webnovel

Devil 48: Unknown History

Someone's Pov

"HOW DARE YOU TO HURT MY FRIENDS...!" Nanlilisik ang mga matang wika ni Project Lyna.

"HOW DARE YOU TO HURT THE MAN I LOVE.."

"KNEEL!"

"Arrggghhh!"

"Lower!"

"Arrggghhh!!"

"Now Get Up!"

"I know you can hear me Seige. Don't ever dare to make me mad because once you put my friends in danger again. I'M THE ONE WHO WILL CHASE YOU." Ani Project Lyna at kasabay niyon ang pagdilim ng monitor na syang pinapanood ng halos lahat ng crew sa loob ng underground laboratory or The Hive.

Ilang sandaling natahimik ang paligid at halos hindi humihinga ang lahat.

"Woaahh..!" Bulalas ni Seige kasabay ng pagpapakawala ng malalim na hininga.

Wari namang noon lang din naalala ng lahat na huminga matapos ang nakakasindak at intense na labanan nina Project Ally at Project Lyna.

Maraming tanong sa isip ng lahat. Kung papanong nagawang talunin ni Project Lyna si Project Ally nang ganun kabilis at papano nitong nakontrol ang sarili nang hindi nagiging wargon at ang higit sa lahat ay papano nito nagawang utusan na parang D'yos ang clone nito gayung iisa lang naman ang data ng dalawa.

"I can't believe it! And she knows me!!" Parang hysterical na bulalas ni Seige. Manghang mangha siya sa naging improvement ni Project Lyna.

Hindi siya makapaniwala sa mga nakita lalo na nang marinig niya ang sinabi nito sa kanya.

"She grew up!" Di rin makapaniwalang bulalas ni Dr. Krox habang nanatiling nakatingin sa monitor na ngayon ay madilim na.

"B-but how? I mean...how can she do that?" Ani Seige.

"She's a wargon. What do you expect with her?" Sagot ni Dr. Krox.

"No. I mean, how can she order Project Ally to kneel at her?" Di parin makapaniwalang bulalas niya.

Natigilan si Dr. Krox.

"Well, it's been 20 years since she runaway. Maybe she developed it with herself. There's a vampire within her afterall. She learned how to hypnotized and command the opponent. How incredible!" Di makapaniwalang saad niya.

Napainom ng tubig si Seige at halos hindi parin makapaniwala sa mga nakita.

Sa loob ng twenty years na paghahanap ay ngayon lamang ulit niya nasilayan si Project Lyna. Subalit gaya ng dati ay hindi parin nagbabago ang hitsura nito at marami na ang nag improve dito.

Sa mga nakita niya mula kay Project Ally ay nagkaroon na ito ng mga kaibigan na hindi niya akalaing mararanasan nito.

Waring ibang iba na ito na Project Lyna na nakilala niya.

Alam niyang dati itong tao subalit sa dami ng ginawa at inabsorb ng katawan nito ay di niya aakalaing magiging tao itong muli at ang hindi niya maintindihan sa lahat ay ang sinabi nito kanina.

"HOW DARE YOU TO HURT THE MAN I LOVE.."

How?? How can she love someone with that state of her mind and body? She's a mutant. She's a wargon!

How can she improve her human mind?

She supposed to be dead.

Nalilito at naguguluhan siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari ngayon kay Project Lyna.

Kaya naman isa lang ang tanging paraan upang malaman iyon.

He needs to examine her again.

But how can he do that now?

Kinuha niya ang remote at muling ni-play back ang mga nangyari.

"What are you doing Seige?" Takang tanong ni Dr. Krox.

"I need to get her. I need to examine her again." Aniya habang binabackward ang mga nangyari.

"How? How can you get her now? My sledili za ney vse dvadtsat' let, no my poterpeli neudachu. I teper', kogda my yeye uvideli. Ona ochen' daleko ot vargona, kotorogo my znali!" (We've been tracking her for the whole twenty years but we failed. And now that we saw her. She's very far from the wargon that we used to know!) Turan nito.

