Ikapitong Kabanata
MY friends and I were residing in a same compounded place located in a town called Encomienda. We are neighbors, kaya hindi mahirap para sa amin ang pumunta sa bahay ng bawat isa kung nanaisin man namin dahil nga magkakalapit lang.
Kaya naman hindi nakapagtatakang palaging maaga kung pumunta si Ailyn sa bahay para makasabay sa pagpasok ng school. Ito ang routine namin sa tuwing weekdays. Sa lahat kasi ay siya ang pinakamalapit sa 'ming bahay, bukod pa ro'n ay sila parati ni Lyca ang kasabay ko sa pagpasok kaya gano'n.
But I know better. Alam kong hindi lang ang pagsundo sa akin ang pakay niya kundi ay may iba pa. Kilalang-kilala ko ang babaeng 'to, e.
"Sania! Sa'n si Ihara? Pumasok na?" pambungad niya nang maibaba sa sofa ang kulay baby pink niyang bag nang tuloy-tuloy siyang pumasok mula sa nakaawang na pintuan ng aming bahay.
Hmp. Inabutan pa 'ko ng babaeng ito. Napakabilis talaga, ang galing tyumempo.
Makapal pa ang mukha dahil bigla'y sumalampak na lang siya sa sopa. Noong hindi pa siya nakuntento ay biglang tayo ay nagtungo siya sa kusina kung saan, mula sa 'king puwesto, ay kitang-kita ko siya na nagtitimpla ng kape.
"Naliligo si Kuya Ihara. Late siyang papasok ngayon dahil absent raw 'yong professor nila sa unang bell," saad ko habang nagtitingin-tingin sa isang brochure ng mga name ideas.
Nakuha ko pa ito sa gamitan ni Mama. Nabanggit niya sa akin ito noon na naitago niya raw ang brochure na ito na ginamit niya para magkaroon ng ideya sa ipapangalan sa amin nang panahong ipinagbubuntis niya ang bawat isa sa aming magkakapatid.
Mabuti na nga lang at hindi na ito nakapagtanong pa nang makita niya akong pumasok sa kuwarto nila ni Papa, masyado kasing nagmamadali dahil sa lakad nila. Maganda na 'yon lalo pa't ayokong makuwesiyon pa.
Nang marinig ni Ailyn ang sinabi ko ay nagmamadali siyang bumalik sa 'king tapat dala ang mug ng kape at garapon ng coffee mate.
"Seryoso?" Mabilis ngunit marahan niyang ibinaba sa coffee table ang kaniyang mga bitbit. "Ibig sabihin..." pabitin niya pa.
"Oo, Ailyn. Sasabay sa atin si Kuya sa pagpasok," mapakla kong saad at pasimpleng tinakpan ang aking tainga.
Iyon na nga at nagsimula na siyang magtititili. Ang lakas ng loob dahil alam niyang walang ngayon sina Mama at Papa.
Hmp. Sinasabi ko na nga ba. Kaya minsan, magandang manahimik na lang, e.
"Maria Ailyn," seryosong tawag ko na nakapagpahinto ng pagwawala niya. "Ipagtimpla mo nga rin ako ng kape."
Ang kaninang malapad niyang ngisi ay mabilis na napawi dahil sa narinig. Her face twitched abruptly.
"Aba naman, Sania Aureya! Bisita mo ako, kung makautos ka..." Tinaasan niya ako ng kaniyang kilay.
"Bakit?" Walang-gana ko siyang pinagmasdan. "Bisita ba ang asta mo? Ipagtimpla mo na 'ko kung ayaw mong masira kay Kuya Ihara."
Suminghap siya at para bang nasasaktan akong tinitigan—she was even clutching her chest.
Tinaasan ko siya ng kilay kaya iyon at padabog siyang nagtungong muli sa kusina. Noong bumalik siya ay dala niya na ang termos, garapon ng asukal, at kape.
"Kainis! Lagyan ko ng creamer 'to, e." Bubulong-bulong pa ang buwisit. Tumititig lamang ako, diretso ang aking mga mata sa ginagawa niya hanggang sa matapos iyon.
"Siguraduhin mo lang na palaging maganda ang maririnig ni Ihara tungkol sa akin mula sa 'yo. 'Wag na 'wag lang akong masisira dahil talaga namang bubunutin ko 'yang bangs mo!" Tuluyan na siyang umupo sa 'king harapan noong maiabot niya sa akin ang mug ng kapeng natimplahan niya.
Maiigi ko iyong pinagmasdan. Parang ang pangit ng itsura. Maayos naman kaya 'tong pagkakatimpla niya?
"Bahala ka," tanging sagot ko lang at saka ipinagpatuloy ang pagtitingin sa brochure.
'Tsaka wala akong bangs, 'no.
"Nga pala! Ano 'yang binabasa mo? Ano 'to? Si Isabelita ka na rin?" pangingialam nito sa ginagawa ko. Lumipat ang mga mata ko sa bandang ibaba ng kasalukuyang pahina.
Talagang hindi maitikom ng babaeng 'to ang bibig niya. Napakadaldal.
"Nagtitingin-tingin lang ako ng pangalan," saad ko't inilipat ang pahina ng aking binabasa.
"Pangalan? Para sa'n?"
"Basta. Manahimik ka riyan."
Hindi ko na narinig pa siyang nagsalita matapos no'n. Mabuti naman. Busy ako, 'wag n'ya akong simulan.
Lumipas ang mahabang sandali na tahimik lang kaming magkatapat sa mesa ni Ailyn. Though, yes, I'm busy ... I'm a little amused na napigilan n'yang magsalita dahil lang sa sinabi ko.
Bakit? Ayaw niya talagang masira kay Kuya Ihara, ano? Kung sabagay, hindi ako nagbibiro. Madali lang naman siyang siraan kay Kuya 'pag na-trip-an ko.
Kaagad na nagsalubong ang aking mga kilay nang makarinig ako ng mahinang tinig, tila kasabay sa pagbulong ng hangin.
Umiling ako at pilit na iwinaksi sa isip ang narinig. Inabot ko iyong kape at uminom. Pinilit kong itago ang pagngiwi. Diyos ko naman, Ailyn. Mapait masiyado.
Ang mga mata ko ay nagawi sa aking harapan nang mas lalong nadepina ang tinig sa 'king utak. Palakas na nang palakas ang boses na naririnig ko. It was deep, I could also hear little growls.
