pa. Mukha ka pang mummy sa itsura mo...ano kayang sasabihin ni Billie na yung asawa niya nalumpo at nagmukhang mummy na." Natatawang saad ni Wyatt sabay tawang tawa sa kalagayan ni Dhom. Nagsalubong agad ang kilay ni Dhom dahil sa pang aasar ni Wyatt sa kanya.

"I agree ano kayang sasabihin ni Billie lalo't hindi ka nagpaalam siguradong nag aalala na yun sayo.... siguro naman alam mo na bawal mastress ang mga buntis." Sabi ni Beatrix.

"Okay I'll call her later pag sinugurado nang okay na rin nag kalagayan ni Elliot."

"Paano yan...sinabi ko na sa kanya kanina lang." Nakangiting sabi ni Wyatt habang kinakamot ang ulo niya.

"Alam mo kung magaling lang tong paa ko kanina pa kita sinipa palabas ng Ospital." sabi naman ni Dhom. "Anong sinabi niya."

"Yieee...kunyari ayaw mo gusto mo rin pala.... papunta na yun dito. Grabe nga ang pag-aalala niya sayo nung nalaman niyang na Ospital ka eh...inggit ako." Natatawang saad ni Wyatt kay Dhom. Agad namang namula si Dhom dahil sa sinabi Wyatt nang marinig niya na nag-aalala sa kanya ang asawa niya ay hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti.

"Kadiri ka naman Dhom mag-isa kang ngumingiti diyan...kilig ka no....pero pasensya na that's a lie!" Boooooh!!!!

"Umalis ka sa harapan ko Wyatt kundi babarilin kita!" Galit na galit na sigaw ni Dhom kay Wyatt tatayo pa sana ito ng pigilan siya ng mga nurse.

"Waaaahhhhh!!!! Natakot naman ako sobra...waaahhhh!" Pagkukunwari ni Wyatt.

"Get out!"

"Teka nagbibiro lang naman ako...papunta na talaga si Billie wag kang mag alala... gusto ko lang naman makita ang reaksyon mo kung sakaling sabihin kong hindi siya pupunta....grabe ang saya makipag away sa lupong katulad mo."

Maging ang mga nurse at si Beatrix ay natatawa sa mga biro ni Wyatt napahiya naman si Dhom sa sinabi ni Wyatt kaya inutos niya sa isang nurse na dalhin siya sa room niya.

Sinunod naman agad ito ng nurse.

Hindi pa sila nakarating sa magiging silid ni Dhom sa Ospital nang magkagulo ang mga ilang doktor at nurses.

Hanggang sa narinig ni Dhom sa isang Doktor na gising na ang pasyente sa room 86, ang silid kung saan naroroon si Hellion.

Kung saan gising ka na Hellion tsaka naman ganito ang kalagayan ni Elliot.

Chapitre suivant