"I know! But she's still our Project Lyna. We've spent our lives to create her. I'm not gonna just stand here and do nothing specially now that we found her." Asik niya.

Hindi nakasagot si Dr. Krox dahil may point naman si Seige.

"What are you trying to do now? Our shadow hunters are no match with her."

Napabuntong hininga si Seige.

Maging si Project Ally na syang pinakasuccessful sa lahat ng clone ni Project Lyna ay agad ding nasira. He spent his life creating it but in just a second. It was gone.

"I'm going to release all Project Lyna's clone. We might find something important data on how to tame her." Aniya habang pinag aaralan ang video ng nangyaring labanan.

"How? Project Ally was defeated just like that ! How are we going to tame her? Do you think she'll listened to us? She even threatened you for doing-! Wait..!" Saglit na natigilan si Dr. Krox at inagaw ang remote kay Seige saka hinanap ang mahalagang impormasyon na naisip niya.

Huminto ang remote sa kung saan naroon ang mga taong hindi nila kilala subalit pinagtanggol ni Project Lyna.

"They are the answer." Ani Dr. Krox.

Napangisi si Seige.

"I know. That's what I'm trying to find." Aniya habang nakatingin sa mga taong nasa eksena.

"We may tame her by using them. Specially that man." Aniya.

Napatitig sila pareho sa lalaking pinatay ni Project Ally.

"He looks familiar." Halos sabay na tanong nilang pareho.

"Wait...it couldn't be..?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Dr. Krox.

"How in the world..? He's alive??!" Hindi rin makapaniwalang bulalas ni Seige.

--

Zero's Pov

Nagising ako sa madilim na silid.

Nasaan ako? Bakit ang dilim?

Hindi ko alam pero parang nangyari na sakin ito dati.

Tumingin ako sa paligid subalit purong kadiliman lamang ang nakita ko.

What's happening? Why I can't see anything?

"Hello!" Tawag ko dahil baka sakaling may tao akong kasama sa madilim na paligid.

Subalit wala akong nakuhang sagot.

Nanghihina ang pakiramdam ko subalit pinilit kong bumangon.

Naglakad ako sa kadiliman. Ngunit hindi ko alam kung hanggang kelan ako maglalakad sa kadilimang tinatahak ko.

Hanggang sa wakas ay may natanaw akong munting liwanag.

Tumakbo ako papunta rito. Napangiti ako dahil habang papalapit ako ay lalo itong nagliliwanag.

At nang marating ko ito ay bahagya pa akong nagulat nang makita ang malaking kwarto na purong antique ang nakalagay. Maging ang kama at mga display nito ay antique rin.

Hindi ko lang alam kung anong bansa ba ang gumagamit ng ganitong mga kagamitan.

Iginala ko ang aking paningin at natigilan pa ako nang makita ang isang magandang babae na nakasuot ng magarang kasuutan. Subalit waring makalumang estilo ang suot nito. Ngunit hindi iyon nakabawas sa kagandahan nito.

"Umm..miss?" Tawag ko sa kanya subalit hindi niya ako sinagot.

Kaya naman bahagya akong lumapit.

"Miss..? Pwede bang magtanong?" Ngunit parang hindi niya ako narinig. Kaya naman mas lumapit pa ako sa kanya ngunit natigilan ako nang marinig ang paghikbi niya.

Ehh?? Umiiyak siya?

Akmang hahawakan ko na sana siya nang magulat ako sa pagbukas ng pinto.

"Vashe vysochestvo!" (Kamahalan!) Tawag ng isang lalaki. Gulat na napalingon ako rito. Bakas ang pag aalala sa mukha nito at mabilis na lumapit samin.

Iba ang lenggwaheng gamit nya ngunit kataka takang naintindihan ko ang ibig nitong sabihin.

Kamahalan?

"Dzhek!" Bulalas ng babae na hilam sa luha at sinalubong nito ang lalaki.

Ehh?? Jack?? Tama ba ang pagkakaintindi ko?

Pakiramdam ko ay para akong si Doraemon na kumain ng mahiwagang lenggwahe dahil agad na nagtatranslate sa utak ko ang mga salitang binibitiwan nila.

