webnovel

Chapter 24

MEGAN

"May I?" tanong ko sa kanya.

Wala akong choice kundi gawin ito sa kanya.

Ayokong gawin ito sa kanya dahil hindi naman kami close. Ngunit alam ko may isang paraan para mawala ang takot ko.

Naalala ko mga panahon kung paano ako pakalmahin ni Dad. Hahawakan niya lang kamay ko dahil ibig sabihin nandyan siya para pakalmahin at mawala ang aking takot.

Gusto ko sana ilabas ang pagiging sentimental ko pero hindi pwede dito sa lugar ilabas sa sitwasyon namin ngayon.

Lalo na't nastack kami sa elevator. Mukhang nasiraan pa kami na hindi inaasahan pangyayari ngayon.

Ngayon, nandito ako nakaupo at katabi ko si Scarlet. Tinatanong ko siya kung pwede hawakan ko ang kanyang kamay.

Kahit hindi ko talaga kagustuhan ito ngunit gusto ko lang mawala takot ko.

'Yon na lang naman pakay ko.

Wala rin naman ako narinig mula sa kanya kaya alam ko ang ibig sabihin. Mukhang pumayag naman siya.

Kaya agad kong kinapa ang kanyang braso hanggang mahawakan ko ang kanyang kamay.

Wala naman akong pakialam kung hahawakan ko ang kanyang kamay. Bahala siya mag-isip. Kinakailangan ko lang talaga.

Alam niya naman siguro na takot ako sa dilim. Expected ko naman na alam niya. Palagi kong sinasabi sa mga interview dati na ito ang aking kahinaan.

Takot ako sa madilim na lugar at tunog ng kidlat.

"Nakakainis!" nagulat ako sa kanyang pagkasabi.

Bigla na lang ako nakarinig na sigaw out of nowhere. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

"Why?" tanong ko.

"Ang bilis ng tibok ng puso ko! Jusmiyo!" sabi niya.

Naramdaman kong kumakalas siya sa pagkakahawak ko sa kanya ng kamay.

Nagtaka ako kung bakit tumitibok ang puso niya? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

"Sa tuwing lumalapit ka sa akin. Nakakainis talaga! Kinakabahan ako lalo sayo." rinig kong inis siya sa akin.

Kunot-noo ako sa kanyang sinabi. Nagtaka rin ako sa kanya.

Gusto niya ba ako?

Napagtanto ko nga pala na fan niya ako baka pakiramdam niya na flattered lang siya mga nangyayari sa amin.

Imposible naman na nagkakagusto siya sa akin. E, pareho kaming babae. Saka wala akong panahon para magkarelasyon. Trabaho lang muna.

Gusto ko lang gamutin ang kanyang sugat para masuklian ko ang tulong niya. Alam kong ako ang dahilan ng sugat niya sa mga braso.

"Ano bang ginawa ko sa'yo? Bakit ganito tibok ng puso ko?" paninisi niyang tanong niya sa akin.

Pagkatapos, sinisisi niya pa ako ngayon kung bakit nagkakaganyan siya. Wala naman akong ginagawa.

Napailing na lang ako, "Pakialam ko dyan sa nararamdaman mo." walang-gana kong sabi sa kanya.

"Hindi ko talaga maintindihan." naiinis niyang sabi.

"Bakit ako? Alam ko. Intindihin mo." sabi ko.

"Ano po?" rinig kong tanong niya sa akin.

"Flattered ka lang sa akin. Normal lang naman 'yan bilang fan." walang-gana kong sagot sa kanya.

"Flattered? Oo nga 'no?" sang-ayon niya sa aking sagot, "Hindi ko 'yon naisip. Akala ko kung ano, e."

"Imposible na magkagusto ka sa akin." natatawang sabi ko, "Alam mo naman na pareho tayong babae." dagdag kong sabi sa kanya.

"At saka bilang artists at fan mo lang ako. Imposible talaga." sabi niya ngunit mahina ang kanyang pagkasabi.

