webnovel

Chapter 22

CAMILLE'S POV

Ilang araw na simula nung mawala si Ashley at ilang araw na rin namin hindi makausap si ethan ng matino…parang nag iba sya? Parang may mali

FLASHBACK (Yung araw na nawala si Ashley)

"Ethan…"pagtawag ko kay ethan dahil nasaksihan namin ang lahat simula nung naging abo si Ashley, ay nakaupo pa rin sya sa semento"Ethan..ayos ka lang ba?" tanong ko sakanya muli ngunit laking gulat namin ni Calliofer nung tumayo sya at tumingin samin

"Katulad lang sya ng iba..iniwan rin ako"nakangising sambit nya saka lumakad palayo samin ngunit pinigilan sya ni calli

"Ethan sandali naman" pagpigil sakanya ni calli "hindi naman ginusto ni Ashley nawala at iwan ka" mahinahong sambit ni calli

"Hindi ginusto?"little smirk draw in his face"Naririnig mo ba yang sinasabi mo calli?"tanong nya habang nakangisi "Ilang beses na nyang sinabi nawawala na sya!" sigaw nya samin"Tapos sasabihin mo sakin ngayon hindi nya ginustong mawala? That's bullsh*t!" sambit nya pa at makikita naman kay calli na naiinis sya sa inaasal ni ethan

"Sa tingin mo kaya sinasabi ni Ashley yon dahil gusto na nyang mawala? Well if that's what you think, I think you are the bullsh*t!" sigaw sakanya ni calli at kitang kita na sakanya ang galit

"Wala kang alam calii---"

"No Ethan baka ikaw ang walang alam!" sigaw ni calli habang nakangisi sakanya

"Calli..." pigil ko sa sasabihin nya

"No Camille let me the truth" sagot sakin ni calli

"Calli hindi eto yung gusto ni Ashley…" mahinahon ko pa ring sambit sakanya

"Wala na si Ashley!" nabigla ako sa sigaw ni calli "Kahit anong mangyari hindi na sya makakabalik!" unti-unti nang umagos ang mga luha galing sa mata ni calli "At dahil sayo yon!" sigaw nya kay ethan "Dahil sayo nawala si Ashley" turo nya pa kay ethan

"Calliofer!" sigaw ko sakanya "Tumigil kana!"awat ko sakanya

"No! tell me the truth!" sigaw naman ni ethan

"Ow! Do you wanna know the truth?" nakangising sagot sakanya ni calli

"Yeah! Tell me! What about me?" mausisang tanong ni ethan

"Its not about time to tell you the truth" sagot ko sakanya

"No camille lets tell him" kontra sakin ni calli

"What does all about?" tanong naman muli ni ethan

A Little smirk draw in calli's face "Well its true Ethan dahil sayo kaya nawala si Ashley" naninisi ang mga mata ni calli "Nag sakripisyo sya para sayo!" sigaw ni calli kitang kita sakanya  ang galit

"Sakin? Bakit sakin?" gulong natanong ni ethan

"May sumpa ka! Pero siguro ngayon wala na dahil wala na sya" paliwanag ni calli kahit gusto ko syang pigilin ay hindi ko magagawa dahil si ethan na mismo ang nag patuloy, siguro nga eto na ang tamang oras

"Sumpa?" takang tanong ni ethan

"Oo, Galing kay de layla! Binigyan ka nya ng sumpa upang makaganti kay Ashley and guess what nagtagumpay sya! At dahil sayo yon!" nang hina ang mga tuhod ni calli at napaupo "Pero si Ashley na mismo ang nagsabi na wag kang sisihin dahil…" napayuko nalang si calli at pumatak na ang kanyang mga luha "Mas gugustuhin na daw nyang mawala kesa raw ikaw ang masaktan" matapos nyang sambitin ang mga katagang yon ay nag sunod-sunod na ang mga luha ni calli

Tinignan ko naman si ethan ay nakita kong tumulo ang kanyang mga luha at napayukom sya "Ilang beses kong sinabi sakanya na pabayaan ka pero wala kase daw mahal ka nya…" parang inaalala nya ang lahat "tas nung---" hindi na natuloy ni calli ang sasabihin dahil sumabat si ethan