Halos maibuga ko ang aking iniinom nang matanawan ko ang kumpol ng mababalahibong bagay na naglilikot mula sa likuran ni Ailyn.
Hala! I almost forget about him!
Ang puwesto ni Ailyn ay nakatalikod mula sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan ko ngayon nakikita ang taong-aso na roo'y nakaposisyon ng paborito niyang upo sa pinakaibabang baitang ng hagdan.
Mabuti na lang pala at iyon ang puwestong napili ni Ailyn kundi ay makikita n'ya ang hindi dapat makita.
Sinamaan ko ng tingin ang mabalahibong nilalang, pero mas masama ang tingin niya sa akin. His fangs baring and his nails were clawing the ground.
"O? Napa'no ka n'yan? Para kang nakakita ng multo." Ngumiwi si Ailyn at iiling-iling na humigop ng kape sa kaniyang tasa ng hindi ako nilulubayan ng paningin.
Huminga ako ng malalim.
"Wala 'to. May naalala lang ako," mahinahon kong sagot. Ang mga mata ko ay pasimpleng lumilipat sa nilalang na nakai-standby sa kaniyang likuran.
I need to do something!
Dahan-dahan kong inilapag ang mug na hawak ko at ipinagsiklop ang aking mga kamay sa itaas ng aking naka-cross na mga binti. The tailed-creature was also aiming to move.
Pasimple ko itong sinesenyasan na huwag mag-iingay. Ngumuso lamang siyang at nanliliit ang mga tingin sa aking humalukipkip.
"Teka nga!" ani Ailyn. Napabaling kaagad ako sa kaniya at napai-straight ng upo. "Sino ba ang tinititigan mo sa likuran ko?"
Nag-panic na ako sa 'king isip nang makita kong papalingon siya sa kaniyang likuran.
Mabilis ko siyang tinawag para mapigilan.
"Ayaw mo bang magpapasa ng pictures ni Kuya Ihara?"
Mabilis pa sa alas-kuwatrong nakuha ko ng buong-buo ang atensyon niya. Halos mapatayo pa siya sa kaniyang kinauupuan dahil sa sinabi ko.
Doon ay masasabi kong nakahinga ako ng maluwag. Thank God, uto-uto siya!
"Uwe? Mayro'n ka? Paano? 'Asan!" Halos idukdok niya ang pusod niya sa mesa dahil masyado siyang nakatuon sa akin.
Tumango ako at inilabas ang cellphone kong nakatago lamang sa bulsa ng bag ko na nasa 'king tabi.
"You know me, I'm interested in photography, at madalas, kapag tinatamad akong lumabas ng bahay para maghanap ng subject, si Kuya Ihara ang ginagawa kong model kaya marami siyang pictures sa akin. May sarili siyang folder sa gallery ko, hanapin mo na lang. Almost eight hundred na rin yata 'yong mga pictures niya riyan," sambit ko habang inaabot sa kaniya ang cellphone ko. "Punta lang ako ng kusina, ha."
Sa sobrang tuwa niya nang maiabot ko sa kaniya ang cellphone ko ay hindi niya na 'ko pinansin pa. Umingos ako at tahimik na pinuntahan ang taong-aso na nanonood sa amin, kanina pa.
Mabilis kong itinapat ang hintuturo ko sa 'king bibig nang sinubukan niyang mag-inarte nang hablutin ko ang kamay galang-galangan niya.
"Huwag kang mag-iingay," bulong ko at marahan ko siyang hinila patungo sa kusina.
Ang mga mata ko ay hindi ko inilulubay palayo kay Ailyn hanggang sa makapasok kami sa loob ng kusina at maitago ko ang taong-aso sa likod ng mga pader.
God! He'll be the death of me! Mabuti na lang at maagap akong nakapag-iisip ng paraan!
"Mortal! Bakit mo 'ko iniwan, ha!" anas ng taong-aso nang sa wakas ay maharapan ko siya.
Sinadya 'kong magpakita sa bukana ng kusina para mapagmasdan ko ang ginagawa ni Ailyn at nang mabantayan ang kung sino pang ibang tao na maaaring pumasok dito sa loob. Sa gano'n ay walang makaalam ng sikreto ng nilalang sa 'king harapan.
Nangunot ang noo ko at mariin siyang pinagmasdan dahil sa kaniyang tinuran. Ang lakas namang manguwestiyon ng taong-asong 'to. What a bossy pup!
"Baka sa inaakala mo ay napatawad na kita mula sa pagtawag mo sa 'king matanda kagabi? Hindi pa!" mabilis niya pang dagdag nang makita niya ang pagkakangiwi ko.
Bahagya akong natigilan do'n. Bakit? Totoo namang matanda na siya, a?
Pagkagayon ay hindi ko na piniling makipagsagutan pa sa kaniya tungkol sa bagay na 'yon. Nawaywang ako at pilyo siyang nginitian.
"Bakit? Gusto mo, sa tabi mo lang ako?" His pupils' slitting slowly as I playfully stare at him. Nakikita ko kung paanong bumabaon ang kaniyang pangil sa pang-ilalim niyang labi dahil sa panggigigil.
"I-Ivenashi!" pugto ang hiningang sambit niya. "Ikaw ba ang mortal na sarili ni Ayuna? Huwag kang masiyadong bilib sa sarili mo, lapastangang nilalang!"
I gasp inwardly. Minumura niya na naman ba ako sa ibang salita? Geez! Ako pa ang lapastangan ngayon? At sino si Ayuna? Hmp! Masiyado na akong pinupuno ng mabalahibong aso na 'to!
"You little... Magpakitang galang ka sa kumukupkop sa 'yo!" banta ko.
"Ha! 'Wag mo akong dinidiktahan!" Ang mga buntot niyang parang naging matutulis na patalim ay sabay-sabay na tumutok sa akin na para bang handa nang bumutas sa 'king katawan.
I flinched and thought he was angry for a moment and was ready to kill me when he said and did that, pero nang marinig kong nag-ingay ng napakalakas ang kaniyang tiyan ay halos matawa ako, lalo pa't nakikita ko ang unti-unting pamumula ng kaniyang buong mukha.
Ha! Gaano kahabang panahon ba ang ipinamalagi niya sa pagtulog noon sa burol? I bet he spent hundreds. Kahit noon pang naro'n kami sa gubat niya ay maya't maya niya akong hinihingan ng pagkain kapag nakakaro'n siya ng pagkakataon na para bang hindi mapunu-puno ang tiyan niya. Talagang hindi siya nakukuntento.
