webnovel

Chapter 18

"Bakit ka pa andito?"

"Gusto mo na ba akong umalis" tanong niya sakin

"Di naman sa ganun"

"Yun naman pala eh" sabi niya "dito na muna ako habang wala pa nagbabantay sayo"

Kinuha niya yung remote control ng TV saka tinurn on ito.

Minamasdan ko lang siya habang busy siya sa paghahanap ng magandang palabas sa TV.

Bigla naman siyang tumawa.

Kaya napatingin ako dun sa pinapanood niya.

Mr. Bean?

Nilipat ko ang tingin ko sa kanya then sa TV tapus sa kanya ulit.

Napansin niya siguro ang katahimikan ko kaya nilingon niya ako.

"What?" Nahuli niya akong nakatingin sa kanya

Di ako nakasagot "whaaat?" Ulit niya at tuluyan na siyang humarap sa akin.

Umiling ako sabay ngiti "nothing"

Umirap lang siya sakin saka ako tinalikuran at binalik ang atensyon sa TV.

"I like Mr. Bean okay" bigla niyang pag-amin

"I didn't ask" mali ata nasabi ko kasi nilingon niya ako saka naningkit yung mga matang nakatingin sakin "I mean..."

"No it's fine. I get it" di ko natapos yung sasabihin ko sana dahil nagsalita na siya. Nakacross-arms na siya ngayon habang nakatutok sa TV. "You're right. Di ka nagtanong and who am I para sabihin sayo mga interest ko like duh as if naman interesado ka"

Natulala naman ako sa mga sinabi niya. So tingin niya di ako interesado sa buhay niya? Di ako interesado sa kanya? Like duh ka rin krystal kasi interesado ako sayo.

"Pano mo naman nasabi na di ako interesado malaman mga gusto mo?" Nakatutok pa rin siya sa TV.

"I don't know. I just....feel it"

Nge?

"Panong feel?" I didn't mean to ask her in a jokingly manner pero kagaya ng kanina sinamaan niya ako ng tingin

"I mean paano mo na feel at..." pagkaclarify ko sa question ko kanina "at pano mo naman nasabi na di ako interesado sayo?"

Napatingin siya sa gawi ko dahilan para mapayuko ako ng bahagya habang nilalaro ang mga kamay ko.

Napaangat ako ulit ng tingin sa kanya and voila nakatingin pa rin siya sakin mula sa kinauupuan niya.

Nakatitig lang siya sakin at sa mga oras na yun ay naramdaman ko ang isang pamilyar na emosyon.

An emotion that I only feel towards her which I kept to myself for too long.

Kung na feel niya na wala akong interest sa kanya then does she feel this? does she feel how my heart beats crazily only just for her? Does she feel it too?

I saw how her lips open then suddenly close. Maybe she's deliberating whether to say something or just shut it.

When she finally decided to say something, the door of my room suddenly open.

Si mommy.

"Hey sweetie" bati ni mommy sakin.

Agad naman na tumayo si krystal sa inuupuan niya.

Dumiretso si mommy sa bed ko saka ako ginawaran ng halik.

She's holding a bouquet of sunflower.

"How are you?" she asked

"I'm fine mom" tumingin naman siya kay krystal na nakatayo sa paanan ng aking kama.

"and who's this beautiful young lady here?"

Krystal shyly smile.

Napangiti din ako ng bahagya.

"She's my friend mom"

"Hi, I'm thea's mom... Tanya and you are?" Pagpapakilala ni mom sa future girlfriend ko este kay krystal haha

She took my mom's hand para makipagshake hands "I'm krystal po, thea's friend"

"Nice to meet you sweetie"

"Nice to meet you too ma'am"

I just watched them exchange a conversation.

"Oh no. Don't call me ma'am..." sabi ni mommy "just call me tita na lang instead"

"Okay po tita" she smile

Mom put the bouquet of sunflower on the table sa side ng bed ko.

"I brought a sunflower since favorite to ni thea, right sweetie?" mom winks at me

Mommy, bat may pa wink ka?

Napatingin na lang ako kay krystal na nakatayo pa rin sa paanan ng bed ko.

"It's my first time seeing you actually..." saad ni mommy ng makaharap na siya ulit kay krystal "si lea lang naman kasi yung kilala ko talaga na kaibigan niya"

"We're classmates po ma'am" napataas naman ng kilay si mommy sa kanya "I mean tita"

Ngumiti naman si mommy after nun

"and we're friends too" dagdag ko pa dun sa sinabi niya

Napatingin naman siya sakin.

Nagkatitigan lang kami.

"Anyways, may dala akong meryenda" sambit ni mommy "halika iha pagsaluhan natin to"

"Ay naku ma— tita thank you pero aalis na din po ako" medyo nalungkot naman ako bigla.

Hinintay lang pala niya si mommy na dumating. Bakit kasi dumating kana mom? Sana tinagalan mo pa sa labas.

"Ay ganun ba?" Nagpaalam na siya kay mommy

"Sige thank you sa pagbantay sa baby ko" mom said

I rolled my eyes on her "mom" I whined

Kasi naman malaki na ako. Wag niya na akong tawagin na baby.

"What?" Di niya na lang ako pinansin "mag-ingat ka sa pag-uwi iha"

"Sige po" she averted her gaze on me

She gave me a small smile then bid her goodbyes.

She's about to open the door when I stopped her

"Will you visit me tomorrow?"

She just shrugged "let see... I have work so I'll try"

Ay oo nga pala wednesday bukas that means may trabaho siya

"Oo nga pala... I forgot"

"It's okay" she smiled at me

"Ingat ka na lang" she nodded then nagpaalam na nga ng tuluyan

I sighed.

Suddenly I heard my mom cough.

I looked at her direction

She's giving me that look that I don't know

"I bought you your favorite food" pinakita niya yung binili niyang food

Napangiti naman ako dun.

Cheesecake.

Sabay kaming kumain ni mom.

Nagkwentuhan lang kami and ilang oras din nakalipas bago dumating si nanay elma na may dalang prutas.

Hanggang sa nakatulog na ako.

Chapitre suivant