"Enough! That't Enough! Ayoko nang luminis pa ang pangalan nya sakin! Basta ang akin ay iniwan nya ako!" tila ba parang ayaw na nyang marinig ang susunod na sasabihin ni calli, tumalikod sya at nag lakad palayo pero tumigil sya nung mag salita si calli

"Ang sabi nya sakin kaya mo lang sya minahal dahil sa sumpa at nung una hindi ako naniniwala don…pero sa inaasal mo ngayon? Siguro nga dahil lang sa sumpa" nakangisi syang tumayo at naunang mag lakad samin pero lumingon sya sakin "Dyan kana lang ba Camille? sasamahan mo ba yang lalaking yan?" nakangisi nyang tanong

Tumingin muna ako kay ethan "I don't need you here" the coldness in his voice makes me freeze "Just go away" ang mukha nya ay walang makikitang ekspresyon  ngunit ang kanyang mga mata ay punong puno ng kalungkutan "What are you looking at?" iritadong tanong nya "Aish, don't worry hindi ako susunod kay Ashley" matapos nyang sabihin yon ay sumunod na ako kay calli

"Hindi ba delikado sakanya ang mag-isa?" tanong ko kay calli

"Don't worry hindi sya nag-isa" bulong nya kaya naman tinignan ko sya

"What do you mean?" takang tanong ko

"May mga multong mag babantay sakanya, dyan lang sa gilid-gilid" nakangisi nyang sagot kaya naman napailing nalang ako

END OF THE FLASHBACK

Simula nung araw na yun ay hindi na makausap ng matino si ethan, napupuntahan namin sya pero tinataboy nya lang kami kaya ang madalas nya lang kasama ay si calli kasi si calli kaya nyang tumagos sa mga pader just in case na paalisin sya ni ethan

CALLIOFER'S POV

Araw-araw akong nandito sa gilid-gilid upang bantayan si ethan..minsan hindi nya alam pero madalas na papansin nya ako kaya naman minsan wala akong choice kundi ang umalis kunwari saka magtago muli

Nalalapit na rin ang kantahan na sasalihan ni ethan ngunit sa palagay ko ay hindi na sya sasali…

Ngayon ay papasok sya sa school kaya naman eto ako ngayon sumusunod sakanya -_-

"Pwede ba? Wag mo na ako sundan? Kung iniisip nyong susunod ako don sa babaeng yon..tss hindi mangyayari yon..sabi nyo nga diba? Hindi ko sya mahal? Baka totoo nga"matapos nyang sambitin ang mga katagang yon ay napayukom ako ng kamao ko

'F*ck him! Hindi nya alam ang ginawa ni Ashley para sakanya!'

Hindi ko na sya pinansin sa halip ay mas nauna ako sakanya upang wala na syang masabi pa tss

Nang makarating na kami sa school nya ay pumunta agad sya sa kaibigan nya at narinig kong sinabi nya sa kaibigan nyang single na sya muli at natuwa naman agad ang kaibigan nya dahil raw yung kaibigan raw nung girlfriend nya ay tinatanong raw si ethan

'Tss mga walang utak!'

Naalala ko tuloy ang sinabi sakin ni Ashley nung huling labas namin

FLASHBACK

"nasabi ko nanaman sayo lahat ng gagawin mo para bukas diba?"tanong sakin ni Ashley kaya naman tumango nalang ako

"Ashley.."naiiyak na sambit ko

"Aish ikaw talaga"sagot nya sakin at ginulo ang buhok ko"tong mangyayaring to..just in case lang naman, malay mo kinabukasan non..andito pa ako"nakangiti nyang paliwanag

"Paano kung wala na?"tanong ko saka tumuloy ang luha ko

"Edi alagaan mo si Ethan..alagaan nyo sya"nakangiti nyang sagot kaya naman lalo akong naiyak

"Manakot kana kasi..kahit mga ilan lang? Tutulungan  kita"suhestiyon ko sakanya

"Hindi na baka masaktan lang si Ethan"pagtanggi nya"Basta ha pangako nyo sakin ni Camille, aalagaan nyo si Ethan"kahit labag sa kalooban ko tumango nalang ako