"Ano nga ulit ang pangalan ko?" nakangising saad ko. He knows the key word. Hangga't mortal nang mortal ang tawag sa akin ay hindi ko ibibigay ang gusto niya. He knows my rule. He knows who's the boss.
His mouth parted like he said something. Hindi ko narinig kaya pinaulit ko sa kaniya.
"A-Aureya..." halos pabulong niyang sinabi, sa pagkakataong 'yon ay narinig ko na.
Pilit kong 'tinago ang ngiti ko-Teka! Ba't ako natutuwa? I'm being a bully here!
His chest goes up and down like he's having a hard time to breathe. Hindi ko alam kung bakit nakakatuwa siyang pagmasdan. With that red face? I must admit, he's cute.
"H-Hindi ako makapaniwalang ginaganito mo 'ko!" Umurong siya. Ang kaniyang mga kamao ay mariing nakasara.
I huffed, then crossed my arms. "Sabihin mo na..." I wiggle my brows.
Yumuko siya. I waited patiently while grinning to myself.
"A-A-Aureya... P-Pakainin mo na 'ko..."
And that's how I gain my victory. Mahirap pasunurin ang taong-aso na 'to, pero kapag gutom ay hindi na siya kailangan pang gamitan ng kahinaan niya. Hindi ko mapigilang hindi mapahalakhak sa isip ko.
Ang maganda nga ay hindi naman siya mapili sa pagkain, pero no'ng naghanap na siya ng inumin ay nagbago na ang ihip ng hangin.
"E, ba't ayaw mo ng tubig?" nakasimangot kong sikmat nang hindi na ako nakapagpigil. Pasimple kong nilingon si Ailyn nang maalala ko siya.
She's still busy with my phone! Don't tell me, pinasa niya talaga lahat 'yong mga pictures? Mabuti at maaga siyang pumunta rito sa bahay at hindi kami male-late dahil sa mga pinanggagawa niya. Masiyado na talaga siyang baliw kay Kuya Ihara. She's getting creepier.
"Ayaw ko niyan! Ang gusto ko ay iyong kulay kahel na mabulang likidong gumugihit sa lalamunan na ibinigay mo sa akin noon!" sabi ng maarteng nilalang sa aking harapan na nakaupong-aso na naman sa lapag.
Nakangiwi kong pinagmasdan ang marumi niyang mga kamay. He uses both hands when eating. Pinagkukutsara ko siya, pero hindi niya naman kayang gamitin, iyan tuloy ang nangyayari.
"Ano bang mabulang likido ang sinasabi mo?" gigil kong saad. Iiling-iling kong nilingon ulit ang direksiyon ni Ailyn para magbantay.
Suminghap ako nang nakita kong pababa ng hagdan si Kuya Ihara at patungo siya ngayon sa gawi ni Ailyn!
"Nand'yan si Kuya!" tuliro kong saad. Ang palad kong biglang nag-ilaw ay mabilis kong inihawak sa tainga ng taong-aso at sa isang iglap ay wala na ang kakaiba niyang wangis.
"Ano ba!" mataas ang boses na sikmat niya noong pinilit ko siyang itayo mula sa pagkakaupo niya.
My eyes almost fell out off their sockets nang makita kong muli na namang nagbabalik sa dati ang anyo niya. Parang kulay asul na nagbabagang nahsibalikan. Hindi umepekto ang ginawa ko dahil mabilis ding napawi ng mainitin niyang ulo ang ginawang pagkukubli ng sagisag niya sa kaniyang katauhan. Mabilis din siyang bumalik sa pagiging taong-aso!
Mas lalo akong natuliro nang lingunin ko sina Ailyn ay nakita ko siyang itinuturo ang gawi papunta rito sa kusina sa kaharap niyang si Kuya Ihara.
"Papunta na rito si Kuya!" anas ko at itinulak ko siya nang maglakad si Kuya patungo rito sa kinalalagyan namin. Parehas kaming nagtago sa pader.
"Anong gagawin natin?" Hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang mga balikat.
Bawat pagdaan ng segundo ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman kong kabog sa 'king dibdib, para iyong dinadaga. I can hear my brother's faint footsteps.
Come on, Sania! Stay calm! You gotta stay calm!
Walang sinabi ang taong-aso at umaaktong hindi man lang naaapektuhan sa nangyayari. He's busy licking the remnants of his breakfast off his hands.
"Uy! Ano ba! Parating na rito si Kuya! Makikita ka niya!" gigil kong bulong.
Slitting pupils came alive. He growled at me.
Handa ko na siyang sitahin nang bigla ay kinabig niya ang aking leeg. Ngumiwi ako nang maramdaman ko ang bahagyang pagkakatusok ng mahahaba niyang kuko sa 'king batok. I am ready to protest when he just slam his forehead against me.
Gusto ko mang lumayo ay 'di ko magawa. Not when I'm this hypnotized by those pair of golden orbs.
The room when cold and air goes chilly.
I don't really know what happened, but I just felt like something came in me. Parang may bumubulong sa aking mga salita na kailangan kong bigkasin. Napakaraming hindi pamilyar na bigkasin ang naghahalo-halo sa 'king isip.
"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ko.
Instead of answering, he let me go. Umurong siya palayo.
"Ngayon, bigkasin mo ang anumang mga salita na kusang papasok sa 'yong isipan. Huwag kang mag-alinlangan at itinapat mo lang sa 'kin ang aking sagisag," sinabi niya.
Wala na akong panahon para magtanong pa. Mabilis kong itinapat sa kaniya ang kanang palad ko.
I shriek when a magic circle forms around my right wrist same goes around the body of the creature in front of me. Humangin ng napakalakas at para bang huminto ang oras. Sinambit ang mga salitang kusang nagsi-alsa sa isipan ko.
"Purante zum payara... Ashte zum katara... Sagre hishteyamenika!"
I watch the whole scene with my mouth opening wide.
Mula sa 'king palad ay lumabas ang isang liwanag na tuloy-tuloy na nagtungo sa kaniya. Ang asul na ilaw ay para bang isang tinta na unti-unting gumuhit sa kaniyang leeg. Kitang-kita ko ang ngiwing pilit na itinatago ng taong-aso habang ang liwanag ay patuloy na gumuguhit sa kaniyang balat.
Then the light faded slowly. Everything went back to normal. Hinihingal kong ibinaba ang aking palad na para bang galing ako sa malayong pagtakbo. It seems like I almost forgot how to breathe.