Nagulat pa ako nang makitang malapit na nila akong mabunggo pareho dahil nasa gitna nila ako kaya naman akmang lalayo sana ako ngunit nagulat ako nang bigla silang lumagos sa katawan ko.

What the fuck!! Gulat na bulalas ko sa isip.

Agad akong napalayo sa dalawa saka bahagyang kinapa kapa ang sarili ko. Nahahawakan ko naman ang sarili ko. Ngunit nang i-try kong ihawak sa isang gamit ang kamay ko ay biglang lumusot lamang ito na parang usok.

Wait...am I dead?

"Waahhh!! I'm dead??!" Hysterical na sigaw ko ngunit waring wala pa ring narinig ang dalawang tao sa harap ko.

Nagtaka pa ako nang makitang pareho silang umiiyak habang magkayakap at maya maya pa ay naglapat ang kanilang mga labi.

Ehh?! What the...what are they doing?

Agad na nag init ang mukha ko dahil parang may bigla akong naalala sa eksenang ito.

Naguguluhan ako sa nangyayari sakin. Bakit ako nasa kwarto ng dalawang taong hindi ko kilala na nakasuot ng makalumang kasuutan ng hindi ko kilalang bansa! And most importantly, why am I invisible like a dead person here?

"Mahal na mahal kita, Nezieah!" Anang lalaki at muling hinalikan ang babae. He's using a different language subalit alam kong iyon ang sinabi niya.

Tumigil ako sa paghehysteria at pinanood ang dalawa. Iginala ko muli ang paningin ko. Wala akong makitang bintana.

"Umalis na tayo, Dzhek. Umalis na tayo rito. Magpakalayo layo na tayo." Anang babae sa lalaki.

Napapikit ng mariin ang lalaking tinawag na Dzhek.

"Subalit, papatayin tayo ng emperor kapag ginawa natin iyon, mahal ko." Aniya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"Ngunit ayaw ko sa kanya. Ikaw ang mahal ko Dzhek." Hilam din sa luhang sagot ni Nezieah.

"Alam ko mahal ko at mahal din kita. Subalit asawa ka na ngayon ng Emperor. Manganganib ang buhay ng mga angkan natin kapag nalaman niya ang tungkol sa ating dalawa. At ayokong mapahamak ka." Ani Dzhek.

"Hindi ba pwedeng sarili naman natin ang intindihin at sundin natin? Nagmamahalan tayong dalawa. Mahal na natin ang isa't isa simula pa noon bago ako nakilala ng Emperor." Katwiran ng babae.

"Sinubukan ko na syang kausapin noon hindi ba? Bilang matapat nyang tagasunod, tungkulin kong ipagtanggol ang Emperor at mananatili akong tagasunod niya habang buhay dahil iyon ang sinumpaan kong tungkulin."

Napaluha muli si Nezieah.

Am I...watching a telenovela here? Teka, ano 'to? Reality show?

Bahagya akong nagpalinga linga dahil baka may mga nakatagong camera sa paligid at may gusto lang magprank sakin.

Naalala ko ang mga kaibigan ko.

Malamang na sila ang may pakana nito. Ang mga ungas na yun. Humanda talaga sila kapag nakalabas ako dito!

Subalit nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto at iluwa roon ang isang lalaking nanlilisik ang mga mata kasunod nito ang ilan pang kalalakihan na animo'y mga kawal ng palasyo sa greek movies. Armado at may mga suot na armour ang mga ito.

"Mahal na Emperor!" Gulat na bulalas ni Dzhek at napayakap ng mahigpit sa babae.

"Mga Taksil!!" Galit na sigaw ng lalaking tinawag na Emperor.

Lumapit ito sa dalawa at walang sabing sinuntok si Dzhek.

"Dzhek!" Sigaw ni Nezieah at dinaluhan ang kasintahan.

"Parang awa mo na mahal na Emperor, si Dzhek ang mahal ko. Hayaan mo na kaming magsamang dalawa!" Umiiyak habang nakaluhod na pakiusap ni Nezieah.

