webnovel

The Engagement Ring

"Ayla, titi- Ay, busy pala kayong dalawa. Ge, ipagpatuloy n'yo lang 'yan."

Anak ng baboy! Sino 'yon?!

Mahina kong naitulak si Sonny nang may marinig akong boses. Napatingin ako sa may malapit na pinto at nakita ko si Ate Zetty na may hawak pang dede na may laman ng gatas.

"Sige, ipagpatuloy n'yo lang 'yan. Pretend we don't exist. We'll take care of Aye. Wegotchu!"

At nawala na lang siya bigla nang parang bula.

"Tss."

May panibagong umeksena na naman sa aming dalawa ni Sonny. Sabay kaming napatingin sa bukana ng hagdan nang doon namin narinig ang nakakairitang expression.

"Bitter," bulong ni Sonny habang nakatingin pa rin sa kapatid kaya mahina ko siyang nahampas sa may dibdib niya.

Wow, ang tigas, ha.

"Pabayaan mo na 'yong tao. Siguro nasasaktan lang sa hiwalayan nila," depensa ko naman sa kapatid niya.

Sinundan namin ng tingin si Darry hanggang sa makapasok ito sa kuwarto niya.

"Like what I always say… gago talaga ang kapatid kong 'yan. Mahal naman niya si MJ, bakit hindi niya magawang tumutol sa pakikipag-hiwalay?"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Makatawag ng gago sa kapatid niya, parang siya hindi.

"So are you."

"So am I?" Gulat na tanong niya. Napatayo siya nang maayos at hindi talaga makapaniwala sa sinabi ko.

Hindi ako nagpatalo, tumaas din ang noo ko, confident sa nabitiwan kong salita.

"Oo, gago ka rin naman. Hindi mo na naman pala gusto si MJ, bakit umabot pa ng ilang linggo bago mo nasabi sa 'kin 'yon?"

"E, kasi, 'di ba sabi mo gusto mong huminga muna? I just gave you time to think and I don't want to pressure you from my last time's naudlot na tanong."

"Naudlot na tanong? Ano 'yon? Udlot ng kamote?"

Udlot is ugat. Correct me if I'm wrong.

"Ha-ha-ha ang corny talaga ng mga jokes mo, buti na lang natatawa ako. Ha-ha-ha."

"Anak ng baboy ka naman, e! Seryoso kasi, Sonny. Anong naudlot na tanong? Wala ka namang naitanong sa akin, a?"

Umiwas siya sa akin ng tingin at huminga ng malalim. May something na kinuha siya sa kaniyang bulsa at standing abruptly in front of me, he handed me a red ring case.

Nanumbalik sa pagtibok ng mabilis ang kaninang kalmado kong puso.

He slowly open the red ring case and flashed in front of me a little ring. Parang minimalist ring.

"Hindi na ako luluhod, mas nauna ko nang nagawa 'yon, sinira lang ng kapatid ko," pagmamaktol niya pero nanatiling sa singsing ang tingin ko.

Ang ganda! Kahit minimal lang ang design niya, naging maganda ito sa paningin ko. Hindi ko alam, pero nakikita ko ang sarili ko sa singsing na iyon. Anong klaseng imahinasyon ba meron ako? Kung sa'n-sa'n napapadpad, e.

"I'll just ask you a question. I know, kahit anong mangyari, magpapakasal naman talaga tayo, because that's what our parents want. Pero hindi kita puwedeng pilitin. Kapag ayaw mo, you are free to walk away." Lumipat ang tingin ko sa mga mata niyang kanina pa nakatingin sa akin. "Will you marry me, Aylana Rommelle?"

"Totoo ba 'to? Talaga bang totoo?"

"Yeah, Ayla. It's a real stone. I don't choose cheap ones, 'no."

Huh? Anong stone pinagsasabi nito? Medyo panira ng moment lang, Sonny?

"Anak ng baboy! Hindi 'yong bato 'yong tinatanong ko. Ito. Tayo. 'Yang sinasabi mo. Totoo ba talaga 'to?"

Sandali lang kasi. Hindi lang kasi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Nananaginip ba ako?