"Bakit madaldal po kayo ngayon?" pamumuna niyang tanong sa akin.

"Pakialam mo ba? Gusto ko magsalita." pagsusungit ko sa kanya.

"Napansin ko lang naman po." rinig ko sabi sa kanya at natawa ito.

Ilang sandali biglang tumahimik ang aming paligid ngunit wala pa rin nangyayari sa elevator.

Bigla kong naisip ang pangyayari kanina sa mall. Sumagi sa aking isipan ang tanong na gusto kong sabihin sa kanya. Gusto ko lang malaman 'to galing sa kanya.

Inaamin ko na curious ako kung bakit siya naging fan ko. Kung sino siya. Kung bakit niya tinitiis ang pagsusungit ko sa kanya. Maraming pumapasok na katanungan sa aking isip.

Inaamin ko rin na may pakialam ako dahil narealize ko sa nangyari kanina sa mall. Kung paano niya ako sagipin sa mga fans ko. Napagtanto ko sa mga bawat masasakit na sinabi ng mga fan ko sa kanya ay hindi worth para damdamin niya.

"Gaano ka na katagal naging fan ko?" tanong ko sa kanya.

"Nakakagulat naman tanong niyo po. Interview ba 'to?" rinig kong tanong niya sa akin at narinig ko ito tumawa siya.

"Sagal naman. Sagutin mo na lang." inis kong sabi sa kanya.

Ang dami naman follow-up question! Huwag na nga magtanong sa kanya.

"Hayaan mo na. Huwag mo na sagutin." walang-gana kong sabi sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa niya sa akin.

Natawa pa siya? Anong nakakatawa do'n?

"Noong nag-umpisa po kayo sa pagiging model. Sobrang adik na adik po ako bumili ng mga magazines mo dati. Nag-iipon ako sa aking baon sa school para makabili lang 'yon. Kung hindi mo lang alam ang daming magazines sa bookshelf ko sa bahay." magiliw na sabi niya sa akin.

"Why?" sunod kong tanong sa kanya.

Gusto ko lang malaman kung anong dahilan para suportahan niya ako. Sobrang tagal na no'n na naging model ako. Nag-aaral pa ako sa lagay na 'yon.

"Ano pong 'why?' " rinig kong tanong niya sa akin.

Naramdaman kong humiwalay siya sa akin, "Tumabi ka lang sa akin." sabi ko sa kanya, "Ang kulit mo. Tumabi ka sa akin!" inis ko sa kanya dahil humilay siya.

Ramdam kong dumikit ulit siya sa akin. Napanatag ang aking loob ulit dahil may katabi ako.

"Why? Bakit mo ako sinuportahan?" curious kong tanong sa kanya, "Marami naman sikat sa akin."

"Para sa akin nakikita ko po ang passion niyo habang nagpeperform ka. Ramdam ko po kung gaano mo kamahal maging singer sa EyeRed dati." sabi niya at kinalabit niya ako sa aking tabi.

Lumingon ako sa kaliwa dahil katabi ko siya. Nagtaka ako kung bakit niya ako tinapik sa aking balikat.

"Bakit mo ko tinapik?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Comfort lang po. Wala naman po akong karapatan tanungin kayo kung bakit niyo po iniwan pagiging singer niyo." rinig kong sabi niya sa akin, "Pero tatandaan niyo po marami pa rin sumusuporta sa inyo."

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso at sumagi sa aking isip kung paano ko sinukuan ang pangarap ko dahil lang sa pagiging CEO ko.

"Life isn't easy, Scarlet. You need to sacrifice everything para sa ikabubuti ng lahat." sabi ko sa kanya.

I need to sacrifice being CEO dahil ito lang paraan para magkatuluyan si Quinn at Hexyl. Inako ko ang responsibilidad ni Hexyl dahil ramdam na ramdam ko kung paano niya kamahal si Quinn. Basta masaya kapatid ko, masaya na rin ako.

"Sana po masaya kayo ngayon." sabi niya sa akin.

'Yan din hinihiling ko, Scarlet.