"Hah! Sa tingin mo ba ganun lamang kadali ang nais mong mangyari? Asawa na kita at ikaw na ang kinikilalang Empress ng buong Russia! At baka nakakalimutan mo na isa kang Oboroten!" Singhal dito ng Emperor.

Nagulat ako sa narinig lalo na sa huling sinabi nito.

Oboroten? W-werewolf??!

"Hindi ko mapapalampas ang ginawa nyong pagtataksil lalo ka na Dzhek! Itinuring kitang parang tunay kong anak subalit ito pa pala ang igaganti mo sakin?! Wala kang utang na loob! Dahil sa ginawa mo hindi lang ako ang trinaydor mo maging ang buong angkan ng mga Vampir!"

Muling nanlaki ng mga mata ko sa narinig.

Vampir??

Vampire?! What in the world are these people??

"Subalit nagmamahalan kaming dalawa. Wala kaming pakialam kung magkaaway ang mga lahing aming pinagmulan. Ang mahalaga ay mahal namin ang isa't isa." Matapang na sagot ni Nezieah.

"Nezieah.." Anas ni Dzhek na hindi makapaniwala sa ginawang pagtatanggol ng babaeng minamahal sa pag-iibigan nila.

Napatiim bagang ang emperor at walang sabing hinablot ang buhok ni Nezieah.

"Nezieah!" Sigaw ni Dzhek at akmang sasaklolohan ang kasintahan nang pigilan siya ng mga kawal.

"Ugh!" Napaigik naman sa sakit si Nezieah sa ginawa ng malupit na emperor.

"Sa tingin mo ba ay hindi kita magagawang saktan dahil ikaw ang napili kong maging asawa? Pwes, nagkakamali ka dahil dito mismo ay kaya kitang patayin! Hindi ko kailangan ng suwail at taksil na asawang gaya mo!" Nanlilisik ang mga matang wika ng Emperor at halos walang nakahinga nang bigla niyang itusok ang matutulis na kamay sa dibdib ng babae at kunin ang tumitibok pa nitong puso.

"Nezieaaahhh!!!!" Impit na sigaw ni Dzhek habang nanlalaki naman sa takot ang aking mga mata. At hindi ko pa napigilang hindi masuka sa nakita.

Oh my God! Did he just...? Hindi ko magawang tapusin ng nasa isip ko at muli ako napasuka.

Mabuti nalang pala at walang nakakakita sakin dahil kung hindi baka pati ako ay kinunan narin ng puso.

D'yos ko Lord! Please spare me.

"Dakpin ang lalaking ito at ikulong sa dungeon. Ipamalita sa buong Emperyo na pinatay ng aking matapat na tagasunod ang Empress dahil hindi nito kayang sumunod sa isang kalaban ng kanilang lahi!" Marahas na turan ng Emperor at tiningnan ng masama ang lalaking gulat na gulat sa narinig.

Whoaah..how rude! Teka? Emperor ba talaga sya? Wait..

Emperor sya ng Russia?

Kelan pa nagkaroon ng emperor ang Russia??

Pero ang ibig bang sabihin...? Nasa Russia AKO???!!

Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong sumakit at nang imulat kong muli ang aking mga mata ay nasa ibang lugar na ako.

Maraming nagtatakbuhang tao. Maraming nasusunog na bahay at higit sa lahat maraming bampira at werewolf ang nagkalat sa kapaligiran.

Ngunit lahat sila ay parang usok na tumatagos lang sa aking katawan. Hindi ko alam kung bakit ako narito ngunit parang nais lang ipakita sakin ng kung sino ang anumang mga nangyari noon sa lugar na ito.

Natapos ang labanan at halos lahat ng nilalang na naroon ay wala ng buhay.

Napapikit ako nang muling sumakit ang ulo ko at nang muli akong magmulat ay nasa ibang lugar na naman ako. Medyo nagliliwanag na ang paligid at ilang sandali na lamang ay sisikat na ang araw.

Maraming tao sa paligid at lahat sila ay sumisigaw ng...

"UBEY YEGO!" KILL HIM!

"SZHECH YEGO!!" BURN HIM!!

Teka, sino ang papatayin??