"A-Anong nangyari?" Nang mapagmasdan ko siya ay doon ko lang napagtanto na tao na ulit siya.
Natuwa ako dahil doon, but stopped when I noticed something.
"Teka! Ano 'yan?" Hinablot ko ang kaniyang damit at hinila ko siya payuko sa akin. Pinagmasdan ko ang guhit sa kaniyang leeg.
Dito 'yon! Dito rin sa parteng ito gumuhit iyong liwanag kanina!
"'Ito rin ang itsura ng sagisag mo, 'di ba?" Namamangha ko siyang tiningnan. He hisses before pushing me away from him.
"Oo. Ganito nga 'yon," sagot niya at kinapa ang tuktok ng ulo niya, bigla siyang sumimangot at ang mga mata niya ay dumausdos pababa sa kaniyang mga normal na tainga.
"B-Ba't na sa 'yo?" sabi ko. "Does it means... Naibalik na sa 'yo ang sagisag mo?" Malalaki ang mga matang pinagmasdan ko ang aking palad.
"Urr! Hindi!" aniya kaya muli akong napatingin sa kaniya. "Replika lamang ito ng aking sagisag. Ang tunay ay na sa 'yo pa rin. Ang sagisag na ito ay tumutulong lamang sa akin upang mapigilan ko ang pagbabalik sa tunay kong anyo sa mga delikadong sitwasyon kagaya na lang niyong... kanina."
Lumingon ako sa likuran noong napansin ko na tumigil siya sa pagsasalita. Si Kuya Ihara na naro'n sa bukana ang kaagad na nakita ko.
Mariin ko siyang pinagmasdan. Suot niya iyong kulay puting uniform ng mga estudyanteng kumukuha ng Marine Engineering. Siguro ay marumi na iyong kulay asul niyang uniform na siyang paborito niya pa namang isinusuot.
"Nand'yan pala kayo." Ngumiti si Kuya sa akin, tapos ay sa kasama ko. "Uy, pre! Gising ka na rin pala," bati pa ni Kuya. Natigilan ako sandali bago ko na-realize ang nangyari. He smiled at him!
Approve na ang taong-aso kay Kuya! That only means may kakampi na ako bukod kay Isaiya! Kailangan naming magkausap ni Kuya mamaya.
"Kuya! Bakit?" Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. Natatawa nitong ginulo ang buhok ko kaya kaagad kong hinampas ang kamay niya.
"Kanina pa kita hinahanap. Ready na raw si Ailyn, a? Tara na!" aya nito. Mabilis akong lumayo sa kaniya.
"Sige na, Kuya. Una na kayo ni Ailyn sa labas. Susunod na ako." Hinarap ko ang taong-aso na masama ang tingin.
Hindi ko pa nga pala nabibilinan itong isa, and Ailyn should be thankful for this. I'm giving her the opportunity now. Gawin niya na ang best niya sa pagpapapansin kay Kuya.
"Aalis ka?!" kaagad na sikmat ng nilalang sa akin nang makaalis na si Kuya.
"Huwag kang high-blood d'yan. Nandito na naman si Isaiya, next week pa ang umpisa ng klase nila. Tulog pa siya, pero mamaya, laro kayong tatlo nina Alpha." Naglakad ako palabas ng kusina kung saan sumunod naman siya.
"He! 'Wag mo 'kong diktahan!" galit na sabi niya. Umiling ako at tinungo ko iyong puwesto ko kanina. Wala na ro'n 'yong bag ko, siguro ay dinala na ni Ailyn.
"Mamaya na lang tayo mag-usap. Basta, 'wag na 'wag kang manggugulo rito. I don't want you doing any funny business here because it'll be our neck in line," I smoothly reminded him. Si Papa, lagot kami sa kaniya 'pag nagkataon.
Naglakad ako patungo sa pintuan, pero napansin kong nakabuntot pa rin siya sa akin. Nang lalabas na ako ay mabilis niyang pinigilan ang pintuang malawak ko sanang bubuksan.
"Ano?" Nilingon ko siya.
His gold eyes' pleading when I met them. "Aureya... 'Wag mo 'kong iwan."
He looks like a pup. It touches me. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim bago siya muling hinarap.
"Kailangan kong pumasok at hindi kita puwedeng isama, intindihin mo sana 'yon. Uuwi rin naman ako." Ngumiti ako at inayos ang kaniyang buhok sa itaas ng kaniyang magagandang mata. I swayed it sideward.
"Hintayin mo 'ko."
Nagtitigan kaming dalawa. Unti-unting dumausdos ang kamay niyang pumipigil sa pintuan.
"Sige... Hihintayin kita."
Tuluyan na akong nakalabas ng bahay. I could still see him eyeing me behind the half-open doorway till I closed the gate. He really looks like a lost puppy that I can't help but to giggle.
That's what. He can't blame me why I can't find myself fearing him. 'Cause he's cute like a little dog! Mahina ang depensa ko sa mga cute na nilalang.
At least, ngayon ay panatag na ang loob kong iwanan siya. Aaminin ko noong una ay iyon talaga ang pinroblema ko. Ano na lang ang mangyayari kapag iniwanan ko siya?
Tinitigan ko ang aking palad.
Iyong mga nangyari kanina. Ang mga katagang sinabi ko at ang replika ng sagisag sa kaniyang leeg. Sobrang daming kababalaghan ang mga nangyayari. Hindi ko mapigilang kilabutan. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng mga buhok sa 'king batok. Palagay ko'y ngayon pa lang nagsi-sink-in ang mga nangyari.
And... I feel so... alive.
"Sania, tara na!" Bumalik ako sa 'king huwisyo nang marinig ko ang tawag ni Ailyn. Nilingon ko sila.
Naro'n siya't nauna pang maupo sa akin sa likuran ni Kuya Ihara sa motor nito. Ang manhid kong kapatid ay hindi man lang napapansin ang pasimpleng pagkapit ni Ailyn sa kaniyang baywang.
Hmp.
"Teka, hindi ba sasabay si Lyca sa atin?" tanong ko habang papaupo sa dulo ng motor matapos kong makuha kay Ailyn iyong bag ko.
Ngumiwi ako nang makita ko ang maharot na pagsiksik ni Ailyn kay Kuya nang simulan nitong i-start ang motor.
"Ano ka ba! Hayaan mo na siya, late na 'yon!" sagot nitong si Ailyn at binalingan ang kapatid ko. "K-Kuya, sige na. Una na tayo."
