webnovel

Chapter 6

Kinabukasan

Nagising ako dahil sa inggay ng aking phone. Inaantok na inabot ko ito sa maliit na lamesa na katabi ng aking kama. Kinapa kapa ko ito ngunit wala akong maabot hanggang sa mahulog ako sa aking kama. Patuloy parin ang pagtunog ng aking phone.

Dahil sa aking pagkakahulog ang nagisng agad ang aking diwa. Inis na hinanap ko ang aking phone at sinagot ang tawag.

"Hello?" sabi ko habang naghihimas ng balakang

"Good Morning, Helia" sabi ng nasa kabilang linya

Napatayo naman ako sa gulat. Boses pa lang ay kilala ko na kung sino ang kausap ko.

"G-good morining po" nauutal na sagot ko dahil sa gulat

Mabilis na hinanap ng mata ko ang orasan.

11:30?!

Wala man lang gumising sakin?!

"Naabala ko ba ang pagtulog mo?" tanong ni Tita. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang mahihinang tawa nito.

"Hindi naman po....." sagot ko naman habang naglalakad papasok sa banyo.

"Can you come over? I cooked some of your favorite desserts" tanong ni Tita mula sa kabilang linya

Nabuhayan naman ako lalo sa sinabi ni Tita Kristine.

"Sige po Tita, just give me a minute" natatuwang sagot ko

"Okieee" parang batang sabi ni Tita bago putulin ang tawag

Nagmamadaling nag ayos naman ako pagkatapos ay nagpalit ako ng damit dahil nakapajama pa ako ng tumawag sakin si Tita. Ilang beses pa akong natalisod ng dahil aking pagmamadali.

Hinihingal na huminto ako sa harap ng pinto ng bahay nila. Ilang beses akong himinga nang malalin at pilit na ikinalma ang aking sarili. Nagpagpag muna ako ng damit bago tuluyang kumatok ng pinto.

Hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay bumukas na agad ang pinto. Malawak na ngiti ni Tita Kristine ang bumungad sakin.

"Good Afternoon po..." nahihiyang bati ko kay Tita

"Pasok ka" paanyaya naman nito at mas binuksan pa lalo ang pinto para makapasok ako.

Marami nang nakahain na pagkain sa lamesa sakusina pagpasok ko. May cheesecake, chocolate cupcake, egg tart, manggo crepe at pinapple juice.

Para naman akong naglalaway na bata dahil sa aking nakita. Pakiramdam ko din ay kumikinang ang aking mata dahil sa tuwa.

Umakyat sa taas si Tita Kristine para tawagin si Brynthx kaya naiwan ako mag isa sa kusina. Naisipan ko namang maghain tutal ay kakain naman na kami.

Inihanda ko na ang gagamitin naming mga plato, kutsara, tinidor at baso. Masyado namang nakakahiya kila Tita Lyn kung wala man lang akong ambag dito. Ayaw kong magmukhang pagkain lang talaga ang aking ipinunta...kahit 'yon naman talaga ang dahilan....

Hindi naman nagtagal si Tita at bumaba na din saglitpagkatapos ayain na kumain ang anak.

Nauna na kaming dalawa ni Tita dahil hindi parin bumababa si Brynthx.

"Si Brynthx po?" nagtatakang tanong ko habang panay ang silip sa hagdag at nagbabaka sakaling bumaba doon si Brynthx.

"May tatapusin daw muna siya" sagot naman agad ni Tita at kumuha ng manggo crepe.

Tumango na lang ako biglang sagot at nagsimula na ulit kumain. Katulad kahapon ay nagkwentuhan lamang kami.

Hindi naman nagtagal ay natapos na kaming kumain dalawa pero hindi parin bumababa si Brynthx.

Wala sa sariling napahimas ako sa aking tiyan dahil sa kabusugan.

"Salamat po sa pagkain" nakangiting pasasalamat ko kay Tita

"Salamat sa pagpunta" wika naman nito sabay abot sakin ng isang basong pineapple juice.

"Tita, just call me if you need anything" sabi ko at mapaglarong kinindatan si Tita

"Ikaw talaga" sagot naman niya at pinisil ang kanang pingi ko. Natawa na lang kaming parehas.

Nakaupo lang ako habang pinapanood si Tita Lyn na nag uurong ng aming pinagkainan. Wala na akong maisip na pwedeng gawin kaya nilabas ko na lamang ang aking phone at nagscroll sa Instagram.

"Helia" biglang tawag sakin ni Tita Lyn

"Po?" nagtatakang sagot ko naman

"Pwede bang pakidala ito kay Brynthx" sabi niya at iniabot sakinn ang isang tray na naglalaman ng dalwang chocolate cupcake, isang manggo crepe at pineapple juice.

"No problem po" magalang na sagot ko sabay tago sa bulsa ng aking phone at mainggat na inabot ang tray.

"Thank you" pasasalamat agad ni Tita Kristine nang abutin ko ang hawak niya

"Always welcome po"

Bumalik na sa pag uurong si Tita habang ako naman ay umakyat na ng hagdan. Gaano ba kasi kaimportante yung tinatapos niya at pati pagkain ay hindi na naalala ng batang 'yon. Napabuntong na lang ako sa aking naisip.

Sa pagkakatanda ko ay kulay itim ang pinto ang pinto ng kwarto niya. Katulad ng bahay namain ay may tatlong kwarto sa taas ngunit ang pinagkaiba lang nito ay may terrace ang second floor ng kanilang bahay.

Dulong kwarto katabi ng terrace ang aking hinahanap.

"Brynthx" tawag ko pero walang sumasagot

Tinawag ko ulit siya hanggang sa sumuko na ako nang umabot na ito sa ikalimang tawag. Kakatok na sana ako nang biglang dahan dahang bumukas ang pinto. Nataranta naman ako sa nangyari.

Akala ko bubungad sakin si Brynthx pero hanggang akala na lang pala 'yon. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala talaga sarado ang pinto ng kanyang kwarto. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya nag aalangang sumilip ako doon.

Hindi pa ako nakuntento at marahang tinulak ko ang pinto. Dahil don, unti unti kong nasilayan si Brynthx na naka suot ng earphoes at nakaharap sa kanyang computer. Tutok na tutok ito kaya hindi niya na napansin ang aking pagpasok.

Inilibot ko agad ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto. Ngayon ko lang napansin na may bookshelf din pala siya.

Ibababa ko na sana ang aking bitbit na pagkain sa lamesa ngunit nagulat ako ng bigla siyang nag unat at nagtanggal ng earphone at aktong lalabas na sana nang makita niya ako.Napahinto agad siya sa akmang paglakas. Nagtama ang aming paningin.

Ilang segundo kami sa ganong posisyon hanggang sa magsalita na ako. Awkward na kung awkward pero bahala na.

"Uhmm.....Hi?"

Nakakahiya! Sa lahat ng pwedeng sabihin, 'yon pa talaga ang unang lumabas na salita sa bibig ko myghad.....

Chapitre suivant