webnovel

Five

CAROL'S POV

Pagkatapos naming sa Makati Branch ay pumunta na kami sa Quezon Branch.

Pagkarating namin sa ikalawang branch ay pinark na naman ni Ms. Marie yung motor.

Pagpasok namin sa loob ay maganda naman yung approach nila sa amin, nang biglang...

Pumunta kami sa may mga drinks dito at may sales lady na lumapit at..

"Miss anong sa inyo libre kasi itong drinks namin dito, pili lang kayo at kumuha" alok niya sa amin kumuha ng bote ng tubig, mababasagin kasi bote na inalok sa amin eh, si Ms. Marie naman ay kumuha ng glass of wine.

Nang biglang may mabasag sa kanila ng bote at....

"Hhhhaaaa...." napasinghap na itim na suot nung babae at gatas pala yung natapon.

"Miss, huwag po kayong mag-alala, aasikasuhin lang namin toh sandali" mataray na tukoy niya sa amin.

"Anong nangyari dito, Sino bang may gawa nito" sabay lapit at sabi nung mukhang kaibigan niya.

"Jen... Jen... Tumawag ka nga ng Janitor dito at linisin tung kalat dito" inis na sabi nung mukhang manager sa lumapit na sales lady, mukhang strikto ha..

May customer na lumapit sa isang sales lady malapit dito at nang hingi ng Shoper's Bag at binigyan naman siya nito.

"Miss, may Shoper's Bag ba kayo? may bibilhin kasi ako eh.." tanong nung babaeng natapunan kanina.

"Miss wala na ehh... Out of stock na kami" mataray at pinag taasan pa siya ng kilay eeehhh... ano yung nakita namin bago lang meron naman ahh..

Bigla kong nilibot yung paningin ko at tinignan kung anong mga suot nung mga customers..

Shihtzu.. pumipili sila base sa suot nung mga customers, mga sosyal at sopistikadang mga suot. At tumingin ako sa dalawang kaibigan na papunta ng CR at doon ko lang napagtanto na simple lang yung suot nila.

Biglang may binulong sakin si Ms. Marie

"Isuot mo yang dala nating damit at dito na magsisimula ang laban" si Ms. Marie at nagsmirk siya sa'kin

Pagpunta ko sa CR at pagkarating ko ay naabutan ko yung dalawang magkaibigan at pumasok na ko sa isang cubicle at nag-uusap na sila.

"Sino ba kasing may gawa niyan Kath?!" inis na tanong nung kaibigan.

"May bumunggo sa akin at di ko napansin kung sino" si Kath.

"Hindi ba nila alam na unica hija ka ng mga Remolleno?!" inis pa ring sabi nung kaibigan niya.

"Huwag na, gusto ko lang naman nung Shoper's Bag ehh.." malumanay na sabi ni Kath.

Ang totoo kasi niyan ay maganda yung design ng Shoper's Bag nila abstract siya kulay red with a touch of black at may nakalagay sa gitna nun ay "Prestige", medyo komplikado kasi yung design pero maganda pa ring tignan.

Habang ako naman ay di magkanda-ugagang nagbihis dito sa loob ng cubicle at natapos na rin akong nagbihis.

Paglabas ko ay umalis na yung dalawang magkaibigan. Biglang kong sinipat ang sarili ko at medyo nabaduyan ako sa suot ko pero nabagay naman sa'kin at sinuot ko na yung reading glass. Mukha akong nerd.

Paglabas ko sa CR ay pagkadating ko dun sa pwesto nung manager ay...

"Miss nay Shoper's Bag pa ba?" kunwaring tanong ko sa manager.

"Wala na Miss, naubosan na kami" mataray na sabi niya ng biglang may nagsalita sa gilid ko

"Miss Kim, kukuha lang ako ng Shoper's Bag sa bodega, may nag request kasi Miss" nakinig ako sa sinasabi nung sales lady, pero yung tingin ko ay nasa kaniya at bigla siyang napatango dun sa sales lady.

Hindi niya napansin na nandito pako sa harap niya.

"Ano ba talaga Miss, meron kayo o wala?!" inis akong nagsalita sa kaniya at nagulat pa siya sa inasal ko.

Biglang lumapit sa amin so Ms. Marie at binulungan yung manager na pumunta sa office. Sumunod naman ako sa kanila.

Lumapit ako kay Ms. Marie at may binulong.

"Miss, may tanong lang ako.. sikat po ba ang Remolleno??" bulong na tanong ko at napatango naman siya.

"Oo, sikat ang Remolleno Beverages and Company dito sa pinas at sa ibang bansa" bulong niya rin sa akin.

"Yung natapunan po kasi kanina ng gatas ay unica hija po ng Remolleno" bulong ulit na sabi ko at di namin namalayan na nandito na kami sa office nung manager.

"Nandito kami sa branch na ito para mag-evaluate sa inyo at kung paano niyo nahahandle ang mga customers dito" panimula ni Ms. Marie sa kaniya

"Okay yung approach niyo sa amin nung pumasok kami dito, hindi lang namin nagustohan ay yung pag-approach mo sa ibang customer, alam niyo bang bumabase kayo sa suot nung mga customers niyo, making mali na kayo dun" pormal na sabi ni Ms. Marie sa kanya at pinag taasan niya lang ito ng kilay at tumungo.

Shit siya ha, hindi ko ginusto yung asal na ipanakita niya kay Ms. Marie.

At sumabat nlng ako bigla sa usapan nila...

