webnovel

Kabanata 05

"Mauna ka na kaya sa bahay? Mag-teleport ka papunta sa kuwarto ko tapos magpalit ka na ng anyo," suhestyon ko kay Charleston habang nakatayo kami sa harap ng bahay.

"Nope, I won't do that," pagtanggi niya. "You will knock on that gate with me while I'm on my human form and make your family see me."

"Ba't ko naman gagawin 'yun?" pasigaw na tanong ko.

"So I could talk to you in your own house while I'm on my human form. Nakakasawa ng maging aso," tugon niya.

"Pero-"

"Ayaw mo? Eh 'di ako na lang ang kakatok." Hindi ko na siya napigilan no'ng kumatok siya nang malakas sa gate namin.

Wala pang isang minuto nang buksan ni Mama ang gate namin. "Naku, Mike! Saan ka ba pumunta- Charles?"

Ngumiti si Charleston kay Mama.

"Magandang gabi po," bati niya.

"Uh, ma, ano kasi..." putol-putol na sambit ko pero pinapasok muna kami ni Mama.

"Upo muna kayo diyan," utos ni Mama. Agad namang umupo si Charleston sa sofa at umupo naman ako sa tabi niya.

"Gusto mo ng juice?" pag-aalok niya kay Charleston. "Pasensiya na, ah. Magulo ang bahay."

"Okay lang po, at saka salamat na lang po sa juice. 'Di pa po ako nauuhaw," magalang na sagot ni Charleston. Sus, akala mo mabait.

"Paano kayo nagkita nitong anak ko?" pagtatanong ni Mama. Kumuha lang ako ng throw pillow at niyakap ito habang nakikinig sa kanila.

"Nasa mall po ako kanina. Namimili lang po ako ng mga gamit nang makita ko po itong si Michael."

Ngumiti si Charleston sa direksyon ko.

"Doon na po kami nagkausap. Hindi ko po akalaing nakatira rin po pala siya rito sa Cavite. What a lucky coincidence."

"Buti naman at nagkita kayo ulit." Tumango si Mama kay Charleston. "Teka, dito ka rin nakatira?"

"Opo. I'm currently residing at an apartment here. Mura lang po kasi ang rent dito, hindi katulad sa Manila," pahayag ni Charleston. Napangiti ako sa sarili ko. Puwede ng maging author ng libro si Charleston, kasi ang galing niyang gumawa ng storya.

"Nasaan yung pamilya mo? Mag-isa ka lang dito?" Ito na, naging interviewer na si Mama, at si Charleston naman ang masuwerte niyang biktima. Napatingin ako kay Charleston. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya pero may napansin akong kalungkutan na namuo sa asul niyang mga mata.

"My parents are dead. Sabi nila, may natira pa raw akong kamag-anak back in Germany, kaso hindi ko na po sila nahanap," humina nang kaunti ang boses ni Charleston. "I heard that the Philippines is a great place, kaya nag-migrate na lang po ako rito."

Hindi ko napigilan ang sarili kong maawa kay Charleston. Totoo kaya ang sinabi niya?

"Mukhang bata ka pa, buti nakapag-migrate ka rito. Marami ka kasing aasikasuhin na papeles kapag magma-migrate sa ibang bansa, 'di ba?" pagtatanong ulit ni Mama. Kung alam niya lang kung anong tunay na edad ni Charleston...

"Opo, 23 years old pa lang po ako. May kaibigan po ako rito na sa embassy nagtatrabaho. He helped me obtain the necessary papers to be able to live here."

"Mabuti naman at may kaibigan ka rito, malungkot din kasi pag mag-isa," pagkukumento ni Mama. "Salamat sa paghatid sa anak ko, ah? Ang dami mo ng tulong dito kay Mike. Sigurado kang ayaw mo ng maiinom? O makakain?"

"'Wag na po," tanggi ni Charleston habang naka-ngiti. "Okay lang po ba sa inyo if I visited Michael here often?"

"Siyempre naman!" masayang sagot ni Mama.

"Thank you po. Mauna na po ako, gabi na," pamamaalam ng lalaking katabi ko. Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan ng bahay namin.

"Gusto mong ihatid ka na ni Mike papunta sa kanto?" alok ni Mama.

"Kaya ko na po. Salamat." rinig kong sambit ni Charleston at tuluyan na siyang lumabas.

"Ingat!" sigaw ko. Pumunta ako ng kuwarto ko at nagbihis sa banyo.

Sinigurado kong walang itim na aso o paru-paro sa loob bago ako naghubad.

Baka kasi silipan na naman ako ng manyak na 'yon.