Kuya Ihara is probably one of the most gentle and smooth driver I've ever encounter. Palagi niyang sinisiguro na ligtas siyang makararating sa pupuntahan niya sa tuwing nagmamaneho siya.
That's why I'm pretty amused that I can't help but to comment multiple times in mind as I witness Ailyn taking advantage of the situation.
"A-Ay! Kuya Ihara, dahan-dahan lang!" maarteng anas nitong nasa harapan ko habang nakayakap na siyang buo kay Kuya Ihara.
"Uh, sorry, sorry. Babagalan ko na lang, don't worry. Kapit ka lang, Ailyn."
Anong inaarte nitong si Ailyn? Ako nga 'tong nasa dulo na ay hindi pa natitinag sa pagmamaneho ni Kuya dahil sobrang bagal. Patagilid pa ang pagkakasampa namin n'yan sa motor dahil sa mga palda namin.
"Kuya! May hump! Ay!" Itinagilid ni Ailyn ang kaniyang mukha at nagsumiksik sa likuran ng kapatid ko. Iyong nadaanan naming hump ay 'di man gano'n kataasan kaya 'di masiyadong gumawa ng imbalance sa sasakyan.
Nag-iwas ako ng tingin. Pinili ko na lang pagmasdan ang mga madadananan namin. Nakakadiri 'tong ginagawa ng kaibigan ko, 'di ko siya kayang tingnan.
Pasimple din 'tong babaeng 'to, e. Sana nga lang ay sa pagbaba ng motor mamaya ay hindi nag-aabang ang girlfriend ni Kuya.
Noong tuluyan na kaming nakarating ng eskuwelahan ay hinintay pa namin ang kapatid ko na ma-park ng maayos iyong motor. Mabait si Kuya Ihara kaya kahit nauuna ang building niya sa amin ay hinatid niya pa rin kami sa canteen na nakapagitan sa building ng kanilang department at ng mga senior high students. He's that gentle.
"Sige. Una na 'ko. Sania, Ailyn." Ngumiti si Kuya bago tuluyang pumihit paalis. I could feel Ailyn blocking her breathe till my brother's receding figure faded in our sight.
"Sania... Sania!" Nang sa wakas ay nakaalis nang tuluyan si Kuya ay hindi na napigilan ni Ailyn ang pagsigaw niya kahit na karamihan na rin ang mga estudyante ay nakatambay sa canteen. Parang iyong pagpipigil niya ng hininga kanina ay ngayon niya inilalabas.
Pasimple kong nilingon iyong CCTV sa bungad ng canteen na nakatutok sa kasama ko at patagong napangisi.
Sige. Baliwan mo pa, Ailyn.
"I swear to God, my dear future-hipag! Tatlo't kalahating ngiti na lang niya sa 'kin, susunggaban ko na 'yang kapatid mo!" sabi niya at panay ang buntonghiningang niyakap ang kaniyang bag. "Nakakainis! Ba't napakapa-fall niya? Marupok ako, Sania! Sobrang marupok!"
Umiling na lang ako at hinayaan ko siyang magsalita at kausapin ang sarili niya. Kinalkal ko ang bag ko at kinuha ro'n ang brochure ng mga pangalang kanina ko pa tinitingnan. Mabuti na lang pala at nailagay ko 'to rito sa bag ko.
"Mga bhi!"
Mula sa pagbabasa ay nag-angat ako ng mga paningin nang marinig ko ang pamilyar na boses. Si Vanessa.
Dali-dali siyang nag-urong ng upuan sa tabi ko, sa tapat namin kung saan nakaupo si Ailyn ay natigilan sa pagbabaliw-baliwan niya nang makita si Vanessa.
"'Luh! Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Ailyn sa kararating lang naming kaibigan. Dumuko kaagad ito sa mesa nang makaupo.
"Urgh! Ang sakit ng ulo ko!" Gigil niyang hinilot ang kaniyang magkabilang sentido at dumuko ulit sa mesa.
"Aha!" Ailyn exclaimed. "Nakainom ka na naman siguro kagabi, 'no? Hang-over 'yan, panigurado! Buti nga!"
Hindi ko na binawal pa si Ailyn sa pag-iingay niya dahil panigurado namang iyon nga ang dahilan. Si Vanessa pa naman iyong tipo na magkaro'n lang ng pagkakataon, paniguradong tutungga ng toma. May palagay ako na galing silang dalawa ni Dian sa walwalan kagabi. Sinulit siguro nila ang sembreak.
Kaya nga hindi nakasama sa camping ang dalawa dahil iyong isa, hindi namin mahagilap, at itong isa naman, iniwan naming may hang-over, hindi ko akalaing babalikan naming may hang-over pa rin.
'Di rin nagtagal at dumating naman si Lourdell. Masayang ikinuwento ni Ailyn sa kaniya iyong mga karanasan niya kaninang umaga. Tapos ay magkasabay naman na dumating sina Isabelita at si Jhoma na parehas na may binabasang iisang libro. Huli sa lahat ay dumating si Lyca na kapansin-pansing kay aga-aga ay nakasimangot.
"Ayos ka lang?" tanong ko nang padabog siyang naupo sa tabi ni Ailyn.
"Sinong magiging ayos kung iniwanan ninyo 'ko? Ang usapan natin ay sabay, sabay, tayong papasok! Sabay... sabay!" Dinukdok niya sa mesa iyong hintuturo niya dahil panggigigil.
"Ang arte mo naman! Isinabay kami ni Ihara, my baby-love! Hindi ka na kakasya sa motor at male-late siya kung hihintayin ka pa namin. Tingnan mo nga ang oras ng dating mo! You already missed the fun," sagot ni Ailyn sa kaniya. Napagmasdan ko kung paanong slow-motion niyang nilingon si Ailyn at sinamaan ng tingin.
"Manahimik ka nga,! Umagang-umaga, ha! Ganitong badtrip ako, 'wag mo na 'kong mas lalo pang buwisitin! Magpakakaibigan ka naman ngayon!" galit na sabi niya at padabog na hinampas iyong mesa, halos lahat ay napatingin sa kaniya, pati ang halos makatulog na sa sakit ng ulong si Vanessa ay napaangat ng tingin.
"Sa lahat ng naging kaibigan ko, ikaw lang ang pinlastik ko, kaya sige. Mamaya na kita babadtripin, postpone muna natin ngayon." Umayos ng upo si Ailyn at nanahimik na.