"Oo naman. Mukha ba akong nagbibiro? Lahat ng sinabi ko noong gabing mag-usap tayo, lahat 'yon totoo. Charles' just ruined it. But that's not the case. I am literally proposing to you right now and all I need is your answer. Is it a yes or a no?"

"Teka, sandali, agad-agad? For real na ba 'to?"

"For real. I love you, Ayla."

Putang ina! Sana may anghel na sumapak sa akin para gisingin ako sa ganitong klaseng panaginip na animo'y totoo. Hindi nakakatuwa kung panaginip nga ito. It will be a heart break for sure.

"Totoo talaga?"

"Oo kasi! Ang kulit naman nito. Patitirahin ba kita rito sa manor kung hindi?"

Aba matapang. Lumalaban.

"Aba malay ko. Baka dahil sa awa, ganoon?"

Napabuntunghininga siya at halos maubusan ng pasensiya kakaintindi sa akin. Teka lang kasi, sini-sink in ko pa kasi ang mga sinabi niya ngayon at no'ng nakaraan. My brain is literally in a processing mood. Buffering pa. Anak ng baboy.

"I want you to be my wife. I want Aye to be legally mine. I want us to be a family. Hindi dahil gusto ng mga magulang natin kundi dahil mahal kita, Ayla. Mahal na kita and that's enough reason for you to marry me."

Ano, girl, aayaw ka pa ba?

Pinakalma ko muna ang sarili ko. Humugot ng lakas ng loob para sagutin siya pabalik.

"M-Mahal din kita, Sonny. Mahal na mahal. Kaya oo, sige, magpapakasal na ako sa 'yo, hindi dahil 'yon ang sa tingin ng mga magulang natin ay tama, kundi dahil mahal na kita."

He gave me his sweetest smile and slowly, with utmost pleasure and care, put that ring on my left finger.

It's official, I am his fiancee. For real.

"Woy, sana all!"

"Oh, my God! It's for real na talaga!"

"Congrats, bro!"

"Nice one, Sonic. Kailan kasal?"

Sari-saring reaksiyon ang narinig ko nang maisuot na sa akin ni Sonny ang singsing. Gusto ko mang mahiya pero huli na ang lahat, nasaksihan na ng mga kapatid ni Sonny ang lahat at ngayo'y tuwang-tuwa na sila. Maski sina Donya at Don, nakita rin ang nangyari mula sa salas ng bahay.

Sinubukan kong ngumiti kay Donya Felicity. Ngumiti rin siya pabalik. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"If possible gusto ko first week of January."

Eksaherada akong napatingin kay Sonny dahil sa naging sagot niya sa tanong ng kapatid niyang si Kuya Tonton.

"Agad-agad?"

"Ano pa bang hihintayin natin? Pasko? E, palilipasin ko nga ang pasko bago kita mapakasalan, e," mahinang sagot niya sa akin kasi mahina lang din naman ang pagkakatanong ko kanina.

"Nothing's impossible with Edison Thomas. Kaya mo na 'yan, Sonny. Atat ka masiyado, e. Hinay-hinay lang, baka matulad ka kay bunso."

"Woy, 'wag naman sana."

"Okay, congrats to the both of you. Pero let's prepare muna Solano's christening, ha? May I remind you, it's on Christmas day."

Very hands on si Donya Felicity sa nalalapit na binyag ni Aye. Siya halos lahat ang nag-prepare sa lists ng bisita, ninong, ninang, menu ng pagkain, motiff ng venue, saang simbahan gaganapin, kung sinong pari ang mag-o-officiate, at iba pang details ng binyag. Hindi kami halos makasingit ni Sonny. Pinabayaan na rin namin kasi ganito raw talaga siya sa mga apo niya, hands-on.

I celebrated Christmas with Nanay at Tatay. Oo, alam kong first Christmas ito ni Aye at kailangan niyang makasama ang mga Lizares pero hindi ko naman maatim na hindi makapag-celebrate kasama ang mga magulang ko. Total, it will be my last Christmas as a single lady kasi who knows, baka sa unang linggo talaga ng taon, maikakasal na ako sa kaniya. Pumayag na rin si Sonny kaya kasama ko siya sa maliit na kubo namin sa gitna ng bukid.

Sobrang payapa ng lahat. Lahat naaayon sa plano. Lahat maganda ang kinahinatnan.