Nang lumabas ako ng banyo, hindi na ako nagulat nang makita ko si Charleston na nakahiga sa kama ko.

"Tungkol sa pamilya mo..." Tumigil ako saglit para ibato ang madudumi kong mga damit sa lagayan nito. "Totoo ba yung sinabi mo kay Mama?"

Tinitigan lang ako ni Charleston at napabumuntong-hininga. "I don't want to talk about my family, since it makes me really upset."

Tumango na lamang ako. Umupo ako sa tabi niya at humiga. "'Pag namatay na ako, sino naman ang babantayan mo?" pagtatanong ko habang nakatitig sa kisame ng kuwarto ko.

"I don't know," rinig kong bulong ni Charleston. "Maybe your sister."

"May crush sa 'yo si Venice," natatawang sabi ko. "Nang nasa Cagayan pa lang kami, palagi niya akong kinukulit. Gusto niyang malaman kung ano pangalan mo, o kung may facebook account ka raw ba."

"Did you tell her my name?" pagtatanong niya.

"Hindi. 'Di ko siya pinansin hanggang sa sumuko na siya kaka-tanong," nakangiting tugon ko.

"You're a meanie," komento ni Charleston. "I can't blame her, though. It's impossible for anyone that don't not like me since, I'm extremely good-looking. Do you have a crush on me also, Michael? Come on, don't be shy."

Blanko ang ekspresyon ko nang titigan ko siya. Tumitig siya pabalik sa 'kin habang nakangisi.

"Gusto kitang i-crush gamit ang mga kamao ko," inis kong sagot sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at nagtaklob ng kumot.

"Sleep well, Michael."

***

"I'm bored," saad ni Charleston habang nakahiga sa kama ko. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang ini-edit kong sketch gamit ang computer ko.

"Michael, let's do something," Yaya niya.

"Ayaw ko, tinatamad ako. At saka may kliyente na nag-message sa 'kin, kailangan niya raw ng logo para sa café niya," ani ko.

"Fine," rinig kong bulong niya. Kinuha na lang niya ang sketchpad ko at tinignan ang mga laman no'n habang nakaupo sa kama ko.

"You're great at drawings," sabi niya.

"Salamat..." mahinang sambit ko habang nagdadagdag ng kulay sa coffee mug na dino-drawing ko.

"If a person who can dance is called a dancer, and a person who can write good stuff is called a writer, why don't they call a person who can draw as a drawer?" tanong niya. Natawa ako nang mahina.

"Malay ko. Tanungin mo ang sarili mo. With age comes wisdom... sabi nila. Dapat alam mo na 'yan kasi gurang ka na," nakangiting sabi ko.

"Age is just a number, my dear friend," sagot niya.

"Kuya?" May narinig akong kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Si Venice. Agad na binitawan ni Charleston ang hawak niyang sketchpad at nag anyong-aso.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Anong kailangan mo?" masungit na tanong ko.

"Sinong kausap mo?" Hindi pinansin ni Venice ang tanong ko at sumilip pa sa kuwarto ko para tingnan kung may kasama ako.

"Uh... s-si ano. Si Charleston. Kausap ko sa telepono," pagsisinungaling ko. Napangiti nang ubod ng lapad si Venice at tila naghugis puso ang mga mata niya.

"Talaga? Pahingi naman ng number niya, kuya!" sabi niya.

"Hindi puwede. Bakit mo ako tinawag? Anong kailangan mo?" tanong ko ulit. Napanguso si Venice.

"Sungit," sambit niya. "May bisita si Mama, gusto ka lang daw ipakilala."

"Bakit naman daw?"

"Hindi ko alam! Basta bumaba ka na po, kuyang sungit."

Hindi ko na siya pinansin. Inayos ko nang kaunti ang buhok ko at bumaba ng hagdanan. Nandoon si Mama sa dining table, kasama ng kaibigan niyang minsan nang napadalaw dito.

Katabi no'ng babaeng kaibigan ni Mama ay isang babae na maikli ang buhok at parang kasing-edad ko lang.

Nginitian niya ako nang makita ako. Binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti pabalik at umupo ako sa upuan katabi ni Mama at katapat no'ng babaeng may mala-dora na hair cut.

"Mareng Lily, ito yung anak ko, si Michael. Mike for short. Kilala mo na siya, 'di ba?" sabi ni Mama habang nakangiti.

"Hello po," bati ko.

"Naku, Mike! Ang guwapo mo namang bata!" Komento ni Lily. Napatawa ako at kinamot ko na lamang ang batok ko.

