webnovel

Chapter 48

Dumating na ang gabing pinakahihintay ng lahat. Ang masquerade ball. Abala ang lahat sa pag aayos ng kanilang sarili. Samantala sa room na ng Venue nag ayos sina Ana at Scarlet. Dinala na nila dito ang kanilang susuotin.

Natapos ng ayusan ni Scarlet si Ana at nakapagbihis na din. Kaya lumabas muna siya upang magtingin tingin sa labas kung may mga problema o may kulang para sa event. Iwinelcome na din niya ang mga empleyadong maagang dumating.

"Hola! Bienvenido.." ani ni Ana

Sunod niyang nakita ay si Ace, hinanap kaagad sa kanya si Scarlet at sinabing nag-aayos pa ng kanyang sarili. Sumunod na dumating ay si James, kaagad naman siyang lumapit kay Ace at bumati.

"Ace..." ani ni James

"OH James.. nasan ang date mo?" Tugon ni Ace

"Hehe wala akong date.. maybe si Scarlet kung papayag siya. Teka nasan nga ba siya?" Ani ni James

Hindi sumagot si Ace sa tanong ni James kaya si Ana na ang sumagot kay James kung nasaan si Scarlet.

"Nagbibihis pa si Scarlet. Wait I'll be back. I check ko lang siya" ani ni Ana

"Ok thank you Ana.." tugon ni James

Umalis si Ana upang puntahan si Scarlet. Madami dami na ang taong dumadating kaya kailangan na niyang lumabas at magpakita. Pagdating ni Ana, natulala ito ng makita niya si Scarlet suot ang damit na binili ni James.

"Wow! Just wow! SS" ani ni Ana

"Thank you Ana.. shall we go.." tugon ni Scarlet

Tulala pa din si Ana kaya inulit ni Scarlet ang kanyang tanong.

"Ana.. shall we go?" Ani ni Scarlet

"Sorry oo ok na ang lahat.." tugon ni Ana

Lumabas ang dalawa sa kwarto at nagtungo sa reception. Isang napakagandang ngiti naman ang isinalubong ni Scarlet habang nakasuot siya ng maskara.

Ito ang maskarang napili ni Scarlet na isuot. Lumakad siya sa gitna at binisita ang bawat lamesa upang kumustahin ang kanyang mga empleyado. Sinunod niyang lapitan at sina Ace at James. Kagaya ng reaksyon ni Ana, natulala din ang dalawa.

"Hey! Ace! James!" Ani ni Scarlet

"Sorry ang ganda mo kasi.." tugon ni Ace

"Bagay na bagay sayo ang damit.. napakaganda.." ani ni James

"Salamat sa inyo.. so paano iwan ko muna kayo puntahan ko lang iyong iba." Tugon ni Scarlet

Pinuntahan ni Scarlet ang kanyang mga board member at ang ilang investors na nakarating sa kanyang paanyaya. Samut saring papuri naman ang kanyang natanggap mula sa mga ito.

Sinunod niya ay ang lamesa ng nagpapatakbo sa bago niyang branch. Nagkataon na nandoon si Lorena, dahil sa nakamascara si Scarlet hindi siya namukhaan ni Lorena. Lumapit sa kanya si Lorena at binati siya.

"Bestie... ang ganda ganda mo.. bakit naman hindi ka nagpasabi na nandito ka na, para naman hindi abot ang lingap ko" ani lorena

Napangiti naman si Scarlet sa naging reaksyong ito ni Lorena. Kahit pala magkaibigan sila ni Nathalie hindi niya ito kayang kilalanin sa kabila ng kanyang maskara.

"Salamat,. Pero hindi ako si Nathalie.." ani ni Scarlet

"Bestie naman eh.. binibiro mo pa ako.. eh kasama mo ako ng binili mo ang damit na iyan.. diba nga ginaya mo ang damit ba binili ni James para kay Scarlet." Tugon ni Lorena

Nagulat si Scarlet sa sinabing ito ni Lorena. Subalit natuwa naman siya sapagkat siya ang naunang nakita ng tao suot ang damit niya. Inalis niya dahan dahan ang kanyang maskara. At pagkaalis niya nagulat si Lorena.