Mabuti na lang at marunong siyang makiramdam. Mukha kasing badtrip talaga itong si Lyca.
"'Yan! Tama 'yan!" kunot-noo pa ring anas ng huli. "Pero set aside na muna natin 'yang punyetang pag-iwan niyo sa akin, and let me tell you my whole experience this early morning before I got here..."
Hindi pa siya nakuntento at pati ang busy sa pagbabasa na si Isabelita ay tinawag niya pa ang atensyon. Ayaw niya talagang nababalewala.
"Ano ba ang nangyari?" wala pa man ay natatawa nang tanong ni Lourdell. Nginiwian siya ni Lyca, pero pinili pa rin nitong magkuwento.
Nang matapos siya ay napuno ng tawanan ang mesa namin, pati si Vanessa ay mangiyak-ngiyak na sa katatawa dahil sa galing ng pagkukuwento't pagdedemo nitong si Lyca sa harapan namin, nawala yata ang sakit ng ulo dahil sa kuwento niyong isa.
"See? Alam kong maganda ako, kahit naka-wacky ako, nakanganga, tulog, o kahit ano pa mang view ay maganda pa rin ako! Pero ang makita akong nangungulangot ng ibang tao ng wala akong kaalam-alam ay ibang usapan na!" saad niya nang tuluyang makaupo mula sa pagdedemo na ginawa niya sa harapan namin. "Ang g'wapo pa naman no'ng lalaki, tapos makikita niya 'kong gano'n? Buwisit!"
"Bagay lang sa 'yo 'yan! Hindi mo kasi nilulugar ang kadugyutan mo!" tawang-tawang pangungutya pa ni Ailyn sa dinanas ng kaibigan namin.
"Tse!" sagot pabalik sa kaniya ni Lyca. Natatawa na lang ako't minsan ay napapailing.
Sa buong oras yata ng klase, kapag nagkakaroon sila ng pagkakataon, ay ibi-bring up ni Ailyn 'yong topic about sa nangyari kay Lyca bago pumasok kanina kaya magtatawanan na naman kami. Kalahating araw ay iyon ang topic namin at paulit-ulit niya pa ring idine-demo iyong kahihiyang nangyari sa kaniya kapag wala kaming instructor.
Nang dumating naman ang General Mathematics instructor namin ay nagsitahimikan ang lahat. Hindi naman nakakatakot ang teacher namin, pero alam naman ng lahat na kapag Math na ay tatahimik kahit pa ang pinakamaingay sa buong klase.
"O, sige. Mag-bring up tayo ng example para mas maintindihan ninyo. Hmm..." Nasa kalagitnaan kami ng discussion nang sinabi 'yon ng instructor namin.
Sinimulang ilibot ni Sir Castillo ang mga mata niya sa buong klase. Nagsiyukuan kaagad kami.
No. He's up for some recitation.
"Ms. Valdesco!" malakas na anas ng guro namin. Napasinghap kaming lahat at napatingin sa dalawang Valdesco sa 'ming grupo.
Namumutla sina Lourdell at Dian. Magpinsan ang dalawang ito kaya magkaapelyido.
"S-Sir, sino pong Valdesco?" nakangiwi ngunit pilit na ngumingiting tanong ni Dian na siyang naroon sa dulo ng kaharap naming row. Katabi siya ni Jhoma na siyang nira-rub na ang likuran niya.
"Huwag kang kabahan. Huwag kang kabahan," pagtya-chant ni Jhoma sa tabi niya.
"Si Lourdell Rose!" malakas pa ulit na sagot ni Sir. Muli kaming nagsinghapan ng mga kaibigan ko.
"Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo?" pabulong kong tanong sa 'king katapat. Si Lourdell ay dahan-dahan tumayo habang nakatingin sa akin.
"'Di ko rin alam kung ano, Sania. 'Di ko rin alam."
Panay ang hinga ng malalim ni Lourdell. Mukha siyang hinihika. Nagsimula na kaming magsihagikikan dahil sa itsura niya.
"Kumalma ka! 'Di naman kita kakainin!" natatawang anas ni Mr. Castillo. Halakhakan ng buong klase ang namutawi sa silid.
"Sir naman! Bakit ako?" nakasimangot na sagot sa kaniya ng kaibigan namin. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang aking pagtawa. Si Lyca nga ay 'di na makatingin.
"Nakakahiya si Lourdell! My gosh!" bulalas nito sa 'king tabi.
"O, sige! Ito ang tanong! Madali lang naman 'to. O, lahat kayo, itabi n'yo 'yang calculator ninyo para fair kay Ms. Valdesco." Tumayo si Sir mula sa pagkakaupo sa harapan ng kaniyang desk. "Ready?"
Lourdell blows air. "R-Ready, Sir."
"Let's say, mayroon kang pera na nagkakahalaga ng one-thousand pesos. Then, one of your friends decided to borrow from you which costs five-hundred pesos. Pumayag kang magpahiram in the condition na maniningil ka kasama ng five percent interest mula sa inutang niya. Now, magkano lahat, lahat, ang ibabalik na pera sa 'yo ng kaibigan mo?"
Nagsimulang magbulungan ang lahat. Nagsisipaghanapan ng sagot. Nakahalukipkip kong pinagmamasdan ang likuran ni Lourdell. She can do it. I know she will do everything to pass this question. Everything.
"Uy, Sania! Ilan ba?" bulong ni Lyca sa 'king tabi.
"Five-hundred and twenty-five pesos," sagot ko. Tiningnan ko sina Isabelita at Jhoma na seryosong nakatingin din kay Lourdell. I knew they already know the answer too without checking even if calculator is allowed. Sir Castillo didn't lie when he said that it was an easy question.
"O, o, o! 'Wag kang lilingon sa iba!" maagap na bawal ni Sir nang subukang lumingon sa amin ni Lourdell. Napabuntonghininga na lang ako at napadantay sa 'king upuan.
"O? Anong sagot?" Kinagat ko ang labi ko nang kumintab ang panot na ulo ni Sir nang mag-reflect doon ang ilaw. Panay ang hinga ko ng malalim.
Huwag kang makatawa-tawa riyan, Sania. 'Di pa maganda ang sitwasiyon ng kaibigan mo.
"A-Ano, Sir... Ano..." Lourdell stilled before inhaling. "Wala na, Sir. Wala nang babalik sa akin."
Hagalpak lahat sa tawa dahil sa sagot niya. Ang guro namin ay kunot na kunot ang noo dahil sa kaniyang tinuran.