"Salamat po..." nahihiyang tugon ko.

"Siyempre naman, Mars! Mana 'yang anak ko sa 'kin, eh," mayabang na sagot ni mama. Pinigilan ko naman ang sarili ko na magroll-eyes sa sinabi niya.

"Hindi, Mars. Feeling ko sa tatay niya 'yan nagmana." Humagikhik si Lily.

Napabuntong-hininga na lang ako. Napansin kong nakatingin sa 'kin yung babaeng may maikling buhok. Iniwas ko na lang ang titig ko at tumingin sa hagdanan. Nakaupo doon si Charleston na anyong-aso, halatang nakikinig sa usapan namin.

"Pero Mars, maganda ang anak mo. 'Yang si Savannah." Tumingin si Mama do'n sa babaeng katapat ko- si Savannah. "Guwapo 'tong si Michael ko. Bagay sila."

"Ma!" Sabay naming tutol ni Savannah. Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. Napansin kong nagpi-fidget na si Savannah sa upuan niya.

"Alam mo ba, Mars, wala pang nagiging girlfriend si Michael. Si Savannah din, 'di ba?" Hindi kami pinansin ng mga nanay namin at nagpatuloy sa pag-uusap.

"Oo, Mars! Nasa tamang edad na nga 'tong si Anna pero wala pa siyang sinasagot sa mga nanliligaw sa kanya," sagot naman ni Lily.

"Ma, ano ba, nakakahiya..." rinig kong bulong ni Savannah kay Lily. Sa isip ko, sumasang-ayon ako sa kanya. Ang sarap lagyan ng medyas ang mga bunganga nitong mga magulang namin para tumahimik.

"Bakit? Hindi naman masama kung maging magbalae kami nito ni mareng Helen, hindi ba?" tanong ni Lily kay Savannah.

"Um... ma, naiwan kong nakatiwang-wang sa kuwarto ko yung logo..." mahinang sambit ko kay mama. Masyadong awkward ang atmosphere- gusto ko ng umalis.

"Ay, oo nga pala! Mare, may mga tatahiin pa pala ako. Dalaw na lang kami rito ulit ni Anna," paalam ni Lily. Tumayo siya at nagbeso-beso kay mama at hinalikan pa niya ang pisngi ko. Nginitian ko lang siya at pinigilan ang sarili kong punasan ang pisngi ko dahil baka may mga naiwan siyang marka ng mumurahing lipstick.

Hinatid ni mama palabas si Lily, at naiwan kaming nakaupo sa lamesa ni Savannah. Na-glue ba ang puwet ng babaeng ito sa upuan? Bakit ayaw pa niya umalis?

"Michael ang pangalan mo, right?" pagtatanong ni Savannah. Tumango ako.

"Oo, at Savannah ang pangalan mo." Nginitian ko siya.

"Anna na lang. 'Yon tawag sa 'kin ni Mama at ng mga kaibigan ko," saad niya.

"Sige, Anna. Magtatrabaho pa ako. Medyo busy kasi ako," pamamaalam ko at tumayo na ako sa upuan ko. Baka mapakuwento pa ako. Ayaw kong makipag-usap sa kanya.

"Oh, sige..." Bakit parang bigla siyang nalungkot? Weird. Tumayo na lang din siya at naglakad papunta sa pintuan para lumabas. Kumibit-balikat na lang ako at bumalik sa kuwarto ko.

"That was hilarious," rinig kong sabi ni Charleston nang umupo ako sa harap ng computer ko para ipagpatuloy ang ginagawa kong logo kanina.

"Ang awkward nga eh." Nakatutok lang ang mga mata ko sa screen habang nagsasalita.

"Do you find her cute?" pagtatanong niya.

"Medyo, oo," tugon ko.

"Would you date her someday? Your parents are subtly arranging yours and Savannah's marriage," pahayag niya.

"Hindi. 'Di ko siya type..." sabi ko at tumingin kay Charleston na nakaupo sa sahig malapit sa paa ko.

"So, what's your ideal type?" pagtatanong niya ulit. Kumibit-balikat lang ako.

"Hindi ko alam. Kahit simpleng crush lang, hindi pa ako nagkakaroon. Sa totoo lang, wala akong balak magpakasal kahit kanino. Mamamatay siguro akong single," litanya ko habang natatawa.

"Kahit sa 'kin?" biro niya.

"Oo, kahit sa 'yo. 'Di tayo talo, lumayo ka nga," nandidiring sagot ko, kahit naramdaman kong bahagyang uminit ang mga pisngi ko. Tumawa siya.

Chapitre suivant