END OF THE FLASHBACK

'Kahit hanggang huli ikaw pa rin iniisip nya'

"Sige Charles sasama ako mamaya"dinig kong sambit ni ethan kaya naman napatingin ako sa kanila

"Ah sige! Love! Sasama raw si Ethan! Sama mo na rin yung friend mo"nakangiting sambit nung Charles kaya naman napakunot ang nook o dahil may kausap sya sa cellphone

'So sine-set nya si Ethan sa isang blind date? Eh kung sya kaya gawin kong blind?'

Tinignan ko ng masama si Ethan pero ngumisi lang sya sakin kaya naman inirapan ko nalang sya saka umalis at pumunta kay Camille

"Camille!"sigaw ko sakanya nung nasa labas kami kaya naman agad syang napatingin

"Calli ikaw pala"sagot nya sakin saka tuluyang lumapit

"Yung kaibigan ni Ethan inaaya syang makipag-blind date!"sagot ko kaya naman nanlaki ang mata nya

"Si Charles?"tanong nya kaya naman tumango nalang ako"Eh ano namang sabi ng magaling na Ethan?"tanong nya

"Ano pa nga ba? Edi pumayag sakto naman raw single sya"naiinis na paliwanag ko sakanya

'D*nm you Ethan! Hanggang huli ikaw iniisip ni Ashley tas ikaw ganyan ka ngayon? Tss walang utang na loob"

"What?! Sinabi nyang single sya?"tanong naman ni Camille kaya naman tumango ako

"Gawan mo ng paraan para hindi matuloy"sambit ko sakanya kaya naman agad nanlaki ang mga mata nya

"Bakit ako? Diba ikaw ang multo ditto? Bakit hindi mo takutin?"tanong nya sakin

"Hindi ako pwede manakot basta-basta"sagot ko sakanya

"Bakit naman?"takang tanong nya

"Hindi naman ako katulad ni Ashley na BlackShadow"sagot ko sakanya

"Eh ano ka naman?"tanong nya

"WhiteShadow"maikling sagot ko sakanya

"Ano naman pinagkaiba non?"kunot noong tanong nya siguro hindi nya alam ang tungkol sa white at black shadow?

"Tinuturing ang WhiteShadow na mabait at maaring maging kaibigan ng mga tao ngunit ang mga BlackShadow ay tinuturing na salot at masama"paliwanag ko kaya naman nagulat si Camille

"Masama? Hindi naman masama si Ashley ha?"takang tanong nya

"Tulad nga sinabi ko 'tinuturing ng mga tao' hindi naman totoo yon"sagot ko pa sakanya

"Edi manakot kana para naman malaman nilang mali ang sinasabi nila"suhestiyon nya pa sakin

"Kung ganon lang kadali bakit hindi?"sagot ko sakanya

"Bakit ano ba meron?"usisa nya pa

"Pag kase ginawa ko yon..magiging BlackShaodow na ako.."nakayukong sambit ko

"Pag bag anon? mawawala kana ren?"tanong kaya

"Hindi naman"sagot ko sakanya

"Pero bakit si Ashley?"parang naiiyak na tanong nya

"Hindi mo ba alam ang totoo?"tanong ko sakanya

"Ang tanging sinabi sakin noon ni Ashley ay mawawala na sya kaya alagaan ko raw si Ethan, kaya nga nung sinabi mo na nasumpa si Ethan medyo hindi ko masyado na-gets"paliwanag nya kaya naman medyo nag taka ako

'Wala pala syang alam'

"Pwede mo bang sabihin sakin kung ano ang nangyari? Yung buong nangyari"sambit nya pa