Na maging masaya ako.

***

"Aray!"

Rinig ko ang mga reklamo ni Scarlet habang ginagamot ko ang kanyang sugat sa braso.

Andito na pala kami sa condo sa may sala. Mga 2 oras mahigit kami naghintay kanina sa elevator. Sa sobrang busy kami sa pag-uusap, nakaligtaan namin na pindutin ang emergency button.

Buti na lang naalala ako dahil nagtataka ako kung bakit ang tagal ayusin ang elevator. Naghintay ulit kami ng isang oras sa elevator. Nakatulog na nga kami ni Scarlet do'n sa sobrang boredom namin.

Pero atleast andito na kami ni sa condo ko na ngayon ginagamot ko ang sugat niya.

"Salamat." sabi ko habang nilalagay ko ng betadine ang sugat niya.

"H-ha?"

Narinig kong na-utal ito at napa-iling na lang ako. Tama talaga pagkakakilala ko sa kanya.

Maganda siya kung tutuusin, sobrang bingi talaga.

"Salamat." malakas na sabi ko habang kumuha ako ng band-aid sa first-aid kit ko.

"Para saan po?" tanong niya sa akin.

Tss. Maganda nga. Bingi naman. Slow pa.

Huminga ako ng malalim dahi hindi ko na kinaya ang pagiging slow niya at tumingin sa kanya.

Napatigil ako sa paglalagay ko ng betadine sa kanya at kitang-kita ko na nakatulala sa akin.

"Inaalala mo pa rin kaligtasan ko kahit nasaktan ka para protektahan ako." seryosong sabi ko sa kanya.

Napakamot siya ng ulo at tumawa ito kahit nahihiya sa akin.

"Ah! Fan niyo po ako kaya kailangan protektahan kayo sa mga wild fan." natatawang sabi niya.

Pagkatapos kong gamutin ang kanyang sugat ay nagsimula na akong magligpit para ilagay lahat ng betadine, itapon ang mga bulak na nagamit at mga ibang kalat.

"Ihahatid niyo po ba ako sa dorm namin?" narinig kong tanong ni Scarlet at napalingon ako sa kanya.

Anong pinagsasabi nito?

Akala ko gets niya na kanina. Sinabi ko na kanina sa loob ng sasakyan na isikreto dito ako nakatira.

Pagkatapos, nakalimutan niya ngayon sinabi ko kanina? Parang nasayang lang ako ng boses para sabihin sa kanya.

Napailing na lang ako.

Maganda nya. Bingi naman. Slow pa. Makalimutin pa.

Hay nako! Ang ganda ng mood ko kanina, sinisira niya na ngayon dahil sa tanong niya.

Hindi ba niya naisip na mapapahamak ako kung ihahatid ko pa siya sa condo nila. E, dito rin naman sila nakastay sa mismong building na 'to. Magka-iba lang kami ng floor.

Hay nako, Scarlet. Sumasakit ulo ko sa'yo.

"We are on the same building, Scarlet. Pero magkaiba lang tayo na floor." walang gana kong sabi habang nilalagay ko sa taas ng cabinet ang first-aid kit ko sa may drawer.

"Akala ko po nasa ibang condo ako." hindi makapaniwala sa aking sinabi.

Sumakit ang aking sentido sa kanyang sinabi so hindi niya na naintindihan talaga sinabi ko kanina.

"Huwag mong sabihin sa mga ka-miyembro mo na dito ako nakatira." utos ko sa kanya at lumingon ako sa kanya.

Nakita kong tumango ito, "Opo. Maasahan niyo po ako." sabi niya.

Nagulat ako sa tunog ng aking tiyan. Biglang kumalam ito at narinig ni Scarlet.

Biglang humalaklak si Scarlet at binigyan ko siya ng masamang tingin habang papunta na ito sa pintuan.

"Mukhang gutom na po kayo." natatawa niyang sabi sa akin.