Matapos ang salubong sa pasko kasama ang mga magulang ko, ang binyag naman ni Aye ang pinagkaabalahan namin sa mismong araw ng pasko.

Settled na rin naman ang lahat pero as a parent talaga, hindi mo mawala sa isipan mo kung anong mga kulang o kung ano, e. Parang timang.

"Relax lang kasi. Everything's gonna be fine. Si Mommy din naman ang nag-prepare ng lahat and she's that meticulous towards preparing parties of the family."

Nasa simbahan na kami ngayon at ang tanging nandito ay ang mga magulang namin at ang mga ninong at ninang ni Aye. Sinubukan akong pakalmahin ni Sonny gamit ang pagtapik ng likuran ko at ang mga salita niya pero hindi ko mapigilan ang paa kong mag-tap sa sahig dahil sa pagiging uncomfortable ko. Kanina pa ako ganito at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang uneasiness ko.

Okay naman ako sa mga kinuha naming ninong at ninang. Wala namang problema. Piling mga tao lang naman sila.

"Relax naman ako, a," pagpupumilit ko.

"You're not. Kalma lang. Hingang malalim. Si Aye ang bibinyagan, hindi ikaw."

Medyo kumalma ang espirito ko sa sinabi ni Sonny at nang magsimula na ang misa at ang mismong binyag ni Aye.

I focused my attention on giving him a blessing and welcoming him to his new home, the Christian world.

Matapos ang lahat, nag-picture taking kami. From families, godparents, and the priest.

Ako, si Sonny, at Aye na 'yong pini-picture-an ngayon. Official family photo raw.

Hawak ni Sonny si Aye at nasa tabi lang niya ako habang nakatingin sa photographer na kinuha nila para sa event na ito.

"Humawak ka sa braso ko."

"Huh?"

Napatingin ako kay Sonny nang bigla siyang may sinabi na hindi ko agad na-gets.

"Hawak ka rito," ulit niya sabay senyas sa kaliwang braso niya na nakasuporta lang kay Aye.

"Bakit naman?"

"Basta. Hawak ka lang."

Nagsalita na 'yong photographer kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Sonny. Napahawak ang dalawa kong kamay sa braso niya, almost hugging style. Sinawalang-bahala ko muna ang lapit naming dalawa at itinoon ang buong atensiyon at ang ngiti sa harap ng camera.

Nag-okay sign agad si Kuya kaya napabitaw ako kay Sonny at kukunin na sana si Aye nang may biglang nagsalita.

"Binyag na pala ng inaanak ko, hindi man lang ako in-invite?"

Anak ng baboy?

Lahat yata ng mata ng mga taong nasa loob ng simbahan ay napatingin sa may gitnang aisle ng simbahan. Isang babaeng nakasuot ng itim pero bonggang dress. Malapad din ang kaniyang sombrero at nakasuot din ng itim at malaking shades. Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na shades at nakangiting nakatingin sa amin.

Sino 'to?

"Shit."

Lumingon ako kay Sonny nang marinig ko siyang pabulong na nagmura. Nakatingin din siya sa babaeng iyon at walang lingunan sa akin na ibinigay si Aye.

Medyo nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari, mabuti na lang talaga at nasa huwisyo ako para kargahin ang anak ko.

Sinundan ko ng tingin si Sonny nang dali-dali siyang maglakad papunta sa babaeng iyon. Maganda siya, infairness.

"What are you doing here, Trix?"

Trix?

Kahit na malayo sila sa puwesto ko, narinig ko pa rin ang naging tanong ni Sonny sa babaeng iyon na Trix pala ang pangalan.

"Oh! You're still calling me Trix! You're so thoughtful ta-"

"What are you doing here, Beatrix?"

Beatrix? Teka, ano bang nangyayari?

"Relax, Edison. I'm not here to ruin the christening day of your son. I'm here 'cause I got a tip na binyag niya nga and 'di ba you promised me na kung hindi ako ang magiging ina ng anak mo, you're going to make me their ninang? You forgot na ba our promise that night-"

Biglang kinaladkad ni Sonny 'yong babae kaya natigilan siya sa pagsasalita. Literal na kinaladkad talaga kasi halos mamudmod na ang babae sa paglalakad palabas ng simbahan.

