webnovel

Chapter 3. Her powers

A/N: Flashback parin po ito. Masyado po kasing mahaba pag nilagay ko pa ito sa chapter 2

Adiya's POV

Nakita kong nagtatakbuhan na ang mga estudyante para hanapin ang phoenix. Gustong gusto talaga nilang manalo at maka participate sa Quest. Nabalik lang ako sa reyalidad nang may marahas na humawak sakin at hinila ako patakbo. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at sa kung sino ito. Aella.

"What the hell are you doing? Talagang matatalo tayo dahil sa ginagawa mong pagtunganga diyan!" singhal niya sakin tsaka mas lalo niyang hinigpitan ako pagkakahawak sakin. Ano bang problema nang babaeng to? Nagpumiglas ako sa hawak niya at saka siya tinignan.

"I can walk" sabi ko.

"Oh sure you can ang bagal nga lang" pagmamataray naman niya. Hindi ko nalang siya pinansin at napatakbo na rin ako kasama ni Zephy at Flame na nasa unahan.

Pagkalipas nang ilang oras.

"Ano ba! Kanina pa tayo naglalakad at naghahanap wala parin tayong makita! Pagod na ako, magpahinga nga muna tayo" reklamo niya. Naikot ko nalang ang aking mata sa kaartehan niya bago ako umupo sa ugat nang isang malaking puno. Kanina pa kasi kami naglalakad ngunit wala parin kaming makita. Ang mas nakakainis pa ay sinasabayan ni Aella nang reklamo, kesyo masakit na daw yung paa niya at pagod na raw at nangangati na raw yung buong katawan niya. Ang lakas niyang magreklamo eh wala naman siyang ginawa kundi ang magdadadada habang kaming tatlo ay naghahanap. As if namang siya lang ang pagod, pagod rin kami at hindi lang siya.

"Bakit ba kasi natin kagrupo yang babaeng yan?" inis na tanong niya habang nakaturo sakin. Aba! Makakatikim na talaga sakin 'tong babaeng 'to.

"Baka nga hindi natin mahanap ang Phoenix dahil sa kanya eh. Lagi kasing nakasunod sakanya ang kamalasan" dagdag pa niya. Hindi nalang ako nagsalita dahil masasayang lang ang laway at enerhiya ko kung papatulan ko pa siya.

"Mailap ang mga Phoenix sa tao Aella kaya mahihirapan talaga tayong mahanap ito" sabi naman ni Flame. Napakalumanay nang boses nito.

"O mga tao pala kayo? Tao ka pala? Akala ko kasi niyebe ka eh" pang iinis naman niya kay Flame. Napasimangot nalang ito at hindi nalang pinansin si Aella. Flame has a very white skin as snow, I mean literally. She has blue orbs, crimson plump lips and white blond hair. She's like an angel lalo na't nakasuot siya nang black dress and black boots. Para siyang isang anghel sa isang drama pero hindi mo rin aakalain na hindi basta basta ang kapangyarihan niya. The element of fire.

"Eh ikaw Aella, tao ka rin ba? Akala ko kasi demonyo ka, ang sama kasi nang ugali mo" inis naman na sumbat ni Zephyrine. Napatawa ako nang bahagya sa sinabi niya habang si Flame ay gulat na napatingin kay Zephy. Siya lang kasi ang may lakas mambara kay Aella, napuno na rin siguro ito kaya niya nasabi ang mga yun.

"You b*tch! What did you sa---" hindi na natuloy ni Aella ang kanyang sasabihin nang may putik na pumatak sakanyang ulo galing sa itaas. Bigla nalang itong napatili sa pandidiri nang mapagtantong tae pala ito.

Napatingala nalang kaming lahat only to find the Phoenix na nasa itaas nang punong kinalalagyan namin.

"Argh! I will bury you to the pits of the ground" galit na sabi niya nang biglang nahati ang lupa and she's the one who's causing it. Kunumpas niya ang kanyang kamay at patatamaan na sana niya ang Phoenix nang malaking tipak nang lupa nang bigla na lang siyang lumipad nang may tumamang apoy sakanya. Masyadong mabilis ang pangyayari pero ang alam lang namin ay nakahandusay na si Aella di kalayuan samin na may tama nang apoy sa dibdib, mabuti nalang at hindi nasunog ang katawan nito. Nilapitan siya ni Flame at Zephy upang kumpirmahin kung buhay pa siya.

"Don't worry, she's still alive" sabi nang isang lalaki na nakasuksok sa isang puno. Napakunot ang noo ko. Mukha siyang pamilyar, hindi ko lang kasi masyadong maaninag ang mukha niya dahil kalahati nito ay nakatago parin sa puno like he's peeping. Naaninag ko lang ito nang unti unti siyang lumabas mula sa pinagtataguan niya kasunod nang isang babae at dalawa pang lalaki sa pinagtataguan nilang puno.

"Zhin!" sigaw naman ni Flame habang nakatingin sakin.

"We need to heal her, masyadong malakas ang tumamang apoy sakanya" nag aalalang sabi nito. Nakaramdam ako nang galit. She doesn't deserve this, kahit na ganun kasama ang ugali ni Aella hindi parin dapat nila ginawa yun.

"Oh please stop being overreacting. Maliit nga lang ang pinsala niya eh. Pyrrhos didn't give her half the blow. And excuse me we're in the middle of the battle, what would you expect? Na magtitigan lang tayong lahat dito? You won't win in that kind of mind---" hindi na natuloy ni Ametheist ang sasabihin nang nakita kong may dinaramdam siya, para bang namimilipit siya sa sakit.

"Sinong gumawa non sakanya?" walang emosyon kong tanong.

"Ako" sabi ni Pyrrhos na tila walang pakialam sa ginawa niya. Nainis ako sa inasal niya. Bigla nalang napaupo yung dalawang lalaki na para bang may iniinda.

