webnovel

Chapter 27

SCARLET

I feel so sad and tired these past few days. Yung pakiramdam na gusto ko na lang humiga at walang-gana mabuhay ngayon araw.

Sa bawat paggising ko parati sumasagi sa isipan ko na worth it pa bang ituloy ang pangarap ko?

Tao rin naman ako. Gustong magpahinga. Napapagod din naman ako.

Akala nila sobrang positibo kong tao, na kahit anong masasakit na salita ay walang epekto sa akin. Sadyang may mga salita na hindi naman worth it para damdamin. Lalo na't hindi naman totoo.

Kahit nahihirapan ako, kinakaya ko. Kahit kinakaya ko, napapagod din ako.

Hindi ko alam kung bakit ako nag-iisip ng ganito?

Hindi ko alam kung bakit ako malungkot at walang-gana mabuhay?

Hindi naman siguro sa... nakita ko bagong post na litrato ni Francis na sinend sa akin ng kanyang pinsan.

Kita ko ang litrato galing kay Gian na nakangiti ito kasama ang kanyang mga katrabaho niya sa Canada. Ang dahilan kung bakit binigay niya ang litrato para malaman ko raw ang kalagayan ni Francis.

Mukha ngang masaya siya doon kahit wala ako.

Parang gusto sa akin ipamukha ni Francis na masaya siya sa Canada na hindi niya na ako kasama.

Na... kaya niyang maging masaya kahit wala ako.

Mapanakit....

Kung tatanungin niyo ko kung kamusta ang nararamdaman ko kay Francis, well... I am trying to move on kahit mahirap.

Ikaw ba naman iwanan ng walang rason at para kang tanga kung ano iisipin mong tunay na rason kung bakit ka iniwan?

Hindi ka ba mahihirapan?

Hindi ko rin siya masisisi dahil nararamdaman ko unting-unti nawawala spark namin dalawa.

Kung pangarap ko ang dahilan kung bakit niya ako iniwan, wala akong magagawa kundi sumuko sa relasyon namin.

Pero ngayon, hindi ko alam.

Halata naman sa kalagayan niya na sobrang focus ko sa pangarap ko kaysa relasyon namin pero sinusubukan ko ang aking makakaya na maging matatag ang relasyon namin..

Sana alam niya kahit nakatuon ako sa pangarap ko, ngunit may natitira akong pagmamahal sa kanya. Hinding-hindi mawawala 'yon.

Hindi talaga mawawala ang pagmamahal ko sa kanya kahit mas pinapahalagahan ko ang pangarap ko kaysa sa kanya.

Hindi lang siya nahihirapan sa sitwasyon ng relasyon bamin pati rin naman ako.

Hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako magmove-on sa kanya.

Hindi ko alam kung tama bang magmove-on na lang o maghintay na lang sa kanya.

"Scarlet?"

Nagising ang aking diwa at napalingon ako sa bandang pinto habang nakahiga ako sa aking ilalim na double deck.

Si Camille pala tumatawag sa akin. Nakita ko ito na nakamasid sa akin.

"Ano 'yon?" tanong ko.

Ngumiti ito, "Gusto mo ba sumama sa amin? Maglalakwatsa kaming lahat?" tanong niya sa akin.

Naalala ko nga na niyaya ako nila na sumama sa kanila para magbonding dahil mayroon kaming natitirang araw magpahinga. Natapos na agad kami magpractice sa pagiging back-up dancer namin sa performance ni Ms. Megan. Kaya may natitirang araw kami magpahinga at gawin ang gusto naming gawin.

Ngayon, sobrang timing talaga dahil gusto ko muna magpahinga at mapag-isa.

Pasensya na kung gusto ko muna mapag-isa.

"May importante akong lalakarin ngayon. Hindi talaga ako makakasama." pagsisinungaling kong sabi.

Napansin kong pumasok si Thea na mukhang nalulungkot ito, "Hindi ka ba namin mapipilit?" tanong niya sa akin.

Biglang sumingit si Chloe, "Kapalit-palit ba kami?" tanong niya sa akin.