"Saan ko ba sisimulan? Basta nung araw na pinuntahan ni De layla si Ethan ay yun din ang araw na  nagkaroon si Ethan ng sumpa, Which is nakadepende ang gagawin ni Ashley sa maaring mangyari kay Ethan..at ang pinaka ayaw ni Ethan ay ang manakot si Ash dahil ayaw nya raw na kamuhian si Ash..kaya naman si Ash sa halip na isipin nya ang mangyayari sakanya  mas inisip nya ang mangyayari kay Ethan.."napayuko ako dahil tumulo nanaman ang luha ko"Ilang beses ko syang pinigilan at sinabing hayaan nalang si Ethan pero ala mahal raw nya si Ethan.."hindi ko na napigilan ang mga luha ko nung maalala ko ang mga araw na pinipigilan ko sya"Ngunit tinanong ko sya kung naiisip nya ba ang mangyayari kay Ethan pag nawala sya..ang sabi naman nya hindi raw masasaktan si ethan dahil hindi naman daw totoo ang pag mamahal ni ethan sakanya..at sa tingin ko totoo nga—"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung may marinig kami sa likod kaya naman sabay kaming napalingon at nakita naming si

'Ethan?'

"Ahmm..sasabihin ko lang sana magsisimula na ang klase.." matapos nyang sabihin yon ay tumalikod na sya at umalis

"Mauuna na ako calli mamaya nalang.."nakayukong sambit ni Camille kaya naman tumango nalang ako

Gustuhin ko man na kwentuhan pa sya ngunit oras na ng klase nila..siguro sapat na rin ang nakwento ko upang maintindihan nya

CAMILLE'S POV

Lumipas ang oras at isang subject nalang uwian na at kanina pa ako tingin ng tingin kay Ethan at  parang nabalisa sya? Hindi sya mapakali

MEANWHILE

Natapos na ang klase naming kaya naman medyo lumapit na ako kay Ethan upang marinig ang usapan nila

"Tol tara na, baka nag aantay na sila don"sambit ni Charles habang si Ethan ay hindi sya pinapasin"Tol? Ayos ka lang ba?"tanong ni Charles pero hindi pa rin sya pinansin neto"Ethan!"sa sigaw ni Charles na yon ay parang nanumbalik si Ethan sa reyalidad

"Tol? Bakit?"tanong naman ni Ethan

"Sabi ko tara na, baka nag hihintay na sila"paliwanag muli ni Charles

"Tol hindi muna pala ako makakasama, sumama kase ang pakiramdam ko eh.."paliwanag ni Ethan

"Ganon ba tol? Sige sa susunod nalang kita papakilala"nakangiting sagot ni Charles

"Pasensya na tol ha"paumanhin ni Ethan

"Ayos lang tol may next time pa naman"sagot pa ni Charles"sige tol una na ako ha? Andon na raw kase sila eh"paalam ni Charles

Nung makaalis na si Charles ay tumingin sakin si Ethan"Pwede ba? Kahit ngayon lang wag nyo ako sundan? Wala namang mangyayari sakin..hindi ko susundan si Ashley tulad nga ng sinabi nyo diba? Hindi ko sya mahal at dahil lang sa sumpa yon"pagkasabi nya non ay umalis na rin sya.. kaya naman pumunta ako kay calli

"Calli! Hindi na aalis si Ethan"sambit ko sakanya"Pero ang sabi nya wag muna raw natin syang sundan"paliwanag ko pa

"Sige umuwi kana..ako na bahala"nakangiti nyang sambit kaya naman tumango nalang ako at nag paalam

CALLIOFER'S POV

Nung makaalis na si Camille ay agad na akong sumunod kay Ethan ngunit Asan sya?

Umikot ako sa buong ngunit wala akong ethan na nakita kaya naman napagdesisyonan ko na pumunta nalang sa bahay nya

Nang makarating na ako sa bahay nya ay hindi nga ako nag kamali, nandito sya nararamdaman ko kaya naman pumasok na ako sa loob at sarado ang kwarto kaya naman napagdesisyonan ko na pumunta sa bubong upang hindi ako Makita

At laking gulat ko nung makarating ako sa bubong at sumilip sa kwarto nya..nakatalukbong sya? Siguro kailangan nya muna mapag-isa kaya naman umalis na muna ako don

KINABUKASAN

Agad akong pumunta sa bahay ni Ethan nung magising na ako sa bahay ko at buti nalang nakasalubong ko si Camille upang sabay na rin kaming pumunta doon