Naguguluhan man sa nangyayari, sinundan ko pa rin sila ng tingin hanggang sa makalabas sila ng simbahan. Doon din nahagip ng tingin ko ang dalawang tao na nakatayo lang sa may pintuan ng simbahan, seryosong nakatingin sa akin.

Anong nangyayari? Sino 'yong Beatrix? Anong ginagawa nila rito?

"Ivy, get Solano."

Napa-iwas ako ng tingin sa dalawang taong iyon nang marinig ko ang boses ni Donya Felicity at ang pagkuha ni Ate Ivy kay Aye.

Ano ba kasi ang nangyayari?

"S-Sino 'yon, Ate?" Tanong ko kay Ate Ivy habang kinukuha niya si Aye.

Pero nanatili siyang tahimik.

"Sorry for that little commotion, everyone. Let us now proceed to the reception," sabi ni Donya Felicity.

Nilapitan ko si Sia.

"Sino 'yon? Kilala mo ba 'yon?"

"Hindi mo siya kilala? Sigurado ka?"

Umiling ako. Anak ng baboy din talaga itong si Sia, e. Magtatanong ba ako sa kaniya kung oo.

"Pamilyar 'yong pangalan at mukha niya pero hindi ko lang sigurado kung saan ko siya nakita."

"Girl, that's Engineer Sonny's ex. The Beatrix Gallardo. 'Yong artista."

Beatrix Gallardo? Putang ina. Putang ina nga'ng talaga.

"Ano? Tatayo ka na lang ba riyan? Hindi mo susundan 'yong asawa mo sa labas?"

Umiling ako sa tinanong ni Sia at parang natulala sa unang sinabi niya kanina. Naibalik ko rin ang tingin ko sa may pintuan ng simbahan kung saan ko nakita si Zubby at Fabio kanina. Wala na sila roon.

Namamalikmata lang ba ako o talagang nakita ko silang dalawa roon? Paano nila nalaman ang binyag? Masiyado itong pribado at piling mga tao lang ang inimbitahan. Kaya paano silang nakapunta rito? Si Beatrix Gallardo? Paano niya nalaman? Ano 'yong ginawa niya? Sarkastiko ba siya sa ginawa niya? Bakit siya nakasuot na para siyang nasa lamay? Anong problema niya?

Lumabas kami ng simbahan na hindi ko na nahagilap kung nasaan si Sonny. Bigla siyang nawala. Pati ang sasakyan niya, wala na rin sa kaninang pinag-parking-an nito. Kaya wala akong naging choice kundi sumabay na kay Sia at hayaan si Aye na sumabay sa mga Lizares. Kasama rin namin sina Nanay, Tatay, Tito Orlan, Tita Cecil, at Oasis. Tahimik lang sila pero ramdam ko na gusto nilang magtanong tungkol sa nangyari. Gusto ko mang magsalita, wala naman akong masabi.

Pagdating sa Rodeway Inn function hall, kung saan ang reception ng binyag, agad ding dumating si Sonny. Tahimik lang siyang nakihalubilo sa mga kaibigan niya. Hindi niya ako nilapitan kaya nakatingin lang ako sa kaniya mula sa table namin ng pamilya ko.

Sinimulan ang program nang tulala pa rin ako. Iniisip ang nangyari kanina.

Anong ginagawa ni Beatrix Gallardo dito sa probinsiya namin? Sinadya niya ba talaga ang pagpunta rito? Anong balak niya? Ano bang nangyayari?

Bakit hindi na lumalapit si Sonny sa akin? Simula nang makarating siya sa manor, hindi pa siya lumalapit sa akin. Si Aye naman ay hawak ng mga Lizares kaya pinabayaan ko na.

"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik?"

Napakurap ako ng mata nang kausapin ako bigla ni Sia. Pagak akong ngumiti sa kaniya at umayos na rin sa pagkakaupo.

"Ano ka ba, Ate Sia, parang hindi ka na nasanay kay Ate Ayla. Alam mo namang tahimik talaga siya," sabi naman ni Oasis.

"Pagod lang ako. Alam mo naman, salubong ng Pasko kagabi, walang tulog. Sige lang, hihintayin ko na lang matapos 'to nang makapagpahinga na ako," sagot ko para hindi na nila ako tadtarin ng tanong.