"What? Simple question and you don't know the answer? You're not even close to the right answer! Anong wala na? You don't know basic math, Lourdell Rose?" Stress na itong si Sir. Palakas nang palakas ang boses.
"Sir, 'di mo kilala mga kaibigan ko," depensa naman nitong si Lourdell. Napatingin tuloy sa gawi namin si Sir bago napahugot ng hininga.
"Hay, manlalakbay. Mali pala ako ng tinanong." Iiling-iiling na bumalik si Sir sa pagkakaupo sa harap ng desk niya at tumawag na lang ng ibang sasagot kaniyang tanong. Iyong top one slash president namin na si Sarah ang tinawag.
"Nice call!" bulong ni Vanessa. Maangas naman na tumango si Lourdell.
"Huwag n'yo kong matahin!" Bumungisngis kaming magkakaibigan.
See? I knew it. She'd get through with it no matter what.
Nang matapos ay klase ay tawanan kaming lahat habang papalabas ng classroom. Ngayon, dalawang topic na ang ibini-bring up namin sa 'ming paglalakad habang pababa ng building namin.
"Ang kapal ng mukha mo! Ano ang ibig mong sabihin? Na hindi kami marunong magbayad ng utang?" biglang pakli ni Ailyn sa tawanan namin. Nawala ang mga ngiti namin.
"Oo nga! Sinasabi mo ba na ang utang sa iba, ginagawa naming hingi?" bulalas naman nitong si Lyca.
"Gawain mo 'yan, e. Naalala ko noon, naghiram ka ng isang-daan sa akin! Ang sinabi mo, pambayad lang sa swimming, tapos 'di mo na binayaran!" Iiling-iling na pumapalatak itong si Ailyn habang masama ang tingin kay L
Nagpapasalamat rin ako na half day lang ang klase ngayon, pero dahil may mga natambak na gawain sa club ay tinapos pa muna namin ang mga 'yon, hanggang sa inabot na kami ng alas-dos ng hapon bago nakauwi.
Dahil may lakad ang mag-super best friend kuno na sina Ailyn at Lourdell ay nauna na sila. Nagpasama naman si Lyca kina Isabelita at Jhoma sa bayan, at 'yong isang may hang-over kanina na si Vanessa ay sumama na naman sa walwalan nang ayain ng palitaw naming kaibigan na si Dian. Bahala sila sa mga buhay nila. In the end ay mag-isa akong umuwi.
Nang makababa ako ng jeep sa kanto ng compound namin ay wala nang bagal-bagal pang umuwi ako. Nang makapasok ako sa bahay ay naro'n na sina Mama at si Papa ay nakita kong nanonood ng telebisiyon sa malawak naming sala katabi sina Isaiya at si...
Wait! Am I seeing things right?
"P-Pa!" tawag ko sa atensiyon ni Papa. Sabay-sabay silang tumingin sa akin, si Isaiya at ang katabi niyang nakabalat-kayong taong-aso.
Nakita ko kung paanong nagliwanag ang ekspresyon ng huli nang makita niya ako that I thought I saw imaginary tails wagging behind him.
"Nandito na 'ko," anas ko at lumapit para magmano kay at Mama at kay Papa. Ang taong-aso ay dama kong sinusundan ng paningin ang bawat kilos ko.
"Kumusta ang eskuwela?" tanong ni Papa na hindi napapakli ang tingin mula sa panonood.
"School pa rin naman," sagot ko. Huminga ako ng malalim bago tuluyang nagdesisyong magtanong.
"Pa... Okay na kayo?" That caught Papa's attention. He looks at me and nods his head.
"Yes, of course! Well, your friend is weird, but... Yeah! I already forgave him! Right, buddy?" Tumatawang inakbayan ni Papa ang nakangiwing nilalang sa tabi niya.
But how?
"Sania, hindi mo nabanggit sa akin na napakahusay sa larong chess nitong kaibigan mo. He's a pro!" ani Papa. My eyes widened at and I look at the creature beside him.
Chess?!
"Pa, wait lang, ha? May pag-uusapan lang kami." Malapad ang ngiting pumayag si Papa at pinakawalan ang taong-aso mula sa kaniyang pagkakaakbay.
Tumakbo kaagad ako paakyat ng hagdan habang siya ay sumusunod sa akin. Dumire-diretso kami sa kuwarto ko.
"Okay. Now, tell me everything. Paano mo nagawa mo 'yon? Bigla kang nagustuhan ni Papa!" mangha kong tanong nang maibaba ko sa kama ko ang aking bag.
Pinagmasdan ko siya. Hindi pa rin siya bumabalik sa dati! Napakagaling!
"Hindi ko maintindihan ang iyong ama! Kanina lang ay halos mag-usok ang tainga't ilong niya kapag nakikita ako," saad niya habang pasimpleng sinusundot ang kutson ng aking kama. "Tapos nang hamunin niya 'ko sa larong tinatawag niyang... c-chess? At nang makaulit ko siyang natalo ay nagkagano'n na siya."
I'm not wondering. Papa is a huge fan of chess. He fought multiple times against international games when he was young and won in different grade levels kaya gano'n na lang ang pagkahumaling niya rito sa tuwing may nakakatalo sa kaniya. He thinks they're too intelligent that they were able to beat him.
"Pero paanong marunong ka ng larong 'yon?" tanong ko nang ma-realize ko ang bagay na 'yon.
"Nagkataon lang na may kaparehang laro sa nayon namin kaya madali kong nakuha ang turo ng ama mo." Mabilis siyang sumampa sa kama ko nang makita niyang nangangalkal ako sa 'king drawer. Napangisi na lang ako.
Akala niya yata ay hindi ko siya inoobserbahan. Siguro, nagustuhan niya iyong lambot ng kama ko.
Pinagmasdan ko siya na pagulong-gulong doon, hindi ko mapigilang matuwa. He's really something.
"Sorry pala, ha? Hindi pa 'ko nakakaisip ng pangalan para sa 'yo," I said out of nowhere. Isinara ko iyong drawer na nakabukas and I lean on the cabinet.
Tumigil siya sa paggulong-gulong sa kama ko at mabilis siyang tumayo. Yumuko siya at kinamot ang kaniyang batok.
"'Wag mo nang abalahin ang sarili mo para ro'n. Hindi ko naman 'yon kailangan," sabi niya. Napangiwi tuloy ako. Anong hindi kailangan?