"Calli! Bukas na pala ang kantahan ni ethan!"masiglang sambit nya nung magkalapit kami

"Kakanta ba sya?"tanong ko sakanya

"Hindi ko alam"sagot nya sakin

"Pabayaan na natin sya..kung ayaw nya wag na nating pilitin"sagot ko sakanya saka nag lakad na pero napahinto ako nung magsalita sya muli

"Hindi pwede..kailangan nyang makakanta.."napayuko sya nung pagkasabi nya non sasagot na sana ako ngunit nag salita sya muli"Yun kasi yung huling sinabi sakin ni Ashley..na ang pagkanta ang tanging paraan ni Ethan para malabas ang tunay nyang nararamdaman..siguro kaya sinabi sakin ni Ashley yon dahil naiisip na nyang mangyayari to"paliwanag nya sakin

"Tara na..pipilitin natin sya"nakangiting sambit  ko sakanya at kakikitaan naman sya ng tuwa at gulat kaya naman tumango sya agad at nag simula na kaming maglakad

Nung nasa harap na kami ng bahay nila Ethan, hindi mabuksan ni Camille ang pinto

"Nakalock"bulong nya

Kaya naman pumasok na ako at nung makapasok ako ay binuksan ko na ang pinto at nung makapasok na si Camille ay nagsimula na syang maglakad sa kusina upang mag luto

Ako naman ay naupo lang sa sofa, nasa kwarto pa si ethan kaya naman hindi nya alam na nandito kami hehe

Maya maya lang ay natapos nang magluto si Camille kaya naman naupo na sya sa tabi ko…unti-unti namang bumukas ang pintuan kaya naman nakangiti kami nung Makita kami ni Ethan

"Anong ginagawa nyo dito?!"sigaw nya agad pero nginitian lang namin sya"Paano kayo nakapasok dito?"tanong nya pa

"Gumamit kami ng pintuan"nakangiting sagot naman ni Camille

"Tss..alam nyo bang bawal yang  ginagawa nyo? Pumapasok kayo sa bahay kahit hindi alam ng may ari"tanong nya pa

"Bahay naman to ng kaibigan namin"sagot ko sakanya

"Hindi ko kayo kaibigan"seryosong sagot nya

"Hindi naman ikaw"nakangisi kong sagot

"Hindi kanya to"sambit nya pa habang sa iba nakatingin

"Kanya rin to"nakangisi pa rin ako sakanya habang sya nakatingin sa malayo

"Akin to"sambit nya saka tumingin sakin

"Sainyo to"nakangisi kong sagot at kitang kita sakanya na napipikon na sya

"Paano naging sakanya to?"tanong nya

"Diba mag-asawa kamo kayo?"nakangisi pa rin ako kaya naman umiwas sya ng tingin

"Kakain na ako bahala na kayo sa buhay nyo"sambit nya saka umalis at pumunta sa kusina

Sinundan naman namin sya ni Camille "Ethan bukas na yung kantahan.."sambit ni Camille kaya naman napatingin samin si ethan

"Alam ko..hindi na ako sasali don"deretsong sagot nya

"Bakit ka hindi sasali?"nang-aasar na tanong ko

"Ayoko lang"sagot nya saka bumalik sa pagkain

"Hindi kaya ayaw mo lang dahil si Ashley ang may gusto non? Kala ko ba hindi mo sya mahal?"nakangisi kong sambit

"Hindi nga"seryosong sambit nya"Pwede ba? Umalis na nga kayo hindi naman kayo nakakatulong"iritadong sambit nya

'Aish hindi sya kumagat sa patibong ko'

"Ethan lets make a deal?"sambit ko

"What?"iritado pa rin sya

"titigilan ka na namin pag bukas kumanta ka..pangako hindi na kami mangungulit"nakangisi kong sambit

"Are you sure?"tanong nya saka ako tumango kaya naman nag isip sya saka tumingin sakin"Deal"sambit nya saka umalis sa harapan ko

'Lets see Ethan kung hindi mo nga talaga mahal si Ashley'

Chapitre suivant