Pumunta ako sa unahan at bahagya pa akong nagulat nang makita si Dzhek na nasa taas ng stage at nakakadena ang mga kamay at paa nito. Bugbog sarado din ang mukha at katawan niya. At sa tingin ko ay ilang sandali nalang ang itatagal ng buhay nya.

Anong ginawa nila sa kanya?

"Dapat siyang sunugin!"

"Patayin ang bampirang yan!"

"Pinatay niya ang mahal na Empress!"

"Akala ko ba hindi totoo ang mga bampira?"

"Nakakapangilabot dahil meron palang nabubuhay na nilalang na tulad niya!"

"Sinasabi nila na isang werewolf daw ang Empress kaya siya pinatay ng bampirang yan!"

"Kalokohan iyan! Walang nabubuhay na ganung nilalang sa mundong ito maliban sa kanya kaya dapat siyang mamatay bago pa niya tayo gawing pagkain!"

"Patayin sya!!"

Sari saring sigaw at bulungan ng mga taong nasa paligid ko.

Hindi nila alam ang buong pangyayari! Paano nila nagagawang parusahan ang taong pinagtanggol lamang ang pag ibig nito sa babaeng minamahal nya?

Nakaramdam ako ng awa kay Dzhek dahil walang makapagpatunay na inosente siya at mahal na mahal lamang niya ang Empress.

Ngunit nakakapagtaka lang na wala ni isa sa mga taong narito ang nakakaalam tungkol sa mga taong lobo na pinagmulan ng kanilang Empress.

Ibig bang sabihin...hindi alam ng mga taong ito na nag eexist ang mga bampira at taong lobo sa kanilang lugar?

Napatingin akong muli kay Dzhek.

Kung may magagawa lang sana ako upang matulungan siya ay ginawa ko na.

Napatingala si Dzhek sa langit at waring may nais sabihin.

Umakyat ako ng stage at lumapit sa kanya.

Since hindi naman ako nakikita ng lahat ay mabilis akong nakalapit sa kanya.

"Magkikita tayong muli, Mahal ko. Hintayin mo lamang ako. Hahanapin kita sa susunod nating buhay." Aniya at nagulat pa ako ng unti unti ay masunog ang katawan niya mula sa sumisikat na araw.

Napalayo ako sa kanya at hindi makapaniwala sa nakita.

Oh shit! He's a real vampire!

Muling dumilim ang paligid ko at nang magliwanag ito ay nasa isang close room na ako.

Nagtaka pa ako nang makita ang Emperor na nakatayo sa harap ng parang altar ngunit mga nakakatakot na rebulto ang naroon at may hawak siyang dalawang maliit na antique Jar.

Idinipa nito ang mga kamay at nag usal ng kakaibang panalangin.

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nya ngunit malinaw sakin ang ginagawa niya.

Isa siyang kulto at sumasamba sa mga demonyo.

Kinilabutan ako sa nakikita at naidasal ko na sanay magising na ako kung panaginip man ang lahat ng ito.

Jesus! Anong ginagawa nya?

Maya maya ay may mga itim na usok ang lumabas sa parehong jar at biglang lumitaw sa mga usok nito ang mga imahe nina Nezieah at Dzhek.

Wait...iyon ba ang mga abo nila?

What is he trying to do with them?

Parang gusto kong kabahan sa nais niyang gawin.

Ilang sandali pa ang nakalipas, nagsama ang parehong usok ng dalawa at napag isa ang mga ito.

Nagulat pa ako nang tumawa ng nakakatakot ang Emperor at habang tumatagal ay nagbabago ang hitsura nito.

Napaatras ako dahil mukhang hindi maganda ang susunod na mangyayari.

Ngunit bago pa ako makagalaw nang biglang lumabas mula sa sahig ang mainit na lava.

"What the hell..?!" Gulat na bulalas ko at napatakbo sa itaas ng mesang naroon. Subalit nagulat pa ako ng makita unti unting napupuno ng kumukulong lava ang kwarto at parang gustong gusto pa ito ng Emperor dahil lalo lang lumakas ang tawa nito habang parang naliligo sa kumukulong lava.

