Habang nasa Paris pa sina Scarlet, abala naman sa pagpaplano sina Nathalie at Lorena. Itinuloy nila ang planong pakikipagkita kay Carlos.
"Ready ka na?" Ani ni Lorena
"Oo kahit kinakabahan ako.." tugon ni Nathalie
"Uso ba sayo iyon?" Ani ni Lorena
"Baliw may damdamin din naman ako.." ani ni Nathalie
"Oh sige na magready ka na paparating na si Carlos nag message na siya sa akin." Tugon ni Nathalie
Ilang sandali pa nga ay dumating na si Carlos. Laking gulat nila ng makita nila ang bagong Carlos, hindi na ito mataba sa kabila ng dati nitong itsura. Kitang-kita na ngayon kay Carlos ang pagiging isang matipunong lalaki.
Natulala si Nathalie sa kanyang nakita. Halos hindi rin makapaniwala si Lorena, dahil ngayon na lamang din niya nakitang muli si Carlos.
"C..Carlos?" Ani ni Lorena
"Yes! Ako nga." Tugon ni Carlos
"Ibang-iba ka na ah.. ang laki ng pinagbago mo.." tugon ni Lorena
Natulala pa din si Nathalie mula ng makita niya si Carlos. Bakas sa mukha niya na natitipuhan niya ito hindi lamang para gamitin kundi maging kapares sa buhay. Naupo na sila at umorder at saka itinuloy ang kanilang usapan.
"By the way Carlos.. remember her?? Nathalie??" Ani ni Lorena
"Off course! Sino ba naman ang makaklimot sa first crush?" Tugon ni Carlos
Napatingin si Lorena kay Nathalie at siniko, namula naman ang mga pisngi ni Nathalie sa sinabi ni Carlos. Kung kaya upang hindi mahalata, sumingit siya sa usapan ng dalawa.
"Puro ka biro Carlos.. hindi ka pa din nagbabago." Ani ni Nathalie
"Mukha ba akong nagbibiro? Bakit may asawa ka na ba?" Tugon ni Carlos
"Asawa wala?? Naghahanap pa ako.." ani ni Nathalie
"Mukhang may chance pa ata ako..." tugon ni Carlos
Hindi nakaimik si Nathalie sa tanong ni Carlos, kaya sumingit si Lorena.
"Hay nako! Tara na nga kumain at baka mamaya magkadevelopan pa kayong dalawa." Ani ni Lorena
"Mas mabuti kung ganun.. single naman ako.." tugon ni Carlos
Nagtawanan naman ang tatlo, habang kumakain, naisipang magtanong ni Nathalie.
"So Carlos. Ano naman ang pinagkakaabalahan mo sa buhay?" Ani ni Nathalie
"Ah businessman ako,, nagpapatakbo ako ng isang chocolate company." Tugon ni Carlos
Napatingin si Nathalie kay Lorena at nagbigay ng malalim na tingin.
"Ooh chocolote company.. so parehas lang pala tayo.. kaso ikaw ang may-ari ako naman President ng branch." Ani ni Nathalie
"Ah oo salamat sa investor ko.. kung hindi dahil sa kanya hindi ako magkakaroon ng sarili kong kompanya." Tugon ni Carlos
"Wow sana lahat may ganun makita." Ani ni Nathalie
"Ganun na nga... teka bakit nga pala hanggang ngayon wala ka pang asawa?" Tugon ni Carlos
"Nako mahabang salaysayin. Isa pa baka ikaw yung nakalaan para sa akin.." ani ni Nathalie
Nangantiyaw naman si Lorena habang nakikinig sa kanilang usapan.
"Aalis na ba ako?? Para naman mabigyan ko kayo ng time magligawan.." tugon ni Lorena
"Baliw ka bestie... nakakahiya kay Carlos.. ikaw talaga kung ano-ano iniisip mo" ani ni Nathalie
"Wag nga ako.. alam ko din naman na jan kayo susuot. Maiba ako.. Carlos gusto mo pa ba si Nathalie??" Ani ni Lorena
"Ha? Ah.. eh.. oo gusto ko si Nathalie" tugon ni Carlos
Abot tenga ang ngiti ni Lorena sa kanyang narinig. Samantala nagpipigil naman ng saya si Nathalie sa. Kanyang narinig.