"Alam mo ba na yung natapunan ng gatas kanina ay unica hija ng isang sikat na Remolleno Beverages and Company?! Tinarayan mo siya ganon?!" pormal na may halong pagka-sarkastikong usal ko.

Napatingin at nagulat siya sa sinabi ko, pero hinawakan agad ako ni Ms. Marie at bumulong sa'kin.

"Mag-bihis ka muna at ako na ang bahala dito" pormal na sabi niya sa akin.

Tumayo na ako at napatingin naman sa akin yung manager dito at pinandilatan ko siya at tumalikod na para pumunta sa CR.

Pagkatapos kong mag-bihis ay bumalik agad ako at hinintay nalang si Ms. Marie sa labas ng pinto ng office nung manager.

Maya-maya pa ay bigla na silang lumabas at sabay yuko nung manager at nagpapasensya sa mga ginawa niya/nila.

Bigla akong napatingin sa relo ko at 3:40pm na pala.

"Pwede na tayong umuwi pero kailangan pa nating bumalik sa kompanya para mag-out" biglang nagliwanag ang mukha ko.

"T-Talaga p-po, akala ko po kasi ay alas-otso po ang uwian eh" nag-aalangang tanong ko.

"Uuhh.. hindi, depende kasi yun sa kung anong gustong oras mo umuwi.. sumabay kana sa'kin at kailagan pa nating mag out" sabi niya at pumunta na kami sa motor niya, at inabot sakin yung helmet.

Pagdating namin sa kompanya ay pinark na ni Ms. Marie yung motor at pumasok na kami sa kompanya.

Nag-out na kami ni Ms. Marie at ako naman ay nagmadaling lumabas ng kompanya para makapag-grocery at makapag-palengke narin.

Pumara ako ng Jeep at sumakay patungo sa malapit na grocery store.

Pagkababa ko nang Jeep ay pumasok nako sa grocery at kumuha ng basket para lagyan ng pinamili ko.

Kumuha ako ng isang dosenang itlog, malapit lang kasi dito sa may itlog yung mga frozen goods at kumuha ng half kilong manok, pumunta naman ako sa canned milks at kumuha ng tatlong evap, dalawang condense milk at kumuha na rin ako ng dalawang all-purpose cream, kumuha rin ako ng isang half kilo sa puting asukal at kumuha rin ako ng aluminum foil at bumili rin ako ng mga pangagailangan ko sa bahay.

At pumunta na sa cashier buti nlng talaga at wala masyadong pumipila ngayon, nandito ako ngayon sa cashier 16, tatlo lang kaming pumipila.

Nung ako na ang kasunod ay nilagay ko na yung pinamili ko at isa-isa niya ng pinunch lahat yun at nagbayad na.

Pagkatapos kong nagbayad ay lumabas nako at bumili na ng mga prutas at binayaran ko yun lahat at pumara ng taxi papunta sa bahay.. pagkarating sa bahay ay nagbayad na ko at pumasok.

Nagpahinga muna ako saglit at tinignan yung relo 4:50pm na pala.

Pagkatapos kong magpahinga ay nilagay ko sa lamesa yung aluminum foil, yung mga gatas, itlog, puting asukal at mga prutas, at nilagay ko naman sa ref yung manok. Yung ibang pinamili ko ay nilagay ko sa kwarto ko.

Naisip ko kasi kanina na Adobong Manok nalang yung ulam bukas at magdadala na lang ako ng Leche Flan dahil leche yung Lancelot na yun, inabala pako.

Nagsaing muna ako at kumuha ng apat na itlog, hiniwalay ko muna yung egg yolk sa egg white.

Pagkatapos kong paghiwalayin yung egg yolk sa egg white.

Yung egg yolk ay nilagyan ko nang evap at hinalo yun set aside muna, yung oval na lalagyan ko ng leche flan ay nilagyan ko ng 1 & half na kutsarang asukal at gumamit ako ng tongs para pa-initin yung oval na may asukal at ilagay sa apoy, ikot-ikotin hanggang sa mag-melt yung asukal, pagkatapos mag-melt nung asukal ay iset aside muna para mag-crytalize siya at inulit ang proseso ng isa pang beses.

Pagkatapos ma-crystalize nung asukal ay nilagay ko na sa oval ang pinag-halo yung egg yolk at evap at inulit ulit ng isa pang beses yung proseso at tinabunan ko na ng foil yung dalawang oval at nilagay sa steamer hinintay maluto ng 30-35 minutes.

Pagkatapos maluto nung sinaing ko ay nagluto ako ng scrambled egg. At kumain nako pero binabantayan ko ying leche flan.

After 30-35mins. kumuha ako ng toothpick para makasigurado akong luto na yung gawa ko, nang masigurado nakong luto na yun ay pinatay ko na yung apoy at kinuha ko isa-isa sa steamer yung gawa ko at iset aside muna. At nilagay ko na sa plastic na tupperware yung leche flan at nilagay sa ref.

Nanghugas nako ng pinagkainan ko, naligo at nagtooth brush na ko.

Pumunta nko sa kwarto ko at pabagsak akong nahiga sa Kama at di ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang pagod.

zzzZZZzzzzZZZ

(K I N A B U K A S A N)

Pasensya na po sa TYPO

God Bless po sa inyo

Please Vote, Follow and Comment to my Story

Please Follow me to my Account:

twitter: @taoclaire16

instagram: @abrokenart

facebook: @facebook.com/PurpleClaire16

Love You so Much Guys

😊💕😍😳

Chapitre suivant