Aba! Pinagtawanan pa ako ng loko 'to. Hindi ko nga alam kung ano lulutuin ko ngayon. Puro canned goods at cup noodles ang meron dito. Kaya nag-grocery ako kanina sa mall kaso pinabili ko kay Gio (mismong bodyguard ko) ang mga dapat bilhin.

Napansin ko itong binuksan na niya ang pinto para umalis pero pinigilan ko siya.

Magpapatulong lang ako paano magpadeliver ng pagkain tutal wala rin ako makain dito.

"Bakit po?" nagtatakang tanong niya.

"Can you help me magpadeliver ng pagkain?" tanong ko sa kanya.

Tumango ito sa akin at kinuha niya ang phone niya sa kanyang bulsa. Napansin ko rin na nahulog ang kanyang earphone na marami na itong tape sa wire.

Siguro nabuka na yung mismong cover ng wire ang kanyang earphones kaya tinakpan niya siguro ng tape.

Agad ko itong kinuha at nilagay ko sa aking bulsa.

Nagulat siya sa aking ginawa, "Akin po 'yon." nagmamakaawang sabi niya sa akin.

"I'm hungry. Tumawag ka sa Mcdo." utos ko sa kanya.

Ngunit umiling siya sa akin at tiningnan niya ako ng seryoso, "Ibalik niyo po sa akin 'yan." seryosong sabi niya sa akin.

Baka umiyak pa 'to kung hindi ko ibalik sa kanya.

Pero gusto ko pa rin siya inisin.

"Madali po 'yan masira. Akin na po, Ms. Megan." nagmamakaawang niya sa akin.

Napansin kong hinawak niya ang aking braso para kunin ito.

"Eto na." natatawa kong sabi.

Para siyang bata na inagawan ng candy ng kalaro niya. Parang big deal sa kanya na agawin ko ang earphones niya. Gusto ko lang siya asarin pero mukhang epic fail naman.

Napansin kong nagsimula siyang i-connect ang kanyang earphone at nilagay sa kanyang magkabilang tenga.

"Hala! Bakit hindi na gumagana?!" natataranta na sabi niya at ipinagpatuloy niya ang pagkakalikot sa kanyang earphones.

Akala mo ikinamatay niya ang pagkasira ng earphones niya. Napailing na lang ako.

"You can buy another earphones tomorrow basta ipagdeliver mo 'ko ng Mcdo ngayon. Gutom na ako." utos ko sa kanya.

"Mahalaga ito sa akin, Ms. Megan."

Napatingin ito na mukhang malungkot at mukha nga sinisisi niya ako sa pagkasira ng earphones niya dahil nakatingin siya sa akin.

"Hayaan niyo na po."

Tss.

Bigla niyang binuksan ang pinto at tuluyang umalis ito. Sinundan ko ito sa labas habang napapansin kong naglalakad ito papuntang elevator.

Inuutusan ko pa siya kanina na tulungan ako magpadeliver sa Mcdo pero alam kong wala na siya sa mood kausapin ako.

I know it is my fault again na sinira ko ang kanyang earphones. Oo na. Ako na may kasalanan.

Naisip ko lang naman na biruin siya pero hindi nagwork sa kanya. Lalo lang siya nainis.

Tutal afford ko naman bumili ng earphones ulit kaya naisipan ko kanina na sa kanya na lang earphones ko para hindi na niya ako sisihin. Hindi ko naman inaasahang masira agad 'yon. Sadyang pasira na 'yon sa pagkakaalam ko pero pinagtatiyagaan na niya na lang.

Biglang kumalam na naman ang aking tiyan at napatigil siya sa paglakad niya.

"Sorry." sabi ko sa kanya, "I'll give you my earphones to you later." pangbawi ko sa kanya.

Bigla siyang lumingon sa akin at natulala ako dahil ngumiti ito abot tenga.

Napansin kong tumakbo siya at nilagpasan niya ako para pumasok ng condo.

Parang talagang bata.

Natawa na lang ako at napailing.

Tuluyan na ako sumunod pumasok sa condo.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Chapitre suivant