Natawa na lang ako, "Leche ka! May lalakarin ako mamaya." natatawang sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo gumapang?" napasimangot ako sa kakornihan ni Chloe. Natawa ako lalo dahil piningot ni Thea ang tenga nito.

"Aray!"

"Alam mo, Chloe. Samahan mo na si Mia sa baba. Ang sakit sa brain cells pagiging corny mo!" reklamo ni Thea sa kanya.

"May brain cells ka pala? Bakit hindi ko alam?" natawa ako sa asar ni Chloe kay Thea.

"Sumasakit ulo ko sayo. Bumaba ka na sa lobby!" nakita kong iritadong mukha ni Thea at napansin kong umalis na si Chloe habang kumakamot ito sa kanyang ulo.

"Mukhang hinihintay ka na nila." puna ko kay Thea at ngumiti ito sa akin.

"Oo nga, e. Ayaw mo talaga sumama?" tanong niya ulit sa akin at bumangon ako.

"Hindi sa ayaw pero may mahalaga talaga ako pupuntahan ngayon kaya hindi ako makakasama sa inyo." pagpapaliwanag ko sa kanya para maniwala ito sa akin.

Nagbuntong-hininga ito, "Sige na nga. Mag-ingat ka. Text na lang kita kung gusto mo humabol sa lakad namin." sabi niya at kumaway ito, "Mauna na ako." pagpapaalam niya sa akin.

Tumango ako at tuluyan nawala na ito sa aking paningin dahil sinarado niya na ang pinto.

Balak ko ngayon maglakwatsa mag-isa tutal mayroon akong naipon na allowance galing sa EyeRed. Konti lang naman babawasan ko ngayon.

Ngayon, mukhang kailangan ko na rin mag-asikaso sa aking sarili. Nagsimula na ako pumili ng damit na pang-alis mamaya.

Bigla akong nakarinig ng text message sa akin phone kaya dali-dali kong hinanap ito sa aking desk dahil doon ko ito palagi iniiwan kapag patulog na ako.

Pagkabukas ko, napansin kong nagmessage ang dati kong close friend noong college ako at binasa ko ito.

From: Rea

Hi! Scar! Kamusta ka?

Nakakapagtaka lang dahil ang tagal ng taon na nakalipas naisipan niya ako i-text. Pero namiss ko 'tong kaibigan ko dahil sobrang solid kasama siya. Madalas kami kumakain sa labas at nagbobonding dahil pareho kami ng mga trip sa buhay.

Tinawagan ko na lang si Rea through call dahil tinatamad ako makipagusap through text.

Ilang minuto lumipas ay sinagot niya ito.

"Hello, Scar?"

"Hi! Rea! Okay lang ako. Ikaw ba?"

"Heto, okay lang. Actually, Scar... Hihingi ako ng favor sa'yo? Kung okay ang ba?"

"Okay lang naman. Basta kaya ko." sabi ko sabay tawa.

Narinig ko itong tumawa rin sa kabilang linya, "Gusto ko sana isama ka para i-surprise ang jowa ko. First Anniversary kasi namin, e."

"May jowa ka pala. Pogi ba?"

"Actually, oo. Pero babae siya."

What? Babae siya? Ang ibig sabihin niya...

"Ang gusto mong sabihin babae ang karelasyon mo?"

"Yes, Scar. Kung okay lang sana tulungan mo ko para i-surprise. May problema ba?"

"Nagulat lang ako."

"Sorry, Scar. Ayaw mo ba? Okay lang nam-"

Hindi ko na siya pinatapos dahil hindi naman sa ayaw kong tulungan siya. Gusto ko naman pero nabigla lang ako dahil kay Rea.

Sobrang ganda kasi ni Rea at malapitin sa mga lalaki pero ni isa sa mga nanliligaw sa kanya, wala raw siya natitipuhan.

Nabigla nga ako sa sinabi niya na may karelasyon siyang babae.

Hindi naman sa against ako sa same sex relationship ngunit nabigla ako kay Rea dahil hindi ko naisip na ang tipo niya pala ay babae.

It is her choice. Wala akong magagawa kundi suportahan siya.

"Scarlet, Andyan ka pa ba?"

Nagising ang aking diwa, "Y-yes. Ano ulit 'yon?"