Nanlaki ang mga mata ko nang maabot ng lava ang mesang tinutuntungan ko.

"No, no, no, no, Nooooo!!" Sigaw ko at napapikit nalang nang maabot nito ang mga paa ko subalit wala akong naramdamang init o paso sa paa kaya naman muli kong iminulat ang mga mata ko para lang salubungin ang kadiliman.

"Natsu.."

Huh?

I heard someone.

Ngunit hindi ko alam kung sino. Sinikap kong makaaninag ng liwanag subalit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Para akong nahuhulog sa walang katapusang kailaliman. Nanghihina ang katawan ko at parang hinihila ako ng antok.

"Natsu.."

Again. I heard it again.

But who is she calling? Is it me?

Am I Natsu?

Who are you?

"It's me, My Love."

My Love?

Is it you?

Kamahalan...

I close my eyes and fell asleep.

--

Someone's Pov

Sa malawak na hardin ng mayamang pamilya kung saan nasisinagan ng maliwanag na kabilugan ng buwan ay isang malungkot at luhaang babae ang nagtatago.

Buhat sa kanyang kinalalagyan ay rinig niya ang mga sigaw at pagtatangis ng kanilang mga kasambahay maging ang sigaw sa sakit ng kanyang butihing ama.

"Papà.." Anas niya habang pinipigilan ang iyak na baka makalikha ng ingay.

"Senyorita Allyna.." Marahang tawag sa kanya ng kanilang hardinero.

Napatingin siya rito.

"Hay una manera de ir al lago. Puedes ir allí para escapar." (There is a way going to the lake. You can go there to escape.) Anito.

Muli siyang napatingin sa kanilang mansion. Ayaw man niyang iwan ang kanyang ama na tangi niyang kasama sa buhay ngunit wala na siyang nagawa pa.

Kabilin bilinan nito sa kanya na tumakas siya at humingi ng tulong.

Mabilis ang pagtakbong ginawa niya kasabay ang kanilang hardinero.

"Senyorita, Necesitas llegar al otro lado del lago para obtener ayuda." (You have to go to the other side of the lake to get help.) Anito nang marating nila ang lake.

"¿Que pasa contigo? ¿Por qué no me acompañas y buscas ayuda?" (What about you? Why don't you just go with me to get help?) Nag aalalang turan niya rito.

Malungkot itong napangiti.

"Ayudarlo a escapar es mi mayor logro. Además, no puedo llegar a la puerta porque soy un endurecedor y solo una persona noble puede pasarla." (Helping you to escape is my greatest achievement. Besides, I can't get through to the gate because I'm just a hardener and only a noble person can passed it.) Anito na nagpaluha sa kanya.

Mahigpit ang pamahalaan ng bansang Espanya pagdating sa mga maralitang tao. Kaya naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin.

"Muchas gracias Joselito!" Madamdaming pasasalamat niya rito.

"Cuidado señorita." (Be careful Señorita.) Anito at pinasakay na siya sa maliit na bangka at itinulak nito palayo.

Luhaan siyang napatingin na lamang dito at nanalangin sa kaligtasan nito.

Umaasa siya na maliligtas niya ito kapag dumating na ang tulong.

Subalit hindi niya alam na nakaantabay na pala sa pagdating niya ng kinatatakutang mga nilalang na syang naghahanap sa kanya.

"Allyna!" Sigaw sa kanya ng pamilyar na tinig.

"Jack!" Ganting tawag niya rito at akmang lalapitan nang hablutin siya ng isang lalaki.

Nagwala sa galit si Jack nang makitang pilit na hinihila sa buhok ang kanyang kasintahan.

"Get your fucking hands off her!" Sigaw niya rito subalit isang malakas na sipa sa dibdib ang natamo niya.

Napaigik siya sa sakit at napahandusay sa sahig.

"Jack!" Sigaw ni Allyna nang makita ang ginawa sa kasintahan.

"Take them both." Utos ng isang lalaki na halos hindi nalalayo ang edad sa kanila.

"Allyna.."

"Jack.."

--

Chapitre suivant