Saktong naubos na ang pagkain at gusto ko pang kumain kaya napagpasiyahan kong pumunta na sa table ng mga pagkain. Gusto sanang sumama ni Sia pero hindi ko na hinayaan.

"Excuse me, Ma'am, may nagpapabigay po."

Natigil ako sa pagkuha ng mga pagkain nang may lumapit na isang tauhan ng catering service, na kinuha sa reception, sa akin. Napatingin ako sa kaniya at sa box na hawak niya.

"Para kay Baby Aye po ba ito?" Isinantabi ko sandali ang pinggang hawak ko at tinanggap 'yong box na inabot niya sa akin at sinipat ito ng tingin.

"Hindi po, Ma'am, e. Ang bilin po, sa 'yo po dapat ibigay."

From Beatrix. To Ayla.

"S-Sige, salamat po." Pagak akong napangiti sa kaniya at itinoon ang tingin sa box na hawak ko.

For sureness and safety, bahagya kong inalog ang box para malaman kung anong laman. This scenery is kind of familiar. Medyo natatakot lang ako.

Buong ingat kong tinanggal ang malaking ribbon na nakabalot sa box na iyon at tinanggal ang takip. May nakita akong touch screen na cell phone na nandoon kaya kinuha ko iyon at isinantabi ang box sa malapit na lamesa.

Anak ng baboy. Bakit ba ako binigyan ng cell phone? Anong trip ba 'to?

In-open ko ang cell phone at nang makita ang laman, agad na tumumbad sa akin ang isang naka-stop na video.

Sinubukan ko iyong i-play.

Anak ng baboy?

Dali-dali akong umalis sa kinatatayuan ko para puntahan ang malapit na banyo ng venue. Nagsimula na ring kumabog ang dibdib ko. Nanginginig na rin ang kamay kong nakahawak sa cell phone.

Nang makakita ng isang pribadong espasyo, pl-in-ay ko ulit ang video, nilakasan na ang volume.

"I-I love you, Trix- Ugh!"

"Oh, God, you're so hard, Ed! Oh, shit, please don't stop!"

Gamit ang nanginginig na kamay, inilapag ko sa lababo ang cell phone habang naririnding nakikinig sa mga malalaswang ungol na ginagawa nila. Nasusuka ako sa nakikita kong hubad nilang katawan.

Pumikit ako at nang 'di makayanan ang naririnig, ini-stop ko ang video at pinigilan ang sariling maluha.

Putang ina. Ang sakit.

Bukod sa video'ng iyon ay marami pang ibang video ang nandoon at wala na akong lakas ng loob na panoorin pa ang video'ng iyon. Sa thumbnail pa lang, alam ko na kung anong laman - lahat ng kalaswaan nila. Meron sa kusina, sasakyan, salas, kuwarto, at banyo. Nakakasuka. Nakakadiri. Hindi ko makayanang panoorin at naawa ako sa sarili ko.

"Do you like my gift?"

Anak ng baboy.

Biglang sumulpot sa loob ng banyo si Beatrix Gallardo suot pa rin ang kaninang suot niya nang dumating sa simbahan.

Pumatak ang luha ko nang makita ko siya nang malapitan.

"Ano bang kailangan mo?" Lakas-loob na tanong ko kahit gustong-gusto ko nang tumiklop.

"Wow. I like the tone of your voice. Palaban. Oh, scratch that… Pretentious palaban pala. Don't give me that look, mas lalong hindi bagay sa 'yo. Lalo kang naging talunan."

Dahan-dahan kong ikinuyom ang kamao ko at pinigilan ang sariling isuntok sa kaniya iyon. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Ex lang siya. Umi-epal na ex. She's nothing, Ayla. Maganda nga siya. Artista. Pero ikaw ang mahal ni Sonny. Ikaw na ang mahal niya. Tandaan mo 'yan, Aylana Rommelle.

"Hindi por que ikaw ang inanakan ay ibig sabihin ikaw na ang mahal. That's not how life works, dear Ayla. 'Cause life only favor those people who are loved by the people they love. In your case, hindi ka mahal ni Sonny. Like what I said, inanakan ka lang kasi ako talaga ang totoong mahal niya. You just got in the way that's why everything's fucked. Sinira mo kung anong meron kami." Lumapit siya sa akin at kinuha ang cell phone na inilapag ko sa lababo. Pigil ang bawat hininga kong nag-aabang sa mga susunod niyang sasabihin.

