webnovel

Chapter 17

It's been a month and he's still not move on to his first love. I am there to his side but not always because I am busy with my training and talked to Rico and Ken.

Pupunta ako ngayong bar para man lang makapag relax dahil ilang buwan na din akong hindi umiinom at alam kong makikita ko na naman sina Chlose at Krisha. Tambayan na yata nila ang bar nang magkambal.

"Xy! Over here!" Sigaw ni Lia sa isang sulok kasama ang boyfriend nya na umiinom na ng beer.

"O gosh! Napaka traffic sa daan kaya I'm sorry kung late ako," Pagdadaldal ko at nagsalin ng Black Label sa baso ko bago ito nilagok agad.

"Ok lang ano kaba?! Kamusta nga pala kayong dalawa ni Ace?" Pag oopen nya ng topic kaya tinignan ko muna ang boyfriend nito bago sya sinagot.

"Wasak pa din, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa bawat pag gising at pag tulog nya ay panay banggit nya sa ex nya, nakakairita!" Biglang uminit ang ulo ko nang sabihin ko iyon kay Lia na ikinahalakhak nito, halatang lasing na.

"Ganyan talaga kapag nagmahal ang isang tao. Kaya ikaw, umamin kana!" Pagpipilit nya sa akin na ikina irap ko.

"Wala akong gusto sa kanya and we're just friend's," Pagtatanggol ko sa sarili ko bago uminom.

"Why are you so in-denial girl?! You're too obvious at parehas nyo lang gusto ang isa't isa pero hindi lang kayo aware!" Pagsigaw nya. Nakakairita dahil hindi man lang sya inaawat ng boyfriend nya dahil nakikipag usap sa kabilang table na malapit lang sa amin.

"I don't want to fall in love, at mapapahamak lang yung tao na iyon, okay?!" Pag-amin ko na ikinapalakpak nya at tumabi pa sa akin.

"Alam mo, bagay kayo. Mga linyahan nyo ha, wala namang masama kung mahulog kayo sa isa't isa. Sa tingin nyo ba masisira ang friendship nating tatlo?" Itinaas nya ang hintuturo nya at winagayway ito. "Never," Dagdag nya at humalakhak.

***

Nakailang inom ako bago tumayo upang mag cr at matapos noon ay may nakakuha ng atensyon ko na ikinagulat ko.

"Veil!" Pagsigaw ko at dali daling tumakbo nang makita ko ang dalawang kambal na ini aalalayan syang umupo dahil nakahiga ito sa couch.

"He's drunk Xy," Pagbuntong hininga ni Xian.

"Alam nyo naman na may sakit yan pero bakit nyo pa rin pina inom?!" Pagalit kong sambit at kinalimutan ang hilo ko at inilalayan syang umupo.

"I'm so sorry, nagwawala sya kanina at hindi naman sya pwedeng mag iskandalo," Pagkamot nya sa ulo nya at inirapan ko nalang.

"Mauna na kayo, ako na ang bahala sa kanya" Tumango ang dalawa kaya naman dali dali kong kinuha ang cellphone ko nang makita kong dali dali si Leigh papunta dito.

"What happened to him?!" Tarantang tanong nya.

"Nalasing, pina inom nung dalawa. Broken kapatid mo e"

"I have class tomorrow, pwede nyo po ba siya iuwi po muna sa condo nya or kaila Mommy?" She's too cute kaya tumango nalang ako bilang pagpayag at tumalon naman ito sa tuwa.

"No problem, pasensya kana" Pagpapaumanhin ko at mukhang ok lang naman sa kanya kaya naman dali dali din agad syang umalis.

Pagkarating ng condo ay pagod akong umupo sa sahig ng kwarto nya. "Salamat, ingat kayo"

"No problem, Xy!" Tumango nalang ako bago nila sinarado ang pinto ng kwarto nya.

Tinignan ko sya nang natutulog at inirapan sya. "Napaka pabaya mo talaga ano, pati sarili mo pinababayaan mo." Pagalit na sambit ko habang nakatitig sa gwapong mukha nya.

"Sino bang may sabi sayo na uminom ka? Alam mo naman na may sakit ka tapos umiinom kapa! Magpapakamatay kaba? Huwag mo naman gawin to oh, maraming nagmamahal sa'yo alam mo ba yon?" Pagdadaldal ko na para bang kausap ko sya at naririnig niya ako.

"Ang daming nagkaka gusto at nagmamahal sa'yo.. palihim pero hindi mo maramdaman e. Ang manhid mo! Pero hindi naman kita masisisi kasi kahit ako, mag aamok din ng ganyan kung broken ako."

Nakakatakot magmahal, hindi ko alam kung kakayanin ko. Iniisip ko pa lang yung problema na darating sa akin ay hindi ko na kakayanin. Baka mapahamak lang din ang mamahalin ko and it will turns into a tragedy.

Umikot sya paharap sa akin kaya kinabahan ako baka sakaling magising sya pero ilang minuto ay malalim naman ang paghinga nya.

"Minsan ang sarap mong sampalin o iuntog sa pader alam mo yon?" Paninimula ko ulit at nakakaramdam na ng hilo sa dami ng nainom ko. "Para naman magising na yang utak mo na hindi kana mahal ng babaeng minahal mo,"

Itinungtong ko ang kamay ko sa kama nya at pinanood syang natutulog. "Mas okay na sigurong tulog ka, para naman hindi mo maramdaman ang sakit na dinadala mo.

Nakakaramdam na ako ng antok at papikit pikit na nang may sabihin ulit ako bigla. "I like you but I can't love you," Halos pabulong ko at nakatulog na.

Chapitre suivant