"Ayaw mo ba ako tulungan? Okay lang naman sa akin."

Alam kong mabait din akong tao kaya kahit balak kong pasayahin ang aking sarili ngayon mas kailangan ako ni Rea para tulungan siya. Mukhang magiging masaya naman din akovkumg tutulungan ko tutal matagal na kami hindi nagkikita nito.

"Hindi! Tutulungan kita. Kailan ba?"

"Ngayon sana? Sorry kung biglaan talaga. Ngayon lang ako naglakas ng loob para kausapin kita."

"Sure! Free naman ako. Send mo na lang yung location through text kung saan tayo magkikita at kung anong oras."

"Sige. Pasensya na sa abala."

"Okay lang."

"See you."

"See you too. Bye, Rea."

Binaba ko ang aking cellphone at natulala na lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Rea.

Na...karelasyon na ay babae rin.

***

"Huwag kang kabahan, Rea." sabi ko sa kanya habang pa-ikot- ikot si Rea sa harapan ko.

Sabi raw ni Rea ay malapit na ang kanyang girlfriend kaya hindi ito mapakali.

"Look, Scarlet? Magugustuhan niya ba regalo ko?" nag-papanic na tanong niya sa akin.

Dahil humingi siya ng tulong sa akin, ako naman ang pumili ng babagay na regalo sa jowa niya.

Naisipan kong iregalo ni Rea ay necklace sa kanyang jowa. Siguro naisipan ko 'yon dahil binigyan ako ni Francis ng necklace noong first anniversary namin.

'Yon din ang aking gustung-gusto matanggap ko mula kay Francis. Kaya siguro 'yon ang gusto kong iregalo ni Rea sa kanyang girlfriend.

Huminga ako ng malalim dahil naiisip ko na naman nangyari sa amin ng noong first anniversary.

"Scarlet? Huy! Okay ka lang?"

Nagising ang aking diwa at napatingin ako kay Rea na mukhang naghihintay siya ng sagot sa akin.

May sinabi ba siya na hindi ko narinig. Ano kaya 'yon?

"A-ano 'yon, Rea?" nakangising tanong ko.

"Nevermind. I think maganda naman regalo ko kay Hannah." rinig ko kay Hannah at nagbuntong-hininga ito.

Pagkatapos, nagsimula na siya paikot-ikot at hindi mapakali ngayon habang hinihintay niya si Hannah, ang kanyang jowa.

Andito nga pala kami sa isang private garden dinner date na surprise ni Rea. Nakaupo ako sa isang tabi at nasa harapan ko na nakatayo si Rea na patuloy itong umiikot.

Hindi ba siya nahihilo sa lagay na 'yan? Ako ang nahihilo sa kanya, e.

"Andito ka na pala!" napalingon ako sa sigaw ni Rea.

Nagulat ako na bumungad sa aking paningin si Ms. Megan habang nakangiti at nagbeso kay Rea.

Bakit nandito siya?

'Yan lang sumagi na tanong sa aking isipan habang tinitingnan ko siya na nakangiti kay Rea habang nag-uusap silang dalawa.

She looks so beautiful...

Mas maganda pala siya kapag hindi formal outfit ang mga suot niya. Sobrang strict ang kanyang awra niya kapag naka-formal siya. Pero ngayon, kakaiba siya ngayon.

Naka-loose long sleeves shirt siya na brown at shredded jeans na sobrang bagay talaga. Well, lahat naman bagay kay Ms. Megan. Syempre naging modelo rin siya dati.

"I forgot. Gusto ko ipakilala sa'yo Meg , ang close friend ko." nabigla ako pagkasabi ni Rea at napansin kong napalingon si Ms. Megan sa akin.

Nakita kong papalapit sila sa akin kaya tumayo ako.

Pansin kong kumunot ang kanyang noo ngunit nag-iba ang kanyang ekspresyon noong lumingon si Rea sa kanya. Ngumiti ito sa akin na akala niya hindi niya ako kilala.

Bakit nagpapanggap siyang hindi niya ako kilala?

Bigla niya ako inalok ng hand shake at napatingin ako sa pag-alok niya. Wala akong choice kundi makipagkamayan sa kanya at ngumiti sa kanya.