"You didn't watch this one? You should. It's the latest video we had. We did it just last week. And I must say it's the hottest sex we ever had."

Pl-in-ay niya ang isang video. Narinig ko ka agad ang boses niya kasunod ang boses ni Sonny. Pumikit ako nang ipakita sa akin ni Beatrix ang video. Hindi ko kayang tingnan, mas lalo akong nasasaktan.

Last week? Putang ina. Oo, pumunta nga siya ng Maynila last week para asikasuhin ang branch nila roon. Two days. Putang ina, ito ba 'yong pinuntahan niya? Nakakaputang ina naman.

"A-Ano bang kailangan mo? Bakit mo ipinapakita sa akin ang mga 'yan?"

The video stopped and I heard her laugh. Dumilat ako, but this time, legit na umiiyak na ako. Hindi ko na napigilan ang sakit.

"Oh, good question. I only want one thing. 'Yon ay ang hiwalayan mo si Edison and let us build our own family with our child. Ops, I forgot sabihin, buntis pala ako and siya ang father. That's why I'm here, I want all the Lizares to know this great news."

Ano?

"H-Ha?"

Putang ina.

"Bobo ka ba o bingi o sadyang tanga talaga? Kakasabi ko lang, 'di ba, gusto mo ulitin ko pa? O gusto mo tagalugin ko?"

"B-Buntis ka?"

"Yeah. Do you think I'm that stupid to travel all the way here just to tell a lie? Bobo. The more I talk to you, the more I realize na talagang wala kang ibubuga and masiyadong malayo ang agwat mo sa akin. The more it proves na talagang pera lang ang habol mo sa kaniya. So, how much did it cost? Umabot na ba ng isang milyon? Why are you still leeching over the Lizares? Kulang pa ba ang perang nakuha mo? Hindi pa ba kayo nakaahon sa hirap ng family mo?"

Hindi ako nakapagpigil at malakas ko siyang sinampal. Kating-kati na ang kamay ko na masaktan siya. Hindi ko na talaga napigilan.

Nagulat siya sa ginawa ko. Napahawak pa nga siya sa pisnge niya pero hindi ako naawa. Sobra na kasi ang mga pinagsasabi niya. Hindi na nakakatuwa. Walang nakakatuwa sa sinabi niya. At maling-mali na sinali niya ang pamilya ko sa usapang ito.

"How dare you!"

Sinagutan niya ako ng sampal na may kasamang sabunot. Kung nasa normal na situwasiyon lang, hindi ko siya papatulan. Pero masiyadong masakit ang mga nakita at narinig ko, hindi na ako nakapagpigil at sabog na sabog na talaga ako.

Sinabunutan ko rin siya sa sobrang galit ko.

"Get off me, you dumb bitch!"

Hinawakan niya ang kamay kong nakasabunot sa kaniya at malakas niya akong itinulak. Sa sobrang lakas, umabot ako sa dingding ng banyo at bahagyang umikot ang paningin ko nang bumunggo ang ulo ko sa pader.

Putang ina, ang sakit!

"Gago, Aylana, bakit mo siya sinaktan!"

May narinig akong boses at kahit medyo umiikot ang paningin ko, pinilit kong aninagin ang pamilyar na boses na iyon.

"Z-Zubby…" Mahinang sambit ko sa kaniyang pangalan.

"I'll make sure Edison will know this. I'll make sure the Lizares will know what you did to me! Mas mahal pa sa cost of living mo in a year ang ginastos ko para lang maalagaan itong sarili ko then you have the audacity to slap me and pull my hair? You're evil, Ayla!" Pumikit ako dinama ang sakit sa bandang ulo ko imbes na pakinggan ang sinabi ni Beatrix. "And one more thing, I heard that you're jealous with MJ Osmeña? Oh gosh, girl, nakakaawa ka talaga. You're barking the wrong tree."

Nang mawala silang dalawa, hinawakan ko ang parte ng ulo ko na may kirot. Hinawakan ko, baka sakaling mawala ang sakit kapag hihilutin ko.