"Sabi na nga ba at may pag-asa pa.." ani ni Lorena
"Kayo talaga.. kumain na nga lang tayo.." tugon ni Nathalie
Nagpatuloy silang tatlo sa pagkain, nang matapos ay nagpaalaman na sila at nagbigayan ng calling card. Naunang umalis si Carlos, sapagkat may imemeet pa siyang investor sa kanyang opisina. Naiwan naman sina Nathalie at Lorena habang nasa ladies room.
"Ehem.. mukhang iba ang ngiti mo ngayon?" Ani ni Lorena
"Pwede ba??? Wag ka ngang ganyan.." tugon ni Nathalie
"Sus.. wag ka magpigil ng damdamin mo.. alam kong si James pa din ang laman ng puso at isipan mo." Ani ni Lorena
"Hay.. ewan ko sayo halika na late na tayo.." tugon ni Nathalie
"Tara na nga.. pero bestie payo lang.. seryosohin mo na si Carlos kapag nagtapat sayo.. malay mo makalimutan mo na si James.." ani ni Lorena
Hindi umimik si Nathalie, bagkos ay dumeretso ito sa paglabas ng pintuan. Habang naglalakad ang dalawa, aksidente naman nilang nakasalubong si James.
"James!" Ani ni Nathalie
"Oh hi!" Tugon ni James
"San ka pupunta?" Ani ni Nathalie
"May tatagpuin ako.. sige na nagmamadali ako.." tugon ni James
Napalitan ng lungkot ang mga ngiti sa labi ni Nathalie. Ganun pa din ang pakikitungo sa kanya ni James. Napabuntong hininga na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad-lakad.
Sinulit naman nina Ana at Ace ang oras nila habang nasa Paris. Namasyal silang dalawa sa iba't-ibang attarction dito.
"Pagod ka na ba?" Ani ni Ace
"Hindi pa.. hindi lang ako sanay na may kasama na akong lalaki sa pamamasyal." Tugon ni Ana
"Pwes masanay ka na.. nandito na ako sa tabi mo.." ani ni Ace
"Thank you Ace.." tugon ni Ana
Habang abala sa pagdedate ang dalawa. Abala naman si Scarlet sa kanyang mga paper works. Kailangan niya itong matapos kaagad at kailangan pa niyang dumaan ng wine company para sa inventory.
"Viola.. malapit na akong matapos.. last one..." sambit ni Scarlet sa kanyang sarili
Matapos siya sa kanyang gingawa nagtungo na siya sa Del Fuente. Nagkataon naman nandoon si Tom upang himingi ng paumanhin kay Scarlet.
"Tom?" Ani ni Scarlet
"Scarlet.. can i have your time?" Tugon ni Tom
"Sure.. about saan? Sa office ko na tayo mag-usap." Ani ni Scarlet
Nagtungo ang dalawa sa kanyang opisina at doon itinuloy ang kanilang pag-uusap.
"About last time... gusto ko lang mag apologies.." ani ni Tom
"Ah wala yun. Forget about it." Tugon ni Scarlet
Napakibit balikat na lamang si Tom sa sagot na ito ni Scarlet. Alam niyang wala siyang magagawa upang mapigilan si Scarlet sa kanyang mga plano.
"So about your plans.. alam ko wala kang balak itigil ito.. but please never forget of who you are..." ani ni Tom
"Patay na ang dating ako.. hindi na iyon babalik pa." Tugon ni Scarlet
"Maybe you're dead! Pero ang puso kahit kelan hindi namamatay. I know and i will always hold on to that..." ani ni Tom
"Tom! Please! If you are here to stop me then leave me!" Tugon ni Scarlet
Napailing na lamang si Tom sa sinabing ito ni Scarlet. Tahimik siyang lumabas ng pintuan at iniwan si Scarlet na mag-isa. Napaupo naman si Scarlet at napahawak sa kanyang ulo habang nakatuon ang siko sa mesa.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.