"Sino ba yang Zion na yan na binabanggit mo? Crush mo ba, mahal mo o ex-boyfriend mong di mo makalimutan? "
"Naku Brenda, nagpapraktis nga lang ako kasi mag aartista ako. Tara na umuwi na tayo. "Ako na mismo humila sa mga kamay n'ya.
"Ay ganun! Tara na nga umuwi na tayo. Hindi naman ako recruiter para mag audition ka sa akin."Humagikhik pa ito ng tawa.
"Salamat sa gala ah. Pagbalik ko ng Maynila isasama kita. "
"Talaga? Kelan? Aga-agahan mo naman para makapasyal ako. Alam mo naman mas maraming pasyalan dun. Libre mo ako ah",sabay tawa nito. "Joke joke! "
"Oo naman libre ko kasi ako ang nagyaya. "
"Thank you very big talaga,Scent".Walang tigil ito sa paghawak sa akin.
"Bukas ng umaga babyahe na tayo ng Maynila, two days lang tayo mag stay dun tapos babalik ulit tayo dito."
Babalik ako pero hindi ako magpapakita kay Zion. Ayaw ko nga s'yang makita!Namiss ko lang sila mommy.
"Hindi ba pwedeng 1 week?"Demand pa nito sabay kagat-labi.
"Depende.Basta malalaman nalang natin yun.Kaya kailangan makauwi na tayo at ipapaalam pa kita sa parents mo."
Zion POV
Sunday afternoon.
Papunta ako sa bahay nila Scent dahil may ipinapahatid na regalo ang parents ko para sa mommy ni Scent.
Nagdecide ako na sa labas na lang mag park ng sasakyan total mabilis lang naman iyon.
Kinuha ko ang regalo sa back seat at nag doorbell na ako.Mabilis lang na binuksan ng guard ang gate.
"Good morning po,Mang Raul."
"Good morning din sir Zion."Kilala na ako ng guard kasi naman labas pasok na ako sa bahay na ito."Ano pong atin sir?"
"Ah may ibibigay lang ako na regalo.Mang Raul,may itatanong lang ako sainyo.Si Scent po ba hindi pa umuuwi?"
"Naku sir malamang hindi pa kasi hindi ko pa s'ya nakikita mga 1 week na siguro.Baka nag travel,sir."
"May ipapakiusap lang po sana ako kung pwede kapag dumating sya itext n'yo ako at pupunta ako dito."
"Sige po sir walang problema.Isulat n'yo na lang po number nyo at iinform ko po kayo.Namiss n'yo si maam ganda noh sir. "
"Oo naman, Mang Raul.Sige po at ako'y papasok na sa loob ng bahay. "
Nakaabang na din sa living room ang mama ni Scent at agad itong tumayo pagkakita sa akin.
"Oh hi,hijo.Long time no see, "niyakap ako ni Tita. Kahit nasa 50's na ang edad nito ,look younger pa rin. Para ngang magkapatid lang ito saka si Scent.
"Good day, Tita"sabay abot ko ng regalo. "Pinapabigay po nina Mama. "
"Thank you hijo. Kausap ko nga kanina ang mama mo at sinabing pupunta ka para maghatid ng regalo. Ang sweet talaga ng mga magulang mo. Anyway hijo mag merienda ka muna."
"Naku tita huwag na po. Pupunta pa po kasi ako kila Candy. Magsisimba pa po kami, thank you na lang po. "
"Congrats nga pala sainyo ni Candy. Sige pero next time kailangan mo talagang paunlakan ang pag anyaya ko",nakangiting sabi ni Tita. "Teka nga pala nagkausap na ba kayo ni Scent? "
"Hindi pa nga po, tita. She always ignored my call, chat and text. Where is she, tita? "Baka sakaling magsabi na s'ya ng totoo sa akin ngayon kung nasaan talaga ang dalaga. Makapag stay pa nga mga 15minutes .
"Ah baka mahina signal sa Palawan ...ah Panga-".Utal-utal nitong wika, halatang nadulas.
"Palawan po hindi po Pangasinan? "Pinutol ko na ang kanyang sasabihin. It means wala talaga s'ya sa Pangasinan kundi nasa Palawan.Ganito rin dati ang sinabi nito sa akin nung first time kong magtanong noong bagong alis pa lamang si Scent. Nagsisinungaling nga talaga si Scent. For what reason,bakit kailangang maglihim s'ya sa akin? Pati mommy n'ya kakutsaba n'ya rin.
"Ah ganito kasi yan, hijo. Actually sa Palawan na talaga s'ya pumunta. Pagdating sa airport, doon lamang nagbago ang isip n'ya na sa Palawan na lang kasi mas maganda dun,mas relaxing. You know kailangan 'yon ng anak ko."Pagpapaliwanag nito, talagang defensive mother when it comes to her daughter.
"Sige po, tita. Baka nga po mahina ang signal. Pakisabi na lang po regards ko s'ya and sana enjoy s'ya sa kanyang bakasyon. "
"Sige makakarating, hijo."
Tumalikod na ako papunta sa main door ng marinig namin ang pamilyar na boses. Boses na namiss ko!