Ayaw niya talaga aminin na magkakilala kaming dalawa. Bakir kaya?

"So, this is Scarlet. My close friend noong college kami." pagpapakilala ni Rea at tumango ako na parang hindi ko kilala si Ms. Megan, "And, she's Megan, Hannah's bestfriend." tumango ako at ngumiti kay Rea.

So, siya pala bestfriend ni Hannah...

Napalingon ako kay Ms. Megan na mukhang dinededma niya ako. Patuloy pa rin siyang hindi ako nag-eexist sa aming usapan.

"Anong gift ibibigay mo kay Hannah?" seryosong tanong ni Ms. Megan.

"Necklace. Okay lang ba?" tanong ni Rea kay Megan habang ako'y nakikinig sa usapan nila.

"Oo naman. Magugustuhan niya 'yon." nakangiting sabi ni Megan.

Napansin kong tinapik ako ni Rea sa aking balikat, "Siya nag-advice sa akin. I am so thankful dahil tinulungan niya ako." masayang sabi niya kay Ms. Megan.

"Excuse me, Ma'm."

Lumingon kami sa isang waiter na gusto itong sumingit sa usapan namin.

"Why?" pagtatakang tanong ni Rea, "Is there any problem?"

"Andito na po ang hinihintay niyo." sabi ng waiter kay Rea at nakaramdam ako ng sobrang excited.

"Sige papunta na ako." natatarantang bilin ni Rea at nag-bow ang waiter at tuluyang umalis ito.

"Relax, Rea." natatawang sabi ko kay Rea at humarap siya sa akin.

Napakurap ako kung kung bakit siya humarap sa akin na mukhang nag-aalala siya base sa kanyang ekspresyon sa mukha niya.

"Do I look fine? Haggard ba ako? May kulang sa make-up ko?" natatarantang tanong ni Rea sa akin.

Hinawakan ko siya sa kanyang magkabilang braso, "You look beautiful, Rea. Relax and enjoy your 1st Anniversary." nakangiti kong sabi sa kanya at napansin kong napangiti ito at tumango

.

Nakarinig ako ng pagklaro ng boses, "I think kailangan mo na puntahan siya." napalingon kami ni Rea kay Ms. Megan sa kanyang sinabi.

"Oo nga pala!" sabi ni Rea, "Bye!" at nagsimula na itong puntahan si Hannah at iniwan kami dito ni Rea magkasama ni Ms. Megan.

Napatingin ako kay Ms. Megan na nagsimula na itong umalis kaya tumakbo at hinila ko siya sa kanyang braso.

May gusto sana akong itanong sa kanya.

"Tss. What?" inis na sabi niya pagkatapos niyang lumingon sa akin.

Tiningnan niya ako habang nakakunot ang kanyang noo.

"Bakit nandito po kayo?" tanong ko sa kanya at bigla siyang lumapit sa akin kahit magkaharap na kaming dalawa

"Rea, told me to help her para i-surprise si Hannah." pagpapaliwanag niya sa akin, "Nasagot na ba tanong mo?" inis na tanong niya sa akin.

Napakasungit na naman ni Ms. Megan.

Pansin ko agad itong tumalikod sa akin at nagsimula na siyang umalis sa aking harapan.

Biglang tumunog ang aking tiyan at napansin kong napatigil si Ms. Megan ngunit ilang segundo man lang nagpatuloy na ito umalis.

Dahil andito siya, mukhang tama ang timing para guluhin ang mundo ni Ms. Megan ngayon. Tutal, wala pa akong balak ngayon kaya nisipan kong yayain siya kahit sa ayaw niya.

At saka mas bet ko na may kasamang kumain kaysa gusto ko magdrama ngayong araw.

Tumakbo ako sa kinaroroonan niya at hinawakan ko siya sa kanyang kamay at hinila siya palabas dito sa mismong lugar kung saan nagd-date si Rea at kanyang jowa.

"Saan ba tayo pupunta?!"

"Sumunod ka na lang." sabi ko sabay ngumisi ng palihim habag hinahatak para kumain kami.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Chapitre suivant