"Hindi!" bulalas ko. "Kailangan mo 'yon at ngayon mismo, mamimili tayo ng pangalang karapat-dapat para sa 'yo! Upo!"
A magic circle flashed underneath his feet and he was forced to sit down. Tumalbog ang kutson ng kama nang puwersahang mapaupo siya. Upong-aso siyang gulat na gulat na nakatingin sa akin.
"T-Tashikani..." bulong niya bago sumama ang tingin sa akin. 'Di ko na 'yon pinansin pa. Minumura niya ba ako sa kaniyang lengguwahe?
I pace back and forth in front of him.
"There are various of names that I already picked for you. Ikaw na lang ang bahala kung magugustuhan mo. So, let's start to... Benjamin!"
Ngumiwi siya kaya pati ako ay napangiwi na rin. Parang hindi nga yata bagay sa kaniya.
"How about George?"
"Hindi ko gusto ang tunog."
"Aa... Louie?"
"Pangit."
"E, yung Joseph?"
"Atch!"
"Err... Alexander?"
"Nakakainis!"
"Ayaw mo lahat?" nakangiwi kong natanong nang tuluyan na naming maubos ang listahan ng mga pangalang napili ko para sa kaniya.
Sa dami no'n ay wala man lang siyang nagustuhan ni isa. Lahat ay pangit daw sa pandinig niya.
"Nakakainis!" tanging sambit niya lang bago padabog na humalukipkip.
"Fine, fine. Magmiryenda na lang muna tayo. Kain tayo sa kusina," sabi ko. Doon ko lang nakitang nagliwanag ang mukha niya. Natatawa kong tiningnan ang wristwatch ko. Sakto'y bigla na lang 'yong nag-alarm; iyong naka-set kong alarm ay ito na.
Oras na nga pala talaga ng miryenda. Naaalala ko tuloy kung bakit ko i-s-in-et ang alarm na ito. Tuwing saktong alas-tres kasi ng hapon ay palaging naghahanap ng pagkain ang taong-aso. I mean he's always hungry, pero sa oras ng alas-tres siya dapat bigyan ng pansin. Strictly at this time only or he'll destroy everything that gets in his way. It's scary. He's like a ticking time bomb.
And because my watch is using twenty-four format, it's already fifteen o'clock.
Bigla akong natigilan. Maigi akong napatitig sa 'king orasan.
Fifteen?
"Mortal! Ano na? Ang akala ko ba ay kakain na?" Tinawag niya ako. Doon ay unti-unti ko siyang nilingon.
"Alam ko na kung ano ang magiging pangalan mo!" malalaki ang mga matang anunsyo ko.
"A-Ano?" parang gulat pang itinanong niya.
I smile.
"Akinse!" Natutuwang ginulo ko ang kaniyang buhok nang lapitan ko siya sa pagkakaupo niya. Naupo rin ako para magpantay kaming dalawa. "Magmula ngayon... Akinse na ang pangalan mo."
"Ako si... Akinse," bulong niya bago mariing pumikit.
Behind the scenes:
• L Y C A
Kung magkakaro'n ka ng mga kaibigan na walang paninindigan, matutuwa ka ba? Aba, siyempre, hindi! Kaya nga nang malaman kong iniwan ako ng dalawang hipon na sina Sania at Ailyn na siyang salot sa buhay ko ay buwisit na buwisit ako. Medyo napasobra lang ng kaunti ang tulog ko, iniwan na 'ko? Humanda sila mamaya sa 'kin.
Kahit mag-isa ako, which is hindi ko naman gaanong ikinalulungkot, ay ayos lang naman. Naniniwala kasi ako na ipinanganak ang mga tao sa mundo ng nag-iisa lang sila. Kaya hindi dapat nila sanayin ang mga sarili nila para dumepende sa ibang tao. For example, ako; medyo ayos lang sa akin na naiiwanan ako. Siyempre, sanay na 'ko, e. Isa pa, nag-iisa ako nang ipinanganak ako ni Mama sa mundo. Lahat naman tayong mga indibidwal, e.
Pero may kaunti naman akong uniqueness. Kasi sila, ipinaganak lang. Ako, ipinanganak na maganda.
Nang tuluyan akong makaahon sa paglabas ng compound namin ay doon kaagad ako sa bus stop nagtungo. Tumayo lang ako at poise na poise na naghintay ng masasakyan, may kasamang mga pagmumura na rin kina Sania at Ailyn dahil sa pag-iwan nila sa akin.
Ang mga walanghiya ay hindi man lang ako naisipang i-text! Ihahanda ko na talaga ang black shoes kong may two inches na takong para ihambalos sa kanila mamayang pagpasok ko para fierce ang grand entrance ko.
Umingos ako nang maramdaman kong nangangati ang ilong ko. Sinubukan kong huwag pansinin no'ng una, pero mas lalo yatang nangati dahil sa pag-ignore ko. Buwisit, papansin!
Hanggang sa hindi ko na napigilang hindi magtanggal ng dumi sa ilong. Hindi naman ako natatakot na mangulangot sa public, e. Maganda naman ako 'tsaka... wala namang tao-
Siguro dahil call na rin ng instincts ko, wala sa sariling lumingon ako sa 'king gilid, sa may bandang right. Slow motion pa ang paglingon ko with matching background music dahil biglang may dumadaang karo ng patay sa kabilang kalsada. Talagang nag-stress ako dahil tumutugtog ang kantang My Heart Will Go On!
Gayon na lang ang pagkapahiya ko nang makita kong may katabi pala akong lalaki! Napamura ako ng may poise sa isipan ko.
Nakaawang ang mga labi nito habang nakatitig sa akin. Ang bolang pinaiikot niya sa kaniyang hintuturo ay tuluyang nalaglag sa sahig at ako naman ay dali-daling tinanggal ang pagkakasundot ng hintuturo ko sa 'king ilong.
Kalma lang! Kalma ka lang, Lyca Mae! Maganda ka! Sobrang maganda! Maniwalang kang maganda ka!
Hindi na ako naghintay pa ng matagal at walang lingon-lingong sumakay ako sa humintong bus sa 'king tapat.
Nagmamadali akong umupo sa tabi ng bintana at pasimple sinilip ang lalaki sa waiting shed.
He's still looking at my direction! Nakangisi siya! Ang guwapo niya!
Mabilis akong tumingin sa 'king harapan. Gigil kong sinuntok-suntok ang bag ko.
Sania! Ailyn! Kasalanan niyo 'to!