"Sabi ko sayo hindi ako si Nathalie.." ani ni Scarlet

"Scarlet! Teka anong ginagawa mo dito!" Tugon ni Lorena

Hindi sumagot si Scarlet, bagkos ay sinuot niyang muli ang kanyang maskara at tumalikod na kay Lorena. Makailang sandali, dumating na si Nathalie, pinagtinginan siya ng mga tao at naging usap-usapan. Nagbigay siya ng isang ngiti, sapagkat inakala niyang nabighani sila sa kanya. Kaya kaagad na lumapit sa kanya si Lorena.

"Bestie.. alisin mo ang ngiti mo hindi ang pagdating mo ang pinag-uusapan nila." Ani ni Lorena

"Ano bang ibig mong sabihin Lorena.. moment ko to wag mong sirain" tugon ni Nathalie

"Yang damit mo! Nakita na nila suot ni Scarlet" ani ni Lorena

Nawala bigla ang ngiti ni Nathalie, napalitan kaagad ito ng mukhang hindi maipinta. Nag-init ang kanyang ulo sa sinabing ito ni Lorena.

"What! Bakit hindi mo kaagad sinabi!" Tugon ni Nathalie

"Hay nako kanina pa ako nagsasabi.. kaso hindi ka nakikinig.." ani ni Lorena

"Nasan ang babaeng iyon! Napaka agaw pansin niya! Akala mo kung sino siya!" Tugon ni Nathalie

Hinanap nila Si Scarlet, palingon-lingon sila hanggang sa nakita nila si Scarlet kausap ang mga empleyadong Pilipino. Kaagad naman siyang nilapitan at kinompronta ng dalawa.

"Hoy ikaw! Humarap ka nga sa akin!" Ani ni Nathalie

Dahan-dahang humarap si Scarlet at inalis ang maskara at ngumiti ng may halong pangaasar kay Nathalie. Nakita naman sila ng mga tao ng itutok kay Scarlet ang spot light.

"Nathalie..." tugon ni Scarlet

"Oooh Scarlet..."ani ni Nathalie

Binigyan ng sampal ni Nathalie si Scarlet. Nakita ito ng mga tao at naging agaw pansin ito. Tumakbo naman kaagad sa kanya si Ana.

"SS...!!! James!! Ace si Scarlet!" Ani ni Ana

Kaagad na tumakbo ang tatlo patungo kay Scarlet. Samantala nagkaroon ng bulong-bulungan kung bakit sinampal ni Nathalie ang CEO ng kompanya.

"Para yan sa pang aagaw ng atensyon" ani ni Nathalie

"Wala akong inaagaw sayo!" Tugon ni Scarlet

"Ganyan ka na ba talaga kadesperada, pati ba naman damit ko gagayahin mo?" Ani ni Nathalie

Hindi sumagot si Scarlet sa sinabing ito ni Nathalie. Pinigilan sila ni James subalit hindi maawat si Nathalie.

"Nathalie... Scarlet... tama na yan pinagtitinginan na kayo ng mga tao"  ani ni James

"Wow the knight and shining armor mo.. iba na talaga kapag malandi.. nakakakuha ng simpatya." Ani pa ni Nathalie.

"Tumigil ka na Nathalie!" Ani ni Scarlet

"Bakit ako titigil... siguro dapat umuwi ka na.." tugon ni Scarlet

Hinigit ni Nathalie ang manggas ng damit ni Scarlet at ito ay nasira. Nagulat ang mga tao at napailing sa inastang ugali ni Nathalie.

"Yan.. iyan ang bagay sayo.. sige na umuwi ka na sira na ang damit mo.." ani pa ni Nathalie

Umalis si Scarlet kasama si James, Ana at Ace. Tuwang tuwa naman si Nathalie sa kanyang ginawa dahil napaalis niya si Scarlet. Nagpakitang gilas naman si Nathalie sa pagentertain sa mga empleyado ng kumpanya subalit hindi pa din maialis sa isipan ng mga tao ang ginawa nito kay Scarlet.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts
Chapitre suivant