Ang dami kong tanong sa lahat ng nangyari kani-kanina lang. Mula sa mga sinabi ni Beatrix Gallardo hanggang sa biglang pagsulpot ni Zubby.

Imbes na mag-isip, inatupag ko muna ang munting kirot sa ulo ko. Marahan kong hinimas 'yon hanggang sa makaramdam ako ng basa.

Pagtingin ko sa kamay ko, pulang likido agad ang tumumbad sa akin.

Putang ina?

Agad kong hinugasan ang kamay ko nang makita kong meron itong dugo nang hindi ako mahimatay dahil sa gulat.

Bakit may dugo?

Kumuha ako ng maraming tissue at pinahiran ang parte ng ulo ko na basa. Hindi ko tiningnan ang tissue, baka mas lalo akong himatayin nito.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumalik sa venue. Medyo umiikot pa rin ang tingin ko pero ayos pa naman, nakakaya ko pa namang maglakad.

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Engineer Sonny."

Bumungad si Sia sa akin pero ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya.

Hanggang natapos siguro ang party, tahimik kong ininda ang sakit ng ulo ko.

Anak ng baboy. Ang sakit talaga, both inside and outside, both emotional ang physical.

Antok na antok na ako nang makarating kami sa Manor de Lizares. Gusto ko nang magpahinga at gamutin ang sugat. For sure, kanina pa ito. Mabuti na lang talaga at walang nakapansin sa venue kanina. Hindi ko alam kung anong explanation ang gagawin ko kapag may nakapansin.

"Can we talk, Ayla?"

Pero ang pahingang gustong gawin ko ay biglang naudlot nang pigilan ako ni Sonny sa pagpasok sa kuwarto. Nauna ng pumasok si Ate Ivy kasama si Aye. At pareho kaming nasa labas ni Sonny ngayon.

"Tungkol saan?" Malamig na tanong ko at nang lingunin siya, kinuha ko sa maliit na sling bag ang cell phone na may sex video niya at ipinakita ko iyon sa kaniya. Iniwan ito ni Beatrix, kinuha ko para sa ganitong klaseng situwasiyon. "Tungkol ba dito?"

"What the fuck is that?" Gulat na tanong niya nang makita ito. Padarag kong ibinigay sa kaniya ang cell phone at seryoso siyang tiningnan. "P-Paano mo nakita 'to?"

"Ayokong magsalita pero hindi ibig sabihin na habangbuhay akong mananahimik. Tama na, Sonny. 'Yan pa lang ang sakit na, e."

"Is this the reason why you slapped Beatrix?"

Wow. Updated. Mabuti pa 'yong pagkakasampal ko sa kaniya, nalaman niya agad. 'Yong pagkakabagok ng ulo ko sa pader, hindi man lang niya inalam.

"Bakit? Big deal ba sa 'yo? Nakipagtalik ka sa ibang babae. Sa isang babae na dati mong kasintahan. Sinong matutuwa, Sonny? Sinong hindi makakasampal ng iba?"

"Ang tagal na nito! It happened noong kami pa. That was before you entered the milling. Sobrang tagal na nito, Ayla, and it meant nothing. It's not enough reason for you to hurt someone. Hindi ka ganyan. Hindi ka nananakit ng ibang tao. Ang Ayla'ng kilala ko, mabait at kayang pag-usapan ang isang bagay sa kalmadong paraan, not to the extent of hurting someone that bad."

Putang ina. Ako pa talaga.

Kinuha ko ang cell phone at kinalikot ito. Ipinakita ko sa kaniya ang latest video na sinasabi ni Beatrix kanina.

"'Yan. Paano mo ma-i-explain 'yan? Last week lang daw 'yan."

Nanginginig na ang boses ko at namumuo na ang luha ko sa sobrang pagpipigil ng galit.

Nakita kong natigilan siya nang makita ang video. Mas lalong gumuho ang mundo ko nang makita ang kumpirmasyon sa mukha niya.

Nakakaputang ina.