"Sh*t your the curse!" impit na sabi ni Rayne. Silang apat ay mga kaklase ko. Mga wala silang puso. Mas lalo lang akong nagalit dahil sa sinabi niya kaya mas tinodo ko pa ang sakit na nararamdaman nila. Napatingin naman ako nang matalim kay Prrrhos.

"What?" he said nonchalantly.

"Aemy is right, your in a fucking battle. Don't let your emotions stand in your way sweetheart, if you want to win. So your that curse?" he mockingly asked. He's provoking me. Tinignan ko siya nang matalim para maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko. Nakita ko namang namimilipit na siya sa sakit.

"Adiya stop. Your going to kill them!" narinig kong sabi ni Zephy pero masyado nang sarado ang isip ko para pakinggan pa siya. Bigla akong natutop nang makita ko kung anong lumalabas sa katawan ni Pyrrhos, isang itim na usok binabalot siya nang maitim na usok. Bigla siyang tumayo na parang nahihirapan parin. He diverted my attention para mag subside nang konti ang kapangyarihan ko.

"You have the dark power" sabi niya na tila ba ngayon lang niya nalaman na iyon ang kapangyarihan ko. Bigla akong nakaramdam nang takot nang bigla siyang ngumiti nang nakakatakot at nagpalabas ulit nang itim na mga usok. Oh my gosh! He also has a dark power. Sensory deprivation. That dark smoke will consume you to death, isa yang napakalakas na itim na kapangyarihan. Napatingin ako sakanya nang tinignan niya ako nang nakakatakot at nagpalabas siya nang apoy sa kanyang palad na tila ba nilalaro niya ito. Fire and a dark power. Great combination.

Biglang napatingin si Pyrrhos sa likod ko, don ko lang napagtanto na nasa likod na pala si Flame at Zephy habang si Aella ay nakahandusay parin.

"What? You wanna die now?" he asked us playfully. Umusok ang ilong at tenga ko dahil sa sinabi niya. Idadamay pa niya ang mga kaybigan ko. Wala siyang awa. Nilakasan ko lalo ang kapangyarihan ko which causes the three to cry in pain even more. Naramdaman ko nalang na may unti unting pumapatak galing sa itaas, umuulan. Great.

"Adiya we need to go, baka lalong lumubha ang kalagayan ni Aella" sabi ni Flame sa likod ko.

"Okay let's just have a deal. Give us the Phoenix, stop causing them fucking pain and i'll let you walk out of here alive" he said menacingly.

"No, don't give them the phoenix. We need to win" impit na sabi nang isang boses mula sa likod namin. Gising na si Aella pero halata mong nanghihina pa siya. Nilapitan naman nilang dalawa si Aella para alalayan itong tumayo.

"Is that what you call "you didn't give her half the blow"? I snap.

"I'm fine Zhin! Just don't give them that bloody phoenix dahil tutustahin ko pa yan" inis na sabi niya.

"Well then seems like we don't have a choice here" sabi niya habang hinahayaang kumalat ang usok papunta samin. Natakot ako bigla, hindi lang para sakin kundi para narin sa mga kasama ko.

"Your not serious" I said provokingly. Hindi niya magagawa yan dahil hindi naman ito isang actual na labanan.

"Try me. I don't care about every single life that's in here" he said emotionless.

"Your the curse here, atleast I have the control to my powers, your much more dangerous than I am. Your bound to be the curse not me!" I spat. Mas lalo ko atang siyang ginalit dahil mas lalo niya akong tinignan nang masama. Kanina pa sana ako patay kung nakakamatay lang ang mga tingin. Lalo niyang hinayaan ang itim na usok na lumapit samin only to cut off nang biglang lumipad ang phoenix papunta sa balikat ko. Hindi lang ako ang nabigla kundi lahat kami.

Mailap ang mga phoenix sa tao pero napadapo ko ito sa balikat ko. That only means one thing, we won. Kahit na nahuli nang isang tao ang phoenix kung hindi ito gusto nang phoenix ay maglalaho ito nang parang bula. Tiimbagang na tinignan ako ni Pyrrhos dahil sa nangyari pero natutop ako nang bigla nalang may lumipad na apoy sa paligid ko,napakabilis nang pangyayari. Napatingin ako sa likod at tumakbo ako sa kinalalagyan nila Aella, Flame at Zephyrine. Nang marating ko ang kinaroroonan nila ay biglang lumipad ang phoenix sa isang puno nang patamaan ito nang apoy ni Pyrrhos. Walang malay ang tatlong kasama ko. Tinignan ko ang kabuuan ni Zephyrine. Duguan ang kanyang dibdib dahil sa ginawang pag atake ni Pyrrhos. Napatayo ako at tinapunan ko siya nang masamang tingin. Umaagos ang luha ko, umiiyak na pala ako. Hindi ko matatanggap ang ginawa ni Pyrrhos sa kaybigan ko. Nakahandusay sila sa lupa at nanghihina. Paparusahan siya nang council pag nalaman nila ito.

"Paparusahan ka nang council pag nalaman nila ang ginawa mo" singhal ko sakanya

"As if I care. Why? Your worried that your friends might be in danger? Sana naisip nang council na maaaring may mamatay sa labanang ito bago pa nila ginawa at maaaring ang mga kaybigan mo na yun" parang lahat nang dugo ko ay umakyat sa ulo ko, ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong galit just by the thought of my friends dying.

Ang bilis nang pangyayari, ang tangi ko nalang nakita ay ang lumilipad na tipak ng lupa, hangin, bola nang apoy at tubig na tumama kay Pyrrhos sabay-sabay and I felt that every ounce of power and life in my body was draining then everything went black.

Chapitre suivant