"I-I was drunk-"

"Lasing? Lasing ka nang gabing 'yan? Gaya no'ng nangyari sa 'tin? Lasing din tayo no'n, Sonny, baka nakalimutan mo." Padarag kong inihampas sa dibdib niya cell phone at puno ng hinanakit na tiningnan siya sa mata. "Ayoko na. Tama na. Maghiwalay na tayo. Ayoko nang magpakasal sa 'yo."

Agad akong pumasok sa loob ng kuwarto. Nagulat pa nga si Ate Ivy sa biglaang pagpasok ko.

Dumiretso ako sa aparador at isa-isang kinuha ang mga damit ko at inilagay sa maletang meron ako.

Tama na. Masakit na.

"What? For that reason makikipaghiwalay ka?"

Sinundan niya ako sa loob ng kuwarto pero hindi ko siya pinansin, patuloy pa rin ako sa pag-iimpake.

I never thought my first Christmas with him would turn out like this.

"Para sa ganoong rason? Oo, Sonny, kasi masakit na. Hindi ko kayang masikmura ang isang katulad mo na nakikipagtalik pa sa iba behind my back. Sana sinabi mo na babalik ka rin pala kay Beatrix. Maiintindihan ko naman, e. Kusa naman akong aatras, kusa akong magpaparaya. Bakit kailangang sa ganitong klaseng paraan ko pa malaman? Bakit kailangan kong makita ang kababuyang ginawa n'yong dalawa?"

"Ayla, please don't leave."

Pinigilan niya ako sa ginagawa. Masama ko siyang tiningnan. Ngayon mo malalaman kung paano akong magalit.

"Ate Ivy, pakibalot ng mga gatas at diaper ni Aye. Aalis kami," utos ko kay Ate Ivy na karga-karga si Aye at mukhang nagulat sa situwasiyon namin ngayon.

"Dadalhin mo si Aye?"

"Hayaan mo muna ako, Sonny. Hayaan mo muna kami ni Aye. Hihinga lang ako. Masiyado nang masikip. Ang hirap makipagsisiksikan sa mundo mo."

Binitiwan niya ang kamay ko at hinayaan ako sa ginagawa.

"Kung 'yan ang gusto mo."

Tumalikod siya at naglakad palapit kay Aye. Hinalikan niya ito sa pisnge bago lumabas ng silid.

Hindi ko alam kung anong mas masakit: ang sagutan namin o ang makita siyang naglalakad palayo at hinahayaan akong makaalis sa puder niya.

Tahimik ang bahay nang umalis ako. Hindi ko alam kung nasaan sila. Hindi ko na rin inaalam. Maski ang mga kasambahay, wala rin, hindi ko rin mahagilap. Rude mang tingnan, siguro mas mabuti nang ganito para wala nang maraming question sa nangyari. Ang gusto ko lang ay ang umuwi sa bahay namin kasama ang anak ko. Hihinga lang naman ako.

Magdidilim na. Wala na akong masakyan palabas kaya I have no choice kundi ang maglakad paalis sa manor. Nagulat pa nga ang sekyu pero walang sabi-sabi akong lumabas ng gate at walang lingunan.

Ang mas masakit pala ay ang malamang hinayaan niya lang akong makaalis sa bahay nila. Hindi man lang niya ako pinigilan sa huling pagkakataon. Hindi man lang niya in-explain ang side niya. Hinayaan niya lang ang lahat. 'Yon na yata ang pinakamasakit sa lahat.

Naglalakad ako sa daan na may dalang maleta sa isang kamay at ang isang kamay naman ay karga-karga ang natutulog na si Aye.

Nang bumuhos ang malakas na ulan.

Anak ng baboy.

Sa sobrang bilis ng bagsak ng ulan, hindi ako nakahanap ng masisilungan dahil puro katubohan ang nasa paligid ko at walang waiting shed o malaking kahoy man lang na puwedeng masilungan.

Tuluyan akong naiyak habang pilit tinatakpan at sinasangga ang tubig-ulan para hindi mabasa si Aye. Halos tumakbo na ako. Tumawid na rin ako sa kabilang side ng daan nang makitang may kabahayan malapit doon.

Pagtawid ko, isang malakas na busina ang narinig ko na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad at napaupo sa aking kinatatayuan. Pumikit ako at mas lalong niyakap si Aye habang naghihintay ng isang malakas na impact.

Anak ng baboy!

~

Chapitre suivant